The Heartthrob Is My Secret H...

By cdarau

12K 495 78

BL STORY More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 1

716 25 3
By cdarau

Note: Please bear with this story. Andaming jeje at maasim na scenes sa story na ito. Kahit ako kapag binabasa ko talagang napapatanong na lang din ako sa sarili kung bakit nahuli ako sa pagiging jeje writer. Anyways, sinulat ko ito sa isang group page na sinalihan ko sa fb, tuwang tuwa kasi ako sa mga comments ng mga batang members ng group page na iyon kapag nag-aupdate na ako. Tinuloy ko na lang din dito para hindi masayang effort ko. Sana sa mga susunod ko na stories mag improve na ang writing skills ko. Thank you 🥰












*******

"Ang guwapo talaga na Kinse, suwerte ng magiging girlfriend niya 'di ba guys!?" kinikilig na wika ng isa kong kaklase. Narito kami ngayon sa volleyball court. Dahil vacant time namin ngayon, napagpasiyahan namin na dito muna kaming lahat magkaklase tumambay. Pero hindi ko inaasahan na nandito rin pala ang grupo nina Kinse nagi-ensayo sa volleyball.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Amila at Yawe. Silang dalawa lang na mga kaibigan ko ang tanging nakakaalam na kasal ako kay Kinse.

"Anong girlfriend? Asawa kamo." makahulugang sabat ni Amila. "Suwerte ng magiging asawa niya. He's so hot and yummy. Kung ako magiging asawa ni Kinse, lalamut*kin ko siya araw-araw." malandi pa nitong saad.

Naparolyo na lang ako ng mata. L*ndi talaga ng babaeng 'to.

"Huh!? Bakit may fiance o kalive-in na ba siya!? Omejey! Ngayon ko lang nalaman."

"B*bita, sino nagsabi na may kinakasama na siya!? Wala naman akong sinabi, ang sabi ko suwerte ng mapapangasawa niya," paglilinaw ni Amila.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan itong kaibigan ko na makipagsagutan sa kaklase namin. Habang nagtatalo sila at nagtatawanan naman ang aming ibang classmate dahil sa kanilang dalawa. Tahimik lang ako na pinagmamasdan si Kinse na paulit-ulit na pumapalo ng bola.

He's so fine when playing volleyball, kalmado lang siya at palaging nakangiti kahit halatang pagod na. Ang guwapo at  presko niya parin tingnan kahit basang-basa na siya ng pawis.

"Kung ako asawa, gagapangin ko talaga siya gabi-gabi." Inalis ko ang mga mata kay Kinse at napatingin dito sa katabi ko, si Yawe.

"Kulang na lang tumulo laway mo. Kung nakakapag-pahubad lang ang paraan ng pagtingin mo, kanina pa walang saplot iyang si Kinse. Napakalagkit ng tingin mo sa kaniya oh. Parang minumulistya mo na siya sa imahinasiyon mo." pabulong na asar niya sa akin.

"Hindi ah, nagagalingan lang talaga ako sa kaniya sa tuwing naglalaro siya sa court. Ang galing niya talaga at ang taas pa ng kaniyang talon." komento ko.

"Pssh! palusot pa. Pero aminin mo, anong feeling na palagi mo siyang nakakasama sa iisang bahay? suwerte mo talaga. Sana ako nalang ipinakasal sa kaniya hehe." mahadirang wika pa ni Yawe. 'l*ndi din ng isang to. Bagay sila pagumpugin ni Amila.

Maya-maya lang ay bigla napalingon sa amin si Kinse, kumaway ito kaya nagsitilian mga kaklase ko.

"Ay! Kumaway siya sa akin guyss!! Kinawayan ako ni Kinseee!!! Aaah!"

"Loka-loka, ako kinawayan nun hindi ikaw. Kanina pa kasi ako nakatingin sa kaniya."

"Hoy mga asyumera ako iyon, dahil nagchat ako sa kaniya kanina. Umamin ako na crush ko siya kaya kinawayan niya ako kasi nakilala niya ako. Aaah!"

Nagsimula nang magaway-away itong mga kaklase ko. Hindi nila alam na sa akin kumaway si Kinse. Napailing-iling na lang ako.

"Uyy! Hi daw sabi ng secret husband mo." bulong sa akin ni Yawe. Tinabig ko siya gamit siko ko.

"Tumahimik ka nga, marinig ka ng mga kaklase natin." suway ko habang pinipigilan na kiligin.

Natahimik kaming dalawa ni Yawe nang dumaan si Reiss sa gilid namin, kasama niya ang kaniyang mga kaibigan.

"H..Hi Cai." bati sa akin ni Reiss nang makita niya ako.

Nginitian ko siya, "Hello." sagot ko.

