Chapter 9

315 14 0
                                    

"Oy Cai, galit ka ba? Sorry na nga eh."

"Huh? Hindi ah."

"Eh ba't di ka nagsasalita? Baka bukas niyan o sa sunod na araw 'di mo na ako kausapin ah. Dapat talaga hindi ko na lang sila sinunod eh." pahabol niya pa.

I chuckled, "Baliw. Ba't ko naman gagawin iyon? may iniisip lang ako Gave. Isa pa, wala naman sa akin ang kiss na iyon. Sa iyo na mismo nanggaling na Dare lang iyon kaya mo ginawa. Kaya walang issue iyon sa akin." I tapped his shoulder. Umusog ako ng upo papalapit sa kaniya.

Lumiwanag na ang kaniyang mukha. "Totoo ba iyan?"

"Oo nga." pagkokonpirma ko.

He sigh in relief. "Mabuti naman, akala ko maiilang ka na sa akin. Kinakabahan ako dahil baka sa kiss na iyon, layuan mo na ako." Ipinatong niya uli ang kaniyang kamay sa braso ko. "Iniisip ko pa lang parang maiiyak na ako. Ikaw lang kasi ang tinuri kong kaibigan Cai. Alam mo iyon."

I gently nodded. "Oo, alam ko. Ang arte mo kasi kaya wala masiyadong nakikipag-kaibigan sa 'yo." biro ko na ikinatawa niya.

"Dati iyon Cai, Can't you see? Sinusubukan kong makisama sa ibang tao. Binabawasan ko na din ang pagiging maarte ko."

"Kita ko nga. Pero gusto ko parin ang dating Gave na sobrang arte. Nakakagigil kasi at sarap asarin minsan."

Tiningnan niya ako, "talaga Cai? Sige, hindi ko na babawasan pagiging maarte ko. Ginagawa ko lang naman iyon dahil sabi mo sa akin. Akala ko kasi ayaw mo."

"Tanggap ko kung ano ka Gave. Hindi mo kailangan magbago. Sinasabi ko lang na maarte ka dahil iyon ang pag-uugali mo na nagustuhan ko."

Gave leaned his head on my shoulder, mahina niya pang pinisil ang braso ko.

"Thank you. Nagpapasalamat ako dahil pinili kong umakyat doon sa building niyo nung hinahabol ako dati ng mga nakaaway ko na volleyball player sa school natin nung senior high school. Dahil kung hindi, hindi kita nakilala. Hindi tayo naging mag-kaibigan. I'm glad that I met you that day, Cai."

"Gave.." tawag ko sa kaniya.

Nandito pa rin kaming dalawa nakaupo sa wooden bench. Samantala iyong mga kasama namin ay nasa cottage parin at abala sa paghahanda sa aming mga dinalang pagkain.

"Ano Cai?"

"May gusto akong sabihin sa 'yo."

He tilted his head towards me. "Sige sabihin mo na."

"Tungkol ito sa asawa ko at sa kasal namin."

He became alerted, "Oo nga pala Cai! Ba't di mo sinama iyong asawa mo dito. Gusto ko pa naman siya makita---Teka ano pala iyong meron sa asawa mo at sa kasal niyo. May problema ba?" sunod-sunong niyang tanong.

This time, handa na akong sabihin sa kaniya. Kailangan na malaman ni Gave ang tungkol sa amin ni Kinse.

"Hindi ko kaagad sinabi sa iyo na...hindi babae ang pinakasalan ko." bumaba ang tono ng boses ko. Bakas naman sa mukha niya ang sobrang pagkagulat sa aking sinabi.

"Y..you mean....."

"Yes Gave, I married a guy. It was a force marriage. Malaki ang utang na loob namin sa pamilya ng kaibigan ni lolo dahil tinulungan nila si lolo nung mga panahon na lubog siya sa utang at muntikan nang makulong. That's why lolo made up a decision that his first grandchild must marry the first grandchild also of his friend. Bilang pagtanaw ng utang na loob. Pero ako ang naging unang apo ni lolo at lalaki din ang naging unang apo ng kaibigan ni lolo. Kaya nagpasiya si lolo na hindi na lang ito ituloy. Pero hindi pumayag ang kaibigan ni lolo. Itinuloy niya parin ito kahit pareho kaming lalaki. Kaya ito ako ngayon, kasal na Gave. Sa isang lalaki. Nakakatawa 'di ba? " mahabang paliwanag ko.

The Heartthrob Is My Secret HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon