RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Tadhana (5)

5.3K 157 41
By pluviopilya

Munich Germany.

Nagcheck in sila sa isang hotel. Inilapag nila ang mga gamit nila sa isang room kung san sila magsstay.

"Hindi talaga tayo pwedeng mag-2 rooms. Kahit medyo labag sa loob namin ni Beb, hindi namin kayo pwedeng iwan sa iisang kwarto. Hindi naman sa malisyosa, pero naninigurado lang." Chynna said nung humiga siya sa kama. "Buti nalang dalawa yung kama dito. And kahit medyo labag ulit sa loob namin ni Beb, kaming dalawa ni Glaiza ang tabi tapos kayong dalawang lalaki ang magtabi sa isang kama." Chynna sighed. "Pero ang ganda ng lugar nila dito.. Gusto ko na agad maglibot.. Nakakarelax.. Sarap ng weather." Pumikit pa ito na parang finifeel ang ambiance ng kwarto.

Glaiza sighed at umupo din sa kama nila ni Chynna. "Ibig sabihin, gagala na agad tayo bukas na bukas?"

Dumilat bigla si Chynna at tumingin kay Glaiza. "Hoy Glaiza De Castro kung sasabihin mong tinatamad ka at wala ka sa mood hahambalusin na talaga kita! Ikaw pumili ng lugar na to. Nandito tayo para magenjoy!"

"Tinatanong ko lang naman.." Glaiza said.

Umirap naman si Chynna. "Basta bawal tamarin bukas. Gagala tayo. Hindi natin palalampasin to."

"Ikaw talaga Beb. Ang kulit mo." Nilapitan naman ni Kean ang girlfriend niya.

"Eh kasi.. Naeexcite na talaga ko Beb.." Chynna said habang natatawa.

Natawa naman din si Kean at kinurot si Chynna ng light sa pisngi. "Ang cute mo Beb."

"Nambobola ka nanaman diyan!" Halatang kinikilig naman na sabi ni Chynna.

Nagkatinginan nalang si Benjamin at Glaiza dahil sa kaharutan ng magjowa.

//

First Day. First Destination: Frauenkirche - Cathedral of Blessed Lady


"Huwaaaaaw."

Halos pareparehas sila ng reaction pagkapasok na pagpasok nila sa Cathedral.

"Sobrang laki..." Manghang mangha nilang inilibot ang mga mata nila sa loob ng Cathedral.

Totoong sobrang laki. Ayon sa nakasalubong nila kanina na American tourist, 20,000 people daw ang pwedeng magkasya dito and meron din itong twin tower. Sobrang ganda at laki ng Cathedral nato.

"Grabe tsong. Gandaaaaaaa..." Halos mabali ang leeg ni Chynna nang tingnan niya ang itaas na bahagi ng Cathedral.

Nabigla sila nang lumuhod nalang bigla si Glaiza at akmang magsstart nang magdasal.

Nagkatinginan sina Chynna at Benjamin na parang nagtatanong sa isa't isa. Pero hindi rin yun nagtagal dahil sa tingin nila, ito ang sobrang kailangan ni Glaiza ngayon. Mag-Pray.

Tumabi na rin sila kay Glaiza, lumuhod at nag-start na rin silang magdasal..

Nakapikit at taimtim namang hinihiling ni Glaiza ang isang bagay..

"Kung kami po talaga, bigyan niyo ko ng sign para ipagpatuloy pa tong nararamdaman ko sa kanya.. Pero kung hindi po kami para sa isa't isa, parang awa niyo na, tulungan niyo kong makalimutan siya..."

"Naririnig ko yung bulong mo."

Napalingon bigla si Glaiza nang magsalita si Benjamin.

"Ha?"

Benjamin smiled. "Sorry. Narinig ko kasi. And, Oo Glaiza. Tutulungan ka ng Diyos para makalimot. And we're here for you too. Magtutulungan tayong lahat." Medyo kinurot ni Benjamin ang pisngi niya. "Smile kana. Sabi ko sayo, iwan mo muna sa Philippines si Rhian e."

