One More Time (Ghost Series #...

By Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

Chapter 23

17 2 0
By Justt_Stranger

Dalawang beses ko na syang nakita sa unang pagkakataon. Hindi nya pa ako lubusang kilala noong una, hindi nya ako nakikita, hindi ko rin sya kilala.

And the day that we become visible to all of their eyes, he was the first one who saw me. Nakakatawa ang pagiging matatakutin nya. Scaring him was really fun and funny to the point that I always wanted to be on his side just to scare him.. Hanggang sa masanay sya sakin.

Hanggang sa masanay kami sa isa't isa..

I fell inlove with him. Kahit alam kong bawal. Hindi pwede dahil mawawala na rin kami. Patapos na rin ang misyon naming pagpatay sa kanila.

I decided to save him that day. And that is why he managed to kill two of my family. I was a fool to trust him.. to love him.

Una pa lang ay hindi ko na dapat sya minahal. Dapat ay hindi ko na sya naalala. Hindi na dapat nagkrus pa ang mga landas namin sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko na lang dapat sya niligtas.

Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko nang lumingon ako kay Sean at alisin ang paningin kay Greg.

"I want to see him."

Wala na 'kong magagawa. It's already done. Alam kong may kasalanan rin naman ang ama ko kaya ito nangyayari pero... ang hirap at ang sakit isiping ang lalaking minahal ko, nagawa nya 'to sakin.

"Sige lang.." lumingot ulit ako kay Greg nang magsalita sya. "Open the gate and your mother will die too."

Kumuyom ang isang kamao ko habang ang kabilang kamay ko naman ay napunta sa leeg nya. Tumama ang kanyang ulo sa pader dahil agad kong diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Mas diniin ko pa ito lalo nang makitang nakakatawa pa sya.. hanggang sa halos hindi na sya makahinga at makita ko ang sakit na nararamdaman nya.

"Sa susunod na pumatay ka ay ako na mismo ang magtatanggal ng ulo mo."

Hindi sya makasagot dahil sa kamay kong nasa leeg nya. Ganon pa man ay pinipilit parin nyang ngumiti sa kabila ng paghihirap.

"I hate you, Greg. I hate you so much." Puno ng hinanakit na bulong ko. Gusto kong masaktan pa sya higit pa sa ginagawa ko. Kulang pa 'to. Hindi lang dapat ganito ang nangyayari sa kanya ngayon. "Siguro nga tama ka. Hindi kita ganon kamahal katulad ng inaakala nating pareho. Dahil kung papipiliin ako kung sino ang unang mawawa sa akin, hindi na 'ko magdadalawang isip na piliin ka."

Binitawan ko ang leeg nya nang makitang hirap na hirap na talaga sya. Agad syang naghabol ng hininga nang bitawan ko sya. Hindi sya pwedeng mamatay agad.

Hinawakan ni Sean ang balikat ko. "Pwede tayong lumabas. Nagpaalam na kami kay Dean. Kung gusto mong makita ang daddy mo, tara na. Hindi tayo pwedeng magtagal."

"M-my... my wife is h-here," nahihirapang sambit ni Greg. "Nandito sya sa loob. Y-you can't open the gate."

Hindi ko na sya nilingon pa at mabigat sa kaloobang umalis ng kwarto na 'yon.

Hindi ko na sya kayang pakinggan pa. Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin nya. Sapat na 'tong nalaman ko sa ngayon.

Sinalubong kami nina Alex, Jayne, at Chloe sa labas.

"Anong nangyari?" Tanong ni Jayne kay Sean.

Umiling sa kanya si Sean at ako ang hinarap.

"Anong gagawin mo?"

"Pag-iisipan ko."

Tumalikod ako sa kanila at walang buhay na naglakad palayo. Lumulutang ang isip ko hanggang sa makarating sa kwarto. Sa kagustuhan kong sumabog ay parang nastock lahat ng emosyon ko sa loob ng katawan ko kaya wala akong mailabas kahit isa. Kahit ang pag-iyak ay hindi ko magawa.

Dalawang araw akong nagkulong sa kwarto. Wala akong balita kung anong mga naganap sa labas sa loob ng dalawang araw na 'yon. Nagluksa akong mag-isa.

