RASTRO FEELS

By pluviopilya

764K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Aftertaste (6)

6K 178 40
By pluviopilya

"Uhmmm.. Love?"

Lumapit si Glaiza kay Rhian sa may kitchen at binigyan nanaman ito ng back hug.. Kakarating niya lang sa condo ni Rhian para bisitahin ito. Kagagaling lang kasi niya ng Mall show niya at naisipan niyang dito na nga muna dumiretso sa Girlfried niya.

Nabigla naman si Rhian so she looked at her Girlfriend na halata namang nilalambing siya.

"Why? May kailangan ka no?" She joked.

Ngumiti lang ng matamlay si Glaiza tapos pinatong nanaman ang baba niya sa balikat ni Rhian. "Kasi... May prod ako this sunday sa SAS..."

"Oh yun naman pala e. Bakit parang problemado ka? Ayos naman yun ah..." Rhian said tapos hinawakan yung kamay ni Glaiza na nakayakap sa kanya.

"Uhmm, kasi.. Prod ko yun together with Maricris..."

Nabigla naman si Rhian. Nag-look away siya..

Naramdaman naman ni Glaiza na parang nag-iba yung mood ng Girlfriend niya so hinigpitan niya pa ang pagkakayakap dito. "Kung hindi okay sayo, sabihin ko nalang na wag nalang akong bigyan ng prod--"

"No.. No Lovelove.." Rhian tapped Glaiza's hand.

Humiwalay siya sa pagkakayakap ni Glaiza tapos tiningnan niya ito sa mukha. "Ano kaba. Okay lang.. Diba magkaibigan naman kayo ni Maricris? Wala lang naman siguro yun so okay lang.."

"Baka kasi... Magalit ka tulad nung last time na nagperform kami ni Maricris.."

"Well, as long as wala ng haplos haplos ngayon at kilig smiles, okay lang sakin Lovelove.." Rhian smiled to assure Glaiza.

Napangiti na rin si Glaiza. "I'm so lucky to have you in my life..." She said tapos hinawakan ang kamay nito. "Promise, ikaw lang hahawak hawakan ko ng ganito." She played Rhian's hand na parang nanlalambing ng bata. Kinurot ni Glaiza si Rhian sa pisngi ng light lang. "Napakaganda mo."

Rhian smiled. "Pinapayagan na nga kitang magperform together with Maricris nambobola kapa."

Glaiza laughed a little. "Seryoso ako..."

Rhian nodded. "Oo na. Oo na."

Glaiza sighed at niyakap ang Girlfriend niya. "Thank you."

"Kung dahil yan sa pinayagan kita sa sunday... You're welcome. But, nagpromise ka. Wala ng haplos haplos or kilig kilig okay?"

"Aye aye LoveLove." Glaiza laughed.

Natawa nalang din si Rhian.

//

Sunday Afternoon.

Mahigpit ang hawak ni Rhian sa remote. Gustung-gusto na niyang patayin ang TV pero di naman niya magawa dahil parang may kung ano pa sa sarili niya na gusto pang malaman kung anong mga gagawin at isasagot ni Glaiza..

Tapos na ang performance ni Glaiza at Maricris sa SAS.

Nag-promise si Glaiza na walang haplos haplos na mangyayare or kilig smiles...

Pero hindi ganun yung nangyare. Parang si Maricris at Glaiza yung loveteam sa The Rich Man's Daughter dahil sa mga pinaggagagawa nila habang nagpeperform.

Tinatanong naman ni Alden sina Glaiza at Maricris ngayon sa SAS.. Parang niloloko niya ang dalawa.

"Ikaw na ba ang palit kay Jade ng The Rich Man's Daughter?" Tanong ni Alden kay Maricris after nga nitong magperform.

Natawa naman si Maricris. "Gusto ko sana e. Pero tanungin niyo rin si Glaiza.."

Napatingin naman si Glaiza kay Maricris at napangiti ito. "Bakit ako? Ikaw kaya yung tinatanong..." Glaiza laughed.

"Uhmm.. Eh bakit gusto mo bang paltan ko na yung Jade mo?" Maricris asked Glaiza.

Napangiti naman si Glaiza. "Ikaw bahala. Okay lang naman..." Tapos natawa ito.

Hinawakan naman ni Maricris ang kamay ni Glaiza at para itong kinilig sa pagtawa nito.

Natawa naman si Alden sa dalawa. "Bagay na bagay kayo ha."

Kitang kita ni Rhian yung tawang binigay ni Glaiza nung sinabi ni Alden yun.

And there. Pinatay niya ang TV. Nayayamot na siya. Naiinis siya.

'Gusto mo bang paltan ko na yung Jade mo?'

'Ikaw bahala. Okay lang naman.'

Napapikit siya nung biglang narinig yung mga salitang yun sa isip niya.

She sighed para mawala yung tension na nararamdaman niya. Feeling niya nagwawala ang kung ano man sa katawan niya ngayon dahil sa inis.

Nag-promise siya. Walang haplos haplos.. Walang kilig smiles.. Then what was that?

//

"Bakit pumunta kapa dito?" Rhian said nang pumasok si Glaiza sa condo niya.

Napastop naman si Glaiza literally dahil sa binungad sa kanya ng Girlfriend niya.

"Love? Uhm, bakit? Ano nanamang problema?"

Napatayo si Rhian from the couch at tiningnan si Glaiza na nakatingin sa kanya ngayon.

"Anong problema? Talaga bang tinatanong mo kung anong problema Glaiza?" She's calm. Naiinis siya pero hindi niya makuhang pag-taasan ito ng boses.

Napakunot naman ang noo ni Glaiza dahil parang alam na niya ang ibig sabihin ni Rhian. "Dahil ba to sa SAS kanina? Love akala ko ba okay lang? I asked you kung pwede diba?"

"But you promised Glaiza. Pinag-usapan na nga natin yun. Pero diba kasama sa usapan na walang haplos haplos or kilig? You promised. But what was that? Pati yung mga statement na binigay mo kay Alden.. Obviously, hindi naman scripted yun diba?"

Glaiza sighed. "Lovelove naman, joke lang yun..."

Nagbuntong hininga din si Rhian. "Joke nanaman?!" Napalunok siya. Nagsstart nang bumigat yung pakiramdam niya. "Nung nakaraan sabi mo joke lang din diba? Joke pa rin ba to na nagpromise ka na walang haplos na mangyayare? Joke pa rin ba yung sinabi mo na pwede na niya kong paltan as Jade sa buhay mo?"

Nabigla naman si Glaiza. "Ano?! Did i say that? Wala akong sinasabing ganun Lovelove."

Rhian rolled her eyes. "Tinanong ni Maricris kung gusto mo na daw bang paltan niya si Jade sa buhay mo then you answered, 'okay lang naman' so obviously ang meaning nun pumapayag ka."

Nagbuntong hininga nanaman si Glaiza. Nilapitan niya na si Rhian nang makitang medyo naluluha na ito..

Nilapitan niya si Rhian at hinawakan ang mga kamay nito. Napalunok siya tapos tiningnan si Rhian sa mga mata. Pero tulad ng dati, hindi ito nakatingin sa kanya.

"Lovelove tingnan mo ko..." Glaiza said pero hindi pa rin tumitingin si Rhian sa kanya so hinawakan niya ang baba nito at pinatingin ito sa kanya.

Nung nakatingin na si Rhian sa kanya, nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Halata sa mga mata nito na gusto na nitong umiyak.

Nagbuntong hininga nanaman siya. "Joke lang yun.. Biruan lang. Katuwaan. Trabaho.. Hindi yun totoo.."

"Pero hindi rin yun scripted Glaiza.."

"I know, pero hindi yun totoo okay? Biruan lang yun. Kaya nga kami nagtatawanan habang sinasagot yung mga kalokohang tanong ni Alden eh.."

"Hindi tawa yung nakita ko earlier sa inyo ni Maricris Glaiza. Iba yung natatawa sa natutuwa. And I saw na NATUTUWA kayong dalawa. NATUTUWA ka sa pang-aasar sa inyo.. Parang ngang magka-loveteam kayo e.." Rhian said na parang down na down.

Hinigpitan naman ni Glaiza ang pagkakahawak sa kamay ng Girlfriend niya.

