Chapter 8

322 17 2
                                    

Dumating na ang araw kung kailan kami mago-overnight sa beach nina Joowin at Kinse kasama ang mga kaibigan niya. Of course kasama niya din si Reiss at ang mga kaibigan nito. Isinama ko naman sina Yawe, Amila at syempre si Gave. Dapat hiking at camping sa gitna ng kagubatan ang gagawin namin kaso natatakot si Joowin kaya napagdesisiyon na lang ng lahat na sa beach na lang ang punta namin.

Kasalukuyan kami na ngayon nasa bus na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ni Kinse. Lahat ay nagkakasiyahan ngayon. Sobrang ingay at may kaniya-kaniyang ginagawa.

Sina Joowin, Amila at Yawe ay nagkukuwentuhan. Magkakatabi kasi silang tatlo. Iyong mga tropa naman ni Kinse, kanina pa nag-aasaran sa isa't isa. Sila iyong pinakamaingay. Pero okay lang naman sa amin, minsan lahat kami ay natatawa na rin sa mga kalokohan na ginagawa nila. Si Kinse at Reiss ay nakaupo sa unahang parte ng bus, sa kanang bahagi. Tahimik lang sila dalawa at paminsan-minsan lang nag-uusap. Kami naman ni Gave ang magkatabi bale nasa gitnang parte kami nakaupo sa unahan lang ng mga kaibigan ni Kinse.

Kanina pa nga ako naiinis dito kay Gave dahil hindi ako makatulog sa sobrang galaw at likot niya. Minu-minuto naga-apply ng sunblock sa katawan eh hindi pa naman siya nabibilad sa araw.

"Alam mo bago pa tayo makarating sa pupuntahan natin, ubos na iyang sunblock mo." sabi ko sa kaniya. "Nasobrahan ka na ata, eh hindi ka pa naman nagbibilad sa araw eh."

Natawa siya, "Okay lang, mayroon pa naman ako dalawang bote ng sunblock sa bag. Ayaw ko kasi magka-sunborn. Papangit balat ko. Ayaw ko din umitim Cai."

Hanggang ngayon talaga maarte parin itong si Gave. Pero iyon ang nami-miss ko sa kaniya.

Inabot niya sa akin ang sunblock niya. "Gusto mo? Lagyan kita."

Kaagad akong umayaw. "Hindi ko na kailangan iyan. Hindi naman sensitive ang balat ko, hindi tulad ng sa 'yo."

"Eh itong anti- mosquito lotion." kinuha niya sa bag ang lotion na tinutukoy niya at iyon naman ang inabot sa akin . "Gusto mo ba? Baka maraming lamok doon. Delikado."

"Hindi na Gave." natatawa kong tugon.

"Sige." binalik niya iyon sa bag at junk foods naman ang kinuha. "Pagkain? gusto mo baka nagugutom ka na. Actually binili ko to para sa ating dalawa."

"B--Blarggh!!"

Pareho kaming natigil ni Gave nang marinig namin ang boses na iyon. Diresto ang tingin namin kung saan nanggaling iyon.

Si Reiss, nasa tabi niya si Kinse habang inaalo siya. Ang dalawang kamay niya ay nakatakip sa kaniyang bibig upang pigilan ang pagkaduwal niya.

Marahang hinagod-hagod ni Kinse ang likod ni Reiss. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Okay ka lang? Gusto mong tumigil muna tayo saglit?" tanong ni Kinse kay Reiss.

Dahan-dahang umiling si Reiss, "Huwag na. Kaya ko pa naman, medyo nahihilo lang ako." pilit siyang ngumiti.

'Di ko naman maiwasang mag-alala para kay Reiss. Kanina bago pa kami umalis, napansin ko na parang maputla siya. Mukhang may sakit si Reiss pero pinilit niya paring sumama.


"Iyang katabi ni Kinse, iyan ba iyong girlfriend niya?" bulong ni Gave sa akin.

Bumuntong-hininga ako bago sinagot ang. tanong ni Gave. "Oo, si Reiss." pilit akong ngumiti.

"Ang ganda niya, mukhang mabait pa. Galing pumili ni Kinse, noh!?"

Tumango ako, "Oo. Bagay nga sila eh."

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now