Hatid-Sundo (To Be PUBLISHED)

By runesaito

31.9K 694 66

Ano ba ang tingin nyo sa BOKU NO PIKO? Hindi ba't isang simpleng Manga tulad ng iba? Maraming Anime Lover ang... More

Pagpapakilala
Unang pagkilala
Sinehan
Bahay ni Jestoni Alcala
Tunay kong pamilya
First day with Nathan Jonnes
Ang CD ni Jes? It's a TRAP
Ang Sandwitch
Sing for Him
Confessions
Si Nathan
Di na mababawi
Chapter 11 & 12
Love or Lust
Ang nararmdaman ng magkapatid
Pag-amin sa kaganapan
White Deer
Bakit ako pa? (Nephrite)
paghaharap
Chapter 21 & 22
You're Trying too Hard
Pagka-awa
One place three cases
Ang muling pagkikita
Maghihintay Ako
Another Hatid-Sundo 01
Another Hatid-Sund 02
Kakaibang Pakiramdam
Pagbabalik ng Ala-ala
Si Jerwin at ang kanyang nakaraan
Kami lamang ngayon(till it happened to you)
Elo
Pampublikong Tren
Walang Kwentang Palabas (Paalam Mafia)
Bahay ng Pusa
Ang Alamat at si Mico
Bakit pa?
Nathan Sees
3 Years Ago
General Fiction
Ang taong iyong Sandigan
This Ending

Future Holds (Blue Tear Gem)

500 10 0
By runesaito

Hatid-Sundo

-18 How to Love

Future Holds (Asul na bato)

Alien's PoV

Ilang segundo.

Ilang segundo rin kaming nanghintay sa pagdating ng usa pero tulad kay James hindi ito nagpakita at upang hindi mapahiya ay agad kong niyakap si Ryan.

"Anong.." inis na si James ng sabihin niya iyon alam kong iniisip niyang nakita namin ang usa pero ang totoo'y wala.. wala kaming usang nakita.

Wala kahit anino man lang noon. Naiiyak ako. Gusto kong umiyak dahil hindi ko makita ang usa kasama si Ryan. Ibig-sabihin hindi kaming dalawa ang para sa isa't-isa. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, naiiyak na ako. Niyakap ko lang si Ryan hanggang sa bigla na lang umulan at nagsitakbuhan kaming lahat papunta sa malapit na kuweba.

Hawak niya ang kamay ko ng sumilong kami sa isang malaking puno.

"Pasensiya na kayo sa panahon ngayon. Paiba-iba na ang panahon pero mamaya mawawala rin yan." Sabi noong tour guide.

"Okay lang." Sabi naman ni sir Matt at lahat kami'y naupo lang doon. Kinuha naman ako ni Nathan sandali at may tinanong.

"Nakita nyo ba talaga yung usa?" tanong niya sa akin sa russian language. Ewan ko ba pero natutunan na talaga namin ang lengwaheng iyon dahil kay papa.

"Oo naman." Pagsisinungalin ko na pinaniwalaan niya. Ngumiti siya sa akin.

"I'm Happy for you." Sabi pa niya at tumango ako.

Kasunod na lumapit sa akin ay si sir Matt at inabutan ako ng ham and egg sandwitch. Iniulwat ko pa ang ulo ko para lang makita ko mula sa katangkaran ni sir ang mga kasamahan namin na kumakain na kahit si James kumakain na rin. Siguro sa sobrang inis niya nagawa na lang niyang kumain at tapunan paminsan-minsan ng masasamang tingin si Ryan.

Samantalang ang mahal ko naman ay nakangiti subalit sa loob niya'y katulad ko rin, nasasaktan dahil hindi namin nakita ang usa.

"Hindi mo kailangang maglihim sa akin Noel McGeorge. Alam kong nagsisinungaling ka sa sinabi mo kanina." Bulong iyon ni sir sa akin na may halong pangungutya at tila nasisiyahan siya sa nangyayari ngayon.

Ngumiti lang ako ng pilit. Hindi ko din naman alam kung anong trip nitong si sir.

Oh boy, kung alam ko lang na ganito siya magiging kakulit hindi ko na lang sana siya niyayang sumama. Dre alam mo yung akala ko may something na nangyari sa pagitan nila ni Nathan tapos biglaang close na close sina Nathan at Jestoni. Nakakapagpaasa lang talaga.

