One More Time (Ghost Series #...

Da Justt_Stranger

442 76 33

[ON-GOING] Greg Clark Sy, the only soul under the power of Regina who survived from the killing mission. He... Altro

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 21

7 2 0
Da Justt_Stranger

"What?"

"You heard me."

Hindi ako makapaniwalang nagpabalik balik ang paningin sa kanilang dalawa ni mommy.

I can't be mistaken. Alam ko ang itsura ng lalaking nakasama ko noon. Ganong ganon ang mukha nya nang mamatay sya. He's eleven years older than me that time. I think he's around 16 when I was 5. Kung teenager na sya, matanda na rin dapat ang parents nya.

"H-hindi totoo yan, Sean. Kayo ang nagkakamali."

"Oh, I don't wanna be part of this conversation anymore," my mom put her both hands in front of her as she said. "Kim, let's go."

"No. I'm staying here."

"Kim!"

"Sabihin mo sakin kung paano nangyari 'to. Kung si Gale nga talaga ang namatay nung araw na 'yon, bakit patay na rin si Greg?" Nagbabakasakaling tanong ko.

Kahit papaano ay umaasa parin ako. Na sana ay mali ang iniisip ko. I wish to be wrong this time. Pero base pa lang sa nakikita kong reaksyon nya, alam ko nang bigo ako. Hindi sya makasagot sa akin.

"Mommy.."

Nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha ko dala ng pagsuko. Alam kong hindi nila kayang gawin 'yon gamit ang sarili nilang mga kamay. Ngunit kayang kaya nilang ipagawa sa iba kung gugustuhin nila.

At kahit pa kaya ko ring gawin 'yon sa iba... Hindi ko kayang tanggapin. Si Greg 'yon. Wala syang kasalanan sa nangyari pero sya ang pinagbayad.

"I love him," wala sa sariling bulong ko, umaasang magiging sapat na rason iyon para kaawaan nya ako at baguhin nya ang nakaraan. "Please.. p-please, tell me. Tell me you're not involved with his death."

Unti unti ay humupa ang kaninang inis na nararamdaman nya dahil sa pagmamatigas kong hindi pagsama sa kanya. Nasilayan ko nang muli ang tunay na sya nang tigilan na nya ang pagpapanggap.

"We did this for you."

"No! You did this for your own sake! Wag mo na kong idahilan.." halos ibulong ko na lamang iyon dahil pakiramdam ko'y tinatakasan na ko ng lakas.

Nakakapanghina ang nakikita kong reaksyon sa aking ina. Na kahit pa halos lumuhod na ko sa harap nya, parang wala syang pakialam.

"Hindi ka manlang ba nakokonsensya? Hindi ka talaga nakakaramdam ng kahit kaunting awa? Aayusin nyo lang ngayon dahil mahihirapan na kayong kalabanin ang taong namatay na, hindi ba? Hindi dahil sa nagi-guilty ka? Ganyan ka ba talaga? Ganyan ka talaga kasama?"

Tinalikuran nya ako na parang walang narinig. Inalalayan ako ni Sean nang halos bumigay ang tuhod ko sa sobrang panlulumo.

Hindi ako makapaniwalang ang sarili kong ina ang sisira sa akin. Sarili kong mga magulang.

Nabitawan ni Sean ang mga braso ko nang bigla akong tumakbo. Nagkulong ako sa kwarto buong maghapon. Laking pasasalamat ko na lang at walang gumambala sa akin.

Nakatulugan ko na ang pag-iyak at pag-iisip ng mga bagay bagay. Kinabukasan, bago pa may kumatok sa kwarto ko ay gising na 'ko. Nanatili ako sa kama.

"Kim, mag-usap tayo."

Patuloy parin sya sa pagkatok. Nang hindi ko buksan ang pinto ay pinihit nya ang doorknob pero kahapon pa nakalock iyon.

"Gusto ko munang mapag-isa, Sean," sagot ko nang hindi tumatayo sa kama. Para matahimik lang sya.

Narinig kong tumigil na sya sa pagpipilit na buksan ang pinto at ang mga hakbang nya palayo. Ngunit agad din akong napaupo mula sa pagkakahiga nang marinig ang kalasing ng mga susi at ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.

Sunod sunod na pumasok sina Jayne, Gray, Sean, Chloe, at Alex.

"What the fuck? Bakit mas dumami pa kayo?" singhal ko kay Sean.

