Option

By midnights_

22.8K 335 59

"Being an option was never easy, but waiting for the time to come for you to become the first and last option... More

Rebound
Part 1
Rebound #1
Rebound #2
Rebound #3
Rebound #4
Rebound #5
Rebound #6
Rebound #7
Rebound #8
Rebound #9
Rebound #10
Epilogue
Author's Note
Part 2
Pain #1
Pain #2
Pain #3
Pain #4
Pain #5
Pain #6
Pain #8
Pain #9
Author's Note

Pain #7

137 3 7
By midnights_

C H A P T E R 7


Natapos na naman ang araw na kasama ko si Aislinn sa buong araw. Pinilit ko siya na huwag na lang na magpunta sa opisina pero nagpumilit siya. She ended up watching me work. 11:57 na din ako nakauwi ng bahay dahil sa medyo out of the way ang bahay ni Aislinn sa bahay ko. Unlike yung condo niya medyo malapit lang sa subdivision ko.

Nang makapagpark na ako sa garahe, kinuha ko na ang susi ng bahay. Bubuksan ko pa lang sana ang bahay pero nakita ko ng bukas ang pinto na ikinataka ko naman. Pumasok ako ng marahan saka inilibot ang tingin ko sa bahay. Nang makaamoy ako ng alak ay sinundan ko ang amoy nito. Nakita ko si Donia na nakaupo sa counter habang may anim na walang laman na bote ng alak sa harapan niya. May lima pang may laman pero nakabukas na at isa naman na nangalahati na na hawak hawak niya at tinititigan.

Lumapit ako rito para matignan siya ng mabuti. Kitang kita ang kaibahan niya sa halos dalawang buwan na hindi ko siya kinikibo.

Kung noon ay ang payat niya'y pang'model. Ngayon ang payat niya ay talagang payat. Lumiit ang mga pisngi nito at lumalim ang mata. Halos wala na siyang laman sa katawan.

Ano bang nangyare sa'yo Claire?

"Uy! Andyan ka na pala Keenan!" Malasing lasing nitong sabi.

Inubos muna nito ang laman ng bote na hawak niya bago kumuha uli at tumayo na halos matumba na siya sa kalasingan. Lumapit naman ako sa kanya para alalayan siya pero agad naman niyang tinabig ang kamay ko saka uminom ulit.

"Distansyaaaa! HAHAHAHA. Sorry. Nakaistorvo ba ako?" Ika nito sabay tawa ng mapakla.

"Nakikiinom lang. Ubosh na alak ko sa bahay eh." Sunod pa nito bago pa ako makasingit.

Inubos niya ang hawak niya saka kinuha ang isa at lumakad papaalis sa kusina papuntang sala. Sinusundan ko ito ng paunti unti dahil baka bigla itong matumba. Humarap ito sa akin at ngumiti ng pilit.

"Akyat na! Ako na magshasara ng gate. Pramish. Ay. Wala pala non." Sabi nito habang lumalabas ng pintuan na kulang na lang ay matumba ito.

"Donia." Tanging nasabi ko na lang habang papalapit sa kanya para alalayan siya at papasukin uli.

"Hep! Dishtansya di ba? HAHAHAHA. Byee!" Sabi naman nito habang naglalakad ng gumegewang na para bang matatakasan ako.

Bago pa man siya makahakbang palabas ng gate ay napaupo na ito. Uminom muna ito sa alak na hawak niya saka sinusubukan pang tumayo. Nang makatayo siya ay hindi nakaligtas ang mga luha na tumutulo sa mata nito.

Hindi ko alam pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang pinanonood ko lang siyang umiiyak at papalayo.

Ito ba, Pain? Ito ang gusto mong ibigay niyang distansya? Bestfriend ka niya pero ikaw mismo ang nananakit sa kanya.

Lumakad ako papunta sa garden saka humiga sa duyan roon. Nakatitig ako sa bituin na katapat ko. Bituing laging nag'iisa.

"Ba't ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya pati na rin tinabihan siya sa ilalim ng puno.

"Iniwanan na ako ng lahat eh. Ulila ako. Ngayon naman namatay si Lola. Habang si Lolo naman matagal ng wala. Ano pa bang natitira sa akin? Wala." Sabi nito na parang wala sa sarili.

"Ako. Pwede mo naman akong maging kaibigan o kaya kuya." Ngiti kong sambit sa kanya.




"Alam mo ba na sabi ng magulang ko noon. Mga namatay daw ang mga bituin na 'yan? Mga symbolism daw kung ilan na ang namatay." Sabi nito habang nakayakap sa akin at lumuluha.

"Si Sander kaya? Saan diyan?" Tanong nito sa akin.

"Bes. Ilang taon ng wala si Anex. Sigurado ako. Kung saan man siya diyan. Lagi ka niyang pinapanood." Sagot ko naman rito.

"Pero alam mo ba bes. Para sa akin, isa sa mga star na 'yan ay ako." Sabi nito ng halos bumubulong na lang.

"Yun oh. Yung pinakamaliwanag na star, yung may katabi na parang blue na star. Yung blue na 'yon, ikaw 'yon. 'Yan yung star na lagi kong unang nakikita mula nung sinamahan mo ako nung mga bata pa tayo." Sabi nito habang tumuturo sa mga bituin.

