Chapter 4

375 15 0
                                    

"Really he said that?" pagkonpirma ni Yawe sa akin matapos kong ikuwento sa kanila ni Amila ang sinabi sa akin ni Kinse kagabi.

Narito kami ngayon ulit sa soccer field. Walang naglalaro, iilan lang din ang istudyante na nakatambay ngayon dito kaya malaya akong nakapagkuwento sa kanila.

I nodded, "Yes."

Nagkatinginan silang dalawa at pagkatapos ay nagsalita si Amila.

"I think there's nothing wrong with what he said. 'Di ba hindi niyo naman gusto ang isa't isa, napilitan lang kayo magpakasal dahil iyon ang kasunduan ng mga lolo niyo. So, para sa akin Cai, mas mabuti nga kung ganon na ang mangyari. Kung mabuntis si Reiss, syempre kailangan niyo itong ipaalam sa pamilya niya. Wala silang choice kundi ipawalang bisa ang kasal niyo. 'Di mas mabuti iyon? concern lang talaga sa iyo si Kinse kasi gusto niya na maging masaya ka."

"Alam mo babae, tanga ka talaga kahit kailan." mahinang kinutusan ni Yawe sa sintido si Amila kaya nagtataka itong tumingin sa kaniya.

"Ansakit nun ah!" daing ni Amila habang hinimas-himas ang sintido niya. "Bakit ba!? totoo naman sinabi ko. Ang kailangan lang ay mismo kay Caisen manggagaling na kailangan na nilang mag-divorce. Madali lang iyon, unless hindi siya papayag dahil may gusto na siya kay Kinse------Ooh!" napatakip ng bibig si Amila na para bang may bagay siya na napagtanto.

"Mahal mo na ba siya Cai?"

I heaved a deep sighed. Hindi ako nakasagot sa tanong ni Amila. But h*ll yes, I'm crazy inlove with him.

"Ilang buwan na rin silang magkasama, malamang may gusto na siya sa asawa niya. Tayo nga nagkakagusto sa guwapo na una palang natin nakikita. Siya pa kaya na matagal niya na kasama sa iisang bahay."
sabat ni Yawe.

"Oh boy! kagaya lang sa mga love story na nababasa ko sa wattpad! Iyong puwersahan din silang kinasal tapos si guy walang gusto kay girl pero sa middle part ng kuwento magkakagusto sa kaniya iyong guy tapos iyon naman ang maghahabol! Oh myyyy!!! feel ko ganun din mangyayari sa iyo. Ayyyiiiee------"

Muling tinampal sa ulo ni Yawe si Amila kaya muli itong napadaing.

"Araay B*kla!!! nakakadalawa ka na ah!!"
sigaw ni Amila na halos mamukadkad na ang ilong sa galit.

"Cut your st*pid imaginations girl! Alam natin na hindi mangyayari iyan. Can't you see? Kinse is inlove head over heels with Reiss. Wala na ata siyang nakikita na ibang babae kundi ang jowa niya. Idagdag mo pa na straight siya, hindi ko pa nga nababalitaan na nagkasyota iyan ng lalaki. Kaya sobrang labo ng imahinasiyon mo." mahabang lintaya ni Yawe.

Humarap siya sa akin, "Alam na ba niya?"

Umiling naman ako, "Hindi pa."

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya, malay mo magbago ang ihip ng hangin. Sa pag-amin bigla siiyang magkagusto sa 'yo." Amila advice.

Muli akong napailing, "Ayaw ko pang sabihin sa kaniya. Natatakot ako, dahil alam kong wala din naman akong pag-asa. Sa huli masasaktan lang ako, baka hindi ko na siya pa kayang harapin sa sobrang kahihiyan after kong mag-confess at mareject."

Yawe snorted, "Tsk! Walang mangyayari kung itatago mo lang iyang nararamdaman mo. You should at least try to confess. So what if he can't reciprocate your feelings? Parte na ang masaktan kapag nagmahal ka. Wala nang bago diyan. Simple lang ang solusiyon, MOVE ON! ang mahalaga nasabi mo sa kaniya iyang kinikimkim ng dibdib mo."

"H..Hindi ko talaga kaya Yawe. Iniisip ko palang parang nahihiya na ako."

"Give yourself an enough time. Hindi mo naman kailangan ura-urada umamin sa kaniya. Kapag alam mo na kaya mo na, doon mo sabihin sa kaniya." Yawe caressed my shoulder. "Anyways, nandito naman kami ni Amila. Sabihin mo lang para tulungan ka namin. Magaling kami sa bagay na iyan." then he teasingly winked.

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now