Ang hirap at ang sakit dahil hindi ko manlang nagawang makita si Daddy hanggang sa huli.. para sa safety ni Mommy. Nadoble pa ang sakit na nararamdaman ko dahil sa katotohanang si Greg ang gumagawa ng mga ito.

Sa ikatlong araw ay napagdesisyunan ko nang lumabas. Si Gray ang una kong pinuntahan sa kwarto nya.

"Oh?" Mukang nagulat pa sya nang pagbuksan nya ko ng pinto. "Okay ka na, Kim? Pasok, pasok."

Pumasok ako gaya ng sabi nya at ngumiti para ipakitang okay lang ako.

"Kumusta? Hindi na ba mainit ang ulo mo, president Gray Mark Fajardo?" pang-aasar ko sa kanya.

Umirap sya bago sumagot.

"Wag mo kong simulan, Kim. Hay, nako! Hindi pa ko tapos dyan sa issue ng jowa mo ha."

Tinawanan ko sya at sumunod sa kanya sa kusina. Kumuha sya ng tubig habang ako ay naghanap ng makakain.

"Anong balita sa kanya?"

"Kay Greg?" tumango ako. "Ewan ko. Hindi ko pa sya nakikita mula nong unang araw na pinasok namin sya don."

Bahagya akong natigilan sa paghahanap at tumingin sa kanya. Ilang sandali lang din ay bumalik na ako sa paghahanap ng pagkain.

"Wala kang update tungkol sa kanya?"

"Wala. Ewan ko kung inaasikaso sya ng mga kaibigan mo. Kung hindi, malamang na hinang hina na sya dahil hindi naman sya makakakain nang ganon at hindi rin sya makakatulog nang maayos."

Doon ako tuluyang natigilan sa ginagawa.

"Paano kung nakatakas sya?"

I can't believe he let that happened. Pinabayaan talaga nya si Greg? Ganon ba talaga katindi ang sama ng loob nya para makalimutan nya agad ang lahat ng pinagsamahan nila sa loob lang ng isang araw?

"Mababalitaan ko naman siguro kung nangyari yan. Tsaka walang ibang nakakaalam ng nangyari sa kanya tungkol satin. Balita ko ay hinahanap na sya sa labas. Wala akong planong sabihin sa kahit sino."

"Feeling ko rin hindi na nila dapat malaman pa. I don't want to make it big. Tungkol samin lang naman 'to.. Nadadamay lang kayo."

"Balita ko ay nabanggit nya sa inyong may asawa na sya?" Ibinaba na nya ang iniinom na tubig sa table. Tinukod nya ang parehong kamay sa lamesa at pinakatitigan akong mabuti. "Nandito raw ang asawa nya?"

"Yeah.. I have no idea who that is."

"Wala kang balak alamin?"

"Do you think he will tell us?" Ginaya ko ang posisyon nya at nakipagtitigan din. Pareho kaming nasa magkabilang dulo ng lamesa kaya magkatapat kami. "Idadagdag ko pa sya sa galit ko. May asawa pala sya... ginawa nya pa kong kabit."

Tinawanan ako ni Gray.

"Hindi ako makapaniwalang nagawa nya 'yong itago sating lahat. Grabe.. Ang tindi nya. Can you imagine? Si Greg may asawa?"

"Ouch," pabiro kong sagot.

"Do you want to see him?"

"Will you come with me?"

"Bakit? Hindi mo kaya mag-isa?" Tinanguan ko sya. "Sure. Sasama ako. I will be glad to see him in pain."

Tila may kumurot sa dibdib ko nang sabihin nya iyon. Galit ako kay Greg at sang-ayon din ako sa mga sinasabi ni Gray. Gusto ko syang makitang nahihirapan. Pero ang marinig 'yon mula sa kanya, ang bigat sa pakiramdam.

Sabay kaming pumunta ni Gray sa punishment room. Nang ipasok nya ang susi sa doorknob at buksan ang pinto ay agad kaming sinalubong ng lamig galing sa aircon sa loob.

Naaalala kong nakahubad dito si Greg nang huli ko syang makita. Paano nya natitiis ang ganitong temperatura?