"Hindi ko naman sila pinapunta eh. Kahapon ka pa talaga nila gustong puntahan, pinigilan ko lang."

"What happened?" tumabi sa akin si Alex. "Sean told us to give you some time. He doesn't want to tell us what happened to you."

"May sakit ka ba? Anong nangyari? Nag-away ba kayo ng mommy mo?" Tanong naman ni Jayne.

"Si Greg.." muli kong naramdaman ang pagnanais na umiyak kahit pa nagsisimula pa lang akong magsalita. "P-pinatay ng pamilya ko si Greg."

Kahit pa lumabo na ang mga mata ko dahil sa luhang nagpapatuloy nanaman sa pag-agos ay nakikita ko parin ang gulat sa mga muka nila.

I don't want to leave them clueless. Malalaman at malalaman din naman nila. Isa pa ay hindi ko alam kung kakayanin ko ba 'to nang mag-isa.

"Are you serious?" Halos pabulong at hindi makapaniwalang tanong ni Chloe. Nakapikit akong tumango.

"I don't know what to do anymore.."

I can't stop myself from crying. Para bang nawalan na ako ng pakialam kahit pa magbreakdown na ko sa harap nilang lahat.

"Mahal na mahal ko na sya. Mahal ko na sya noon pa. H-hindi ko lang matanggap.. sa dinami-rami ng tao sa mundo, bigla ko na lang malalaman.. mga magulang ko pala ang nagpapatay sa kanya."

"Kim," naguguluhang tumitig sakin si Gray. "Hindi ko maintindihan."

"Kim and I are friends since childhood," si Sean na ang sumagot para sa akin. "Noong mga bata pa kami, may lalaking nakikipaglaro lagi samin, si Gale. Hindi namin sya kaedad. Maliit pa lang kami non. si Gale, high-school na."

Habang nagkukwento sya ay binabalikan ko rin ang mga alaala naming tatlo kung saan namin sya unang nakita. Sean can't make me stop crying so Gale have no choice but to comfort me because I am too noisy.

Gale.. I still can't believe that Gale was his name.

"Madalas nya kaming nilalaro. Kaya nong isang araw na hindi ako makasama kay Kim sa lugar na gusto nyang puntahan, hindi kasi ako pinapayagang pumunta sa mga masusukal na lugar, doon nya gustong maglaro kaya si Gale ang sumama sa kanya. The next thing I knew, patay na raw si Gale. Hindi na tumigil kaiiyak si Kim lalo na nang magalit sa kanya ang mommy ni Gale nong pumunta kami sa bahay nila. Hindi ko alam kung bakit sya ang sinisisi sa nangyari. Kahit pa sya ang kasama ni Gale nung araw na namatay sya, hindi nya dapat sinisisi si Kim. Bata pa kami non."

"So what's the point? Anong connect? I didn't ask you to tell a story about other people. Si Greg ang pinag-uusapan natin dito."

"Si Gale, anak sya ni Greg," ako na ang sumagot.

"What?!" Kasabay ni Chloe ay nagreact din si Gray. Si Jayne ay nanatiling tahimik.

"Sinasabi mo bang may anak na si Greg? Dati? Dati pa?" Walang halong pangungulit ang tono ng boses ni Gray. Mukang apektadong apektado pa sya sa mga nalalaman nya. "Sigurado ba kayo?"

"Ang masama pa, hindi na namin alam kung anong ginawa ng parents ni Gale kina Tita Jen para ipapatay silang dalawang mag-asawa."

"Ginawa nila yon para hindi madumihan ang pangalan nila," mabigat sa kalooban kong sabihin iyon. "My father is one of the powerful businessman after all. Marurumihan ang pangalang nya at babagsak sya sa mga kanegosyo. Babagsak rin mismo ang negosyo nya. Pero kahit na anong reason pa ang idahilan ko para sa kanila, wala eh. Pinili nilang patahimikin ang mga taong nanghihingi ng hustisya sa pinakamadali at mabilis na paraan. Diba? Isang putok lang ng baril, tapos na. Wala na silang poproblemahin pa."

Kinain ng katahimikan ang buong kwarto. Hindi ako makatingin sa kanila dahil nakayuko lamang ako kaya naman hindi ko alam kung anong mga reaksyon nila sa sinabi ko.

"Si Greg," maya-maya'y ani Sean. Napunta ang atensyon naming lahat sa kanya. "Ang hinala namin ay nandito sya para maghiganti. Alam naman nating lahat na ang mga nabubuhay sa section nila noon ay may mga misyong ginagawa. Hindi kabilang si Greg sa mga nagtangkang pumatay kay Rein.. Kaya sa tingin ko ay si Kim talaga ang pakay niya."