"Andito ka pala, hehe . Hmmp, Di ka nakapunta sa birthday ko last week. Umasa pa naman ako na makakasama ka." ngumuso siya na parang bata.

"Sorry, nabusy ako sa pagreview noong nakaraang linggo. Kaya hindi na ako nakapunta. Bawi ako next time. Belated Happy Birthday pala." medyo naiilang ko na wika sa kaniya.

"It's okay, naiintindihan naman kita. Thank you by the way. Sana next time makasama ka na."

"Oo, I promise makakasama na ako."

"Yeey! Asahan ko iyan ah," paninigurado niya pa.

"Oo, hehehe."

Nagpaalam na si Reiss sa akin at niyaya niya na ang kaniyang mga kaibigan na maupo sa unahan namin. Nahagip naman ng mata ko na tumingin si Kinse sa gawi nila Reiss, muli siyang kumaway.

"Ay dumating ang kabit!" bulong sa akin ni Amila. Nasa tabi ko na siya at matalim na nakatingin kina Reiss.

"Dzae, hindi pala ikaw ang kinawayan. Siya pala."

Medyo nasaktan ako sa sinabing iyon ni Yawe. Ganunpaman, hindi ko iyon pinahalata sa kanila. Nanatili akong nakangiti. Kahit sila hindi nila alam na may gusto na ako kay Kinse. Ayaw ko iyon sabihin sa kanila. Tanging sarili ko lamang ang nakakaalam sa totoong nararamdaman ko para kay Kinse. Wala akong balak sabibin iyon sa iba kahit sa mga kaibigan ko.

"Ano ba kayo, huwag nga kayong magalit kay Reiss. Mabait siya sa akin. Kaya sana huwag kayong mainis sa kaniya. Dahil kung tutuusin ako ang naging balangid sa relasiyon nila ngayon."

"Pssh, pakitang tao lang iyan Cai. Maniwala ka masama ugali niyan tulad ng mga nababasa ko sa  wattpad books." giit ni Amila sa akin.

"Reiss is different, huwag mo siyang itulad sa mga karakter na nababasa mo sa libro. Kung hindi siya mabait bakit nakipaghiwalay siya kay Kinse noong ikakasal na kami?"

"Pakitang tao lang, para maawa sa kaniya si Kinse. Alam ko na ang mga galawan ng mga ganiyang babae, Cai. Maniwala ka sa akin." pangungumbinse sa akin ni Amila. Pero hindi parin ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

Nahinto ang aming paguusap nang lumapit si Kinse kina Reiss. Tumayo si Reiss at may kinuha sa shoulder bag niya. Isang face towel, binigay niya iyon kay Kinse upang ipagpunas sa tumatagatak nitong pawis.

Naghiyawan naman ang mga ka-team ni Kinse upang tuksuin siya, pati na rin ang mga kaibigan ni Reiss.

Samantala itong mga kaklase ko ay pare-parehong nakabusangot habang nakatingin sa gawi nina Kinse at Reiss.

"Muntik na nating makalimutan, may Reiss na pala si Kinse. Suwerte niya at siya ang girlfriend ng crush natin guys! Huhuhu." maluha-luhang turan ni Tasha. Ang treasurer sa section namin.

Sumang-ayon naman mga kaklase ko.

"Oo nga, kailan kaya sila maghihiwalay." banat naman ni Ophelia.

"Tumahimik ka, as if naman kung maghiwalay sila may pag-asa ka."

Napangiwi na lang si Ophelia sa pambabara sa kaniya ni Amila.

"Tingnan mo ang lalaking iyan, ni hindi ka nga tiningnan. Mag-hello wala, pokus lang sa babaeng iyan."

"Hayaan mo na, nasa usapan naman namin iyon na okay lang kung hindi kami magpansinan dito sa school."

"Bakit? Nahihiya siya na malaman ng iba na kasal siya sa kapareho niyang lalaki?"

"Tumahimik ka na nga diyan b*kla, marinig ka ng iba." suway ni Yawe kay Amila. "Ang mabuti pa, umalis na lang tayo dito. Punta tayo sa ibang area nitong school natin. Parang mas naistress tayo dito eh."

Tumayo siya at hinila kaming dalawa ni Amila. Iniwan namin ang mga kaklase namin na pagtuloy lang sa pagchichismisan. Tumungo kami sa soccer field at doon naglumpiga habang nanunuod ng mga naglalarong soccer player. Dahil sa malalandi kong kaibigan na panay hiyaw at papansin sa mga soccer player ay nakalimutan ko ang eksena nina Kinse at Reiss. Kahit papaano naibsan ang selos na nararamdaman ko kanina.