Sabay din kaming pumasok ni Gray sa loob. Kung ano ang itsura ni Greg noong huli ko syang makita ay ganon parin ngayon. Muka lang mas humina sya ngayon dahil bagsak na ang katawan nya at hindi na nakatuwid ang kanyang mga tuhod. Parang naglalambitin na lang sya sa mga kamay nyang nakaposas sa itaas.

Nilapitan sya ni Gray kaya sumunod na rin ako. Pinakatitigan ko syang mabuti dahil nakapikit naman sya at mukang natutulog. Sinilip ko ang ang kanyang muka. Kapansin pansin ang tuyong tuyo nyang labi na nawalan na rin ng kulay. Nang hawakan ko naman ang kanyang balat ay napakalamig nya.

"Fuck, Gray, is he still alive?" Nag-aalala at natatarantang tanong ko.

"Can't you hear him breathing?"

Pinakinggan ko ang paghinga nya. Nakahinga ako nang maluwag nang marinig 'yon.

"Buti naman. Hindi pa sya pwedeng mamatay. Not now.."

"Bakit? Kailan ba pwede, Kim?"

Nagulat ako at napaatras nang bigla syang magsalita. Dahan dahan nyang inangat ang ulo nya para tignan kami.

"Kapag nasiguro naming hindi ka na makakabalik pa," sagot ni Gray.

Nanatili ang seryosong tingin ni Greg sa akin. Napalunok na lamang ako sa lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Siguro ay naninibago lang ako sa ekspresyon nya dahil muka pa syang tanga noong huli ko syang nakita.

Gusto ko pa sana syang sagutin ngunit nang hindi ko makayanang makita pa sya nang mas matagal ay agad akong lumabas.

Naramdaman ko ang pagsunod sakin ni Gray at narinig ko ring nilock nya ulit ang pinto. Nanatili akong nakatalikod sa kanya dahil tumutulo na ang mga luha ko.

"Kim.."

"K-kumain na ba sya, Gray?" Humarap ako sa kanya nang umiiyak. "Why don't you just turn off the aircon? It's too cold inside. Baka kung anong mangyari sa kanya don."

"Nag-aalala ka parin sa kanya? After what he did to your family?"

"Pero.. h-hindi pa sya pwedeng mamatay, Gray. Ikaw na rin ang nagsabi. I also don't think kumakain pa sya. Nakita mo ba yung itsura nya kanina? He's not okay! He needs to be okay para maramdaman nya yung sakit!"

"Okay, okay.. We will talk about it," pagpapakalma nya sa akin at nilapitan ako. "Ikuha mo muna sya ng makakain at papupuntahin ko na dito ang mga council officers para mapag-usapan na natin."

Sinunod ko ang sinabi nyang kumuha ng pagkain at tubig. Pagbalik ko ay pinapasok ako ni Gray mag-isa para ako na ang magpakain.

Hindi nagbago ang titig sa akin ni Greg sa muling pagpasok ko. Ibinaba ko sa harap nya ang dala kong lunchbox para buksan ang tubig.

"You need to regain your energy," sambit ko bago ipainom sa kanya ang tubig na hawak ko. Mabilis na nangalahati iyon dahil sa uhaw. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang pagkain nya.

"Susubuan mo 'ko?" Seryoso paring tanong nya.

"Ano pa? Pano mo makakain 'to kung walang magpapakain sayo?"

"Do you still care for me?"

"Hindi ka pa pwedeng mamatay."

Bago pa sya makapagtanong ulit ng panibago ay pinuno ko na ng kanin ang bibig nya. Ayoko syang makausap pa kaya sunod sunod ang mga subo na ginawa ko sa kanya. Nang maubos nya ang pagkain ay pinainom ko ulit sya ng tubig.

Nagmadali ako sa pagliligpit para agad na makalabas ngunit hindi rin ako nakatiis nang tawagin nya 'ko nang akto akong aalis.

"Do you regret saving me now?

"I do," mabilis na sagot ko. "If I will be given a chance to go back from the past, I would be the one who will push you to that building."

Nakikipagtitigan ako sa kanya nang sabihin ko iyon. He smiled after hearing what I said.

"So you want to kill me now?"

"Not now. Not yet. Namatay ka na noon at nakabalik ka. Hindi malabong gawin mo ulit 'yon para makaganti. Hindi ka naman titigil hanggat hindi mo nakukuha ang gusto mo, diba?"

