The Heartthrob Is My Secret H...

By cdarau

12K 495 78

BL STORY More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 15

384 20 0
By cdarau

Kinse noticed how Gave became more clingy to Cai when they arrived in Camp Hugot. How Gave always sat beside Caisen, and sometimes put his hand on Cai's shoulder, stealing a time to pinch Cai's cheek while throwing some of his own corny jokes. 

Ang ipinagtataka niya ay kung bakit naiinis siya. Gulong-gulo na ang isipan ni Kinse. Hindi niya alam kung ba't ganun ang nararamdaman niya.

Hindi naman siya dati naiinis kay Gave nang ipinakilala ito ni Caisen sa kaniya bilang isang matalik na kaibigan. Kahit noon pa man ay medyo nararamdaman niya na iba talaga ang pagtrato ni Gave kay Caisen. For Kinse, it was all okay since they were that 'bestfriend'. But after he found out that Gave really has a secret admiration for Cai. His emotions start to act weird.

At hindi na ito nagugustuhan ni Kinse.

Tulad ngayon.

Kinse laid in a single rattan hammock, while tapping his phone and chatting with Reiss. Nakapokus man ang kaniyang mga mata sa kaniyang mobile phone. Ang mga tainga naman niya ay aktibong nakikinig sa ingay at usapan ng kaniyang mga kasama dito ngayon sa Main House ng Camp Hugot.

Makailang beses palaging natatalo si Caisen sa nilalaro nilang card game. Their rule is, the loser will drink a glass of Tanduay Especia Spiced Rum. Bukod doon lalagyan din ito ng uling sa mukha.

But Gave saved Caisen by drinking all of the shots since Caisen is not fond of drinking any types of alcoholic drinks. But Caisen's visage was painted all black cause by charcoals used for him by their comrades.

Lahat sila ay nagtatawanan dahil sa maitim na mukha ni Caisen at lalo na kay Gave na ngayon ay nagsisimula nang maging madaldal dahil sa tama ng alak.

Kinse secretly smirked. Para sa kaniya masiyado nang halata ang mga galawan ni Gave para kay Cai. Pero hanggang ngayon ay hindi parin nahahalata ni Cai na gusto pala siya ng bestfriend niya. Maybe because Caisen's thought that it's just how a person treat his/her bestfriend.

Pero ang nasa isip ngayon ni Kinse, papaano kung malaman na ni Caisen ang totoo? Ano kaya ang magiging reaksiyon nito?

Napatingin si Kinse sa gawi nina Caisen. Kaagad maman siyang napatayo nang mapansing wala na doon sa puwesto nila kanina ang dalawa niyang kasama.

Sa dami ng mga bumabagabag sa isipan ni Kinse. Hindi niya na alam kung saan na nagpunta sina Caisen. Kaya naman lumapit siya kina Trisha upang tanungin kung saan nagpunta ang mga kasama niya.

"Hala Kinse! Andito ka pa pala! Akala namin nauna ka nang umuwi kina Cai at Gave!" gulat na wika sa kaniya ni Trisha.

"Oo nga! Akala ni Caisen nasa kubo niyo na ikaw. Kaya umuwi na rin sila dahil medyo tipsy na si Gave." Trixies chimed in.

"You should follow them. Kani-kanina lang nakalabas sina Cai. Sigurado akong nasa malapit pa lang sila. They need you. Lalo na si Cai mukhang hindi niya ata kasi kaya alalayan si Gave." suhestiyon ni Trisha.

Marahang tumango si Kinse. "S.sige. Alis na ako, Salamat pala sa pagimbita sa amin dito. Trix and Trish. Nag-enjoy kami lalo na sila Cai and Gave."

Malapad na ngumiti pareho ang mag-kambal. "Salamat din sa pagpunta dito sa Camp Hugot. Masaya kaming lahat na makilala kayo na mga bagong dating." Trisha answered.