"Sir, may ginawa ba kayo sa kapatid ko kaya ang laki ng galit niya sa inyo nitong nakaraan?" tanong ko sa kaniya habang siya'y nagsisindi ng sigarilyo. Tiningnan ko yung sigarilyo at parang iyon pa ang naintindihan niya kesa sa tanong ko ngayon-ngayon lang.

"Ito ba? Lalaki rin ako kaya ako naninigariliyo." Napailing na lang ako sa sinabing iyon ni Sir at tumingin sa harapan ko. Hindi ko naman pinaghihinalaan ang kasarian niya, pero kung iisiping mabuti, bakla ang pakilala ng kapatid kosa kanila kaya madali lang isipin para sa kaniyang iyon ang ibig kong sabihin sa pagtingin ko lang sa sigarilyo niya.

Bumubuhos pa rin ang ulan. Hindi naman kalakasan pero mababasa naman kami kapag lumabas kami. Mula sa kinatatayuan namin ni sir kita din yung batuhan at nasa gilid namin yung daanan kung saan daw magpapakita yung usa.

"Masasabi kong meron nga pero hindi mo na kailangang malaman Noel. Malaki lang talaga ang galit niya sa akin pero sa makikita mo naman, tapos na ang lahat ng iyon. May bagong tao ng nagpapasaya sa kaniya." Napatingin ulit ako sa kaniya ng sabihin niya iyon.

Merong lihim sa mga salitang iyon na hindi ko maisip ang ang kahulugan.

"Oh Boy. Kayo talagang mga lalaki para kayong abno." Bahagya siyang natawa doon at napatingin ang lahat sa amin.

"Bakit? Hindi ka ba lalaki?" natatawang tanong niya na parang nang-aasar lang kaya namula ng pisngi ko. Tama nga siya sa tanong niya, bakit nga ba sinabi kong "kayong mga lalaki"? gayong lalaki rin naman ako?

Pare, aniyare sa'kin?

"Aniyare?" pa-girl na sabi ni Nathan na siyang nagpawala sa iniisip ko.

"W-Walahahaha.." magkasunod pa talaga yung pagsagot at pagtawa ni sir. Ang lakas lang ng trip. Napataas lang tuloy ang kilay ni Nathan at saka parang may pumasok sa isip niya.

"HOY! Kung may binabalak ka sa kapatid ko.." Hindi na naituloy ni Nathan ang sasabihin niya dahil inihara na ni sir ang kamay niya sa mismong mukha ni Nathan habang ang isa ay nakahawak sa tiyan niya at pinipigilan ang lubusang tumawa.

Nang makarecover na siya ay hinarap niya ng seryoso si Nathan. Para namang kinabahan ang kapatid ko samantalang kaming lahat ay curious na curious na maliban lang kay Jestoni na parang naasar sa pangyayairng ito.

"Iisang tao lang ang pinaglaanan ko ng ganoon." Seryosong sabi ni sir na siyang nagpamula sa mukha ng kapatid ko at agad napaghikit ni Jestoni kay Nathan.

"Samahan mo ako, naiihi ako." Tumindi pa ang pamumula ni Nathan pero hindi na siya nakaangal dahil nahihikit na siya ni Jestoni palayo sa aming lahat.

Ambon na lang naman ang patak ng ulan ngayon at nakajacket ang mga kasama ko kaya okay lang sa kanila na medyo mabasa.

"Soooo.. anong meron?" tanong ko kaagad ng makalayo sila at ngumiti lang si sir at humithit muli ng sigarliyo.

Ayaw niyang sabihin? Sige hindi naman ako mapilit na tao. Gayon pa man, gusto kong malaman.

Kinagat ko na lang yung sandwitch at bumalik na sa paglalaro ng cellphone niya si James samantalang si Ryan ay nakatingin sa kawalan hawak pa rin ang tinapay niya kanina. Kumain lang ako hanggang sa mawala na ng tuluyan ang ulan at hinayaan na akong lumabas ng tour guide. Sa medyo malayo kami nagcamp para kapag umulan ulit hindi kami aabutin ng baha.

Naupo muli ako sa batong iyon. Umaasa at nagbabakasakaling makikita ko ang usa. Sa pagkakataong ito, ako na ang nasa kanan at bakante ang kaliwa kung saan ako nakaupo kanina. Tumingala ako at may pumatak sa mata ko na tubig mula sa isang dahon. Kumurap ako para mawala ang sakit pero sumasakit talaga. Kukusutin ko na sana pero may kamay na pumigil sa akin.

