NO ORDINARY LOVE

By fedejik

1.1M 20.1K 935

Dati ng crush ni Corine si Liam, isang sikat na football star player sa school nila. Pero hindi niya iyon ip... More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11 - Part 1 of 2
Chapter 11 - Part 2 of 2
Chapter 12 - Part 1 of 2
Chapter 12 - Part 2 of 2
Chapter 13 - Part 1 of 2
Chapter 13 - Part 2 of 2
Chapter 14 - Part 1 of 2
Chapter 14 - Part 2 of 2
Chapter 15 - Part 1 of 2
Chapter 15 - Part 2 of 2
Chapter 16 - Part 1 of 2
Chapter 16 - Part 2 of 2
Chapter 17
Chapter 18 - Part 1 of 2
Chapter 18 - Part 2 of 2
Chapter 19 - Part 1 of 3
Chapter 19 - Part 2 of 3
Chapter 19 - Part 3 of 3
Chapter 20 - Part 1 of 2
Chapter 20 - Part 2 of 2
Chapter 21 - Part 1 of 4
Chapter 21 - Part 2 of 4
Chapter 21 - Part 4 of 4
Chapter 22 - Part 1 of 2
Chapter 22 - Part 2 of 2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26 - Part 1 of 3
Chapter 26 - Part 2 of 3
Chapter 26 - Part 3 of 3
Chapter 27 - Part 1 of 3
Chapter 27 - Part 2 of 3
Chapter 27 - Part 3 of 3
Chapter 28 - Part 1 of 3
Chapter 28 - Part 2 of 3
Chapter 28 - Part 3 of 3
Chapter 29 - Part 1 of 2
Chapter 29 - Part 2 of 2
Chapter 30
Chapter 31 - ( No Ordinary Finale )

Chapter 21 - Part 3 of 4

15.1K 303 13
By fedejik

Published: March 23, 2013

sarap naman ng update na 'to, nagtapat na sa IKA si Liam! kilig much! oh well... early UD at baka di ko maasikaso by sat. enjoy guys! have a great vacation with God in our hearts.

Please Pa-like naman po my page sa FB :)

http://www.facebook.com/pages/fedejik-stories/432094690201815

#dean

*********

 CHAPTER 21 - Part 3 of 4

At nang maipasok na nga ni Liam lahat ng mga roses sa kanyang kotse ay tsaka ulit niya sinabihan ang nobya na bumalik na ulit sa klase.

            “Lunch na lang tayo ulit mamaya.” 

            “Sige.”  Tipid pa siyang ngumiti.  “Thanks sa surprise. Masyado ka namang gumastos at nag-effort.”  Nahihiya pang sabi niya.

            “Nagtipid pa nga ako.”  May himig pagyayabang pang biro niya.

            “Ikaw na ang mayaman,”  Wari ay sinimangutan pa niya iyon.  “Sige na po, I’ll see you later.”

            “Later, babe…” Dumukwang pa siya para i-kiss ulit iyon sa lips.  “Balikan ko lang ang mga kasama ko dun ha.”

            “Sige, babe. Thanks ulit ha.”

            “Anything for you.”

            “Bye.”

            “Bye…”  Naglakad na sila sa magkaibang direksyon habang pasimple pa ring nililingon ang isa't isa.

            At si Corine, hindi magawang palisin ang ngiti sa kanyang labi.  Hindi naman din kasi niya inaasahang si Liam lang din pala ang secret admirer niya.  Lalo tuloy siyang na-inlove dito.

            Kaya naman tulad nang inaasahan ay sinundo pa ni Liam si Corine sa huling klase nito sa tanghali.  Siyempre pa, tampulan na naman sila nang tuksuhan nila Janine at Lorena.

            “In fairness sa’yo, Liam ha,”  Si Lorena na abot-tainga pa ang ngiti.  “Kahit na sobrang cheesy mo, bagay sa’yo!”

            Umiling naman si Liam dito.  Alam naman niyang guguhit talaga ang sorpresa niyang iyon para sa nobya. 

            “Pero grabe kayong dalawa ha,”  Si Janine na pilya pang ngumiti.  “Kahit lunch talaga ayaw maghiwalay?  Hindi ba puwedeng kami muna ang kasama at mamaya na kayong dalawa?”

            Napatingin naman si Corine sa nobyo, tila hinihingi ang opinion nito.

            “I hope you don’t mind, puwedeng sa ibang araw na lang din kayo?”  Napakamot pa ng ulo si Liam. 

            “Sabi ko nga!”  Si Janine na wala na rin namang nagawa.

            “Fine! Bukas kami naman ang kasama ni Corine sa lunch.”  Si Lorena na pasimple pang dinilatan si Corine.

            “We have a deal then.”  p
Pumayag rin naman si Liam.  “For now, kami muna ha.”

            “Sa labas pa ba kayo kakain?”  Taka pa si Lorena.

            “Yup!”  Si Liam ang sumagot sabay akbay sa nobya.

            “Una na kami and thanks nga rin pala sa mga gifts ninyo.”  Si Corine na itinaas pa ang paper bag.

            “Suot mo 'yan kapag nagdecide na kayo to share a special night together.”  Si Janine na walang preno ang bibig.

