Chapter 23

334 23 17
                                    

"Hi Caisen."

Una naming pagkikita ni Caisen noon nang isinama ako ni mamita at ng mga magulang ko bisitahin ang bahay nila. Tatlong linggo bago ang kasal namin.

Nadatnan ko siya nakatambay sa kanilang likod-bahay. Nakaupo sa mahabang upuan nagawa sa kahoy habang nagtutugtog ng acoustic na gitara. Sinasabayan niya din ito ng mahinang pagkanta.

Sa katunayan, hindi ako sanay na unang makipag-usap sa taong bago ko palang nakilala. Pero nang araw na iyon, pinilit ko ang sarili ko dahil ayaw kong isipin ni Caisen na istriktong lalaki ang makakasama niya sa mga darating na araw.

Natigil siya sa pagtugtog. Nilingon niya ako, pero hindi siya kaagad sumagot.

"Ah, My mother already told me your name before we headed here." paliwanag ko nang mabasa ko sa mukha niya ang pagtataka kung bakit alam ko ang pangalan niya.

Umupo ako sa tabi niya. Inilahad ko pa ang aking kanang kamay para magpakilala. "I'm Kinse by the way,"

Inabot niya naman kaagad iyon. Tipid pa siyang ngumiti sa akin. "Hello Kinse." sagot niya.

Simple rin akong napangiti. Mukhang mabait naman pala si Caisen

Akala ko pagsusungitan niya ako. Kanina kasi sa byahe, ang naiisip kong Caisen ay masungit at mukhang siga. Mali pala ako. Haha!

Hindi kaya siya nagalit kay sa papa niya nang malaman niya na ikakasal siya sa kapuwa niya lalaki?

Sa parte ko, matagal ko nang alam ang tungkol sa kasal naming dalawa. Nang sinabi iyon sa akin nina mamita, hindi naman ako nagalit. Hindi ako nagtampo o nagplano na takasan sila para lamang hindi matuloy ang kasunduan ng aming mga lolo.

Simula ng bata pa ako, kung ano ang hinihingi ko sa kanila binibigay nila sa akin. Pera, kotse, damit, gadgets at iba pang mga bagay na gusto kong makuha. Sinusunod nila iyon at binibigay sa akin.

Tinanggap ko ang kasal na wala silang narinig na reklamo mula sa bibig ko dahil para sa akin ito lamang ang aking paraan para masuklian sila sa lahat ng bagay na ibinigay din nila sa akin.

Hindi ko lang maiwasan na magtaka kung ano ang pakiramdam na pareho kayong lalaki magsasama hanggang sa pagtanda? Is your relationship will going to work out for a long time?

Bukas ang aking kaisipan sa gantong uri ng relasiyon at kasal. Marami akong naging kakilala na mga lalaki na nagkagusto at ikinasal din sa lalaki. Pero nakakalungkot lang dahil hindi sila nagtatagal.

Ano kaya ang mangyayari sa amin ni Caisen kapag magkasama na kami sa isang bahay? Magiging masaya kaya kami?

Mabilis kami naging magkasundo ni Caisen. Taliwas sa pangyayari na iniisip ko kanina sa byahe. Napakomportable namin sa isa't isa habang nagkukuwentuhan. Para bang matagal na magkakilala.

Nabanggit sa akin ni Caisen na noong una ayaw niyang sumunod sa kasunduan ng aming mga lolo. Dahil para sa kaniya isang malaking kalokohan ang kasal na pinagplanuhan nila sa aming dalawa.

Bukod doon sa parehong lalaki pa. Akala niya nagbibiro lang daw si tito sa kaniya.

Pero nang pinakita na ni tito sa kaniya ang papel na merong pinirmahan ang aming mga lolo. Doon palang siya naniwala.

Wala na siyang nagawa kundi pumayag pa lalo na nalaman niya na malaki ang naitulong ng lolo ko sa pamilya niya.