**

Mag-isa ako naghihintay ngayon ng masasakyan dito sa gilid ng kalsada sa tapat ng aming paaralan. Nauna nang umuwi sina Yawe at Amila, may family gathering kasi sina Yawe at si Amila naman may gala kasama mga kaniyang mga pinsan. Wala akong choice kundi magcommute dahil hindi ko ginamit kotse ko. Sanay naman ako sumakay sa jeep kaya okay lang.

Ilang minuto lang ang ginugol ko sa paghihintay nang may makita na akong jeep na papalapit, paparahin ko na sana ito nang may pumarada sa tapat ko na itim na kotse.

Kumabog ang dibdib ko dahil kaagad kong nakilala kung kaninong sasakyan ito.

'Sasakyan ni Kinse.'

Dahan-dahan niyang ibinaba ang windscreen ng sasakyan niya sa tapat ko at dumungaw doon.

"Psst, sakay na."

Ngumiti ako, "Huwag na po, magdyi-jeep na lang ako. Salamat na lang." nag-akto ako na parang ngayon lang kami nag-usap na dalawa.

He snorted, "Pssh. 'Di bagay sayo ang maging magalang haha. Sumakay ka na bago pa ako ang magpasakay sa' yo."

Napalingon-lingon muna ako sa paligid. Wala masiyadong istudyante na dumadaan kaya daglian kong binuksan ang pintuan ng kaniyang sasakyan at sumakay kaagad.

Ito ang kauna-uanahang pagkakataon na pinasakay ako ni Kinse sa sasakyan niya galing dito sa school. Minsanan lang kasi kami magkasabay na umuwi. Palagi kasi sila magkasama ni Reiss.

'Ngayon lang ata wala si Reiss sa tabi niya. Bakit kaya?'

"Anong meron at parang ang saya-saya mo yata ngayon?" kunot noo kong tanong sa kaniya nang mapansin na halos umabot na sa tenga ang kaniyang ngiti.

"Mamaya ko sasabihin sa 'yo. Bago iyon, pumunta muna tayo sa mall, shopping tayo ng foods. Mag-movie marathon tayo. Hehehe."

Ang weird ngayon ni Kinse, anong meron kaya?

Ang buong akala ko isang simpleng kuwento na nakakatawa ang kaniyang sasabihin sa akin.

Pero habang nasa biyahe kami, nahagip ng mata ko ang pulang marka malapit sa leeg niya.

A hickey.

Nawala ang saya na nararamdaman ko ngayon. Nagkakaroon na ako ng ideya kung ano iyong masayang bagay na sasabihin niya sa akin.

Parang bumibigat ang dibdib ko. Sana hindi tama ang hinala ko.





Kinse is indeed a  handsome guy. Maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya. Even gays and bisexuals in our school can't escape the aura and the beauty of a man he held. He can easily pull off both boys and girls in our school with just his simple smirk and 'Hi!'

Marami man ang nababaliw sa kaguwapuhan niyang taglay, syempre may mga tao din na para sa kanila. Normal lang ang gandang-lalaki ni Kinse, at isa na ako doon. Kahit anong anggulo, kahit gaano kabagay  sa kaniya ang mga outfit niya noon. Hindi talaga ako naa-attract. Kaya nga dati napapatanong na lang ako sa sarili kung, 'Sobrang guwapo ba talaga niya at halos lahat ng mga babae sa paaralan namin bukang-bibig ay pangalan niya?

Not until we started living in one roof, I found out the reasons why girls are craving for his love and attention.

Kinse is a caring man, palagi niya kinakamusta ang araw ko sa tuwing umuuwi ako galing school. Palagi niya rin akong pinaghahanda ng almusal at hapunan. Mabait, magalang at may pagkamakulit din kung minsan.

Masunurin din sa magulang niya. He never disobeyed the orders of his parents for him even at once. Sinusunod niya ito kahit labag sa kalooban niya. Just like our marriage.

Kinse is an epitome of perfection, lahat nasa kaniya na. Guwapo, mayaman, mabait at matalino. Siya ang lalaki na talagang papangarapin ng isang babae na mapangasawa. Kaya maraming naaawa kay Reiss dahil siya ang nobya ni Kinse.

Hindi ko inaasahan na darating sa punto na magkakagusto ako kay Kinse, I thought I'm vulnerable against his charm, but I'm not. With his simple 'hi', 'good morning', 'kain ka na pinagluto na kita ng breakfast mo' , 'ingat ka sa byahe', 'good night, sweet dreams' I started loving him.

Habang tumatagal ang araw ng pagsasama naming dalawa.  Mas lalong lumalala ang nararamdaman ko sa kaniya. Lumalala na sa tuwing nakikita ko sila ni Reiss magkasama at sa tuwing magpapaaalam siya sa akin na kailangan niyang ihatid si Reiss sa bahay nila. Nasasaktan ako, bumibigat ang dibdib ko dahil sa selos at hindi ko na iyon mapigilan pa. I'm totally inlove with Kinse.

