Faithfully Kept (FK Series #...

By HYLover

1.1K 106 0

If there's anything that Beatrize Garcia wants in life is to accomplish her goals. Living in a poor life lets... More

Faithfully Kept
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23

Kabanata 6

30 5 0
By HYLover

Bata pa lang ako ay pinangarap ko na ang makatira sa magandang bahay, kaya sa tuwing nakakadalaw ako sa mga kaklase kong malaki at maganda ang bahay ay iniisip ko na balang araw magkakaroon din kami ng ganoon, pero maagang binawian ng buhay si Papa kaya hindi man lang niya naranasan iyon. Pinangako ko pa naman na balang araw makakaranas kaming makatira sa ganoong klaseng bahay. Madalas dati kung kani-kanino na lang kami nakikituloy sa kamag-anak namin. Nag-re-renta lang kasi kami tapos kapag hindi kaya titira kami sa bahay ng Tita o Tita namin. Ngayon tumagal kami manirahan sa apartment ni Tita.

Napatingin ako kay Benny na mahimbing ang tulog. Nagluto naman ako ng sinigang na bangus. Sabay kaming kumain ni Benny. Naghatid pa ako ng pagkain kila Tita sa taas.

Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon nga ay Sabado at makakapagpahinga ako. Kaya nilaan ko ang oras ko sa paglinis ng bahay at pagtulog sa hapon. Madalas akong tine-text ni Yael, pero hindi ko naman nag-re-reply. Nag-send pa nga ito ng pang-load ko pero ayoko talaga siya munang kausapin.

Sa mga nangyari sa nakalipas na araw, napag-isipan ko na lang ibalik kay Chezka ang pera. Hindi ko pa naman iyon napapa-en cash. Iniisip ko kasi baka magamit ko kapag emergency. Nakatago pa rin siya hanggang ngayon.

Pagkapasok ko sa room ay wala pa si Clea. Himala, ako pala ang nauna. Maya maya ay dumating na rin siya kaya nginitian ko siya. Natapos na namin nakaraan pa iyong project namin. Hindi mapaglagyan ang tuwa ni Clea nang makitang may sagot sa surveys si Lander. Sabi niya pa ay mas na-inspire raw siya mag-sipag.

Mamaya nga sa trabaho ko ay naisipan niya rin akong dalawin.

"Papayagan ka ba no'n?" Tanong ko nang kumakain kami ng lunch.

"I can find ways," sagot niya. Naikuwento niya kasing sobrang strikta ng mga magulang niya kaya hindi siya madalas na nakakalabas.

"Papasama na lang ako kay Storm," aniya.

Lumawak ang ngiti ko. "Mukhang nagkakamabutihan na kayo, ah."

"What? No! That won't happen."

Hindi ko na lang binanggit iyong sinabi sa akin ni Storm na mahal niya raw si Clea. Buhay naman nila iyan, at wala akong karapatang mangialam.

"Pakilala mo ako ro'n kay Yael. Iyong crush mo na lagi mong kinukuwento."

"Huh? Anong crush? Hindi, 'no! Hindi ko siya crush!" Pagtatanggi ko pa. Hindi naman, eh! Sa totoo lang, medyo crush lang naman.

"I know you like him, Bea."

"Hindi nga kasi. Kulit mo." Nagpatuloy akong kumain.

Nakakainis. Mas lalo ko tuloy inisip si Yael.

Nang nasa trabaho na ay abala ako sa pag-se-serve ng drinks. Dahil ilang araw na ako rito naging pamilyar na rin ako sa anong klase iyong inumin nila.

Namataan ko naman si Clea na kumakaway pa. Kasama niya nga si Storm sa tabi niya. Lumapit naman ako sa kanila.

"Uy!" Bati ko.

Napataas ang kilay ni Clea sa paldang suot ko. "Ba't ang iksi niyan?"

"Ganyan talaga rito," sagot ko.

"Hindi naman ganyan sa iba," kumento niya habang nakatingin sa ibang waitress.

"Kailangan ko raw gawin, eh."

"Who's your manager? I'll talk to them."

