MR. POLICEMAN IS A WALKING RE...

By PaulineHicarte5

58.5K 902 207

Ang kwentong ito ay isang katang isip lamang.. sana magustohan niyo. ps: rated SPG ang kwentong ito. 18 pataa... More

Chapter: 01
Chapter: 02
Chapter: 03
Chapter: 04
Chapter: 05
Chapter: 06
AUTHOR NOTE
Chapter: 07
Chapter: 09
Chapter: 10
Chapter: 11
Chapter: 12
Chapter: 13
AUTHOR NOTE
Chapter: 14
Chapter: 15
Chapter: 16
Chapter: 17
Chapter: 18
Chapter: 19
Chapter: 20
Chapter: 21
Chapter: 22
Chapter: 23
Chapter: 24
Chapter: 25
Chapter: 26 (SPG 18+)
Chapter: 27
Chapter: 28
Chapter: 29
Chapter: 30 (๐’•๐’‰๐’† ๐’๐’‚๐’”๐’• ๐’„๐’‰๐’‚๐’‘๐’•๐’†๐’“)
Author Note

Chapter: 08

1.8K 28 1
By PaulineHicarte5

Red POV

7pm na pero nag iinom parin silang tatlo. Si kuya marco, kuya mario at sir jacob. Jusko parang hindi sila nalalasing lalo na si jacob. Si khella at erzo naman ay umuwi na dahil lasing na raw sila, si jiro nag paalam na rin dahil mag mo-motor pa raw siya pauwi. Ako naman gusto kuna matulog pero ayaw naman ako paalisin ni jacob sa tabi niya. Yong dalawa ko naman na kuya ay hindi naman makaangal kay jacob. Nakakainis na nga tong katabi ko dahil panay kapit sa bewang ko. Kahit nakikita na siya ng mga kuya ko ay parang wala siya paki.

"Alam niyo kong mag iinom pa kayo mag inom pa kayo kase ako matutulog na dahil inaantok na talaga ako." Sabi ko naman sa kanila. Tumingin naman sakin si jacob saka abot ng isang bote ng alak.

"Sabayan muna kase kami para matapos na at makatulog na tayong lahat." Sabi niya naman.

"Bakit kase hindi kapa nauwi para matapos na. Saka pwede naman bukas niya na yan ituloy." Sabi ko naman sa kanya. Lumapit naman siya sa may tainga ko saka bumulong.

"Sa bahay kana kase matulog kase wala akong kasama don." Sabi niya kaya naitulak ko siya.

"Ayoko nga kase. Ang kulit mo." Sagot ko naman sa kanya.

"Hoy red. Bat ganyan ka umasta kay sir ha.?!" Galit na tanong ni kuya marco.

"Eh nakakainis kase." Sagot ko naman. Umakbay nanaman sakin si sir sabay hila sakin kaya napadikit na ako sa kanya.

"Ang kulit." Inis na sabi ko.

"Sundoin kita bukas ah. Sabay tayo papasok." Sabi niya. Tumingin ako sa kanya.

"Ayoko. Dahil sasabay kami ni khella kay erzo." Sagot ko naman. Masamang tingin naman ang binigay niya sakin.

"Baka gusto mo wasakin kuna pag mumukha ng erzo na yan. Nabibwisit na ako sa lalaki'ng yon." Sabi niya saka uminom ng alak. Tumingin siya sa mga kuya ko.

"Ano payag na ba kayo na ligawan ko si red.?" Tanong niya sa mga kuya ko. Nakatinginan naman yong dalawa saka tumingin sakin at kay jacob.

"Kong papayag si red payag na din ako." Sagot naman ni kuya mario.

"Ayoko nga kase. Ang kulit." Sabi ko naman.

"Ayaw mo talaga.?" Tanong niya. Tumango naman ako. Uminom ulit siya ng alak saka humarap sa mga kuya ko.

"Hinalikan nga pala ako ni red s-----" biglang sabi niya pero tinakpan ko ang bibig niya.

"Ano ba jacob. Nag usap na tayo ah." Inis na sabi ko sa kanya.