Wala naman naging problema nang maganap na ang aming kasal dahil sa Australia ito ginanap. Bilang lang din ang mga imbitado at karamihan iyon ay sa side ko. Samantala sa side ni Caisen ay ang papa at kapatid niya lang. Nang kasal ko lang din nalaman na wala pala siya masiyadong kaibigan. Meron daw siya isa, pero nasa ibang bansa na din ito kaso hindi na daw nagpaparamdam sa kaniya matagal na.

Nang magsimula kami mag-sama sa iisang bahay. Naging maayos naman ang lahat, para lang kami mag-kaibigan na umuupa ng isang bahay.

Sa mansion, hindi ko pa naranasan na magluto o ipagluto ang aking sarili marami kasi kami kasambahay. Nasanay na ako na nakahanda na sa lamesa ang mga pagkain. Pero nang magkasama na kami ni Caisen. Sinanay ko na ang sarili ko na matuto gumawa ng mga gawaing bahay. Ideya ko na hindi kami magkaroon ng katulong para kami na ang kumilos. Isa ito sa paraan ko para mas maging malapit kami ni Caisen sa isa't isa. Ako sa pagluluto siya naman sa paglilinis ng bahay.

A couple should have a single room in their house. Iyon talaga ang alam ko, tulad kay mommy at daddy. Pero sa amin ni Caisen. Magkaiba kami ng kuwarto. Hindi niya man nais ipahalata na naiilang siya sa akin pero nababasa ko iyon sa bawat galaw niya tuwing magkaharap kami.

Inaasam ko na sana magbago na ang trato niya sa akin. Pinilit ko rin na ilayo sarili ko muna sa kaniya at bigyan siya ng mahabang oras na maging bukas sa akin. Lalo na kapag may problema siya at kapag malungkot siya. Gusto ko lang naman kasi na ako ang una niyang lalapitan dahil ako ang partner niya . Hindi man namin ginusto ang kasal, pero eto na kami. Ako na ang asawa niya.





Caisen, kung alam mo lang na matagal na akong nagkagusto sa 'yo. Una palang natin na pagkikita, nakaramdam ako ng ibang emosiyon na hindi ko pa man naramdaman kahit sa mga babaeng nililigawan ko noon. Pero napilitan akong itago iyon dahil ipinaramdam mo sa akin na wala akong pag-asa sa 'yo.

Ang mga mata mo, ang kilos mo ang nagbibigay sa akin ng pahiwatig na kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Pumayag ka sa kasal dahil para sa 'yo ito ang tama para masuklian ang kabutihang ibinigay sa inyo ni lolo.

Tama nga ang pakiramdam ko dati na ikinakahiya mo na ikinasal ka sa isang lalaki. Pinakiusap mo sa akin na ilihim natin sa ibang tao na kasal tayo maliban sa mga kaibigan natin. Pumayag ako dahil gusto ko respetuhin ang desisyon mo.

Gusto kong malaman, hindi mo ba ako nagugustuhan?

Naging desperado ako na makahanap ng sagot. Kaya nga pati si Reiss ay nadamay, siya ang matalik kong kaibigan at takbuhan ko kapag may problema.

Nagpanggap kami na matagal nang nasa relasiyon. Gusto kong makita kung magseselos ka ba sa amin? Kung may pag-asa ba ako. Pero palagi akong bigo. Masaya ka pa na parati kami magkasama.

Our relationship is just part of a drama. Those hickeys? Those sweet words I told Reiss in front of you were not real. Lastly, our conversation about the divorce. Gusto ko lang din naman kasi malaman kung ayaw mo na sa kasal. Tama naman ako, gusto mo na itong tapusin.

Dahil ba kay Gave na ngayon ay nasa tabi mo palagi?

Ang tinutukoy mo na kaisa-isang kaibigan na may gusto din pala sa 'yo at ang nais ni tito na makasama mo?

Ngayon lumalayo ka na sa akin, kahit sinasabi mo na busy ka sa school pero alam kong hindi ka nagsasabi ng totoo.

Pagod ka na ba na kasama ako palagi?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now