"Naku, Clea huwag na! Baliw ka diyan. Ayos lang. Sanay na ako sa ganitong suot. Ilang linggo na rin ako nag-ta-trabaho rito."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Oo. Kaya enjoy kayo diyan, ha."

"Okay. Saan si Yael?"

"Wala 'yon ngayon."

Napanguso siya. "I wanna meet him."

"Bakit gusto mo makilala 'yon?" Tanong ni Storm sa tabi niya.

"Wala lang. He's close with Lander."

"Lander na naman." Reklamo pa ni Storm.

Pinandilatan ko ng mata ko si Storm.

"Ano? Galit ka pa rin sa 'kin?"

"Ingatan mo 'yan, ha. Sasapakin talaga kita. Sinasabi ko sa'yo."

Natawa siya. "Tapang mo naman."

"Oh bakit? Kaya kitang patumbahin kaya umayos ka!"

"Nakakatakot ka na," ani Storm. Hinampas ko sa braso. "Akala mo naman kaya mo."

"Ayusin mo."

Nauna na akong nagpaalam sa kanila dahil may gagawin pa ako. Makalaan ang ilang oras nag-chat sa akin si Clea na kailangan na raw nila umuwi. Minasahe ko pa ang likod ko dahil sa pagod. Mabilis akong nagbihis.

"Oh, saan jowa mo?" Tanong ni Angelica nang makalabas kami.

"Huh? Wala akong jowa. Sira ka!"

"Si Yael, hindi mo ba jowa 'yon? Lagi ka ngang sinusundo."

"Baliw, hindi! Friends kami."

"Friends amputa." Nilabas niya ang sigarilyo niya tsaka nagsindi.

"Alam mo mukhang gusto ka rin naman no'n ni Yael kaya ano pang hinihintay mo? Gusto mo rin naman siya."

"Ewan ko sa'yo! Kung anu ano pinagsasabi mo."

Natawa siya. "Kasi tama ako." Napahinto kami pareho nang makitang may lalaking nakasandal sa kotse niya. Napaawang anh labi ko nang makita si Yael iyon.

"Yan na pala, eh." Turo niya kay Yael. "Sana all may dilig."

"Hoy!" Hinampas ko siya kaya pareho kaming tumawa. Nauna na siya kaya naglakad ako papalapit kay Yael.

"Anong ginagawa mo rito?" Masungit kong tanong.

"Are you avoiding me?" Tingnan mo 'to, imbes na sagutin ang tanong ko, tinanong din ako.

"Ako unang nagtanong."

"Sinundo kita. Okay na?"

Napairap ako.

"Now, answer me. Why are you not replying to my texts?"

"Huh? Bakit? Required ba akong mag-reply sa'yo? Jowa ba kita?

Mahina siyang tumawa. "Hindi nga, pero naghihintay ako."

"Ano ka? Importante ka ba para makasingit sa schedule ko?" Pagsusungit ko pa rin.

"Ah, hindi pala ako importante." May pagtatampo ang tinig nito.

Umangat ang kilay ko. "Hindi bagay."

"Saan ako bagay?"

"Ang landi mo."

"Bakit? Effective ba?" Panunuya niya.

"Asa ka naman diyan!"

"Let's eat somewhere." Pag-iiba niya ng usapan.

"Ayoko nga!"

"I'll treat you to dinner."

"Ano 'to? Date?"

Ngumiti siya nang malawak. "Friendly date?"

"Okay."

Pumasok ako sa loob ng passenger's seat at sinubukang ikabit ang seat belt ko kasi hindi ko mapasok. Nagulat na lang ako nang lumapit si Yael para tulungan ako. Napalunok ako nang mariin nang sobrang lapit niya. Naamoy ko tuloy ang hininga niya. Ang bango! Pati pabango niya. Nagkatinginan kami. Halos dalawang segundo yatang walang bumitaw sa tingin namin. Ako na umiwas. Napaubo pa ako.

"Do you eat sushi?"

"Sakto lang," sagot ko na lang. Hindi pa naman ako nakakain no'n.

"You'll love it."

