One More Time (Ghost Series #...

Per Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... Més

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23

Chapter 22

7 2 0
Per Justt_Stranger

Iniwan nya 'kong tulala matapos nyang sabihin 'yon. Isang minuto pagkatapos nyang lumabas ay pumasok naman sina Sean, Chloe, at Alex. Sina Jayne at Gray ay mukang sumunod kay Greg dahil wala na sila dito.

"Anong nangyari?" Mabilis silang nakalapit sa akin.

At this point, I feel like I don't want them to know what he said. Dahil maging ako ay naguguluhan. Parang magkakalayo ang sinabi nya..

Sabi nya hindi nya ko papatayin dahil ako dapat ang mamamatayan.. Then he tried to kill me but he can't? And lastly...

Why is he questioning my love for him? How can he say that I don't trust him enough? What is he saying?

Tumingin ako kay Chloe nang hawakan nya ang braso ko. "Are you okay?"

Umupo ako sa kama ko na nagtataka parin. Hindi ko na matandaan ang iba nyang sinabi dahil hindi ko naman ito lubos maunawaan. Tumingala ako kay Sean.

"Nagkita ba kayo paglabas nya? What did he say? A-ano sa tingin mo ang nararamdaman nya?"

Nagkatinginan silang tatlo.

"Not the usual," si Alex ang sumagot. "He's emotionless kaya hindi ko masasabi kung ano sa tingin ko ang nararamdaman nya. Why?"

"Bakit? Nong sinabi nya sayo, Kim?"

Hindi ako sumagot. I don't want to tell them what he said. Hindi nila pwedeng malaman.

Gulat akong lumingon sa pinto nang bigla itong bumukas at basta basta na lang pumasok si Gray. Nasa likod nya si Jayne.

"All of you, follow me to the punishment room," seryosong utos nya. Lalabas na ulit sana si Gray ngunit agad ding bumalik at humarap samin nang magtanong si Alex.

"What's happening?"

"We have an urgent meeting. Ah, nakalimutan kong sabihin.. hindi ka kasama," turo nya sakin.

Naguguluhan man ay hindi na rin ako tumutol. Ayoko munang lumabas ng kwarto.

"Tungkol saan ang meeting? Bakit hindi sya kasama?" Bakas ang paghihinala sa tono ng pananalita ni Sean. "If this is about your friend, I'm not going to listen to your biased shit."

"Sean, calm down."

"My friend? Kaibigan ko lang? That's bullshit.." Sarkastiko syang tumawa. "He's so dumb to see you as one of his true friend. But sorry to tell you, Sean.. I am the president of the student council and you do not have the right to disobey me," may diing sambit niya.

"Tungkol kay Greg?" Tumayo ako. "Sasama ako."

"No," agad na tutol nya.

"Pero, Gray---"

"If you don't want me to kill him without them hearing his side, fine. You can join us."

Agad akong natigilan sa tangkang paglapit sa kanya. He's too serious. Mukang hindi sya nagbibiro sa mga sinasabi nya.

"Hindi ako sasama," pagmamatigas parin ni Sean. "Wala akong pakialam kahit patayin mo pa sya."

"Hindi sya mamamatay dahil hindi naman sasama si Kim. Hindi ko naman sinabing mamamatay din sya kapag hindi ka sumama. Para kay Kim lang 'yon."

Hindi na nya sinagot pa si Gray at tumingin na lamang kina Chloe at Alex.

"Wag nyong sabihing pakikinggan nyo sya?"

"I know you two talk a lot of times already," Chloe answered. "Until now, he's still can't be able to change your mind. Makes me wonder kung hindi ka lang ba talaga naniniwala sa mga sinabi nya o baka naman hindi mo lang talaga sya hinayaang magsalita.. Kaya gusto ko syang marinig. I don't want to be one sided."

"Seriously?"

"Naghihintay na sa punishment room si Greg. May kasalanan sya kaya kailangan syang parusahan. Yon ay kung may kasalanan nga ba talaga sya. Kaya, please, sumama ka na samin, Sean. Sa aming lahat ay ikaw ang lubos na nakakakilala sa kanya. Hindi namin pwedeng isama si Kim dahil sya ang victim. Meron syang feelings kay Greg na maaaring makasira ng paghuhusga." Mahinahong pagpapaliwanag sa kanya ni Jayne.

"Malambot ang mga kaibigan mo, Sean. You are the only one who's against him. Are you sure you don't want to take part?"

Sa huli ay walang nagawa si Sean kundi sumama. Pinagbantaan ako ni Gray na wag lumabas ng kwarto na sya ko ring ginawa.

Sana ay maipaintindi ni Greg nang maayos sa kanila. Sana... kahit hindi ko sya maunawaan ay maintindihan sya ng mga kaibigan nya.

Lumipas ang isang buong araw nang hindi sila bumabalik sa kwarto ko. Hindi tuloy ako makalabas dahil hindi ko alam kung pwede na. May naghahatid lang ng pagkain dito dahil utos daw ni Gray, pero halos hindi ko naman yon magalaw.