"Lovelove naman.. Trabaho nga lang yun.. Sorry kung.. kung hindi ko pala natupad yung promise ko.. nasa performance kasi yung isip ko. I'm sorry."

Tiningnan naman lalo ni Rhian si Glaiza. "IN kana kasi sa moment kaya nakalimutan mo na nagpromise ka." She said na medyo nanginginig pa ang boses.

"No Rhian.. Hindi ganun.." Glaiza said.

"Pero nakita ko Glaiza. Nakita ko kung gaano kanatural yung tinginan niyong dalawa.. Na parang may something. So tell me. May hindi ba ko alam Glaiza?"

Nagulat naman si Glaiza sa sinabi ni Rhian. "What? Rhian ano kaba--"

"Niloloko mo ba ko?!"

"Ha?! Hindi..."

"Takot na kong maloko Glaiza.. Ayoko ng maloko.."

"Lovelove, wag mong palalain yung sitwasyon okay? Unang-una hindi kita niloloko. Yung kanina, biruan nga lang.. Trabaho lang.." Lumapit pa si Glaiza kay Rhian para sana yakapin ito pero..

"Stop." Rhian sighed. "Wag muna Glaiza.. Please wag mo muna kong yakapin ngayon kasi naiinis pa ko..." Umiiyak pa rin siya. "Naiinis ako at nasasaktan. Hindi ko mapagtugma yung sinasabi mo sa nakita ko kanina.. Hindi ko mapagtugma yung sinasabi mo sa mga naging actions and words na binigay mo kanina sa SAS habang kasama mo si Maricris."

Glaiza sighed. "Rhian please.. Joke joke lang talaga yun--"

"Pero sinabi mo nga na okay lang na paltan na niya ko sa buhay mo.." Rhian said so nabigla naman si Glaiza. "That hurts. Ang sakit nung words na yun Glaiza. Para talagang payag ka."

"Rhian.. Hindi talaga yun yung point ko--"

"Tama na! Ayoko ng marinig yung sasabihin mo. Please, tama na muna. Hayaan mo muna kong mag-isip." Naupo na si Rhian sa couch.

Tiningnan lang ni Glaiza ang Girlfriend niya. Gusto niya itong lapitan, yakapin. Pero wala, ang obvious naman na galit nga ito.

"I'm sorry." She said.

Narinig naman yun ni Rhian pero nanahimik nalang siya. Nakayuko lang siya..

"Lovelove, Sorry... Hindi kita niloloko. Biruan lang talaga tsaka katuwaan lang yung kanina. Tsaka yung point--"

"Please Glaiza, iwan mo muna ko." Rhian said. Hindi na niya pinatapos si Glaiza sa pagsasalita.

Napabuntong hininga naman si Glaiza. "Sorry.." She said. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan si Rhian. Ayaw niyang matapos ang gabing to na di sila okay. Pero sa tingin niya, mas lalala lang yung situation kapag hindi niya pa sinunod ang gusto nito.

·

·

·

·

·

Tumalikod na siya. Nagstart na siyang maglakad papunta sa pintuan. Binuksan niya na ang pinto. Tiningnan niya pa sandali si Rhian na nakaupo nga sa couch at nakatalikod sa kanya..

Nagbuntong hininga nanaman siya..

"Susunduin kita bukas dito ha. Sabay tayong pupunta sa set."

She said tapos nagdecide na siyang umalis na. Tama na rin siguro yung naisip niya. Malamang galit pa si Rhian sa kanya kaya hindi sila makakapagusap ng ayos ngayon. Bukas nalang sila maguusap.

·

·

·

·

·

Pinunasan naman ni Rhian ang luha niya pero may bumabagsak pa din..

"Bakit kaba umiiyak! Wag ka ngang umiyak.." Sabi niya sa sarili niya.

Natatakot ako.. Natatakot ako na baka lokohin lang din ako ni Glaiza gaya ng ginawa ng iba sakin... Natatakot ako..

//

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: Hmmmmmmmmmm... :/

Continue Reading

You'll Also Like

403K 14.5K 53
"what will i do para makabawi ako sayo?"...malumanay kong sambit sa kanya. "be my bride . . . . . . . . . . . my substitute bride" . Isang kasunduan...
325K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...
152K 5.4K 40
Falling in love is not rational.
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.