"Huwag mong kukusutin." Malmbing ang tinig na iyon ni Jestoni at parang hindi na naapektuhan ng pangyayari kanina. Lumingon ako sa kaniya pero hindi ko siya tinitingnan. "Dahan-dahan mong imulat." Sabi pa niya at ginawa ko naman bahagya akong nagulat ng may tubig din na pumatak sa mata ko pero nawala na ang sakit di tulad ng kanina.

"Salamat." Sabi ko lang at kumurap akong muli.

"Mag-iingat ka na sa susunod ha. Baka maimpeksyon ka pa. Eto oh, isuot mo muna." Inilagay niya sa mata ko ang salamin niya at may napansin ako sa kaniya.

"Bagay pala sa'yo ang black eh." Nagtaka siya sa sinabi ko pero ginulo ko lang ang buhok niya at saka lang siya napangiti.

"Ngayon mo lang napansin? Ito talaga ang kulay ng buhok ko." Di makapaniwala niyang sabi at medyo napapailing pang parang di makapaniwalang nalimutan ko ang kulay ng buhok niya. Tiningnan ko lang naman siya ng masama at doon na kami nagtawanan ng malakas.

Ilang minuto din siguro kaming nagtawanan at parang may naaninag ako sa kanan ko kung nasaan ang dereksyon ng daanan na may magpapakita daw na puting usa. Parang napansin din iyon ni Jestoni kaya halos sabay kaming napatingin at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Isang puting usa na may puting sungay ang nakatingin sa aming dalawa. Seryoso ang itsura, walang emosyon at nakatayo lamang doon at tinintingnan kami. Sa hindi malamang dahilan, hindi namin magawang alisin ang tingin namin sa usa hanggang sa umihip ang malakas na hangin at nadala ang buhok ko pakanan. Nang tumingin ulit ako sa dereksyon ng usa ay wala na ito. Sabay kaming napatayo ni Jestoni.

Nagkatinginan tapos sabay natumakbo papunta doon sa daan at may naiwang mga bakas ng usa. Apat na paa na nagsasabing nakatayo lang ito doon at bigla na lamang nawala. Sa kanang paa ng usa ay may madilim na asul na bato na kumikinang. Kinuha ko iyon at hindi ko na namalayang may kinuha rin si Jestoni na kaparehas ng hawak ko.

"Imposible." Pareho kaming napatingin ng may magsalita. Iyon ay ang tour guide. "Kayo ang napili ng puting usa." Gulat ang mukha niya pero kasabay noon ay ang palihim na ngiti niya at mukhang masaya siya sa pangyayaring ito.

Mr. Alcala's PoV

"Anong ibig mong sabihing kami?" patayo pa lang ako noong itanong iyon ni Noe sa tour guide naming si Hans. Kilala ko siya dahil nagpunta na rin ako dito noon kasama ang malalapit kong kaibigan. Isang lalaki at isang babae.

May gusto pa ako noon sa babaeng kasama namin pero tulad ng nangyari kina Noe at Ryan, hindi rin namin nakita ang usa. Pero noong silang dalawa na lang ang naupo sa bato nakita daw nila ang usa. Nasaktan ako ng lubusan noon. Sobrang sakit, naisipan kong lumipat ng school pero sa kasamaang palad sinundan nila ako at kaklase ko sila dati. Lumipat lang ako para kay Noe at pumayag naman sila na maiwan ko sila dahil kay Noe. Sumusuporta na daw sila sa pagmamahal ko kay Noe ngunit ang hindi nila alam ay gusto ko ang kaibigan kong babae kesa kay Noe.

Dumating ang sandaling nahulog din ang loob ko kay Noe pero nag-aalangan pa rin ako dahil pareho kaming lalaki hanggang sa mapanuod ko ang Boku no Pico sa isa sa mga koleksyon ng kapatid ko at napangiti ako dahil naalala ko si Noe kay Pico. Nanuod pa ako ng ibang mga ganoong klaseng anime at ilang porn site na rin ang napuntahan ko hanggang sa masabi kong may senswal na akong nararamdaman para kay Noe.

Ilang beses ko ng tinangkang ligawan si Noe pero nag-alangan ako dahil lahat ng kaklase naming lalaki ay may gusto sa kaniya. Dahilan para protektahan siya ng mga babae at magkaroon kaming lahat ng kasunduan na hanggang hindi ako nakakagawa ng paraan para mahalin kami ni Noe, hindi siya gagalawin ng mga ito.

Pero mali din ang nangyari.