Pero alam ko na wala akong pag-asa sa kaniya. He's obsessed with Reiss. He said he only saw his future with her. Gusto niya magkaroon ng masayang buhay at masayang pamilya kasama si Reiss.

Ako? Kaibigan lang ang turing niya sa akin. Hindi na ata iyon magbabago pa.

"Psst Cai!" pukaw ni Kinse sa atensiyon ko.

"O..Oh? A..ano ngayong sinasabi mo?"

Kinse chuckled, then tried to recap our previous topics.

Kasalukuyan kami ngayon narito sa sala, kakatapos lang namin manuod ng movie sa Netflix, at ngayon nag-uusap na lang kami. Naikuwento niya na rin sa akin ang dahilan kung bakit sobrang saya niya ngayon.

And I was right, may nangyari na nga sa kanila ni Reiss. It was their first time. Masaya siya dahil siya nakauna kay Reiss.

Syempre ito ako ngayon, nagpapanggap muli na masaya para sa kaniya. Pero ang totoo naninikip na ang dibdib ko. Hindi ako makahinga na parang gusto ko nang umiyak nang umiyak para ilabas ang sakit sa dibdib na nararamdaman ko ngayon.

Ewan, kung papaano ko ba nakakayang pigilan na tumulo ang mga luha ko sa kaniyang harapan. Siguro talent ko na talaga ito, na magpanggap na okay at masaya, pero ang totoo hindi.

Kanina matapos niyang sabihin ang nangyari sa kanila, ikinukuwento niya naman sa akin ang mga bagay na nagustuhan niya kay Reiss. Habang nagkukuwento siya, kakaiba ang mga kisap ng mata ni Kinse at ang ngiti niya. Para bang si Reiss talaga ang nakikita niyang itinadhana para sa kaniya.

"Ano na gagawin mo kapag nag-divorce na tayo?" diretso ang titig niya sa mga mata ko. Hinihintay ang aking magiging sagot.

Divorce? Oo nga pala, nakalimutan ko na ang divorce na pinag-usapan namin dati, na kapag maging maayos na ang lahat, gagawa kaming dalawa ng paraan para mapawalang-bisa ang kasal at bumalik ang buhay namin sa normal.

Pero dati iyon, noong hindi pa ako nagkakagusto sa kaniya. Pero ngayon? Ewan kung gusto ko parin bang ituloy ang pinaplano namin.

"Ahhmmp, hindi ko pa alam. Wala pa akong plano. B,bakit ikaw ba meron na?"

Ngumiti si Kinse, ang kaniyang mga mata ay mas lalong naningkit na nagpadagdag sa kaguwapuhan niya.

"Yeap, tatapusin ko syempre ang pag-aaral ko. Tapos, maghahanap ng magandang trabaho. Kapag okay na lahat at puwede na ako mag-settle sa buhay. Papakasalan ko na si Reiss at bubuo kami ng magandang pamilya. I want a formal and serious marriage if that time comes." then he gently smiled again.

Sa ngayon may isa akong hinihiling. Sana hindi na lang nagkakilala ang lolo ko at lolo ni Kinse. Nang sa ganun ay hindi nangyari itong kasal namin, hindi ako naging malapit sa kaniya, hindi ako nasasaktan at nagseselos ng ganito.

If this marriage didn't happen, siguro hanggang ngayon, wala parin akong gusto kay Kinse. Gusto ko ibalik iyong dati na ako na walang pakialam kung ilang tao man ang magkagusto sa kaniya. Mas mabuti siguro kung ganun parin pagtingin ko kay Kinse. Edi sana wala akong pakialam kung girlfriend niya si Reiss hanggang ngayon, mabuntis ba niya o magpakasal na sila.

I hope someday, kusang mawala itong pagtingin ko sa kaniya. Tulad ng mga feelings ko dati sa mga crush ko. Inaabot lang ng ilang linggo o buwan, nawawala na. Sana dumating na iyong araw na okay na ako, na tanggap ko na sila talaga para sa isa't isa, na wala talagang pag-asa na maging kami.

"I'm happy for you Kinse, Don't worry sisiguraduin kong magiging totoo iyang mga pinapangarap mo. You will marry Reiss and you will have a happy family with her."

Kinse raise his left hand and patted my head, he then disheveled my hair.

"You know what Cai, I'm happy that you came into my life. I thought before, that our relationship will not be that good since we're both guy. Pero mali ako, sa katunayan nagkaroon ako ng isang kaibigan na napagsasabihan ko ng mga hinanakit ko sa buhay. Thank you Cai. Hindi ko pinagsisisihan na natuloy itong kasal natin, kahit hindi natin mahal ang isa't isa."

Continue Reading

You'll Also Like

9.7K 452 26
This is just story of a guy who fell in love to a gay.
260K 14.3K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...