"Pero matagal na nyang kasama si Kim. Madalas din nya syang nasosolo. Wala naman syang ginagawa, hindi ba?"

"Hindi..." umiiling si Gray, hindi sang-ayon sa mga naririnig. "Hindi ako naniniwala. Kilala ko si Greg. Mahal nya si Kim. Nakita ko.." Tumingin sya samin isa isa nang tumatango para magtiwala kami sa kanya. "Nakita kong ginawa nya lahat para lang makalimutan nya si Kim noon, pero hindi nya nagawa."

Sumisinghot na sya at parang batang nagpipigil ng pag-iyak. Matagal na rin silang nagkasama ni Greg. Naiintindihan ko kung anong pinaghuhugutan nya.

"Nakita ko kung anong nangyari noong nawala kayong lahat, noong iniwan nyo silang dalawa ni Rein. Lahat ng mga mata, lahat ng concerns na'kay Rein. Parang nakalimutan nilang lahat na naiwan din si Greg. Tiniis nya 'yong mag-isa. Si Rein, malalaman mo kung anong nararamdaman nya lalo na kung kilala mo sya. Naidadaan nya 'yon sa init ng ulo, sa dahas, sa pang-aaway ng kung sino sino. Pero si Greg, wala. Wala syang ibang magawa kundi magpanggap na okay lang ang lahat."

"Kahit ano pang nangyari at kahit ano pang pinagdaanan naming dalawa, wala na 'kong magagawa.. Wala na 'kong mukang maihaharap sa kanya," nakatungong sagot ko.

Hindi ko na alam kung paano sya haharapin. Pinatay ko ang anak nya at pinatay naman sya ng mga magulang ko dahil don. Ako ang puno't dulo ng lahat.

Nandito ba talaga sya para maghiganti sa akin? Ibig sabihin ba non hindi totoo ang mga inamin nya sakin?

Hindi totoong mahal nya ako?

Parte ba yon ng plano? Ang kunin ang loob ko para mas lalo akong masaktan. Tangina. I know that I deserve that pero, tangina talaga, kahapon lang ako nakaramdam ng sayang hindi mapapantayan dahil sa pag-amin nya, tapos malalaman ko agad na hindi naman pala totoo 'yon?

"Kim," hinawakan ni Jayne ang kamay ko nang umupo sya sa kabilang gilid ko. "Hindi masamang tao si Greg."

"I know."

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok. Nagkatinginan pa muna kaming lahat bago pagbuksan ni Gray ng pinto ang nasa labas.

Mukang nagulat pa ito nang makita kung sinong kumatok. Muli nya kaming tinignan bago papasukin si...

"Greg," gulat na tumayo si Alex mula sa tabi ko. Tumayo na rin si Jayne.

"Bakit?" Mukang nailang naman si Greg dahil sa mga tinging ibinabato sa kanya ng mga kasama. "Anong nangyayari? May nangyari bang hindi ko alam?"

Tumingin sakin si Chloe bago sabihing.. "They need to talk."

"Chloe.."

"Let them talk first, Sean." Inunahan na sya ni Gray dahil mukang natatakot pa syang iwan ako dito mag-isa kasama si Greg. "Kailangan nilang makapag-usap. Dito lang tayo sa labas."

Wala na rin syang nagawa dahil mukang lahat sila ay sang-ayon sa sinabi ni Gray. Nang makalabas silang lahat ay naguguluhang tumingin sakin si Greg.

"Anong nangyari?"

Namuo ang mga luha sa mata ko nang magtama ang mga mata namin. Pilit ko iyong pinipigilan.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo para at lumagay sa harap nya. Nakakunot parin ang mga noo nya sa pagtataka ngunit may halo paring pag-aalala.

Totoo ba talaga ang mga nakikita kong emosyon nya? O ganon lang talaga sya kagaling magpanggap?

"Gusto mo ba 'kong patayin?"

Dumaloy ang gulat sa kanyang muka na napalitan rin agad ng pagiging seryoso. Mukang madali nyang nakuha ang sinabi ko.

"Alam mo na.." It wasn't a question.