Paikot ikot lang ako sa kwarto at kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Putcha, kanina ko pa rin hinahanap ang cellphone ko pero hindi ko makita. Napagdesisyunan kong lumabas na kinabukasan. Bahala na. Tapos na rin naman siguro ang paghuhusga.

Kumatok ako sa mga kwarto nila dahil gusto kong makausap kahit isa sa kanila. Ngunit lahat sila ay wala doon maliban kay Justine na hanggang ngayon ay natutulog. Wala namang pasok ngayon dahil linggo. Hindi rin naman kami pwedeng lumabas dahil sa mga nangyayari.

Sa punishment room..

Nang maisip ko ang lugar na 'yon lumingon ako kung saang parte iyon naroon. Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta. Imposibleng nandon parin sila pero nakakakabang pumasok sa loob mag-isa.

Hindi ko alam kung paano magbigay ng parusa si Gray. Isang beses pa lang kami may nadadala dito at hindi rin naman masyadong seryoso ang kaso nya para samin kaya hindi rin seryoso ang parusa.

Nang tumapat sa kulay itim na pinto ay hinawakan ko ang doorknob. Habang papalapit ako nang papalapit dito kanina ay pabirat din nang pabigat ang nararamdaman ko.. Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay dahan dahan akong pumasok. Binalot ako ng lamig at kadiliman. Walang kahit isang bintana kaya walang ibang panggagalingan ng liwanag maliban sa isang maliit na ilaw na nakabukas sa isang sulok. I can't clearly see what's inside.

But what is this strange feeling?

Hindi ako nag-iisa. May nararamdaman akong ibang tao sa loob kaya alam kong may kasama ako. Naririnig ko pa ang kanyang paghinga.

Hanggang sa maaninaw ko sya sa isang sulok..

"Greg..." mahinang usal ko. Gustuhin ko mang lumapit ay hindi ko agad magawa. Nag-angat sya ng tingin sa akin.

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita sya. Wala syang damit pang-itaas. May mga bahid ng dugo ang kanyang muka pababa sa kanyang katawan.. Marami syang pasa. At nakatali ang parehong kamay nya sa magkabilang galid sa itaas.

"Fuck! Greg!"

Nang makarecover ay agad akong tumakbo para sana kalagan sya. Tumingkayad pa ako para maabot ang nakagapos na kamay nya.

"Putangina," inis at natatarantang bulong ko. Nakabaon sa simentong pader ang parehong dulo ng kulay itim na parang handcuffs. Mas makapal ito kaysa sa posas.

Nang sumuko ay hinawakan ko ng parehong kamay ang muka nya.

"S-sinong gumawa nito, Greg? Tell me.. who did this to you?!"

Kahit pa halos nakayuko na rin sya dahil sa panghihina ay nagawa nya paring ngumisi sa akin.

"Ang tanga mo, Kim.. Ang t-tanga tanga mo." Nakangiting bulong nya at pumikit. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng katawan nya at base na rin sa kanyang pananalita.

"B-bakit umabot sa ganito?" Pakiramdam ko'y nararamdaman ko kung anong sakit na nararamdaman nya ngayon. Gusto kong bumigay dahil hindi ko sya kayang makita nang ganito. "What did you do, Greg? Anong sinabi mo sa kanila?"

Nakapikit parin sya nang umiling. Hindi nya ako sinagot. Naghanap ako ng kahit itak o palakol na pwede kong gamitin para makawala sya, ngunit kahit anong patalim ay wala akong makita rito.

Agad akong natigilan sa paghahanap nang bumukas ang pinto at pumasok si Chloe. Mukang hindi naman na sya nagulat nang makita ako.

"Chloe.. Anong nangyari?" Lumapit ako sa kanya.

Nag-aalalang tinignan nya ako bago bumaling kay Greg. Mabilis nya ring naiiwas ang paningin dito.

"Hinahanap kita sa kwarto mo pero lumabas ka na pala. Alam kong dito ka unang pupunta bukod sa kwarto ni Greg." Hindi nya pinansin ang tanong ko.

"What did you do to him, Chloe?" May diin nang tanong ko at nagsisimula nang magalit. "Bakit ganyan ang itsura nya?! Bakit nyo sya pinarusahan agad? Wala pa naman syang ginagawa!"

"He confessed," muli nyang sinulyapan si Greg. "..everything. He told us everything that he did and what he is planning to do. Nagkainitan din sila ni Gray kaya sya nabugbog. Hurting him was not really in our plan pero masyado syang mapang-asar. He's not the Greg that we used to know."

"Nagkainitan sila ni Gray?" Kunot ang noong tanong ko. "Pano nangyari yon? Nakapanig sa kanya si Gray kahapon."

"We already told you.. Hindi na sya si Greg. Hindi mo alam kung anong mga lumalabas sa bibig nya kahapon, Kim. Ibang iba..."

"Kahit na. Hindi nyo na dapat sya pinahirapan. Biktima sya dito. Gumaganti lang sya."

"Pero sumobra na sya," seryosong aniya.

