Chapter 5

358 15 1
                                    

Grade 12 ako nun nang makilala ko ang lalaking bukod tangi na tinuri kong espisyal na kaibigan.

His name is Gabriel Ventri Salvatore, I  called him Gave.



***

Tulad parin kahapon, late na naman akong uuwi dahil lang sa pag-asikaso ng project na ipapasa namin bukas. Fourth grading na namin ngayon, kaya halos magpaulan ng mga assignments, quizzes, activities at projects ang aming mga guro. Sa sobrang dami hindi na namin alam kung ano uunahin at kailan namin iyong sisimulan kaya nagpasiya kaming mag-overtime para matapos at mapasa na namin ang iilan sa binigay nila.

"Cai, ikaw na lang mag-lock ng room natin ah, andiyan na kasi si papa naghihintay sa labas. Sinusundo ako." paaalam sa akin ni Pearl. Kagrupo ko sa subject namin na Media and Information Literacy.

"Oh." hinagis niya papunta sa akin ang susi ng room namin. Sinalo ko naman ito.

"Sige. See you tomorrow."

"Bye. Gusto mo sabay ka na lang sa amin? Kasya naman tayo sa motor ni papa eh." alok niya sa akin.

"Maglilinis pa kasi ako. Ililigpit ko muna itong mga kalat natin. Bago ako umalis." tugon ko. Kinuha ko iyon tambo at dustpan namin para magsimula nang maglinis.

"Ganun ba, sige una na ako ah. Ingat ka na lang  sa pag-uwi." Pearl then bid a goodbye before leaving our classroom.

"Oo. Bye."

Ngayon ay mag-isa na lang ako sa room. Wala nang katao-tao sa building namin kundi ako na lang. Ngunit hindi ako natatakot kahit marami na akong naririnig na kuwento na dito daw sa building namin marami daw nagpapakita na ligaw na kaluluwa, may maririnig ka daw na iyak ng isang babae tuwing gabi at mga mabibigat na yapak ng hindi mo matukoy na nilalang. Iyon ang pinagkakalat na kuwento ng security guard ng aming school sa tuwing rumuronda siya dito sa aming building.

Though I believe about bad spirits and ghosts, sa mga kuwento niyang iyon ay wala akong pinaniniwalaan. Unless  marinig ng mga tenga ko ang iyak at mga yapak na sinasabi niya. Pero dalawang araw na akong naiiwang mag-isa dito sa classroom namin wala pa naman akong nararanasan na magpapatindig ng balahibo ko.

Nang matapos kong linisin ang mga kalat namin ni Pearl ay nagpasiya na akong lumabas ng aming silid-aralan. Chineck ko muna kung may naiwan akong gamit bago pinatay ang ilaw.

Aktong isasara ko na ang pinto nang may narinig ako mabilis at sunod-sunod na yapak galing sa ibaba. Paakyat ito papunta dito sa third floor kaya napahinto ako at muling binuksan ang ilaw. 

Ramdam ko ang pananayo ng aking mga balahibo, ganunpaman ay hindi ako umalis sa kinatatayuan ko kahit nasa tabi ko lang ang hagdaan pababa.

Dahil sira iyong ilaw na nakakabit sa gitnang parte ng hagdanan ay hindi ko matukoy kung sino o anong nilalang ang paakyat. Kaya hinintay ko na lang ito na makarating dito sa third floor. Dahan-dahan ko naman kinuha iyong stick ng mop na nasa gilid ng pintuan para may panlaban ako kung sakali.

Nagtaka naman ako nang biglang nawala ang mga yapak na iyon nang malapit na ito dito sa third floor kaya naman binuksan ko ang flashlight ng aking cellphone upang tingnan ito sa baba.

"Bumalik ka sa loob!"

"Aaahhh!!"

Napaigtad ako nang marinig ko ang malalim na boses na iyon. Bigla na lamang bumungad sa harapan ko ang pigura ng isang lalaki na nakaputi at humahangos pa. Sa aking pagkagulat ay hindi ko na nakilala kung sino o ano siya, basta ko na lang iniangat ang aking hawak-hawak na stick para hampasin sana siya. Ngunit mabilis niya akong nahawakan sa aking pupulsuhan ng mahigpit dahilan para mabitiwan ko ang hawak na pamalo.

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now