Chapter 20

372 21 6
                                    

Days flew by and in just two weeks, SCUAA is about to begin. Bonggang preparasiyon ang ginagawa ng aming paaralan para sa mga darating na bisita mula sa iba’t ibang paaralan. Ganunpaman, sinigurado nila na hindi maaapektuhan ang klase sa kanilang paghahanda. Patuloy parin sa pagtuturo at pagbibigay ng mga asignatura ang aming mga professor na wala naman malaking tungkulin sa sinasabing asosasiyon.

Dobleng oras naman ang ginagawang pagsasanay ng aming mga atleta sa iba't ibang laro. Excitement and eagerness to sweep the board are evident on their faces.

“Amila dalian mo naman! Mauubusan na tayo ng upuan sa bleacher.” naiiritang usal ni Yawe kay Amila na nag-aayos ng kaniyang make-up habang nakikipag unahan kami sa paglalakad sa ibang mga estudyante papunta sa covered court. Ngayon na nga pala ang huling laro nina Kinse at Gave bilang parte ng kanilang training, kung sino ang mananalo sa kanila siya ang pipiliing captain ng kanilang grupo.

Nasasabik na ako kung sino ba sa kanila ang mananalo lalo na pareho naman magaling sina Gave at Kinse. Gave is a competitive player, he never accepts defeat. He knows that if he will be the captain, he can carry his whole team to the championship. While Kinse always strives to be the captain of his team, he may have a calm demeanor yet I can feel the intense aura of determination to win on him.

Mas lalo kaming nasiyahan nang marating namin ang covered court, meron pa kasi kaming nakita na bakanteng upuan sa unahan. Kakaunti pa masyado ang estudyante na aming pinagsasalamat dahil marami kaming pwesto pa na puwedeng pagpilian. Syempre sa unahan kami naupo para mas makita namin ng malapitan ang laro nila. Sa katunayan nasa bandang likuran lang kami nakaupo kung saan ang team nina Gave nakapuwesto.

Kumaway pa si Gave sa amin nang makita niya kami pero ibinalik niya kaagad ang kaniyang atensiyon sa kagrupo niya. Naguusap-usap sila kung papaano nila haharapin ang grupo nina Kinse. In their situation right now, Gave is also acting as their coach. Wala kasing hahawak na coach sa kanila. Isa din siguro ‘to sa paraan ni sir Jasper para makita niya kung sino kay Gave at Kinse ang mas magaling humawak ng team.

Napalingon ako sa direksyon nina Kinse. Nakahanda na ang kanilang grupo, his team are busy performing basic exercises while Sir Jasper who acts as a referee  is not calling them yet. Kinse is talking with Reiss who’s also sitting near behind them with her friends. Inabutan siya ni Reiss ng tubig at face towel na white. Nakangiti iyon na tinanggap ni Kinse habang nag-uusap pa rin sila. Hindi ko namalayan na masiyado na nakatuon ang atensiyon ko sa kanilang dalawa. Muntik pa nila akong mahuli na nakatingin sa gawi nila. Mabuti na lang nang makita kong papunta ang tingin nila sa direksiyon nina Gave, mabilis akong tumingin sa ibang anggulo at nagkunwaring hindi ko sila nakita.

Nakaraang linggo lang, palaging malungkot si Kinse dahil ilang araw din na hindi pumasok si Reiss at biglaan na lamang siya hindi kinikibo. Ng mga oras ko lang iyon nakita na nagkaroon ng malalim na hindi pagkakaunawaan si Kinse at Reiss.

I almost tried to talk with Reiss, but I stopped myself from doing that. Ayaw kong isipin niya na masyado na akong nangingialam sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ba ako naapektuhan kapag may problema silang dalawa. Siguro hindi lang talaga ako sanay na makita sila na hindi nag-uusap at hindi mag-kasama. Lalo na kay Kinse, naninibago ako kapag nakikita ko siyang walang sigla kung kumilos at hindi ako iniimik.

Noong nakaraang araw lang sila nagkaayos. Hindi ko alam kung paano, pero nakita ko na lang sila nung gabi sa sala na masaya nang nag-uusap. Akala mo hindi nag-away.

May naramdaman man akong kakaibang emosyon, nangibabaw parin ang aking kasiyahan nang makita silang magkasama na ulit,


“Ayan na Cai! Magsisimula na!”

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now