MR. POLICEMAN IS A WALKING RE...

By PaulineHicarte5

58.5K 902 207

Ang kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataa... More

Chapter: 01
Chapter: 02
Chapter: 03
Chapter: 04
Chapter: 05
Chapter: 06
AUTHOR NOTE
Chapter: 07
Chapter: 08
Chapter: 09
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
AUTHOR NOTE
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 20
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26 (SPG 18+)
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30 (𝒕𝒉𝒆 𝒍𝒂𝒔𝒕 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓)
Author Note

Chapter: 10

1.6K 30 1
By PaulineHicarte5

Red POV

Kakasara lang namin ni khella ng shop sakto naman na dumating ang dalawa si Jacob at jiro. Pinagbuksanniya agad ako ng pinto ng kotse niya saka ito tumingin sakin at tinuturo ang labi niya pero iniwas ko lang ang tingin sa kanya saka ako nag lakad papunta kay jiro at walang sabi-sabi na umangkas ako sa motor nito kaya napatingin sila sakin lalo na si jacob. Naka kunot pa ang noo nito ng humawak ako sa bewang ni jiro.

"Lintik na yan. Ginagalit mo ba ako?" Inis na tanong niya. Umiling naman ako sa kanya.

"Si khella naman isakay mo dyan sayo." Sagot ko naman sa kanya.

"Bumaba ka dyan baka yang si jiro ang tamaan sakin." Sabi niya kaya Bumaba naman agad ako baka malagot nga si jiro pag hindi ako bumaba.

Sumakay naman agad ako sa kotse niya. Sinara niya na ang pinto saka siya pumasok sa loob. Pag pasok niya hinawakan niya agad ang kamay ko at walang sabi na hinila ako nito sabay halik agad sa labi ko. Napakapit pa ako sa balikat niya. Ano ba to bakit parang nagugustohan kuna ang halik niya at naaadik na ako.

"Pag darating ako galing trabaho labi mo agad ang gusto ko. Kaya dapat masanay kana dahil akin na yang labi mo lalo kana." Sabi niya ng mag hiwalay ang labi naming dalawa. Hindi naman ako naka imik saka ako umiwas ng tingin sa kanya.

"Tara na. Gusto ko na umuwi." Nasabi ko nalang sa kanya. Humawak naman siya sa hita ko kaya nahampas ko ito. Tumingin ako sa kanya pero naka tingin din pala siya sakin. Ngumisi nalang siya saka umiling.

"Mapapasakin din yan." Sabi niya saka inistart ang makina ng sasakyan niya.

"Asa ka." Sabi ko nalang. Natawa nalang siya sa sinabi ko. Tumingin siya sakin kaya hinampas ko siya baka kase mabangga eh. Baliw talaga to nakakainis na nakakakilig. Bwisit.

-----

Nakarating naman kami sa tapat ng bahay niya. Bumaba na agad ako. Hindi kuna hinintay na pag buksan niya ako ng pinto.

"Bakit ka bumaba agad?" Tanong niya.

"Malamang nan dito na eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Pag bubuksan nga kita ng pinto eh." Sabi niya pa. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"Wag na. Baka mag sawa ka agad kakabukas ng pinto sakin." Sabi ko naman sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya ako yakapin.

"Hindi ako mag sasawa sayo mahal ko." Sabi niya naman.

"Hoy. Lumayo ka nga. Baka makita ka ng mga kuya ko." Sita ko sa kanya. Ngumiti lang siya sabay halik sa noo ko.

"Di na magagalit yon kase pumayag na sila na ligawan kita." Sabi niya naman. Tinampal ko naman ang noo niya pero ngumiti lang siya sakin.

"Tumigil kana nga. Naiinis na ako sayo." Sabi ko naman sa kanya. Sumeryoso naman siya.

"Bakit naman?" Tanong naman niya sakin.

"Kase kinikilig na ako sa mga pinagagawa mo. Kaya tumigil kana." Sagot ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. Alam mo yong ngiti niya yong mawawala na yong mata niya. Kainis ang cute niya at ang gwapo niya lalo.

"Tumigil ka nga kakangiti mo." Sabi ko sa kanya pero lalo lang siya ngumiti. Baliw talaga to.

"Hoy kayo dyan. Wala ba kayo balak pumasok?!" Sigaw na tanong ni khella mula sa loob ng bahay ni jacob. Tumingin kami kay khella saka kami nagkatinginan ni jacob at natawa.

"Nandyan na." Sabi naman sa kanya ni jacob.

"Pasok kana don. Uuwi na ako." Sabi ko kay jacob. Umiling naman siya sakin.

"Nag paalam na ako kay tito na mag iinom tayo sa bahay ko at pumayag siya kanina." Sabi naman niya sakin.

"Kelan ka naman nag paalam.?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina bago tayo umalis. Kaya nga ako bumalik sa kusina eh." Sagot niya naman.

"Baliw ka talaga." Nasabi ko naman sa kanya. Umakbay naman siya sakin.

"Tara na sa loob nag hihintay na ang dalawa don." Pag aaya niya naman sakin.

"Sandali lang. May tanong ako sayo." Sabi ko sa kanya.

"Seryoso kaba talaga sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Seryoso ako sayo at gusto ko mapasakin ka." Sagot niya naman.

