[DAVE'S POV]
12 MONTHS LATER.....
Nakakapagod ang routine ko, ikaw ba namang 6 na lines ng businesses ang pinapatakbo. Nakakasira ng ulo. Pero I know It'll all be worth the effort when the right time comes.
When the right time comes.... Wahahahaha malapit na.
Nakakainis! Nakaka-frustrate at nakaka-excite at the same time.
Excited na kasi akong makita ang reaksyon ng maganda kong misis kapag nakita na niya yung gift ko.
Mejo super expensive yung gift ko at alam kong aawayin niya ako kapag nalaman niya. Very practical kasi si misis ko when it comes to money matters.
Kaya dapat sa ibang businesses ko mang-galing yung pera, yung wala pang record sa kanya dahil magagalit talaga siya sa laki ng perang bibitawan ko.
Ang totoo nagmamadali akong maka-kalap ng 3.5 Million USD. Basta may bibilhin ako hehehe
Extra effort kumita kaya pagod na pagod ako pag-uwi ko sa bahay namin.
Nagi-guilty na nga ako dahil kahit yung mga bata hindi ko na makasama. Tulog na kasi sila kapag dadating ako, kapag weekends naman may inaasikaso pa ako kaya talagang hindi ko narin kinakayang makapagsingit ng time at nagpapahinga nalang ako.
Hindi rin ako pwedeng mashadong magpahalata kay Dianne. Alam ko kung gaano ka-talino yung wifey ko kaya magkaka-clue siya agad kung ano mang balak ko with one wrong move.
Napalingon ako sa picture ni Dianne, Avie at Jayjay sa desk ko. Ang bilis ng panahon malapit na palang mag-two years ang baby boy namin ni Dianne.
"Sir, may dumating pong envelope from Atty. Ramiro" May brown envelope na nilapag si Sam sa desk ko.
"Do we know that person?" Wala kasi akong matandaang kinailangan ko ng lawyer.
"Sir wala pong record satin" sabi ni Sam. I dismissed her after that.
Mas maganda sigurong ako nalang ang makakita kung ano man yung pakay nung lawyer sakin.
"What the?!" Nasabi ko nung nakita ko agad yung header ng paper.
I pressed the intercom. "Sam may meeting pa ba ako today?" I asked her.
"Sir wala na po" sabi ni Sam.
"Ah good, aalis na ako" inalis ko na yung coat at tie ko.
I folded my sleeves at dinala ko yung envelope. Pupuntahan ko si Dianne. I need a really good explanation para sa existence ni Atty. Ramiro at yung declaration of nullity ng kasal namin.
As usual natitigilan ang mga tao sa loob ng hospital kapag dadating ako. Alam na kasi nila ngayon na board member ako ng hospital. Kaya nga ayaw ko nang bumibisita kay Dianne, nahihiya kasi ako minsan. Nakaka-asiwa din yung pakiramdam na para akong hindi normal na tao sa loob ng hospital.
Nagsitayuan yung mga tao sa loob ng station pag-daan ko. Grabe silang makatingin sakin, nakakahiya at nakaka-asiwa.
Walang pasyente na nagiintay sa labas ng office ni Dianne, pumasok nalang ako at dumirecho sa loob.
"Si Doc nasaan?" I asked her secretary. Wala ko sa mood maging friendly lalo pa't nasa bingit ng kamatayan ang kasal ko.
"Nasa loob po Sir" sabi niya.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Dianne. Nagb-browse siya sa laptop niya. Wala siyang lab coat kaya kitang kitang tube top yung dress niya ngayong araw na 'to. Nakaka-wala ng galit makita yung maputi at makinis niyang mga balikat pero dapat galit ako.
"Dianne, ano 'to?" I dropped the envelope at her desk.
"Ah nakita mo na pala, napirmahan mo na?" She took the envelope and checked.
"Dianne, ano bang nangyari sayo, pwede bang pagusapan muna natin yan" frustrated na sabi ko.
"Wow! So ngayon mo gustong mag-usap? Kung kelan ayoko na" sabi niya.
"Ayaw mo nang ano? Dianne naman pwede bang sumagot ka ng maayos" naguguluhan ako sa balak niya sa buhay.
"Wow so you'll just come in here like ikaw pa ang neglected at hindi informed? Nice ah" She closed her laptop.