Hindi na lang ako umimik. Nakarating naman kami sa bukas 24/7 na paborito niyang Japanese restau. Halos malula na naman ako sa presyo ng mga pagkain sa menu.

"What's your order?"

"Kung ano na lang order mo."

"Really? Baka may magustuhan ka pang iba."

"Iyong sa'yo na nga lang."

Nang dumating ang waiter ay pinakinggan ko lang siyang nag-o-order. Ibang iba talaga ang mundo namin pareho. Sinasampal ako ng realidad na tigilan na ang kahibangan ko.

Tahimik akong kumakain. Kada tanong niya, tipid lang ang sagot ko. Tinanong niya pa kung gusto ko iyong pagkain, tango lang din ang sinagot ko sa kanya.

Nang makalabas ay nasa kotse kami at hindi pa siya nagsimulang nagmaneho.

"What did I do?" Malumanay niyang tanong. Ayan na naman siya sa tinig niyang 'yan! Nakakainis. Libo libong paru paro na naman ang lumilipad sa tiyan ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Lumapit pa siya sa akin. Naestatwa ako nang naramdaman kong nilapit niya ang mukha ko sa kanya.

"May problema ba?"

"Wala," sagot ko.

"Okay naman tayo kanina, ah. Tell me, what happened? I'll listen."

"Wala nga. Kulit mo."

"Then why are you being silent like this? I'm wondering what I did wrong. Tell me. Hindi ako manghuhula."

"Wala. Promise."

Malalim siyang bumuntong hininga siya.

"Ilan na ba naging girlfriend mo?" Tanong ko. Kasi alam kong tatratuhin niya nang maayos ang susunod na girlfriend niya. Maalaga si Yael, mabait. Base iyon sa pinapakita niya. Inaalis ko na lang sa isip ko iyong sinabi ni Chezka sa akin.

"Ba't mo natanong?"

"Alam mo hilig mong magtanong sa tanong ko. Lag ka ba minsan?" Tanong ko para mawala iyong tensyon sa pagitan namin.

Tumawa siya. Labas na naman iyong pantay at mapuputing ngipin niya. "Sorry. Well, to answer that, I only had two girlfriend."

"Mga babae mo?"

"Flings, you mean? Madami."

"Madami ba na halos hindi mo na mabilang?" Pagtataray ko.

"Probably," sagot niya.

"Proud ka pa niyan?"

"No. But I won't deny that. I liked sleeping with girls."

"Bastos!"

"I'm being honest with you. Consensual naman lahat ng 'yon. They know I'm also not ready to commit in a serious relationship."

"Na-broken ka ba dati?"

"Yeah. My first girlfriend cheated on me."

"Deserve."

"Hey! I was serious with her. I even had the thought to marry her."

"Matagal ba kayo?"

"Yeah. Two years. First serious relationship. The second one wasn't. It only lasted two months. She would always nag on me, and would accuse me of cheating. Sobrang toxic kaya hinawalayan ko."

"Kaya okay lang madami kang babae, ganoon ba iyon?"

"It's not like that. Most women I bed with also were on the same page as me. We just all wanna have fun," pagpapaliwanag niya.

"Fun ba 'yon? Paano kapag talagang tuluyang na-fall na sila sa'yo?"

"They know my rules. One night stand is only for night. Nothing than that."

Sumeryeso ang tingin niya.

"How about you?"

"Ano?"

"How many exes have you had?"

"Ako? Wala 'no! Hindi ako nagkaroon ng ka-relasyon."

"Bakit?"

"Wala akong natipuhan. Saka masyado akong busy para sa ganoong bagay. Ang dami ko nang problema, dadagdag pa iyon."

"Is that so? I bet a lot of men had asked you to date them."

"Oo. Masyado kasi akong maganda." Pagyayabang ko pa.

"Oo naman. Ang ganda mo."

Napaiwas ako ng tingin. Nabalot na naman kami muli ng katahimikan.

"I was busy the last week that's why I only came now." Pagbasag niya sa katahimikan.

Nagsimula na rin siyang magmaneho.

"Hindi ko naman tinatanong."

"Sigurado ka? Baka hinahanap mo ako?"