"Kahit hindi ako maganda at sexy.?" Tanong ko pa sa kanya. Ngumiti naman siya sakin.

"Oo seryoso ako sayo kahit ano kapa. Basta mapasakin ka." Sagot niya naman saka humalik sa labi ko. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Sana seryoso ka talaga." Sabi ko sa kanya.

"Seryoso nga ako." Sabi niya pa. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Uuwi muna ako para maligo." Paalam ko sa Kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Babalik ako." Sabi ko pa.

"Samahan na kita." Sabi niya naman.

"Wag na. Nag hihintay yong dalawa sa loob." Sabi ko naman.

"Hayaan mo sila. Basta sasamahan kita." Sabi niya naman. Magkahawak kamay naman kami na pumunta sa gate pero pag pasok sa bahay ay binitawan ko ang kamay niya.

"Nan dito na ang mag jowa." Bungad na sabi ni kuya marco. Inirapan ko lang siya.

"Punta kayo sa bahay. May inoman don." Pag aaya naman ni jacob kay kuya. Nag paalam naman ako kay jacob na maliligo lang ako. Tumango lang siya saka naupo sa tabi ni kuya marco.

------

Nan dito na kami ni jacob sa bahay niya. Ayaw naman pumunta ng dalawa ko na kuya dahil wala raw sila sa mood mag inom.

"Galit yata mga kuya mo sakin.?" Tanong naman ni jacob sakin.

"Hayaan mo lang yon. Basta seryoso ka walang mangyayari sayo." Sagot ko naman sa kanya. Humawak naman siya sa kamay ko.

"Mag iinom tayo ah. Pati ikaw mag iinom din." Sabi niya. Tumango naman ako sa kanya.

Pumasok na kami sa loob ng bahay niya na magkahawak ang kamay. Pag dating namin sa sala nakatingin agad samin ang dalawa sabay tingin sa kamay namin ni jacob.

"Omg okay na?!" Gulat na tanong ni khella. Binitiwan ko naman ang kamay ni jacob kaya napatingin siya sakin.

"Baliw hindi ah. Nanliligaw palang yan." Sagot ko naman sa kanya.

"Sagutin muna. Don naman punta niyan." Sabi pa ni khella. Tumingin ako kay jacob.

"Ayoko nga. Malay mo hindi ko siya sagutin." Sabi ko saka ngumiti. Sinamaan naman ako ng tingin ni jacob.

"Subukan mo lang." Sabi niya naman pero ngumiti lang ako sa kanya.

"Joke lang." Nasabi ko nalang. Bilis kase mainis ng isang to. Nag seryoso naman ang mukha niya.

"Kayo na ni khella bumili ng alak sa pulutan." Sabi ni jacob kay jiro. Tumango naman ito saka binigay kay jiro ang pera.

Nang makaalis ang dalawa ay yumakap naman bigla sakin si jacob at walang sabi na hinalikan nanaman ako nito sa labi. Tuloy lang siya sa pag halik hanggang sa maramdaman ko ang kamay niya na nasa may pwet kuna. Pinisil niya ang tambok ng pwet ko at pinanggigilan ito. Hindi ko naman napigilan kaya napaungol ako ng gawin niya yon. Pinagdikit niya pa ang kawatan naming dalawa kaya lalo pa lumalim ang halikan namjng dalawa. Parang mawawalan na ako ng hininga dahil sa pag halik niya hanggang sa may biglang dumating na katulong niya kaya naitulak ko siya palayo. Napamura naman bigla si jacob. Napayuko naman ako dahil sa hiya.

"Ay sorry po sir. Pinapasabi po kase ng daddy mo na tawagan mo raw siya pag dating mo raw po." Nahihiyang sabi ng katulong. Tumango lang si jacob kaya umalis naman na ang katulong. Napatingin sakin si jacob.

"Don tayo sa kwarto ko." Sabi niyang bigla. Nahampas ko naman siya sa braso niya.

"Mag tigil ka nga." Sabi ko naman sa kanya saka ako naupo sa sofa niya. Tumabi naman siya sakin.

"Nabihin ako. Bwisit na yan. Nan don na eh." Inis na sabi niya. Napahawak pa siya sa may ibaba niya.

"Ginalit mo lang to na alaga ko tapos ayaw muna ituloy. Kainis." Sabi niya pa.

"Ako talaga ang sinisi mo dyan." Nasabi ko naman sa kanya.

"Tuloy na kase natin. Halikan lang naman tapos kunting hawak sa pwet mo." Sabi niya pa. Lumayo ako sa kanya.

"Bastos mo. Tumigil ka nga." Kinakabahang sabi ko naman sa kanya.

"Gusto na talaga kita maangkin lalo na yang katawan mo gusto ko halikan lahat." Sabi pa nito saka ito ngumisi habang dahan-dahan hinuhubad ang uniform niya. Lalo naman ako lumayo sa kanya.

Kinakabahan na talaga ako sa kinikilos niya. Ano ba nangyayari sa lalaking to. Naka drugs ba to o ano.



•••••
Itutuloy.....

Continue Reading

You'll Also Like

1M 56.4K 58
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
2.4M 138K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.2M 108K 41
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
287K 9.3K 22
"Emmy? Good morning, Beautiful. It's time to wake up." She opens her eyes and sits up, a pout on her face. She blinks a couple of times and rubs her...