Hindi ako makapaniwalang tinignan sya. Kung makapagsalita sya ay parang alam na nya lahat. Sinabi na rin sakin ni Greg kahapon na may madadamay na iba pero hindi ako lubusang naniniwala don. Alam kong hindi nya magagawa yon. Kahit gustuhin nya, hindi nya kaya.

"Wala pa syang ginagawa, Chloe."

Biglang kumunot ang noo nya sa akin. Lumingon sya kay Greg nang may pagtataka kaya nagaya rin ako. Pagtingin ko kay Greg ay nakadilat na sya at nakangisi nanaman.

Ano bang nginingisi-ngisi ng tarantadong 'to?

"I see.." tatango-tangong bulong ni Chloe na parang naliwanagan dahil sa nalaman. "You didn't know yet."

"Chloe," sumilip si Jayne sa pinto dahil iniwan itong bukas ni Chloe. "Labas ka muna. Kailangan nilang mag-usap. Dito muna tayo sa labas."

Sumunod sya kay Jayne at iniwan ulit ako dito sa loob. Lumapit ako kay Greg dahil puno na ng katanungan ang isip ko.

"Anong ginawa mo para tratuhin ka nang ganyan ng mga kaibigan mo?" Naguguluhang tanong ko.

Kung si Sean, Alex, at Chloe ang gumawa nito ay may tsansa pang maniwala ako. Pero si Gray? Ang hirap paniwalaan. Idagdag mo pa ang hindi pagtutol ni Jayne sa nangyari. Kahit papaano naman siguro ay may magagawa sya. She's the student body secretary and she is the leader. May laban sya kay Gray.

"Greg, answer me. Alam kong hindi ka tulad ng mga kasama mo noon. Hindi mo kayang pumatay. Kaya kung sasabihin mo saking hindi totoo ang mga ibinibintang sayo... maniniwala ako. Sabihin mo lang sakin ang totoo."

Sarkastiko syang tumawa at inangat ang ulo para tignan ako.

"Sinasabi mo lang yan dahil naaawa ka sa itsura ko ngayon."

Tama. Naaawa ako sa kanya at hindi ko sya kayang makitang ganito kaya gusto kong gawin ang lahat para makawala sya.

"You're only saying that now," dagdag pa nya. "Sa oras na makarating dito ang isa pa sa mga kaibigan mo, hindi mo na ulit ako paniniwalaan. After that, you will never trust me again. Baka nga makalimutan mo pa kung ano ako sayo."

Kumunot ang noo ko at bahagyang lumayo sa kanya. Hindi ko nanaman sya maintindihan. "What?"

Tinawanan nya lang ako.

"Greg naman eh! Just tell me you will not kill anyone and I will do anything to release you! Sasabihin mo lang ang totoo!"

"You don't believe that."

"I believe in you!" Agad na sagot ko sa kanya. Huminga ako nang malalim para kumalma nang kaunti. Naiinis ako dahil pinipilit nyang hindi ko sya paniniwalaan. "You can't kill my family because you are stuck in here. I know you also won't kill my friends because they are your friends too. Kailangan ko lang marinig mula sayo, Greg. Gusto lang naming lahat na marinig 'yon galing sayo.."

"Too late.." hindi parin nawawala ang ngisi sa mga labi nya. Nakakaasar! "You managed to kill my friends before... they are also yours too. And now you're telling me I won't kill your friends? Bakit, Kim? Naging kaibigan rin naman ang turing mo kina Mj, diba?"

Oh, god.. Don't tell me kasama rin ito sa pinaghuhugutan nya?

"You know the reason why we did that."

"Kayo ni Sean, si Jom.. pinatay nyo ang mga kaibigan ko."

"Ginawa namin 'yon para kay Rein, Greg! Alam mong papatayin nila si Rein! At parte yon ng misyon namin!"

"Kung ganon," he paused for a moment. "Parte rin ng misyon ko ang pumatay."

"No.. Hindi mo gagawin yan."

"I already did."

Narinig kong pabagsak na bumukas ang pinto ngunit hindi ko na pinansin 'yon. Hindi naalis ang mga mata namin ni Greg sa isa't isa.

"Do you not remember what happened to your brother?"

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi nya. This can't be right. Gumagawa sya ng kwento. Hindi ito maaaring maging totoo..

"Kim," tinawag ako ni Sean at nararamdaman kong papalapit na sya sa amin. Hindi ko sya magawang lingunin dahil hindi ko maalis kay Greg ang paningin ko.

Yumuko si Greg para pantayan ang muka ko. Tsaka sya bumulong. "Your father's next."

"Tumawag si tita Jen, wala na si tito Khristian."

Continua llegint

You'll Also Like

858K 29.6K 106
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
123K 282 14
Adult content 🔞⚠️ , smut...😍 read ur own rick ❌‼️
3.2M 110K 52
Being reborn into a completely different timeline seems a bit impossible, isn't it? but things aren't always as it seems. [cringe warning] [james po...
1.9M 97.5K 38
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...