Nagbuntong hininga si Glaiza.

Siguro si Benjamin na nga yung binibigay na sign ng Diyos sakin na tama na. Tama na. Wag ng umasa kay Rhian. Hindi kami pwede...

Glaiza smiled. "Thank you."

"Yaaaan. Ganda ganda mo oh." Benjamin smiled at her too.

"Thank you.." Yun nalang nasabi niya at pinagpatuloy ang pagdadasal..

//

Second Day. Second Destination: Residence Palace of Munich

"Glaiza, Look." Hinawakan ni Benjamin ang kamay ni Glaiza at hinila malapit sa kanya para ipakita ang Antique Royal Crown na nasa harap niya. "Ang ganda no? Former Royal Palace daw kasi pala to.. Ang gaganda ng Design..." Manghang sabi ni Benjamin.

Napatingin naman si Glaiza sa kamay niya.. Na hawak pa din ni Benjamin.

Hindi magkatulad ang nararamdaman niya pag hawak ni Rhian ang kamay niya sa nararamdaman niya ngayong hawak ni Benjamin ang kamay niya.. Sobrang magkaiba..

Dati, masanggi lang ng braso ni Rhian ang braso niya, parang may kuryente na.

Eh ngayong hawak ni Benjamin ang kamay niya.... wala e. Normal lang..

Iba talaga si Rhian eh..

Mabilis siyang umiling. Hindi. Hindi Glaiza. Tama na. Wag mo na siyang isipin.

Tiningnan ulit ni Glaiza ang kamay nila ni Benjamin. Bigla niyang pinisil ang kamay ni Benjamin so dahil sa pagkabigla, napatingin si Benjamin sa kanya.

"Glaiza..." Parang tinatanong niya na para saan yung pagpisil na yun sa kamay niya. Kinilig kasi siya..

Glaiza smiled. "Tara. Hanapin na natin sina Chynna. Tapos sa kabila naman tayo maggala."

Nabigla naman si Benjamin. Iba na yung aura ni Glaiza... Masaya na nga ba talaga ito? Nararamdaman niyang totoo na ang ngiti nito.

Hindi na rin niya mapigilang mapangiti dahil hawak hawak pa din ni Glaiza ang kamay niya. "Oh. Yes. Sure. Let's go." Then nagstart na silang maglakad nang magkahawak kamay at hinanap na nila sina Chynna.

//

Third Day. Third Destination: The English Garden

"Nakakatawa talaga kanina. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ng staff dun sa station ng bicycles na pwedeng i-rent. Sumuko na ko. Wag nalang tayong mag-bike. Hahahaha." Benjamin laughed habang nagkkwento.

Kasalukuyan silang naglalakad sa NAPAKALAWAK na Park slash Garden na ito sa Munich. As in SOBRANG LAWAK. Damo siya like Bamboo Grass something like that tapos pwedeng higaan, upuan, magpicnic or kung ano pa man. SOBRANG LAWAK AT SOBRANG GANDA. Puro Green ang makikita mo sa paligid, lawa at mga tao. Sobrang daming tao pero masyadong malawak talaga ang Garden para mapuno ng mga tao or tourists.. At katulad kahapon, magkahiwalay nanaman na naggala ang apat. Well, syempre sina Chynna at Kean nasa ibang dimensyon na ata ngayon. Tapos sina Benjamin at Glaiza naman nandito nga sa 'English Garden'. Sinuggest ito ni Glaiza. Hindi niya nga alam kung bakit ito yung naisuggest niya na puntahan nila ngayon e. Ewan ba niya.. Parang may bumulong sa kanya na dito sila pumunta ngayon...