Nakakainis pa ng malaman namin ni Nathan na nagmamahalan pala sina Noe at Ryan na nakilala lang niya sa pageenrol niya sa school noon. Si Nathan ang kakambal ni Noel. Itinatanggi nila iyon pero para sa aming lahat kambal sila.

Sayang din ang effort at paghihintay ng buong klase na labis na nagmamahal kay Noe pero hindi namin masisi si Noel. Puso niya yung umibig at wala kaming karapatang utusan siya kung sino ang iibigin. Gayon pa man, nagalit sa akin ang buong klase at nangako silang hindi nila hahayaang masaktan si Noel. Ako o ibang lalaki, wala silang palalampisin kapag nasaktan si Noe.

Ganoon sila ka-astig.

Hindi ko mawari kung dahil ba sa kakyutan niya o dahil sa totoong ugali niya kaya buong klase na ang nabihag niya. Alam naman kasi naming totoong masama ang pag-uugali ng kaibigan ko, mainisin at mapanlait pero kahit ganoon, sa likod ng front act na panlalait niya sa akin ay ang katotohanang tama siya sa lahat ng kaniyang sinasabi. Siya rin ang may magaling na pangingilatis sa sino mang pupwedeng maging cosplayer sa aming Otaku Cosplaying club kaya ganoon na lamang ang pagmamahal ng mga babae't lalaking may sarili nilang Fandom.

At ngayon nga, gumagawa na ng plano ang buong kalalakihan at kababaihan ng klase para mapalayas si James at isa na nga doon ay ang babaeng naging kaibigan nila noon. Ang babaeng magbibigay sa amin ng tunay na kalayaan para sa kaligayahan ng lalaking minamahal naming magkakka-klase. Ang kalayaan noon ni Noe sa pagkatao ni Katrina.

Pero ang nakakatanga dito. Kung kelan ako sumuko na kay Noel saka pa magkakaroon ng palatandaang kami ang magkakatuluyan hanggang sa huli. Nakakuha rin ng ganito ang mga kaibigan ko noon. Kulay pink iyon hindi tulad ng amin na kulay asul. Kaya ko rin ito kinuha kanina ay dahil kaparehas ito ng nakuha ng mga dati kong kaibigan.

Isang blue teardrop na kasing kulay ng malalim na tubig sa busai na ito.

"Kayo ang pinili ng kapalaran. Hindi ko pa naman nasusubukan dahil wala akong kasintahan pero marami na ang nakakuha ng ganiyan na nagkatuluyan. Maraming mga pagsubok na dumating sa kanila pero naging matatag sila para sa kanilang minamahal." Tumayo ako habang sinasabi niya ang paliwanag na iyon. Nainis dahil mali ito. Mali dahil tapos na ako kay Noel. Tapos na nga ba?

May mahal na iba si Noe at kahit kailan hindi iyon pwedeng maging ako.

Nakita na ng ibang kasamahan namin nag paguusap namin dito. Kung saan-saan kasi sila kumalat kanina kaya hindi nila napansin ang pagpunta namin kanina dito sa mga bato. Kahit si Nathan ay umalis umalis na may kasama.

"H-Hindi naman kami nagmamahalan ni Noe. Oo nga't nagustuhan ko siya dati pero... may mimahal siyang mas higit sa akin at tanggap ko iyon. Kaya mali ito. Maling-mali!" padabog kong itinapon sa kung saan ang batong hawak ko at umalis sa lugar na iyon.

Gusto kong ipagkalandakan sa kaniya na mali ito. Hindi ako ang gusto ni Noel at may minamahal siyang iba. Tama na ang pahirap na nararanasan niya ngayon sa kaniyang buhay sa pamamagitan ni James. Hindi na niya kailagnan pang muli akong bumalik para saktan siyang muli.

Nakita ko sa sulok ng mata ko ang mukhang may pag-aalala ni Nathan subalit hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Naglakad ako papunta sa kakahuyan pero malapit pa rin ako sa ilog para hindi ako maligaw. Naupo ako sa basang damuhan at inilapit ko ang kamay ko sa bibig ko at nanatili akong ganon hanggang sa kung anu-ano ng pumasok sa isipan ko.

Bumalik na lang ako noong kumalam ang sikmura ko kinahapunan. Inabot na pala ako ng gabi sa mga iniisip ko kanina na hindi ko rin naman naintindihan kung anu-ano ang mga nagsipasukan sa isipan ko kanina.

Nalimutan ko ang lahat maliban sa sakit at pagkalitong dulot ng asul na bato.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...