The Heartthrob Is My Secret H...

By cdarau

12.3K 512 78

BL STORY More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 12

376 18 0
By cdarau


Matapos namin maghapunan, niyaya naman ni Gave si papa na mag-inuman sila. Syempre hindi siya tinanggihan ni papa.

"Tara! Ano ba dala mo diyan?"

Nilabas ni Gave ang alak na tinago niya sa kaniyang likuran at ipinakita iyon kay papa.

"It's Johnnie Walker 'The Directors Blend' Blended Scotch Whisky" nabili ko kanina sa mall. Naririnig ko kasi sa iba na masarap daw 'to. Kaya binili ko para matikman po natin."

"Mahal iyan ah! Sige na. Buksan mo na nang makapag-inom na tayo." utos ni papa kay Gave. Natawa naman si Gave bago sinunod ang utos ni papa. Naghanda na rin sila ng kanilang gagamitin sa pag-iinom. Tulad ng shot glass, pulutan at chaser.

Papa is a moderate alcoholic man. Malakas siya uminom ng alak pero paminsan-minsan lang siya magpakalasing, at iyon ay kapag bumibisita dito sa amin si Gave. Sila palagi ang magka-partner tulad ngayon.

Hinahayaan na lamang namin si papa, dahil iyon lang naman ang kalibangan niya. Mabuti na lang din at nandito si Gave dahil siya lang ang nagpapaaliw kay papa.

Pinagmasdan lang namin sila ni Kinse, nakaupo rin kami sa sofa na nakapuwesto sa kanilang harapan. Sinimulan na nilang inumin iyong Black Label habang masayang nagkukuwentuhan.

Kinse is crossing his arm while watching them. Ako naman nakikinig lang sa kanilang usapan. Si Cheo naman ay masayang naglalaro sa mga pinamiling laruan sa kaniya nina Kinse at Gave.

Maya-maya lang biglang tumayo si Kinse. Lumapit siya kina papa.

"Can I join?"

"Kinse." tawag ko sa kaniya. I've never seen him getting drunk before. Kaya nakakagulat na gusto niyang sumali kina Gave.

"Mukhang masarap iyang iniinom niyo pa, baka puwede din akong sumali."

Hindi nakasagot si papa, napalingon siya sa akin.

"Ah..Ahm" ang tanging nabulalas ng bibig niya.

Gave snorted, "Sa mukha mong iyan, halatang di ka sanay uminom ng alak. Huwag mo nang pilitin Kinse. Magsisisi ka lang. Mag-juice ka na lang."

Hindi nagpatinag si Kinse. Sa halip, kinuha niya iyong shotglass na ginagamit nila at pinuno ito ng alak. Saka diretsong nilagok.

My mouth agape in shock. Maging si papa ay nagulat din.

Tiningnan niyang muli si Gave. "Now, can I join?" pag-uulit niya pa.

I thought Kinse would not get easily drunk. Kanina kasi parang wala lang sa kaniya iyong paglagok ng sunod-sunod na tagay na binibigay sa kaniya ni papa. Pero siya ang unang natumba sa kanilang tatlo kaya wala akong choice kundi ihatid siya sa kuwarto ko.

Dahan-dahan ko siyang ihiniga sa aking kama at tinakpan ng blanket. Napailing-iling na lamang ako habang pinagmamasdan si Kinse na mahimbing nang natutulog.

'Ano kaya magiging reaksiyon ni Reiss kapag malaman niyang naglasing ang boyfriend niya? I'm sure magugulat siya, at the same time matutuwa.'

I poke Kinse's forehead, for him being so stubborn. 'Pasaway kasi, di naman talaga kaya, iinom-inom pa. Sigurado akong may hang-over 'to bukas.' bulong ko.

Naglakbay ang aking mga mata sa buong mukha ni Kinse. Looking at him while he's sleeping. Ngayon ko lang napagtanto na guwapo talaga itong si Kinse. From his concrete jaw up to his bristly eyebrows, every part of his visage is so fine. Pero ang umagaw ng buo kong atensiyon ay ang mga labi niya. Hindi ito gaano kapula pero perpekto ang hugis nito. I could say, his lips is still kissable.

Hindi ko na nakontrol ang sarili. Dahan-dahang umurong ang aking mukha papalapit sa kaniya. I want to kiss him, I know he couldn't feel it because he's still unconscious. Pero nang malapit na maglapat ang aming mga labi, napahinto ako.

Kaagad kong inilayo ang aking mukha sa kaniya.

'Mali itong ginagawa ko. Parang inaahas ko na si Kinse kay Reiss.'

Mabilis akong napatayo at napahilamos ng mukha. Nakaramdam ako ng kaunting kahihiyan sa aking sarili. Bago ko pa isiping ituloy ang nais kong gawin kay Kinse. Tumalikod na ako at tumungo sa pintuan ng aking kuwarto para lumabas.

**

Lingid sa kaalaman ni Caisen, dahan-dahang binuksan ni Kinse ang mga talukap ng kaniyang mga mata habang pinagmamasdan si Caisen na naglalakad palabas ng kuwarto.

The truth is he's not unconcious. Yet he feels drowsy and starting to lose his coordination. Kaya nagpanggap siya na nawalan na siya ng malay dahil sa kalasingan. He wants to puke and he wants comfort. Pero nahihiya siya para kay Caisen dahil kanina pa ito nakakaalalay sa kaniya. Balak niya sana na kapag ihatid siya nito sa kuwarto at kapag naiwan na siya ng mag-isa doon lang siya maglalabas ng laman ng kaniyang tiyan.