"Sige na. Baka kung ano na ang nangayare doon sa dalawa." taboy sa kaniya ni Trixie.

Kinse hastily wave his left hand to bid goodbye for everyone before turning his back. As he moderately run  to find Cai and Gave in their way back to their bahay-kubo.



~~~

"Cai ako na, kaya ko pa naman maglakad. Hindi naman ako gaano kalasing. Hehe." Gave refused when I tried to aid him. He gently tapped my head as he walk by his own.

"Lasinggero ka talaga. Uhaw na uhaw ka palagi si alak Gave." sabat ko. Pumahuli ako sa paglalakad ng sa ganun ay kung matumba man siya ay kaagad ko siyang maalalayan.

"Bakit umiinom ka ba Cai? Kung hindi ko iyon ginawa baka ngayon ikaw iyong lasing haha."

"Oo kaya ko. Hindi nga lang ganun kalakas ang tolerance ko sa alcohol hindi tulad ng sa 'yo."

Nilingon niya ako, "Just thank me. Okay na ako."

I beamed him a warm smile. "Thank you."

"You're always welcome. Cai" he answered.

Matapos niyang sabihin iyon. Nagpatuloy na si Gave sa paglalakad. Tahimik lang siya habang inihahakbang ang mga paa. Samantala ako naman ay nakatuon lang sa kaniya.

Napagitla naman ako nang kaginsa ay huminto siya at biglang nagsalita.

"Wow!" Gave looks fascinated while looking somewhere. So I followed his eyes where he's looking at.

It's a bench in front of a flowery garden. It's so enchanting because of those hundred fireflies glistening around the flower plants and the full moon that lights up the whole area.

Hindi ko din maiwasan na mamangha sa parteng iyon ng Camp Hugot. Sobrang ganda talaga.

"Ganda tambayan Cai. Halika, upo muna tayo doon." pag-aya niya sa akin.

"No Gave." I refused. "Kailangan na nating bumalik sa kubo para makapagpahinga ka. Bukas na lang."

He pouted, at kapag ginawa niya iyon. Sunod niyang gagawin ay pipilitin ako sa bagay na ayaw kong gawin namin hanggang sa mapapayag niya na ako.

Pero ngayon hindi puwede. Alam kong bukas malala ang hang-over ng lalaking ito. Sure akong buong araw na naman siyang nakalumpasay sa higaan niya. Kaya kailangan niyang magtulog kaagad.

"Let's go." I ordered him with authority. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Akala ko susundin niya ako, pero ang tukmol mabilis na tumakbo doon sa bench na wari bang hindi siya lasing.

"G...Gave!! Y...You id**ot!" I cussed and followed him.

He was already sitting at the bench before I could get him. Wala na akong choice kundi maupo na din sa tabi niya.

"Gave, sometimes you're really a pain in a nape." I said while chasing my breath.

"Sorry Cai. Just let's have some minutes staying here before we head back to our kubo. I want to breath some fresh air for a while." he begged.

Hindi na ako nakipagtalo pa. Wala na din naman akong magagawa pa. Nandito na kami nakaupo na.

So I let him to close his eyes and rest. Pero maya-maya ay nagsalita na siya.

"Caisen." bigla niyang sambit sa buo kong pangalan.

I tilted my head toward him with my brows furrowed. Ngayon niya lang naman tinawag ako sa buo kong pangalan. He does it when he's serious. "Yes?"

Inalis niya ang kaniyang paningin sa mga naggagandahang bulaklak. Tumingin siya sa akin at sinalubong ang mga mata ko. "I..I have something to tell you. Gusto ko sabihin iyon ngayon sa 'yo habang malakas pa ang loob ko dahil sa alak."

"Ano iyon Gave? Good news ba iyan o bad news. Kinakabahan tuloy ako."

Gave starts fidgeting. It tells how nervous he is right now.