            Agad namang tinakpan ni Lorena ang bibig ni Janine lalo pa nga’t kaharap pa naman nila si Liam.

            “Ha?”  Hindi naman naintindihan ni Corine ang ibig ipakahulugan ng kaibigan at agad pang tumingin sa iiling-iling lang na nobyo.

            “Don’t mind her, praning lang ‘tong si Janine!”  Si Lorena na sinenyasan pang umalis na ang dalawa habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa bibig ni Janine.

            “Let’s go, babe…”  Si Liam na pigil naman ang reaksyon sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t hindi naman nakaligtas sa kanya ang ibig ipahiwatig nang salita ni Janine.

            “Bye, girls!”  Si Corine na matamis pang ngumiti sa dalawa.

            “Bye!”  Duet pa sina Janine at Lorena.

            At noon na nga sila tuluyang lumayo sa dalawa.

            “Babe, ano bang sinabi ni Janine?  Hindi ko naintindihan?”  Interesado pang tanong ni Corine sa nobyo na nakaakbay lang sa kanya habang naglalakad papunta sa parking lot.

            “Are you sure gusto mong malaman sa akin?”  Pilyo pa siyang ngumiti dito.

            “Ha?”  Kunot-noo naman siyang napatitig sa nobyo.  Hindi naman din kasi niya masyadong napagtuunan nang pansin ang sinabi ni Janine.  “Sabihin mo na kasi, anong kalokahan ba 'yung sinabi?”

            “Why don’t you just ask them later.”  Pigil pang tawa niya.

            “Hindi ba maganda ang sinabi?”  Napaisip pa siya.

            “Buklatin mo na lang 'yang gift mo sa car ko then, tsaka ka mag-conclude kung ano ang posibleng sinabi ng mga friends mo.”  Suhestiyon pa niya.

            “Sige na nga.”  Mas lalo lang tuloy siyang naintriga.

           

            Kaya naman nang makarating rin sila sa sasakyan nito na punung-puno ng mga roses ay hindi na rin nakapaghintay na magbuklat si Corine.  Agad pa niyang binulatlat ang regalo nina Janine at Lorena sa harapan ng nobyo. 

            “Ano ba ‘to?”  Itinaas pa niya ang kulay pula na tila satin na tela ng damit at halos puro lace pa.  “Paano ko naman maisusuot ‘to?  Ang nipis…”

            Ibig namang mapabunghalit nang tawa ni Liam sa mga pagkakataong iyon lalo pa nga’t wala pa ring idea ang nobya na nighties ang regalo ng dalawa.

            “Oh my God!”  Agad pang itinago ulit ni Corine ang nighties.  Ibig niyang batukan ang sarili nang ma-imagine ang sarili na isusuot iyon.  Hindi naman rin kasi siya nakakapagsuot pa nang ganoon kaya’t medyo napaisip pa talaga siya!  “Aish! Tanga!”  Bulong pa ni Corine sa sarili at namumula siya sa kahihiyan.

            “Was it your first time na makakita ng ganyang lingerie?”  Pigil ang tawa ni Liam sa nobya.  Pulang-pula kasi iyon.

            “H-hindi naman ako nagsusuot ng g-ganito.”  Halos manginig pa ang boses niya sa mga pagkakataong iyon.  Kulang na lang ay lumubog siya sa kinakaupuan.

            “You really amazed me, babe.”  Hindi na rin napigil ni Liam ang matawa nang malakas.

            “Pagtawanan talaga ako?”  Umismid pa siya sa dito.  “Puro kalokohan talaga ang dalawang 'yun!”  Hindi pa man ay gusto na niyang kutusan ang dalawang kaibigan.

            “Do you girls talk about those stuff?”  Curious pang tanong niya dito.

            “What stuff?”  Taka pa siyang napatitig sa nobyo.

            “Hmmm… never mind.”  Ngingiti-ngiti na lang siyang umiling dito. 

            Nagtataka man ay hindi na rin nagtanong si Corine.  Itinabi na lang muna niya ang paper bag sa kanyang tagiliran at nagtanggal ng seat belt sabay sumandal na lang muna sa nobyo.

            Napangiti lang si Liam sa ginawang iyon ng nobya.  Sobrang masaya talaga siya sa malaking ipinagbago nito.

********

sorry po sa pagkakamali upload hehe thanks po kay ms. math_mba2005! God bless po!

Continue Reading

You'll Also Like

70.1K 2.1K 32
Sandoval Series: BOOK 1 It's hard to give up when you can still fight. Lalo na kung alam mong may hawak kang pwedeng magpanalo sa'yo sa huli. Pero pa...
13.7K 834 13
Serenader 15: STEVIE KYLE WILLIAMS
98.1K 3.4K 41
“Sabi nila, ang kalayaan daw ay katumbas ng kasiyahan. Ngunit paano kung matagpuan mo ang kasiyahan sa isang sitwasyong hindi ka malaya? Pipiliin mo...
142K 4.5K 40
Hi, everyone! I'm Kimchi Pineda. Sixteen years old. Laking all girls' school. Pero ngayong senior high student na ako, in-enroll ako ng parents ko sa...