"Kung ganon, bakit nyo 'ko tinali dito? Bakit hindi nyo 'ko hayaang gawin ang gusto ko nang sa ganon ay mapatay nyo na rin ako?"

"You can't kill my mother. I won't let you do that. Ipagpapalit ko ang buhay ko sa kanya, so... kill me instead."

Natawa sya sa sinabi ko. Seryoso ako don at napag-isipan ko na rin itong mabuti sa loob ng dalawang araw. Alam kong maliit ang tyansang pumayag sya at nakapag-isip na rin naman ako ng mga pwedeng gamiting pang-blackmail.

"At sa tingin mo gagawin ko yan?"

"Gusto mo bang matulad sayo ang asawa mo?" Nawala ang ngiti nya at ako naman ngayon ang ngumisi. "Aw. Magmumuka pa yata akong kabit na mang-aaway ng legal na asawa."

"Wag mo na syang idamay, Kim. Hindi mo sya kilala."

"Hindi ko lang sya kilala sa ngayon," umirap ako bago tuluyang tumalikod na at naglakad palayo. "Wag mong kalimutan ang kakayahan ng mga dating kaibigan mo."

Paglabas ko ay kasama na ni Gray sina Jayne, Sean, Alex, at Chloe. Agad na napunta ang atensyon nila sa lunchbox na hawak ko.

"Kumain na si Greg?" Tanong ni Jayne, tumango ako.

"Hindi nyo yata pinakain eh.. Nagutom tuloy."

"Pero araw araw ko nakikitang pumupunta si Jayne dito na may dalang pagkain."

"Ayaw nya kumain.. Kahit uminom ng tubig hindi ko sya mapilit," sagot ni Jayne kay Chloe.

Ipinagwalang bahala ko ang sinabi nya at iniwasang mag-isip ng kung ano ano. Lumapit ako sa kanila.

"Hanggang kailan nyo sya balak ikulong dyan?" Tanong ko.

"Pumayag na silang lahat na pakawalan sya," si Gray.

"That fast?"

"Ayaw mo pa ba?"

"Hindi.. Hindi naman sa ganon. Pero kayo ang nagdesisyong gawin sa kanya yan. Hindi ko lang inakalang may balak pala kayong pakawalan sya nang ganon ganon na lang. Akala ko mahihirapan pa akong iconvince kayo."

"Payag ka rin?" Tanong sakin ni Sean.

"I don't want to lock him there forever. We can't do that."

"Hindi naman natin sya pakakawalan talaga. Hindi rin natin pwedeng gawin 'yon. Hindi natin basta basta na lang mahahawakan si Greg sa leeg lalo na't wala na syang pinanghahawakan dito maliban ang paghihiganti sa nangyari sa kanila. Ang nag-iisang pwede nating gamitin laban sa kanya ay ang taong kasama nya ring bumalik dito mula sa kamatayan."

Kumunot ang noo ko kay Sean. "What do you mean?"

"We all agreed to set him free, but only in one condition," Alex said. "Nahanap na ni Jayne ang tinutukoy ni Greg na asawa nya. Sya ang ipapalit natin kay Greg."

"What? How?"

"Pumasok ako sa kwarto nya at may nakitang lumang picture. Nakilala ko ang muka ng babae kaya hinanap ko sya sa list ng mga students. Pero sa clinic ko sya nakita. Nagtatrabaho sya dito bilang nurse."

May namuong idea sa utak ko. Isa lang ang kilala kong nurse dito na alam kong kilalang kilala nya.

"A-anong pangalan?"

"Raven Lacerna Sy."

Continue Reading

You'll Also Like

22K 1.4K 71
Just read the book to know. This book is inspired by the book Enigmatic queen by @SuccessSmile. I have made a lot of changes in the story as then I...
858K 29.6K 106
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
2.7M 129K 49
when a rich spoiled bad boy Jeon Jung-hoon gets into an encounter with a Muslim girl and they become enemies so he bully her humiliates her and insul...
27.4K 673 36
Born an omega into the strongest pack in the forest, Olwen Adams was fated to the Alpha's son and to become the Luna of the Silver Arrow Pack. But he...