"I...Im deeply infatuated with someone, and..." he paused and breath deeply before continuing his sentence.

"..and I'm fallen desperately in love with that person for a long time just like how long our friendship started."

"Yeah, you mentioned it earlier from Trixie and Trisha that you like someone. Grabe Gave, hindi mo man lang iyan nabanggit sa akin noon."

Mahina kong sinuntok ang braso niya. "What's her name? Did you met her in France?"

"Ahhm, actually. No I met that person here in Philippines before I travelled to France."

My mouth agape. "Wow! Matagal mo na pala talaga sa akin nililihim iyan. Aba! Ikuwento mo naman siya sa akin! I want to hear some information about that girl. She's indeed very lucky that you're the one that admiring her."

"Saan mo siya nakita?"

"Nagkausap na ba kayo?"

"Alam na ba niya na gusto mo siya?"

Sunod-sunod na mga tanong ko kay Gave. I'm happy for him and I'm so excited to meet that lucky girl. Gave is perfect to be called as the ideal boyfriend. Bukod sa minsanan na pagiging maarte niya, wala na akong makitang mali pa kay Gave. He's a caring guy and sometimes sweet. Suwerte ng babae na nagugustuhan nitong kaibigan ko. Kung maging sila man ng babaeng iyon, alam kong magtatagal sila.

Noon pa man, marami na talagang babae ang naghahabol sa kaniya. Pero balewala lang sila kay Gave. Iyon pala may napupusuan na siya.

Gave, shifted his gaze. Umayos ulit siya ng upo at tumingin sa ibang direksiyon.

"No, until now." he answered in lower tone.

"I....actually tried to erase my feelings for...her. I dated many girls when I was in France. Inisip ko na kapag makikipag-usap ako sa iba mawawala iyong pagkagusto sa kaniya." dugtong niya pa.

"Pero alam mo iyong pakiramdam Cai, na kapag pinipilit mong kalimutan ang isang tao. Mas lalo mo siyang nami-miss, mas lalo mo siyang nagugustuhan."

I nodded with a warm smile curved in my lips. Ramdam ko iyong sinabi ni Gave. Ganiyan din dati ang naramdaman ko nung pilit kung pinipigilan ang sarili ko na magkagusto kay Kinse.

"I can't get her out of my mind. I always think about her. Ano ba ginagawa niya? Sino kasama niya---"

Mahina pang natawa si Gave habang ikinukiwento sa akin ang mga nakaraan niya.

"That time I realized that it was not just a simple admiration I felt for her anymore. C'est de l'a mour." sinserong wika ni Gave.

"So nasaan na siya ngayon? Ba't hindi ka pa nagtatapat sa kaniya."

Gave look at me with a dull expression engraved on his visage.

"M..may gusto na siyang iba." bakas sa tono ni Gave ang lungkot nang sinabi niya ang mga salitang iyon. "a...and she's already married."

I felt sad for Gave. Hindi pala magkalayo ang sitwasiyon namin sa pag-ibig. We both have an unrequited love. Pareho kaming nagmahal sa taong may mahal ng iba. Such a coincidence. Mag-kaibigan nga talaga kami. Haha!

I caressed the back of Gave to comfort him. Ngumiti ako, "Pareho pala tayo." sabi ko pa. "Pero alam mo Gave, papaano kung sinabi mo sa kaniya na mahal mo siya bago pa man siya ikinasal. May posibilidad na naging kayo. Hindi tulad ko na walang pag-asa dahil sa kapuwa lalaki nagkagusto.  Ikaw sa isang babae, hindi mo ba alam na maraming babae ang  nagkakagusto sa iyon noon pa man na nasa high school pa tayo. Sigurado akong kabilang siya sa mga babaeng may lihim na pagtingin sa iyo."

Simple lang siya na ngumiti at tumingin sa akin. "C..Cai halimbawa kung ikaw iyon at nagtapat ako sa 'yo at niligawan kita. Sasagutin mo ba ako?"

