[iMessage]
Daddy
May 6, 3:19 p.m.
Marty
Daddyyyy
Daddy
?
Marty
I love you hehe
Daddy
Bakit?
Marty
😙😙
Daddy
Ano kelangan mo?
Marty
Mag ddate kami ng boypren ko mamaya
Daddy
Ganon?
Marty
Oo
Payag ka ha?
Daddy
Bawal
Exam week mo diba?
Marty
Tapos na last exam ko kanina
Pwede na ako makipagdate kay bee
Daddy
Hindi
Bawal
Marty
Pwede 😤
Nag i love you na ako
Payag ka na
Daddy
Ganon?
Marty
Oo
Daddy
Palaging may kapalit mga i love you niyo ng ate mo ha buti pa si ulysses
Marty
Di naman nagsasabi si uly ng ganyan
Di ka naman si isobel
Daddy
Ano ba namang mga anak to
Parang di pamilya
Marty
Sige na payag ka na
Date kami ni bee mamaya hehe
Di ako makakasabay ng dinner
Date na lang din kayo ni mommy
Daddy
Ok
Marty
Yay ty!
Daddy
Naisahan na naman ako eh
Marty
🧠
Daddy
🤨
Marty
😋
Daddy
Galing mo talaga eh no?
Marty
Oo mana sayo hehe 😉
Daddy
🤨
[Messenger]
Harleeey
3:51 p.m.
Marty
Bee
San ka na?
Susundo mo ba ako?
Harley
Oo, sundo
Lapit na po
Marty
Bilisan mo please
Gutom na ako 🤧
Harley
Anong gusto ng prinsesa
Try ko dumaan sa drive thru
Marty
Wag na
Gusto ko sabay tayo kakain 😔
Harley
E gutom ka na diba?
Ano gusto mo?
Marty
Sabi ko nga sabay tayo kakain eh 😡
Edi sana di na lang nag date
Ano ba namang boypren to
Harley
Ay hahahaha okay okay
Sige na, sasabay na
Marty
Bilisan mo pumunta dito
Harley
Ito na po
Marty
Dalhin mo si ambee!
Harley
Nasa sasakyan na
Marty
Tingin!
Harley
Harley sent a photo.
Marty
Cutie ni ambee
Harley
Nandun din ako bee
Marty
Mamaya na yung iyo kapag nakarating ka na dito. Si ambee lang muna cute ngayon
Harley
Ganon? 😔
Marty
Di mo ko madadaan sa ganyan
Harley
Okay
Harley sent a photo.
Marty
TUMIGIL KA HARLEY
Harley
Hahahahahahaha
Marty
Ang kupad mo wala ka nang kiss
Harley
Hala?
Marty
Tanda ka talaga bagal bagal mo
Harley
Bee naman
Papunta na nga ako eh
Marty
WALA
KANG
KISS
Harley
:(
[Twitter]
🐝🔒 @martea
😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤😤
🐝🔒 @martea
Tama bang magsend siya ng picture nila ni ambee tapos medyo pipit pa pisngi niya dun kasi ang higpit ng yakap niya sa bubuyog? Naka close eyes pa tapos nakangiti?
🐝🔒 @martea
NAKAKAINIS 😤
🐝🔒 @martea
.......ang cute 😭
[Instagram]
Liked by maddieimperial and 219 others
harleydeleon 🐝🩵💛
chigoimperial Tama na yang date na yan gabi na umuwi na kayo
| clarissamartiana @chigoimperial Tama na rin yang date niyo ni mommy umuwi na kayo
| chigoimperial @clarissamartiana Aba? 🤨
| clarissamartiana @chigoimperial 🤨🤨🤨
[Twitter]
Winnie @winonaeliza
Tama yan tito pauwiin na yang mga yan palagi na lang nilalanggam sa tl ko kaumay
| Marty @clarissamartiana replied:
😛