Unti unti akong lumuhod at umiyak sa harap nya. "I'm sorry.." tsaka ako nag-angat ng tingin sa kanya. "Alam kong hindi mapapalitan ng sorry ko ang mga buhay na nawala sa'yo. P-pero... matagal na kong ready, Greg. I'm just waiting for you to make a move. Buhay sa buhay. Ganon dapat hindi ba?"

Hindi ko na mahulaan kung ano ang nararamdaman nya ngayon dahil mula nang lumuhod ako sa harap nya ay nabura na rin ang emosyon sa kanyang muka. Hindi nga sya nagulat sa ginawa ko. Mukang hindi rin sya naaapektuhan sa mga sinasabi ko.

"Sa tingin mo talaga papatayin kita?"

"I don't know what to do anymore if you don't kill me now."

"Ako ba talaga ang inaalala mo o ang sarili mo? Gusto mong patayin kita para wala ka nang maramdaman? Papatayin kita ngayong nalaman mo na ang nangyari para hindi ka na makonsensya? Ganon ba, Kim?"

Sandali akong natigilan sa sinabi nya at nang makarecover ay tsaka ako tumayo.

Ngayon ko lang narealise.. Kahit papaano pala ay umaasa parin ako kanina. Umaasa akong mali ang iniisip kong parte ng plano nya ang pagkuha sa loob ko. Akala ko kahit papano minahal nya rin ako.

"Is that what you really want?"

Tumigil ako sa pag-iyak. Hindi ako makapaniwala sa Greg na nakikita ko ngayon sa harap ko. Ito na ba ang totoong sya?

"I thought you're a fair person, Kim? Do you think if I killed you before, we will be equal? No."

Sumikip ang dibdib ko nang makita ang galit sa mga mata nya. I want to cry again. Wala na si Greg. Hindi ko na makita sa kanya si Greg. Wala na ang lalaking mahal ko.

"Magiging fair yon para kay Gale, but not commensurate with me. This is between you and me, Kim.. since you're the one who killed my son. Buhay sa buhay? Fine. Namatayan ako, Kim. Kung gaganti ako sayo, hindi dapat ikaw ang mamamatay."

"W-what do you mean?" Napapalunok na tanong ko. Natatakot at nasasaktan ako.

Kung ganon ay nandito nga talaga sya para gantihan ako.

"Hindi ka mamamatay dahil ikaw dapat ang mamamatayan."

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala. Si Greg... kaya nyang gawin ang bagay na yon..

Sa akin?

"Please.." mabigat ang paghinga kong lumapit nang dahan dahan sa kanya. "A-ako na lang, Greg.. Wag ka nang mandamay nang iba. Ako na lang, please."

Sa gitna ng pagmamakaawa ay nagawa kong hawakan ang kamay nya. I can't imagine myself right now. Umiiyak ako ngayon habang nagmamakaawa. But I can't lose anyone anymore. I already lost my brother. Not my parents.. Not my friends...

May sumilip na emosyon sa kanyang mga mata.

Sakit.. Pagkadismaya.. Hindi ko alam kung bakit.

"You... really think I can.."

Hindi ako umangal nang ipagpag nya ang kamay ko. Halatang galit talaga sya sa akin.

"Kahit naman anong sabihin ko, hindi mo ako paniniwalaan, Kim.. Maliban sa mga sinabi ko ngayon. That's the only response you're expecting right now."

"What?"

"I know you. Naniniwala ka lang sa mga gusto mong paniwalaan.. at naniwala ka agad."

Natigil ako sa pag-iyak sa sobrang pagtataka sa mga sinasabi nya. Lumayo ba kami sa topic? Hindi ko sya maiintindihan.

"I tried to kill you. Pero noong muntik ka nang masaktan ng iba, I just find myself protecting you. I really wanted to kill you, Kim.. But you're the only person I have now. At first, akala ko hindi ka maniniwala sa sasabihin ni Sean, but you did. You don't trust me enough."

Hindi tinatanggap ng utak ko ang mga sinasabi nya. Feeling ko nga lumalayo na kami sa topic. Tungkol kanino na ba ito?

"What are you saying?"

"Akala ko mahal mo 'ko.."

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.4M 97.7K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
18.2K 316 12
DELULU & GUILT PLEASURE
107K 4.2K 42
(This is not machine translated!) (Starts from chapter 241.) A guy in his late twenties one day wakes up in someone else's body and realises he's gon...
28.7K 1.4K 25
Princess Bella, the first and only daughter of the famous rulers of the United Kingdom of Auradon, Belle and Beast. The twin sister of Prince Ben, yo...