Tumikhim ako, "Walang dahilan para balewalain ka ng isang babae Gave. Guwapo ka, athletic, mabait, mayaman, matalino-----" saglit pa akong napaisip. "Maarte nga lang." I chuckled with those last words I said. "Kaya kung ako ang nasa sitwasiyon ng babaeng iyon. Sasagutin kita syempre."

Kinuha ni Gave ang kamay ko na nakapatong parin sa likod niya. Sa tuwing may ginagawa akong kabutihan kay Gave. Hinahawakan niya palagi ang kamay ko ng mahigpit at saka magpapasalamat.

Akala ko gagawin niya naman iyon.

Pero iba ang ginawa niya ngayon na ikinagulat ko.

Marahang hinila ni Gave ang kamay ko kaya napadikit pa ako sa kaniya.

I gasped when he gently kissed my forehead.

"Cai the person I like is not a she, it's he. I'm sorry if I lied."

"Would you get mad if I tell you that....... it was you Cai?" he added that almost made my nervous system to malfunction.

Matapos sabihin iyon. Binitawan na ni Gave ang kamay ko. Malulungkot ang mga mata niya na wari bang nagsisisi siya na sinabi pa ang lahat ng iyon sa akin.

***

They said the definition of bestfriend is a special someone who knows you well aside from your family. From your birthdate, favorite color, movie, foods, subject and who's your crush. Bestfriend is also someone who you can share even your darkest secrets because you know that you can trust them.

Bukod sa pamilya mo, isa sila sa mga dapat mong pahalagan at ingatan na huwag mawala sa buhay mo.

Sa buhay ko, tanging si Gave lang ang tinuring ko na bestfriend o special friend. Well, may iba naman akong mga naging kaibigan pero hindi tulad ng koneksiyon sa pagitan namin ni Gave na alam na namin ang kuwento ng aming mga buhay. Kahit ilang buwan pa lang kami magkakilala ay para na kaming matagal na magkaibigan.

I know the funniest and dramatic moments happened in his life, even his secrets.  It's vice versa.

Iyon nga lang may isa akong sekreto na hindi talaga sinasabi sa kaniya.

Iyon ay gusto ko siya.

Natatakot ako na kapag malaman niya ay pandirian niya ako at lumayo na siya sa akin. Kaya pinili ko itong itago at nag-aktong kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

***

Nasa iskuwelahan ako ngayon, nakaupo sa aking silya kasama ang aking mga kaklase habang hinihintay ang aming guro sa subject namin ngayon.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng asignatura ko pero hindi ko ito matapos-tapos dahil nadidisturbo ako sa walang tigil na paghikbi ng aking kaklase na si Lozel.

Lozel is a gay, ang rason kung bakit umiiyak siya ngayon ay dahil nung isang araw umamin siya sa kaniyang matalik na kaibigang na lalaki na matagal niya na itong gusto. 

But his boy bestfriend unreciprocated his love in a reason that he's straight and currently has a girlfriend. Sabi ni Lozel okay lang naman sa kaniya kung hindi siya gusto ng kaniyang kaibigan. Puwede naman niya na ito itigil at ipagpatuloy na lamang ang kanilang pagkakaibigan.

Ngunit hindi niya inaasahan na lalayuan siya nito at hindi na kakausapin. Doon siya sobrang nasaktan dahil hindi niya naman inaasahang mangyayari iyon.

Magang-maga na ang kaniyang mga mata at halos maubos na ang kaniyang mga luha, pero hindi parin siya tumitigil sa kakaiyak. Todo-comfort naman ang iilan naming kaklase na mga babae sa kaniya dahil ramdam nila kung gaanon kasakit ang nangyari kay Lozel.

Napadiin ang pagsusulat ko sa aking notebook. Para kasing naiisip ko ang nangyayari ngayon kay Lozel sa sarili ko.