"I was smiling the whole time and tumatangu-tango lang habang nagsasalita ng German yung staff.. I was like.. Opo opo.. Magrerent lang naman po sana ng bicycle. Opo opo." Tumangu tango pa si Benjamin para i-portray yung ginawa niyang pagtangu-tango kanina.

Glaiza laughed. "Sana inabot mo nalang yung bayad. Tapos kumuha kana ng dalawang bike para sa atin."

"Inaabot ko na nga yung bayad.. Tapos iiling ulit yung staff tapos magsasalita nanaman ng German. Hanggang sa umalis nalang ako. Hindi rin naman kasi kami magkakaintindihan." Tumawa nanaman si Benjamin. Ganun din si Glaiza.

Well, Yes. Tumatawa na si Glaiza. Umimproved na ito. Mukhang effective tong plano ni Chynna dahil obviously kay Glaiza, parang di na niya naiisip muna si Rhian.. And kagabi pa siya ganito, masaya. Nagkkwento na. Kagabi nga, kwento ito ng kwento ng mga napapansin niya sa paligid at halatang naeenjoy niya nga ang pag-stay dito.. Tinutulungan na nga rin siguro siyang maka-move on ng sarili niya..

"Wait." Benjamin stopped so napa-stop nalang din si Glaiza. "Kanina pa tayo naglilibot at naglalakad. Naririnig ko na rin pagkalam ng sikmura mo.." Benjamin smiled at Glaiza. Natawa naman si Glaiza.

"Narinig mo? Di naman malakas yung pagkalam ah?"

"Narinig ko." Natawa nanaman si Benjamin.. "I think I'll buy foods muna for us? Sasama ka or Dito ka nalang and wait for me? Saglit lang. Diyan lang." Tumuro pa ito.

Sinundan naman ng mata ni Glaiza ang tinuturo ni Benjamin. "Wala namang nagtitinda ng pagkain diyan ah?" Medyo natawa siya.

Napangiti naman si Benjamin habang nakatingin kay Glaiza. Sobrang natutuwa talaga siya dahil iba na nga ang ngiti ni Glaiza ngayon. Bumabalik na ang Glaiza De Castro 3 years ago.

Hindi niya napigilan at kinurot niya ng light ang pisngi ni Glaiza so napatingin ito sa kanya. "Para saan yon?" Medyo natawa nanaman ito.

"Wala lang. Ang cute mo lang.." Benjamin smiled. "Uhm, Doon ako bibili sa likod niyan. Soooo, wait for me here okay? Wag kang aalis. Saglit lang ako. Umupo ka muna diyan." Tinuro niya yung Grass and agad agad e umupo naman s Glaiza.

"I'll wait for you. Bilisan mo." Nakatingala si Glaiza nung sinabi yun dahil nakatingin siya kay Benjamin.

Benjamin smiled. "Okay. Bye!" Umalis na ito. Lumingon pa nga ito saglit para ngitian pa ng isa si Glaiza tapos tuluyan ng umalis para bumili ng pagkain.

Glaiza sighed and smiled. Napatingin siya sa mga taong nakaupo na rin si Grass gaya niya at yung iba nakahiga pa nga habang nagpipicture taking..

"Ang sarap naman sa feeling ng ganito..." Sabi niya sa sarili niya dahil totoong pakiramdam niya ang gaan gaan na niya. Yung tipong parang wala ng gumugulo sa kanya dahil naeenjoy niya nga talaga ang lugar at ang gala nila dito..

Tumingala siya at tiningnan ang asul na asul na langit...

Ang sarap sa feeling.... Sana lagi nalang ganito....

Tiningnan niya ang paligid niya..

Parang walang problema yung mga tao. Lahat sila nagsasaya din. Sino ba namang hindi mageenjoy sa ganitong lugar?

Tumingin nanaman siya sa harap niya.. Bubuntong hininga sana siya pero muntik na ata siyang mabilaukan kahit wala siyang kinakain nang makita ang isang babae na di naman kalayuan mula sa kanya.