"H-hinalikan mo s-sir!?" Gulat na tanong ni kuya marco. Napatakip naman ako ng mukha ko. Teka bat parang nabaliktad yata eh hindi naman talaga ako ang humalik ah.

"Hindi kaya saka si----hhhmmm.." hindi ko natapos ang sasabihin ko talaga bigla nanaman dumampi ang labi niya sa labi ko. Nanlaki naman bigla ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Maski ang dalawa ko'ng kuya ay nagulat rin dahil sa ginawa ni sir jacob. Lumayo na siya sa labi ko.

"Umayaw ko man o hindi basta simula ngayon liliwagan na kita.!" Sabi niyang bigla saka ito tumayo.

"Uuwi na ako. Basta bukas sabay tayo papasok sa trabaho. Susundoin kita dito." Sabi niya pa. Bago siya lumabas tumingin ulit siya sakin.

"Pag nalaman ko na sumama ka sa erzo na yon papatayin ko talaga yon. Wag mo ako ginagalit red." Sabi niya pa saka ito nag paalam sa mga kuya ko at umalis.

Napatingin naman ako sa mga kuya ko pero naka tingin rin sila sakin. Gulat parin sila sa nangyari. Napatakip pa ng bibig niya si kuya marco habang naka turo sakin. Napatakip naman ako ng mukha ko dahil sa hiya dahil sa mismong harapan pa talaga ng mga kuya ko yon ginawa. Jusko wala bang hiya ang pulis na yon sa katawan niya. Pakiramdam ko tuloy masasabon ako ng dalawang to. Ang malala pa baka sabihin nila kay papa at kay mama. Lalo lang ako mapapagalitan nito. Tumayo na ako at walang sabi na tumakbo ang paalis papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa na sumigaw si kuya mario pero hindi kuna ito pinansin saka ako pumasok sa kwarto ko at nilock ito. Napabagsak agad ako sa kama ko. Ano na kaya mangyayari nito bukas. Parang ayoko pumasok sa trabaho. Parang ayoko makita ang pagmumukha ng pulis na yon. Kainis.

------

Kinaumagahan ay maaga ako nagising dahil nga may trabaho ako ngayon. Nag unat naman ako ng katawan ko saka ako napatitig sa kisame. 'Papasok kaya ako o hindi?' Naitanong ko nalang sa isip ko.

"Hoy red! Lumabas kana dyan mag aalmusal na." Biglang tawag sakin ni kuya marco. Tumayo naman ako saka ko inayos ang hinigaan ako saka ako nag tuloy sa may pinto.

"Lagot ka ni papa. Sinabi na ni kuya mario ang nangyari kagabi." Sabi pa ni kuya marco saka ito naunang umalis. Bagsak naman ang balikat ko habang nag lalakad papunta sa kusina. Malalagot talaga ako nito.

Pag dating ko sa kusina nakita ko naman si papa na nag kakape habang si mama nag hahain ng mga niluto niya. Si kuya mario naka upo na habang nag kakape rin. Naupo na si kuya marco sa tabi ni kuya mario. Uupo na sana ako ng pigilan naman ako ni papa kaya umayos naman ako ng tayu habang naka harap sa kanila.

"Papuntahin mo dito ang pulis na yon." Biglang sabi ni papa.

"Sino po?" Tanong ko. Baka kase namali lang ako.

"Sinong pulis paba ang kilala mo.?" Balik tanong sakin ni papa.  Sasabihin ko sana si sir jiro kaso baka malintikan ako lalo kaya sinabi ko nalang si sir jacob.

"Papuntahin mo yon dito. Gusto ko siyang makausap." Sabi pa ni papa.

"Wag na papa. Saka may trabaho pa yon." Sabi ko naman kay papa. Tumingin naman kase si papa na salubong yong kilay.

"Sige marco sundoin muna yong pulis na yon na humalik dito sa bunso ko." Sabi pa ni papa kay kuya marco. Tiningnan naman ako ng masama ng dalawa ko'ng kuya.

"Ikaw na kase red. Diba manliligaw mo yon." Sabi naman sakin ni kuya mario. Kabwisit talaga tong dalawang to. Lalo pa ako binubuking kay papa. Napatingin sakin si papa at mama.