"Ang feeling mo."

Humagalpak siya ng tawa. "I really wanted to spend more time with you."

"Masyado ka namang swerte para sa oras ko sa'yo."

"Yeah. Thank you for the honor, Ma'am." Pagbibiro niya rin.

Nang makarating sa madalas niyang binabaan sa akin ay nagpaalam na ako sa kanya.

"Mag-reply ka," utos niya.

"Sino ka ba?"

"Special friend," sagot niya.

"Sabi mo, eh." Nauna na akong maglakad. Alam kong ikakasira ko ito, pero ayoko pang umalis sa buhay niya. Ngunit papaano nga kung mas lumalalim itong nararamdaman ko? Paano ako makakaahon? Mas mabuting putulin ko na kaysa mas mahirapan ako.

Kinabukasan ay maaga pa rin akong nagising dahil sa pasok ko. Pero, nagsabi sa akin si Tita na hindi niya raw mahahatid si Benny dahil may lakad daw ito. Nag-chat na lang ako Clea na mali-late ako sa klase namin.

"Bilisan mo na, Benny," utos sa kanya. Naliligo pa rin siya. Plinantsa ko na iyong uniform niya at sinuot naman niya iyon.

"Wala Tita?"

"Wala. Ako maghahatid sa'yo."

Hindi siya sumagot at nagsimula ng magsapatos.

Nagbihis na rin ako ng uniform. Napansin kong humahaba na pala ang buhok ko nang magsuklay ako. Hindi ako sanay na mahaba ang buhok ko kaya kapag alam kong humahaba na ay nagpapaggupit kaagad ako. Baka sa susunod na linggo na lang.

Sumakay na kami sa tricycle nang pumara kami. Mabilis naman ang byahe. Kumaway si Benny sa akin nang magpaalam siya, at pumasok na sa loob.

Nagmadali naman akong maglakad patungo sa sakayan ng jeep. Dalawang sakay pa ako tuloy. Habang naglalakad ay napansin kong may humintong sasakyan sa gilid ko. Narinig kong bumisina ito kaya napalingon ako. Binaba nito ang bintana. Bumungad sa akin si Mac na nakangiti sa akin.

"Sakay ka na, Bea." Ani Mac.

"Hala, huwag na."

"Sakay na. Hatid kita."

Tumango na lang ako at sumakay sa loob.

"Papasok ka na?"

"Oo."

"Sakto. Dadaanan ko rin si Lander."

"May lakad kayo?"

"Oo, nagpapasama siya, eh."

"Oh okay."

"Sinabi na pala sa amin ni Yael na hindi sila totoong magka-relasyon ni Jenny."

Napalingon ako sa kanya. "Kailan lang?"

"Last week, I guess. Noong pumunta ka sa bahay nila. Akala ko kasi nagloloko ang gago, eh. Just so you know, we don't tolerate cheaters. Hindi lang halata pero loyal kami lahat."

Pagak akong tumawa. "Loyal niyo mukha niyo."

"Seryoso. Kapag nagmahal kami, stick to one lang kami."

"Ah talaga? Kaya pala dami niyong babae. Iyon pala meaning sa inyo ng "stick to one?"

"Alam mo ang saya mo pala kausap."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano ako clown?"

"Hindi. Joke lang, eh."

Hindi na ako nagsalita pa. Nang mag-traffic ay kinuha niya ang telepono niya at may tinawagan na kung sino.

"Gago. Hinatid ko nga lang. Gagalit ka diyan."

["Siguraduhin mo lang. Tangina mo. Ayusin mo."]

"Oo na. Ang O.A mo."

Binaba niya ang telepono niya kaya napatingin siya sa akin.

"Si Yael," aniya.

"Hindi ko naman tinatanong."

Nagpasalamat na ako sa kanya nang makarating sa school. Pagkapasok sa klase ay iyong normal na araw lang naman. Nag-review kami ni Clea para sa long exam namin sa susunod na araw. Mabuti na lang at pareho kaming masipag ni Clea. Pareho kaming may goal sa buhay. Ang sabi niya ay hindi siya puwedeng bumagsak dahil madaming nakamata sa kanya. Ang hirap din ng sitwasyon niya dahil sa pressure sa paligid niya. Naisip ko lang na kahit iyong mayamang tao katulad ni Clea ay mas malalim din pala ang pinagdadaanan sa buhay.

