The Heartthrob Is My Secret H...

By cdarau

11.9K 494 77

BL STORY More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 3

426 19 0
By cdarau

"Guys nagugutom na naman ako."  Joowin caressed his stomach. "Kain muna tayo."

Kinse gaze at Joowin through rearview mirror. "Grabe naman na tiyan iyan. Kakakain mo lang kanina bago tayo umalis sa bahay. Tapos kakain ka naman ngayon?" Kasalukuyan siya ngayon nagmamaneho, papunta kasi kami sa bahay nila upang ihatid si Joowin. Gusto din kasi kami makita ng lola at mga magulang ni Kinse kaya lumiban muna kami sa klase ngayong araw.

"Tiisin mo na lang iyang gutom mo, malapit naman na tayo. Tiyak maraming pagkain naman ang inihanda si mamita para sa pagdating mo. Sa mansion ka na lang kumain ng kumain." nakangiti kong sabi kay Joowin.

"Talagaa!?" Yuuumm! nagutom ako lalo. Hehehe! Bilisan mo na sa pag-drive diyan pinsan!"

"Para kang hindi nakakakain ng tama sa Paris Joowin, namumulubi ka na ba doon?"

Sumimangot si Joowin sa sinabi ni Kinse, "Of course not, It's just that I don't like the taste of their foods. Mas gusto ko talaga mga lutong pinoy. Kaya bilisan mo na diyan, para na akong hihimatayin sa gutom."

Napailing-iling na lamang si Kinse sa inakto ng kaniyang pinsan. Sinunod naman niya ang utos nito sa kaniya. Binilisan niya na ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan upang makarating na kaagad kami sa mansion nila.

Dahil lunes ngayon, medyo matraffic sa daan. Inabot kami ng dalawa't kalahati pang oras sa biyahe. Kaya maging kami ni Kinse ay nakaramdam na rin ng gutom, kaya tinawagan namin kaagad si mamita na maghanda na ng aming makakain.

Mamita, Kinse's grandmother was too delighted after we inform her that we're on our way to visit the mansion. Sa sobrang galak niya ay hindi niya pinatapos ang iba pang sasabihin ni Kinse, kaagad niya itong pinatay. Tiyak bonggang handaan na naman ang ihahanda niya lalo na umuwi si Joowin.

Well, mamita is always like that. Like he never meet her grandchildren over a decade. Noong nagdesisyon kami ni Kinse na magbukod ng bahay. Mamita got mad and lock herself in her bedroom. She never talked to us in the entire day.  Ayaw na ayaw niya kasi na mapalayo kami sa kanila.

Mamita really love us and accepted our marriage. Bibihira lang sa edad na tulad ni mamita ang may kaalaman tungkol sa ganitong uri ng kasal. Some adults think about love and marriage between same gender as an unforgivable sin. But mamita, after she knew the decision of her husband regarding with our marriage, she never disagreed. Instead, she supported us wholeheartedly.

Wala akong masasabing negatibo tungkol sa kanila. I love them the way I love my family.  Ang suwerte nga ni Kinse dahil ganitong uri ng pamilya meron siya.

As soon as we reach our destination. The guards immediately opened up the massive silver gates after regonizing us. Then we pass through the driveway that led to the mansion.

Kinse is still in a middle of driving and Joowin was kept on commenting how he misses this entire place. Nakangiti lang ako na nakinig. Because like him, I miss the mansion and the people living there too.  Every single day. Pero dahil medyo malayo ito sa siyudad at sa paaralan namin, napilitan kaming lumayo ni Kinse.

"Aahh! I really miss the breeze of this place. Parang antagal ko nang hindi nakapunta dito. Hmmm. Kamusta kaya iyong kuwarto ko? Miss ko na doon matulogg!!"  nagagalak na nilingon ni Joowin si Kinse. "Insan dito ka ba matutulog ngayong gabi? Movie marathon tayo mamaya!"

"Sorry Joowin, pero may project kasi kami na gagawin kaya kailangan namin umuwi kaagad mamayang hapon." wika niya habang sa daan parin nakatingin. It was a lie, nabanggit kanina sa akin ni Kinse na lalabas sila ni Reiss. Niyaya daw siya nito manood sa sinehan kasama ang mga barkada nila. Wala naman akong nagawa kundi um-okay sa sinabi niya.

"Sayang naman."

Saglit ko siyang nilingon, "Next time Joowin, dito kami matutulog."

Tumango siya. "Okay, sana naman hindi matagal iyan. Alam niyo naman na nagbakasiyon lang ako dito sa Pinas, babalik din ako sa Paris. Gusto ko sana maka-bonding kayo."