Nung nakaraang araw din, nabalitaan ko na nagtapat si Seru kay Gave na gusto niya ito matagal na at kung puwede bang maging sila. Si Seru, gay din siya. Sikat siya dito sa school namin dahil magaling siyang sumayaw at volleyball player din. Palagi niyang nakakalaro si Gave at nakakasama sa training nila. Kaya siguro nagkagusto siya dito.

But Gave rejected Seru because of unknown reason.

Hanggang ngayon wala pang nakakaalam kung ano ang rason ni Gave. Hanggang ngayon kasi hindi pa pumapasok si Seru, siya lang ang puwede matanong ng mga chismosang istudyante na nakakaalam sa pag-amin niya kay Gave kung bakit inayawan siya nito. Kung may girlfriend na ba si Gave o may gusto ng iba.

Siguro itong mga nagyayari ngayon sa paligid ko, sinyales ito na mas mabuti talaga na ilihim ko na lang itong nararamdaman ko kaysa sa ipagsapilitan ko sabihin ito sa harapan mismo ni Gave.

Dahil posible na kung ano ang nangyare kay Lozel at Seru, mangyayari din sa akin.

Dahil sa takot, inilihim ko ang aking nararamdaman para kay Gave. Ginawa ko ang lahat upang hindi niya mahalata na gusto ko siya at hindi masira ang aming pagiging magkaibigan.

Nagtagal iyon hanggang sa nagplano siyang pumunta ng France kasama ang kaniyang mga magulang. Ng mga araw na iyon, bigla akong kinabahan. Lalo na nung sinabi niya na doon niya ipagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Naisip ko kasi kaagad matagal-tagal pa bago kami magkitang muli.

That's why I think, maybe this is the right time to confess in front of him. Pero papaano kung rejection ang matatangap ko? Mahihiya na akong i-chat siya. Mahihiya na akong kamustahin siya. Kapag mangyari iyon, siguradong masisira ng tuluyan ang aming pagka-kaibigan.

Kaya naman nagbago ang isip ko. Mabuti siguro kung sa pagbalik niya na lang dito sa Pinas ako aamin sa kaniya nang sa ganun ay makausap ko pa siya ng matagal kahit nasa malayo siya.

Nang nasa France na si Gave, masaya naman ako. Dahil kahit busy siya nagagawa niya parin akong kamustahin sa facebook. Kapag wala siyang pasok, kinukulit niya akong mag-video call kami. Ako naman kahit busy din sa school at nasa kalagitnaan ng lecture ng aming mga subject, sinasagot ko ang mga tawag niya sa messenger.

Hayys! Ganun talaga ang impact sa akin ni Gave. Patagal ng patagal mas lalo ko siyang nagugustuhan. Kung alam niya lang sana.

Akala ko mananatili kaming ganoon kahit malayo kami sa isa't isa. Akala ko kahit magtagal si Gave sa France, hindi niya ako makakalimutan at hindi siya mawawalan ng gana na kausapin ako sa messenger.

Pero ilang buwan pa lang, Nawala ang komunikasiyon namin sa isa't isa. Hindi na siya nagri-reply sa mga message ko. Hindi niya na ito sini-seen. Sa isang araw halos maka 20 messages ako sa kaniya pero ni tuldok na reply wala akong natanggap. Akala ko busy lang siya di sa school nila. Pero isang linggo ko na siyang kinukulit ngunit wala na akong natanggap na mensahe galing kay Gave.

Kaya naisip ko kaagad. Na siguro, kinalimutan na ako ni Gave. May mga bago na siguro siyang kaibigan sa France?

Wala na siguro akong halaga sa kaniya?

I once tried to contact him but failed to get replies from him. Doon ko napagtanto na, wala na si Gave. Kinalimutan niya na nga talaga ako.

Wala ako naging ibang option kundi itigil na ang pangungulit sa kaniya. His oblivion of our strong friendship cause a huge heartbreak on my part. Ilang linggo din ako noon halos mawalan na ng gana sa lahat ng bagay. Iyak ako ng iyak tuwing gabi. Napabayaan ko noon ang pag-aaral ko at panay ang aking absences. Lubos ang pag-aalala sa akin ni papa noon. Ang tanging nasasabi ko lang sa kaniya ay masama ang pakiramdam ko.