"Beh teka nga, ano bang kasalanan ko sayo't galit na galit ka sakin? Beh I've been busy working, hindi ako nambabae o nagpapaka-lasing tulad ng iba. I'm not being useless, I was working my ass off para sa inyo ng mga bata" sabi ko.
"Kaya kita hinihiwalayan, para makapag-pakasal na kayo ng trabaho mo" sabi niya.
"Beh naman, just give me a few more weeks, matatapos nako sa ginagawa ko." Onti nalang, ma-aayos ko na yung gift ko at ready to use na.
"I already gave you a solid year, mula noong una kong mapansin yon akala ko magbabago yon akala ko magtitino ka rin, matagal ko nang tinitiis yung pag-balewala mo samin nila Avie at Jayjay" sabi ni Dianne.
"Beh sandali nalang, just give me a little more time, please?" I knelt down in front of her.
"Dave ayaw ko na, kita mo, kung hindi mo ba nakita yan malalaman mo bang may problema na tayo? Hindi ka pa ba nakakahalatang kahit si Avie masama na ang loob sayo?" sabi ni Dianne.
"Why didn't you talk to me? Why didn't you tell me?" I asked her. Nasa iisang kwarto kami natutulog bakit hindi niya ako magawang kausapin.
"Ha! I tried, you were always too damn tired to listen." sabi niya.
Well she has a point. Natutulog nalang kasi ako pagkarating ko.
"Beh I'm really sorry, pero hindi naman solution dun na maghiwalay tayo, papano na yung mga bata?" I asked her.
"Alam mo for the past year yan yung iniisip ko, pero sa dami ng mga event na na-miss mo, naiisip ko rin na kaya naman namin na wala ka" sabi ni Dianne.
Masakit.
"Dave alam mo kaya kong maging mommy, pero ngayon naiisip kong hindi ko na kayang maging wife para sayo. And what's the difference? I've been like a single mother to Avie and Jayjay dahil inuuna mo palagi yung work mo." she continued.
Ang lalim na pala ng sama ng loob nila sakin. And all this time akala ko I was doing the right thing.
"Beh, sorry na, babawi ako sa inyo ng mga bata, just need a little more time" I begged her.
"Why don't you just sign the damn papers? Tapos saka ka mag-inarte kapag alam mo na yung feeling ng hindi ka pinapansin" sabi ni Dianne.
"Beh, please? Wag namang ganito" I tried holding her hands pero iniiwas niya yung mga kamay niya.
"Now you know how it feels like, inintay kita Dave, pinagbigyan kita dahil akala ko babalik ka rin naman agad" sabi niya
"Beh bakit naman kailangan pa nating maghiwalay, hindi mo na ba ako mahal?" Sana naman matigilan siya.
"Hindi na, naubos na habang nasasaktan yung mga bata sayo. You weren't even there noong nag-transfer ako ng bone marrow ko kay Avie so she won't need the transfusions. You weren't there noong recital ni Avie. Nung nagka-sakit si Jayjay at nadala siya sa hospital, nasaan ka nun?"
"Dianne I----" she cut me off.
"I'm sorry nanaman? Nakaka-rindi Dave, tama na. Dave kung hindi mo pipirmahan yan aalis kami ng mga bata mamaya sa bahay mo" Sa bahay ko. That sounds lonely.
"Dianne please don't leave" I begged her.
"Pirmahan mo na, tanggap ko nang wala ka na sa buhay namin habang nakikita kong hinahanap ni Jayjay ang daddy niya pero wala ka sa hospital dahil you were at some business meeting at hindi ka pwedeng istorbohin" Maling mali ako, wala akong kwentang daddy.
Wala akong kwentang asawa.
Wala akong kwentang tao.
Tsk.
I lost them. Kaya pala si 'mommy' palagi imik ni Avie at Jayjay.
Kasi daddy wasn't there.
I lost them. Gago kasi ako eh kung ano anong inaatupag.
Inabotan ako ni Dianne ng signpen.
"If I sign this, hindi kayo aalis ng bahay?" She nodded.
"Ayaw ko rin naman na mas madepress si Avie. This is just between us kaya hindi na sila dapat madamay" sabi ni Dianne.
I signed. If that's the only way to keep her..
Babawi ako sa mag-ina ko.
Dapat mabawi ko sila.