"Don't worry, baka this saturday. Babalik kami. Gagala tayo isasama ko rin mga kabigan ko para makilala mo rin sila." Kinse assured then smiled.

"Okay then, I will mark your word, Kin."

Kinse and Joowin cut off their conversation when we're already infront of the mansion. Lumabas na kami ng kotse. The guards, butlers and maids are all standing in two line at the wide exterior staircase. They gave us an entrance before bowing their heads to welcome us. Sa itaas na dulo, nakatayo si mamita na naghihintay sa amin kasama ang kaniyang personal butler. Then she sauntered down the stairway with the aid of her butler after seeing us.

Ganito kayaman ang pamilya nina Kinse. Pero iilan lang ang nakakaalam dahil hindi naman nila ipinagmamayabang sa iba ang yaman na meron sila. Mamita and Kinse's parents is a business magnates.  They own and manage company from different countries. Kaya minsan lang maparito sa Pinas ang mga magulang ni Kinse dahil abala sila sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosiyo.

Saglit na nakisuyo si Kinse sa isang guard upang dalhin ang kotse niya sa subterranean garage ng kanilang mansion. Saka muling humarap sa direksiyon ni mamita. Umakyat na kami at sinalubong siya sa bandang gitna. She welcome us with her warm hug. Una niyang niyakap si Joowin.

"Finally! You come home Joowin. I had been missing your for how many years. Akala ko matatagalan ka pa bago umuwi dito." naluluhang wika ni mamita.

"Sorry mamita, hindi kasi ako kaagad pinayagan ni mommy na bumalik dito sa Pinas dahil sa pag-aaral ko. Don't worry baka next month babalik ulit ako dito."

"You know we can fix your class schedule. Marami akong kakilala sa Sorbonne University. They can assist you."

"That's what mom said, but I declined. Magbabakasiyon naman na kami eh."

Mamita sighed, "Bakit ba kasi kailangan pa na mag-aral sa ibang bansa. Puwede naman dito. Puwede ring homeschooling I can hire international professors just for you."

"Hindi na kailangan mamita. Mas gusto ko parin iyong nakakapunta ako sa iskuwelahan at may mga nakakasama na ibang mga istudyante, mas masaya iyon kaysa sa homeschooling."

"Don't worry, babawi na lang po ako sa inyo. Dadalasan ko na ang pagbisita dito sa mansion para hindi na kayo muling magtampo sa akin. Okay na po ba iyon?" dagdag pa ni Joowin.

"Promise?" paninigurado naman ni mamita.

"Opo."

"Good. Aasahan ko iyan Joowin."

Humiwalay na sa pagkakayakap si mamita kay Joowin. Ngayon sa amin naman siya humarap. Her hands were on her hips and there's a gloom on her visage.

"Alam niyo bang nagtatampo ako sa inyo?" sabi niya.

Kinse scratched his nape and smile sheepishly, "Yeah. we know because we didn't came here last week."

"Mind to explain?"

"Mamita this past few days I was up to my chin in doing my school activities, Cai was also preparing for our examination last week that's why we didn't made our promise that we will visit you. Sorry mamita."

Nawala ang lukot sa kaniyang mukha. She heaved a hollow breath and hug both of us tightly.

"Apology accepted. Sa sunod kapag busy kayo, tawagan niyo ako.  Alalang-alala ako sa inyo nung biyernes dahil hindi kayo pumunta dito."

"Sorry again mamita.  We promise it won't happen again." ako naman ang nagsalita.

"Mabuti kung ganun." ngumiti sa akin si mamita. "O 'sya halina't pumasok na tayo, marami akong pinahanda na pagkain para sa inyo."

"Butler Dolores," tawag ni mamita sa personal butler niya.

"Yes madaam." bahagyang yumuko si butler Dolores.

"Pahanda ng hapag-kainan kakain na kami ng mga apo ko." utos niya dito.

Tumango si butler Dolores at nagwika, "Opo madaam, masusunod po."

"Mamita sabay na ako kay butler Dolores, mauuna na ako sa inyo kumain. Gutom na ako, sumasakit na ang tiyan ko." nakangusong pakiusap ni Joowin. Lihim kaming natawa ni Kinse.

"Sige ijo, susunod kami."

Nauna na sa paglalakad sina Joowin papunta sa hapag-kainan. Nahuli naman kaming tatlo. Pareho naming hinawakan ni Kinse ang mga kamay ni mamita at para alalayan siya sa paglalakad.