Nang makauwi ay dating gawi pa rin. Nagbihis na ako para dumiretso sa trabaho ko.

Hindi pa ako natatapos mag-ayos nang tumunog ang telepeno ko kaya sinilip ko iyon.

Chezka:
What's the update?

Bea:
Sorry busy lang.
Okay naman siya.
Wala na siyang girlfriend.

Chezka:
Really? That fast? He broke up with a woman already?
I told you that's how playboy he is!

Hindi naman siya ganoon. Gusto ko sanang sabihin. Hindi niya alam kung gaano ka bait si Yael bilang kaibigan at kuya. Hindi niya alam na maloko at mapagbiro rin si Yael. Hindi niya alam na maalaga siya sa taong nasa paligid niya.

Bea:
Puwede ka bang makausap?

Chezka:
Sure. How about next week?
I'll be busy with my shoots.
I also want you to tell me in person how it's going with him.
I can't wait for him to get hurt in pieces!

Bea:
Sige.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam pero ang tamlay ko tuloy sa trabaho ko. Mabuti na lang naging abala ako kahit papaano, at hindi ko muna iniisip si Yael.

Pagkatapos kong hinatid ang inumin ay nabigla ako nang may matandang hinatak ako sa kandungan niya.

"Ang bango mo." Halos idikit niya pa ang labi niya sa leeg niya. Umiwas ako. Nagpumiglas ako at sinubukang umalis.

"Sir, una na po ako." Pinilit kong tumayo.

"Magkano ka ba?" Insulto niyang tanong. Kinuyom ko nang mariin ang kamay ko.

"Hindi po ako bayarin." Tinulak ko siya nang malakas.

"Aba! Putangina!"

Napaatras ako ng sinampal niya ako.

"Hindi ako tinatanggihan dito. Sino ka bang babae ka?"

Napaiyak ako sa sakit ng pagkasampal niya sa akin. Nang dumaan si Jelaine ay sumenyas siya sa akin umalis.

"Sir, ako na lang. Ano ba gusto mo?" Narinig ko pa si Jelaine.

Dumiretso ako sa rest room para ikalma ang sarili. Naghilamos naman ako ng mukha. Habang tinitingnan ang sarili sa salamin ay kita ko pa rin ang pamumula ng mga mata ko.

"Patibayan talaga rito." Napalingon ako kay Sandra, isa rin sa mga kasama ko.

"Dapat inasahan mo na 'to dahil nag tatrabaho ka sa bar. Madaming gago at manyak dito."

"Gusto ko lang naman mag-trabaho." Pinunasan ko ang mukha ko ng tissue. Nauna akong umalis sa kanya.

Pinilit kong tatagan ang loob ko dahil kailangan ko ng pera. Iniisip ko na lang na lilipas din ang ganito. Tsaka, sanay na naman ako sa ganitong senaryo. Bata pa pa lang alam ko na sumpa rin itong kagandahan ko. Madaming nagsasabi iyong mga mata ko raw ay nang-aakit ng kalalakihan.

Noong senior high school ako ay gustong gusto ko na maka-graduate dahil sa nangyari dati. Kung anu ano ang ipinagkalat ng mga kaklase ko. Na kesyo nilalandi ko raw ang mga jowa nila. Na bayaring babae raw ako. Kung alam lang nila ang paghihirap ko.

"Got a problem?" Napalingon ako sa baritonong boses ng lalaki. Nagsisigarilyo ito. Naka-ayos ang buhok nito. Pormal din ang suot.

"Bakit ka nagsisigarilyo?"

Napataas ang sulok ng labi nito. Bumuga ito ng usok sa kanyang sigarilyo.

"It's my way of coping up," sagot nito. Napatitig ako sa sigarilyo niya. Ano kayang pakiramdam no'n?

"You wanna try?"

"Puwede ba?"

