Chapter 19

1K 37 8
                                    

I woke up with my eyes fluttering open, dahan-dahan akong napaupo at napasandal sa headboard ng kama. Napakusot ako ng mga mata. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dito sa kuwarto ni Kinse sa pagbantay sa kaniya kagabi na bumalik sa normal ang kaniyang temperatura. I tilted my head at my side and realized that the space next to me is empty. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong kuwarto. Pero hindi ko na siya nakita. Hinintay ko rin bumukas ang pintuan ng CR dito sa kaniyang kuwarto pero hindi naman siya na lumabas mula roon. Marahil ay nasa baba na si Kinse. Mukhang okay na ang pakiramdam niya. Ano kaya ang kanyang ginagawa? 

Bago ako bumaba sa kama, napahawak ako muna saglit sa aking mga labi. A sweet smile comes out of my lips when I remembered my dream last night. In my dream, I was navigating in a hazy, plain white landscape. I met a person whom I don't know if it's a guy or a woman. His/her features are blurry, but that inexplicable feeling while that person holding my hands before kissing my lips filled my emotions with excitement and curiosity. Despite his/her blurry visage, I feel the intensity of that person's presence and longing conveyed through that warm kiss. Ang gaan ng pakiramdam ko na para bang matagal na kaming magkakilala. It's just a short dream however it leaves me yearning for more. Though I know that its not real, that its just a figment of my imagination. Perhaps a trick of my senses playing tricks on me in my sleep.
 

Kung ano-ano kasi iniisip ko kagabi habang kayakap pa si Kinse, iyan tuloy pati panaginip ko naapektuhan sa kabastusan ko. Tsk!

“Ba’t nakabusangot ka?” 

I immediately fix my expression after hearing Kinse's voice. Natigil ako sa dulong ibaba ng hagdan at kaagad nag-isip ng puwedeng idahilan. 

Bawal ko naman siguro sabihin na dahil naudlot ang aking panaginip na may kahalikan akong tao! 

“Medyo inaantok lang.”

“Sorry, alam kong ako ang rason dahil binantayan mo ako buong magdamag.” his sincere apology.

“Hindi ah, nanuod kasi ako ng movie. Kaya na-late ako sa pagtulog.”

“Iwasan mo na ang pagpupuyat sa gabi. Hindi maganda sa kalusugan ang walang sapat na tulog.” he gave me a warm smile. “Halika na, kumain na tayo. Bumawi ka ngayon sa pagkain dahil puyat ka. Dapat maging balanse ang kalusugan mo.”

Tulad pa rin ng dati, inalalayan niya parin ako makaupo sa harap ng hapag-kainan. Siya na rin ulit ang nagsandok ng pagkain ko sa plato, pinagtimpla niya rin ako ng green tea.

“Ikaw kamusta na pakiramdam mo?” tanong ko. Nagsisimula na kaming kumain. Kasalukuyan siyang nagpapalaman ng sandwich niya.

“Medyo okay na ako. Mabilis na tumalab sa akin ang epekto nung gamot na pinainom mo sa akin. Salamat talaga.”

Kung mabilis pala na tumalab ba’t nag-seizure siya? Doble iyong kaba ko kagabi nung grabe ang panginginig ng katawan niya. Mabuti naman at natigil iyon kaagad nang niyakap ko siya. Totoo talaga pala na nakakatulong sa taong kinukumbulsiyon ang yakap, dahil sa init na nilalabas ng ating katawan. Napanood ko lang kasi iyon sa movie na nakita ko sa Netflix. Ginaya ko lang, may naitutulong din pala ang panunuod ng mga movies.

“Iyong likuran mo, kamusta na?” Tukoy ko naman sa pilay na natamo niya nung huli nilang laro.

“Nakakaramdam pa rin ako ng kirot minsan, pero hindi na ganoon kalala tulad nung dati.”

Napatango ako, “That's good news. Pero hindi ka muna puwede sumali sa training niyo Kin, hayaan mo muna na tuluyan gumaling ang injury mo.”

“Pero malapit na ang SCUAA. Kailangan ko nang maghanda. Kakayanin ko na ito. Mag-iingat na lang siguro ako.”

The Heartthrob Is My Secret HusbandWhere stories live. Discover now