**

Kaniya-kaniya nang kumakain ang bawat isa sa amin habang nagkukuwentuhan, nakasalo din namin ang mama at papa ni Kinse na kasalukyan nasa Japan. Gamit ang Viber ay tumawag sila amin para makausap din kaming lahat.

"Nga pala, Kinse at Caisen. Kailan niyo balak mag-ampon?"

Natigil kami sa pagsubo ng pagkain sa tanong iyon ni mamita. Nagkatinginan kami ni Kinse. Tulad ko, nabigla rin siya sa tanong ni mamita.

"Mama, they're too young to adopt a child. Hayaan niyo munang makapagtapos sila sa college bago natin pag-usapan ang bagay na iyan." mahinahong sagot ni mama Sarina.

"2 years pa bago sila makapag-graduate Sarina. I'm already 82, baka patay na ako bago pa sila makapag-ampon."

"Mama!"

"Mamita!"

Sabay-sabay naming tawag sa kaniya.

"Mama, huwag niyo nga pong sabihin iyan."  suway sa kaniya ni daddy Alfonso. "Hindi magandang biro iyong sinasabi niyo."

"Walang permanente sa mundong ito Alfonso, hiram lang ang buhay na meron tayo. Anumang oras puwede itong bawiin sa atin ng nasa Itaas. Ako? handa akong mamatay. Pero ang hiling ko bago man iyon mangyari, bigyan niyo sana ako ng panibagong apo. Kinse at Caisen." tukoy niya sa aming dalawa. "Gusto kong mag-alaga ulit ng bata. Gusto ko magkaroon ulit ng bata ang bahay na 'to."

"Hindi pa ba kami sapat mamita? apo niyo rin naman kami ni Joowin eh." seryosong turan ni Kinse.

"Yes but you're not a kid anymore. Palagi kayong wala dito. Iniiwan niyo ako sa malaking bahay na 'to ng mag-isa."

"You're not alone ma, nandiyan naman si Butler Dolores para alagaan ka."

"Naku, mamita ako matagal pa mabibigyan kayo ng apo. Wala pa sa isip ko ang mag-settle sa buhay, wala pa nga akong girlfriend eh." Tiningnan kami ng makahulugan ni Joowin. "Pero ang dalawang iyan, puwede ka nang bigyan ng apo. Puwede silang mag-ampon o di kaya mag-arrange ng surrogacy."

"Mamita, we're not ready to adopt a child. Wala pa iyon sa plano namin ni Cai. Sana maintindihan niyo po. Bata pa po kami."

"Sige huwag na lang, kung ayaw niyo. Ganiyan naman talaga kayo. Ngayon na lang naman ako humingi sa inyo ng pabor pero hindi niyo pa binibigay sa akin. Sige, huwag na. Okay lang ako dito mag-ISA!"

Naging problemado ang lahat puwera kay Joowin na patuloy lang na kumakain. napahilot sa sintido si daddy Alfonso, napabuntong-hininga naman si mommy Sarina. Hindi naman alam ni Kinse ang gagawin kung papaano iko-comfort si mamita.

Kung sa bata pa, mamita is a spoiled brat. Gusto niya masunod ang kaniyang gusto, dahil kapag hindi, nagtatampo siya at magkukulong sa kuwarto niya. Iniiwasan namin iyon mangyari sa kaniya dahil matanda na siya at baka magkaroon siya ng sakit dahil lang sa pagdadamdam niya. Kaya hangga't puwede, sinusunod namin ang kaniyang gusto.

"Sige mamita, payag na kami na mag-ampon ni Kinse." Napalingon sa akin si Kinse. Hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon.

"Are you serious Caisen? You're both student, mahahati ang oras niyo sa pag-aaral at pag-aalaga ng bata. Mahihirapan kayo."  nag-aalala sabi mommy Sarina.

"Hindi pa naman sa ngayon mommy Sarina, masiyadong busy pa po kasi ang class schedule naming dalawa ni Kinse. Wala po kami bakanteng oras para mag-alaga ng bata. But I assure you we will adopt a child this coming New Year, kapag okay na po ang lahat." lumiwanag ang mukha ni mamita sa winika ko. Napangiti naman ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Don't worry po, ako mag-aalaga sa bata since my experience ako. Noong maliliit pa po kasi mga kapatid ko ako na ang nag-alaga sa kanila. Gamay ko na po ang ganung trabaho. Basta po para kay mamita, wala pong problema sa akin." muli kong binigyan ng matamis na ngiti si mamita para hindi na siya magtampo pa.