Pero ang kaganapan kanina ay hindi niya inaasahan. Albeit his eyes are close Kinse feel the movement of Caisen, and his breath which close to his visage. He knows what Caisen want to do with him.

'Does Caisen really want to kiss me?" a preplexing question lingering in his mind until now.


"Good morning Cai." masayang bati sa akin ni Gave.

Nakangiti ko siyang nilingon habang hinahalo iyong sinabawang isda na niluluto ko para sa breakfast namin.

"Morning din, gising ka na pala." sagot ko at kaagad na ibinalik ang atensiyon sa aking niluluto.

"Yeap."

"Tamang-tama, matatapos na ako dito. Maupo ka na diyan sa lamesa para makahigop ka nitong sabaw. Sabi nila maganda daw sa taong may hangover ang sabaw kaya ito niluto ko ngayon." sabi ko pa

Lumapit si Gave at tiningnan kung ano ang niluluto ko. "Sinabawang isda.. sarap niyan ah." natatakam niyang wika. "patikim."

Kumuha ako ng kutsara at sumandok ng kaunting sabaw. Dahan-dahan ko itong inilapit sa kaniya. Nakangisi naman siyang tinikman kaagad ito.

"Wow sarap! ang anghang, ganto gusto ko." komento niya. "Isa pa." kinalabit niya pa ako.

Tinapik ko naman ang kamay niya. "Maupo ka na doon at ipaghahanda kita."

Hindi na nangulit pa si Gave at sinunod ang sinabi ko.

"Iyong asawa mo, tulog pa din ba?" he asked.

"Oo, naparami kasi ng inom."

Gave snorted. "Iyan kasi bida-bida, pinilit na maglasing kahit hindi naman kaya."

"Hayaan mo na, ayaw lang kasi ni Kinse ma-out of place kaya sumali siya kagabi sa inyo." wika ko.

Maya-maya lang ay narinig ko ang boses ni papa, pakanta-kanta ito na pumasok sa kusina.

"Morning nak!" bungad niyang bati at lumapit sa akin.

"Morning din pa." bati ko sa kaniya.

Tulad ni Gave, tiningnan niya ang lamang ng kaserola upang malaman kung ano ang niluluto ko.

"Sakto nak, gusto ko ngayong humigop ng sabaw. hehe! Pagsampi mo ako nak,"

"Sige pa."

Mabilis na umupo si papa sa tabi ni Gave. Binati nila ang isa't isa, maya-maya lang ay nagsimula na naman silang magkuwentuhan at magtawanan.

Hinayaan ko lang silang dalawa. Pinatay ko na ang gas stove dahil tapos na ako sa pagluluto. Hinain ko na ang kaserola at dahan-dahang naglagay sa serving bowl. Saka ko iyon inilagay sa ibabaw ng lamesa. Pinaglayan ko na din sila sa kanilang kaniya-kaniyang soup bowl.

Naghugas muna ako ng kamay bago nagpaalam saglit sa kanila.

"Gisingin ko muna sina Kinse at Cheo pa. Kumain na po kayo."

Tumango si papa, "Sige nak, para sabay-sabay na tayo mag-agahan."

Naglakad na ako palabas ng aming kusina.

__________

Napansin naman ng ama ni Caisen na nakatingin si Gave sa kaniyang anak na kakalabas lang ng kusina. Kaya nagsalita siya matapos niyang ubusin ang sabaw sa mangkok niya.

"Nasabi mo na?"

Nilingon siya ni Gave. Napabuntong-hininga ito, "Hindi pa po."

"Kailan mo sasabihin?"

"Naghahanap pa po ako ng tamang tyempo."

"Matagal mo na iyang sinasabi sa akin Gave. Alam mo, kung dati mo pa sinabi kay Caisen na gusto mo siya nung hindi pa siya ikinasal. Edi sana naging kayo." marahang hinagod ng ama ni Caisen ang likuran ni Gave. "Ang rason kung ayaw ko sabihin sa 'yo kung nasaan nakatira ang anak ko dahil ayaw kong masaktan ka. Parang anak na rin ang turing ko sa 'yo Gave. Kaya nais ko sana na magmove-on ka na sa anak ko. Boto ako sa 'yo kung nasabi mo ng mas maaga kay Caisen iyang nararamdaman mo at naging kayo. Pero ngayon, may asawa na siya. Sa tingin mo, huli na kaya ang lahat kahit na magtapat ka pa sa kaniya?" mahabang turan pa nito kay Gave.

Hindi umimik si Gave. He even ask himself if it's really too late. Ano ba ang mangyayari kapag magtapat parin siya kay Caisen, kahit alam niyang mahal na mahal nito si Kinse?

-----------

Being unaware of his presence, Kinse remain leaning against the wall outside the kitchen area. Nauna kasi siyang bumaba dahil ginising pa ni Caisen ang kapatid nito. Then he heard the entire conversation between Caisen's father and Gave.

Hindi siya makapaniwala na may gusto si Gave kay Caisen, hindi niya iyon napansin. Is he too naive to notice that his teammate has a secret affection to Cai, his husband?
Bukod doon, ang mas nakaapekto sa kaniya ay iyong sinabi ng ama ni Caisen. Na kung hindi pala sila ikinasal na dalawa. Okay lang kung si Gave ang nakatuluyan ni Caisen.

Continue Reading

You'll Also Like

49.3K 3.2K 32
Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag...
308K 16.6K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
66.3K 4K 62
[ My Kitten Tutor BOOK 1 : Between Us - E D I T I N G ] **** Ang isang baklang kuting na papasukin ang mundo ng kolehiyo, Kit Ten Perez, ay gagawin a...