Hindi niya alam dahil iyon kay Gave.

Grabe ang ipinayat ko nung mga araw na iyon dahil pati sa pagkain ay nawawalan ako ng gana. Inabot din iyon ng isang buwan bago ako naka-recover.

Laking pasasalamat ko at nakilala ko si Kinse. Dahil sa kaniya, naging masaya akong muli. Tuluyan kong nakalimutan na may tao pala akong hinihintay na magparamdam.

Sa unang pagkikita pa lang namin ni Kinse. Nagkasundo kaagad kami. When he went to our house together with his parents to talk about our marriage agreed by our grandfather. Hindi siya nailang sa akin. He still talk to me nicely like I'm his long time friend. Kahit nabasa ko noon sa kaniyang mga mata na ayaw niya sa mangyayaring kasal.

When I'm fully healed. Ipinangako ko talaga sa aking sarili na hinding-hindi na kaagad ako maa-attach sa isang tao. Na kailangan kong konrolin ang damdamin ko upang hindi na ulit pa akong masaktan.

But living with Kinse in one roof, it's inevitable to be firm on my promises. Once again, I found myself loving another guy whom I know will never reciprocate my affection for him.

***********

Now that Gave return, alam ko sa sarili ko na wala na akong pagtingin sa kaniya. Napagtanto ko iyon nang makita ko siyang muli sa school namin. Wala ng spark, walang ng kilig sa tuwing lumalapit siya sa akin at yinayakap ako. Ang tanging naramdaman ko lang noon ay purong kasiyahan, dahil sa wakas nakita ko muli ang aking espsiyal na kaibigan.

Hindi ko maiwasang mapangiti, habang tahimik lamang pinapakinggan ang lahat ng mga sinasabi sa akin ni Gave kung bakit bigla siyang hindi nagparamdam sa akin nung nasa France pa siya. Kailan siya nagkagusto sa akin at bakit hindi niya kaagad iyon inamin sa akin.

It's because of fear.

Pareho kaming takot ng mga oras na iyon sa maaaring mangyari. Na kapag ipinilit namin ang aming mga nararamdaman maaaring mawasak ang aming pagka-kaibigan.

Pero kung sana hinarap namin ang takot na iyon. Kung naging matapang lamang kami maging totoo sa aming mga nararamdaman. Posibilidad na taliwas sa aming mga akala ang mga nangyari ngayon.

Umayos ako ng upo at tinitigan si Gave. I beamed a smile before poking his forehead.

Saglit siyang natigil sa pagsasalita at sinalubong ang mga titig ko sa kaniya.

"The feelings are mutual Gave, sana naging matapang tayo ng mga oras na iyon na sabihin kung ano talaga ang nararamdaman natin. Sana pala hindi ganito anng nangyari sa ating dalawa." may halong lungkot na saad ko sa kaniya.

"You mean Cai...."

I nodded, hindi ko na hinayaang mahulaan pa ni Gave ang nais kung sabihin. Kaagad na akong nagsalita.

"I like you too. Pero tulad mo, natakot din ako na masira ang pagkakaibigan natin at layuan mo ako."

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.6K 33
Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol ni Arjhay Hyun sa Crown Academy. Gusto ni...
3.2K 427 31
H O M O P H O B E. That's me. I mean, that WAS me---until my biggest and lamest competitor started meddling with my life to the fullest extent! What'...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.7K 424 38
[PLEASE READ THE FIRST BOOK, THIS IS THE SEQUEL OF 'IN TIME'] Sa halos apat na taong pagtitiis ni Ash upang kalimutan ang masalimuot na nangyari, nat...