Maghahating gabi na nang makaalis kami sa mansion, napahaba kasi ang kuwentuhan namin nina mamita at hindi na namin namalayan ang oras. Pinipilit niya pa nga kami na doon na lang matulog at bukas na lang umuwi kaso hindi pumayag si Kinse dahil may lakad sila nina Reiss at ng kanilang mga kaibigan.

Tahimik lang na nagmamaneho si Kinse, kanina pa siya hindi umiimik simula nung umalis kami sa mansion. 

Siguro galit siya sa akin dahil pinangunahan ko siya. Ayaw niyang mag-ampon kami, pero pumayag ako. Naiinis siya siguro ngayon sa akin.

"Kinse sorry,"

"Hmm?" saglit niya akong nilingon, "Para saan?"

"K..kanina. Alam kong galit ka sa akin dahil pumayag ako na mag-ampon tayo. Inalala ko lang kasi mamita, baka magtampo naman siya at. damdamin niya ang pag disgusto natin sa nais niya." paliwanag ko. "Don't worry, hindi naman kita bibigyan nng responsibilidad na alagaan ang bata. Ako na ang gagawa nun."

"O..Oh, I'm not mad." Kinse put his hand on top of my shoulder to assure his not angry. "May iniisip lang." sabi niya at ibinalik ulit ang kamay sa paghawak ng manobela. "I know your just doing it for mamita, ayaw na ayaw mo kasing nalulungkot siya."

I nodded with a gentle smile curved on my lips, "Oo, napamahal na sa akin si mamita. Since we got married she treated me like her own grandson. Hindi siya naging masungit sa akin kahit kailan. Ito lang ang tanging magagawa ko para sa kaniya."

"Yeah I know, she loves you so much. Pero wala pa tayo sa tamang edad para mag-ampon. I'm also worried about you. Totoo sabi nina mommy at daddy. Mahahati ang oras mo kapag mag-aampon na tayo. Mag-aalaga ka ng bata, at the same time asikasuhin ang pag-aaral mo. Should we hire a babbysitter?" mahaba niyang wika.

I giggled while shaking my head, "Hindi na kailangan. Gamay ko na ang pag-alaga ng bata. Kaya ko na iyon kahit marami akong ginagawa." I tried to smile once again.

"Pasensiya ka na Cai, wala kasi akong experience sa ganiyang bagay. Alam mo na, only child ako. Pero huwag kang mag-alala, susubukan kong tulungan ka. Hindi naman puwede na ikaw na lang palagi ang mag-alaga."

"Thank you. Baka ma-pressure. ka Hahaha!" biro ko sa kaniya.

"No I won't, my tutorial sa YouTube. manunuod ako." mayabang niya na sagot.

Humagalpak ako ng tawa. "Hahahaha!"

"Hey, what's funny!?" kuno't noo niya akong tiningnan.

"Seryoso, kailangan mo pang manuod ng tutorial!? haha!"

"O..Oo." medyo naiilang niyang sagot.

"Matagal ang proseso ng Child Adoption. So, marami ka pang araw para manuod ng tutorial. But you can ask me though if you need some help."

"Yeap, I will if needed."

Seryoso ulit na nagmaneho si Kinse, nakatuon na siya sa dinadaanan namin. Ako naman ay tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

Mabuti at napagusapan na namin ng maayos ang tungkol sa pag-ampon. Okay na kay Kinse at iyon ang ikinasasaya ko ngayon. Akala ko ikakasira ito ng ugnayan naming dalawa.

Bigla akong may naalala, hanggang ngayon curious parin ako kaya gusto ko siyang tanungin.

"Kinse." tawag ko sa kaniya.

he tilted again his head to me, "Bakit Cai?"

"Ano pala iyong iniisip mo kanina at halos hindi ka na diyan kumibo sa puwesto mo? Akala ko tuloy galit ka sa akin."

He giggled, "Sorry again for letting you to think like that. May iniisip lang ako na pangyayari."

"Eh anong pangyayari?"

"I'm just thinking, if Reiss got pregnant we can end this marriage. Puwede ko na siya ipakilala kina mamita at ang magiging anak namin. Hindi na natin kailangan mag-ampon. Magiging malaya ka na, magiging masaya ka na Cai tulad ng ninanais natin bago tayo ikinasal." masaya niyang bahagi sa akin.

His word left me speechless.

Ang hindi alam ni Kinse ang mga salita niyang iyon ang nagbura sa kasiyahang nararamdaman ko ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
28K 1.4K 70
It all started with a kiss. ' Start: October 26, 2021 End: April 3, 2022
5.4K 243 39
Lev Andrew Collins. All his life he kept the truth about him being gay to everyone including his family and bestfriend. Pero gaya nga ng sabi ng laha...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...