·

·

·

·

·

Naka-jeans at naka-white shirt. Naka-messy bun. Obviously may katawagan ito sa phone dahil nasa tenga nga ang cellphone nito.

·

·

·

·


·

Nakailang kurap si Glaiza. Nakailang lunok siya. Kinusot niya din ang mga mata niya dahil hindi talaga siya makapaniwala. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung kinakabahan ba siya...

·

·

·

·

·

S-Si..... Si Rhian ba yun?

·

·

·

·

·

Napalunok nanaman siya. Bigla siyang napatayo nang medyo humarap ito sa direksyon niya. Pero hindi ito nakatingin sakanya. Nakafocus lang ito sa tumatawag at parang walang pakeelam sa nakapaligid sa kanya.

Nakatayo na si Glaiza pero nararamdaman niya ang panghihina niya. Dapat ba siyang tumakbo para lapitan ito?

Pero teka, si Rhian ba talaga yan?

Umiling siya habang nakapikit. "Imposible. Imposible. Imposible." Pinalo niya ang ulo niya.

Dumilat siya at tiningnan nanaman ang babae... Nagstart na itong maglakad palayo sa direksyon niya. Parang nagmamadali na.

Gustung-Gusto ni Glaiza na takbuhin at yakapin ito pero sobrang damang dama niya yung panlalambot niya bigla.

"Hey Glaiza! Ito oh. Burger and Juice. Hindi healthy ang soft drink kaya--" Napa-stop si Benjamin nang makita na nakatulala si Glaiza at parang naging balisa. "Hey.. Glai, Are you okay?"

Nakailang kurap nanaman si Glaiza.. Hindi siya makapaniwala. Si Rhian ba talaga yun?

"Uy Glai.. Okay ka lang ba? Anong nangyari?" Ibinaba ni Benjamin sa Damuhan ang pagkain tapos hinawakan ang braso ni Glaiza. "Glaiza tell me. Anong nangyare?"

Nakatulala pa din si Glaiza.. Di na rin niya halos namalayan na may bumagsak biglang luha galing sa mga mata niya.. "Si..Si Rhian. N-Nakita ko siya.."

Nagulat naman si Benjamin at napakunot ang noo. "W-What?! Rhian?" Tumingin siya sa paligid nila na parang hinahanap si Rhian sa paligid gaya ng tinutukoy ni Glaiza. "Impossible. Paano mangyayari yun?"

Napalunok si Glaiza. "B-Basta.. Nakita ko siya. Sigurado akong siya yun." May luha pa rin na tumutulo mula sa mga mata niya.

"Shhh.. Glaiza that's so impossible. Sobrang impossible."

Umiling si Glaiza. Hindi nalang siya nagsalita.

Nahihibang nanaman ba ko? Si Rhian ba talaga yun? Paano? Bakit?

It's been almost 4 years. 4 LONG YEARS. Tapos ... Tapos nakita ko ulit siya?

Rhian ikaw ba talaga yun? Paano nangyare yun? Imposible. Imposible nga. Pero hindi e.

Napalunok nanaman siya.

Naramdaman kong ikaw yun. Pero paano? Paano nangyari na makita kita sa iisang lugar? Paano?


//

.

.

.

.

.

.

.

.



.

.

.

.



.



.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: OH. MY. GOD.

ANYAREEEEEEEE. IMPOSSIBLE BA? WHAT IF........ HMMMMMM. SURE BA SI GLAIZA NA SI RHIAN YON? Hay.

TINGIN NIYO? Hmm...

Continue Reading

You'll Also Like

217K 2.1K 36
Ito ay one shot stories lamang ang mga chapter ay hindi po magkakadugtong kundi iba iba pong storya.. Hango po ito sa mga bigla ko na lamang maiisip...
180K 5.4K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
98.5K 1.5K 63
Friends Lovers Complications Determinations SUCCESS