Tumango siya. Iniabot niya sa akin ang sigarilyo kaya kinuha ko iyon gamit ang daliri ko.

"Try it," sabi niya. Ginaya ko lang ang ginawa niya. Halos masuka ako ng nahigop ko iyong usok. Shet! Ayoko na! Natawa siya sa reaksyon ko.

"Ayoko na!"

"Good. Don't try this. I only allowed you because you seemed curious."

"Hindi ko na susubukan 'yan uli!" Sigaw ko. Nakakainis. Bakit ko ba naisip 'yon?

Humalakhak siya. "Yeah. It's best not to try this."

Tinawag na ako ni Angelica kaya tumayo na ako.

"Bye!" Paalam ko sa kanya kahit hindi naman kami close.

Nang matapos ang trabaho ay umuwi akong pagod. Mabuti na lag ay nakatulog kaagad ako.

Kinabukasan ay inulan ako ng texts ni Yael. Hindi pa rin ako nag-re-reply sa kanya.

Yael:
Kamusta?

Yael:
Kumain ka na ba?

Yael:
Always take care.

Umirap na lang ako sa kawalan. Pinagluto ko uli si Benny ng apritada na paborito niya. Bumili rin ako ng softdrinks para mas ma-enjoy namin. Nagsabi sa akin si Benny na may PTA meeting sa Sabado.

"Syempre pupunta ako," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman daw kailangan."

"Ano ka ba! Meeting iyon. Syempre required."

"Baka busy ka," mahina lang ang pagkasabi niya no'n.

"Sabado naman 'yon. Wala akong klase."

Nang Sabado na ay umattend ako ng meeting sa school ni Benny ng alas dyes ng umaga. Mabilis lang naman 'yon. Balak ko sanang bumili ng ibang coloring materials para sa school kaya dumiretso ako sa mall. Nag-text pa nga si Yael kung nasaan daw ako.

Ako:
Bakit? Pupuntahan mo ba ako?

Yael:
Yes. Kahit saan pa 'yan. Susundan kita.

Ako:
Sm north.

Yael:
Okay. Otw.

Nanlaki ang mata ko. Sigurado ba siya? Ang lakas ng trip naman no'n.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahanap ng mga art materials. Tumunog ang telepeno ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa. Sinagot ko iyon nang makitang tumatawag.

"Hello. Bakit?"

["I'm here. Where are you?"]

Napahiyaw ako sa gulat.

"Seryoso ka ba?"

["Yeah. Where are you?"] Pag-uulit niya.

Binaba ko ang tawag saka tinext sa kanya kung nasaan ako. Nasa pila ako sa cashier nang makita niya ako. Magbabayad na sana ako nang bigla siyang lumapit saka tinabig ang kamay ko.

"Hoy!" Angil ko sa kanya. Naglabas siya ng one thousand peso bill sa wallet at nagbayad.

"Siraulo ka talaga!" Reklamo ko. Siya pa nagbitbit ng mga dala ko.

"I'm hungry. Let's eat."

Tingnan mo 'to, parang hindi ako naririnig. Ngumuso ako sa kanya. Lumingon siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. Inis kong tinanggal ang kamay niya.

"Sungit," aniya.

Napakagat labi ako. Naglakad na kami at naghanap ng makakainan. Habang naglalakad ay napahinto ako nang may nakasalubong akong pamilyar na babae.

"Bea! Oh. It's you! Long time no see!"

Napahinto kami pareho ni Yael.

"Tara na, Yael," sabi ko sa kanya.

"How rude of you. Kinakausap pa kita," untag ng babae sa harap ko. Napatingin pa siya kay Yael.

"Alam niya bang pokpok ka?"

Napapikit ako sa sinabi ni Erika. Classmate ko siya noong Senior High. Ayoko ng gulo kaya sinabi ko uli kay Yael na umalis na kami.

"What did you say?" Humakbang si Yael papunta kay Erika. "Never speak ill of her again. Do you understand me?"

"What? Sino ka ba?!"

"Let's go." Hinawakan ni Yael ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay naming maghawak.

Delikado na talaga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
7M 141K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
29.3M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...