"H'wag mo akong iiwan ha, bes? Ikaw na lang ang meron ako." Bulong nito.


Hindi ko na alam na umiiyak na ako sa mga ala-alang naiisip ko. Mga ala-ala namin bilang magkaibigan, magkapatid at halos magkatuwang sa buhay. Napatitig ako sa bituin na katapat ko.

Mag'isa.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga sa duyan saka na pumasok ng bahay. Kumuha ako ng isang bote ng alak na naiwang nakabukas sa counter. Iniubos ko ito agad kaya naman ramdam ang guhit ng alak sa lalamunan ko. Kinuha ko pa ang isa at napagpasyahang mag'ikot muna sa subdivision.

Naglakad lakad ako sa labas habang inuunti unti ang hawak kong bote ng alak. Halos bawat lugar sa subdivision na ito ay may memorya. Memorya ni Donia. Memorya namin bilang mga bata.

Kaunti na lang ang natira sa iniinom ko ng makarating na ako sa park ng subdivision. Naupo ako sa isang swing doon at tumingala sa tala. Katapat ko pa din ang bituin na tinitignan ko kanina na para bang sinusundan ako nito maging saan man ako pumunta. Tumayo ako para magpunta sa may malaking puno malapit sa seesaw rito. Kinapa ko ang puno hanggang sa maramdaman ko ang pangalang nakaukit roon.

Donia BFF Pain

Napagitla na lang ako ng may marinig akong sinok at hikbi. Naubos ko na ang alak na hawak ko saka pa lang ako tumayo para tignan kung saan galing ang tunog na 'yon. Binitawan ko sa tabi ang boteng hawak ko. Dahan dahan kong sinundan ang papahinang hikbi na naririnig ko. May nakita akong aninong nakaupo sa kabilang tabi ng puno. Lumapit ako rito para tanungin sana kung bakit it umiiyak ng mapansin kong si Donia pala ito. Tumabi ako rito saka tinignan.

"Don." Halos pabulong kong sabi.

Humarap ito sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Agad din naman akong binitawan nito at tumawa ng mapakla.

"Kanina sina Mama at Sander. Ngayon, ikaw naman? Alis na ilusyon. Sanay na ako mag'isa." Naiiling na sabi nito habang patuloy na lumuluha.

Nakita ko itong pumikit at sumandal sa puno. Pinanonood ko lang ito sa kadahilanang kasalanan ko lahat kung bakit ganito siya ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit wala na si Alex, ako ang nangako sa kanya na 'di siya iiwan pero eto siya ngayon mag'isa.

Sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero hindi ko na ito natuloy nang bumagsak ang ulo nito sa braso ko.

"Don?" Panimula ko.

Tinignan ko ito sa mukha at nakitang may bahid ng dugo ang pisngi nito. Nagulo naman agad ang isip ko at tinignan kung saan galing ang dugong iyon. Nang may makita akong basag na bote sa kabilang tabi nito ay tinignan ko ang kamay nito. Hindi nga ako nagkamali ng inisip. Punong puno ng dugo ang pantalon nito dahil sa dugo galing sa kamay nito.

"Donia. Wake up. Sht. Why did you even thought of doing this!"

Binuhat ko na ito agad at tumakbo papunta sa bahay para maidrive ito papunta sa ospital.

-

I was walking back and forth outside the emergency room not knowing what to do. They didn't want me there because I'm not a family member. I was so nervous when the doctor came out of the ward and walked towards me.

"Dok. Kamusta siya? O-okay na ba siya? Nagising na ba?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"She's fine. Maraming dugo lang ang nawala sa kanya kaya kailangan namin siyang salinan ng dugo. Wala na ba siyang ibang kamag'anak?" Sabi naman niya.

Napailing na lang ako. Napayuko ako sa pagkakataong iyon. Wala akong magawa. Ngayon, ako naman ang nagbibigay sa kanya ng sakit na nararamdaman niya.

"Please dok. Do everything. Kahit magkano babayaran ko." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"We will. Excuse me."

Pumasok ako sa ward at nakita yung nurse na inaayos ang IV ni Donia.

"Sir. Pakipirmahan na lang po dito." Sabi nito.

Pumirma ako saka na umupo sa tabi niya. Sumulyap ako sa nurse at nagtanong.

"Ilang stitches?"

"14 and 12, Sir. Excuse lang po." Sabi nito saka na umalis.

Naluha na lang ako sa nakikita kong maputlang mukha. She looks fragile. Fragile angel who's hurt by a demon.


Continue Reading

You'll Also Like

67.1K 158 15
SPG
1.3M 15.9K 55
Hanggang kailan ako aasa? Oo, mahal ko siya. Sobra. Pero hanggang kailan ako aasa na balang araw, mamahalin rin niya ko? Di ba di naman yun inaaral...
153K 3.4K 32
Hindi siya iyong lilingunin kapag nakasabay kasi isa lamang siyang ordinaryong babae. Hindi siya iyong mapapansin sa isang lipon ng tao kasi isa lama...
3.5M 95.7K 48
If only I followed my heart at hindi ako nakinig sa sinasabi o tingin sa akin ng ibang tao maybe we are not like this. If only I chose him, he wouldn...