"Manliligaw muna agad? Eh hindi pa nga siya nag paalam samin ng papa mo.!?" Gulat na tanong naman ni mama.

"Ma hindi po. Saka si jacob lang nag sabi non kagabi saka lasing po yon kagabi kaya sigurado nakalimutan niya na yon." Sagot ko naman kay mama saka ko hinampas si kuya marco sa braso niya. Umarte naman ito na nasaktan kaya nag pakampi kay papa.

"Baka gusto mo si papa pa ang pumunta sa bahay ng manliligaw mo?" Tanong naman ni kuya mario. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hindi ko nga manliligaw yon. Ang kulit niyo. Lasing lang yon kagabi kaya nasabi niya yon." Sagot ko naman kay kuya mario na naiinis na. Saka ko sila tinalikuran.

"Oh san ka pupunta.?" Tanong ni mama.

"Pupuntahan ko po si sir jacob para mapatunayan ko sa inyo na hindi totoo yon." Sagot ko naman saka ako umalis.

Nag tulos na ako sa bahay ni jacob. Nag doorbell muna ako. Naka limang doorbell na ako bago siya lumabas. Naka bihis na ito ng uniform niya. Naka ngiti ito na lumabas habang naka tingin sakin.

"Good morning." Naka ngiting bati nito.

"Ewan ko sayo. Pinapapunta ka ni papa sa bahay." Biglang sabi ko sa kanya.

"Ganon ba. Sige saglit lang kunin ko lang susi ng kotse ko." Sabi niya naman saka siya nag madali pumasok sa loob.

Pag labas niya ay bigla agad siya umakbay sakin kaya mabilis ko naman ito inalis na nag pakunot naman ng kilay niya.

"Umayos ka nga!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Diba sinabi kuna sayo na liligawan na kita simula kagabi." Sabi niya naman. Humarap naman ako sa kanya.

"Sir alam ko lasing ka lang kagabi kaya kong ano man ang itanong o sabihin sayo ni papa sabihin mo lasing ka lang. O kaya nadala ka lang ng alak o kaya sabihin mo nakalimutan muna yong nangyari kagabi. O ka-----uuuhhhmmm..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya balang ako hinalikan sa labi na nag patigil sakin. Gumalaw ang labi niya kaya natauhan naman ako at naitulak siya.

"Yahh!!" Sigaw ko sa kanya pero ngumiti lang siya sakin sabay hawak sa kamay ko at akbay nanaman sakin.

"Ang daldal mo kase. Kong anu-ano sinasabi mo." Sabi niya naman.

"Seryoso na kase jacob. Malalagot ako kay papa eh." Sabi ko sa kanya.

"Seryoso nga ako sayo. Hahalikan ba kita kong hindi ako seryoso?" Tanong niya naman. Napatakip nalang ako ng mukha ko.

"Seryoso ako okay. Liligawan kit at sasabihin ko sa papa mo kahit pa sa mga kuya mo at mama mo. Mag papaalam ako sa kanila. Okay." Sabi niya naman. Hindi ko alam pero napatango nalang ako sa kanya. Ngumiti naman siya. Alam mo yong ngiti niya na kahit sino maaakit niya. Napakagwapo naman nitong pulis na to tapos sa katulad ko lang mag kakagusto.

Ewan ko pero gumuhit nalang bigla sa labi ko ang isang ngiti na hindi ko naman inaasahan.


••••••
Itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

850K 10.2K 15
"your just a girl who's worthless" "Leave me alone!!!" "WHY CANT YOU SEE THAT?! YOUR BEAUTIFUL! YOUR QUIRK, YOUR APPERANCE, EVERYTHING!!" แด…แด€แด›แด‡ sแด›แด€ส€แด›แด‡...
1.2M 108K 41
โœซ ๐๐จ๐จ๐ค ๐Ž๐ง๐ž ๐ˆ๐ง ๐‘๐š๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ž ๐†๐ž๐ง'๐ฌ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐’๐š๐ ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ โŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
321K 4.4K 31
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
784K 65.5K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...