Trust No One

By skyluvwrights

210 2 0

Friendship. Unbreakable connection. Family ties. However, unbeknownst to them, a sinister plot lurks within t... More

TRUST NO ONE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Consequences
CHAPTER 2: Adviser
CHAPTER 3: Camping
CHAPTER 4: The Art Of Deception Continues
CHAPTER 5: Twice The Demise With Fatal Symmetry
CHAPTER 6: Lost Keys And Hidden Feelings
CHAPTER 7: Fibonacci Sequence
CHAPTER 8: Trust And Sequence Continuation
CHAPTER 9: Unmasking The Culprit
CHAPTER 10: The Truth Behind Accusations
CHAPTER 11: Mind Of The Game
CHAPTER 12: I Trust You
CHAPTER 13: Memories And Just Friends
CHAPTER 15: Different Point Of Views
CHAPTER 16: Breaking Ties
CHAPTER 17: Endless Regrets
CHAPTER 18: End Of Comradeship
CHAPTER 19: Ridiculous Present
CHAPTER 20: Deadly Scheme
CHAPTER 21: Bidding Adieu
Chapter 22: In Pursuit Of Justice
Chapter 23: Completely Depleted
CHAPTER 24: Connecting Dots
CHAPTER 25: Deciphering Trustworthy Souls
EPILOGUE

CHAPTER 14: Rainy Reverly

5 0 0
By skyluvwrights

Jaxx.

Malakas pa rin ngayon ang ulan. Madilim ang kalangitan kahit umaga at kapag lumabas kami for sure hanggang tuhod na ang baha. Wala kaming napapanood na balita pero sigurado akong may bagyo.

Nakasuot ako ngayon ng makapal na black jacket with plain white t-shirt inside of it na medyo manipis. Ang pangbaba ko naman ay makapal na pajama.

Nandito kami ngayon sa room nina Paris. Lahat kami ay nagsiksikan dito, as in yung buong section except na nga lang sa iba na wala na. Wala dito si Ms. Joy kasi masakit daw ang ulo kaya nasa kabilang room siya pero nandito naman si Sir Quira.

May mga pagkain kami dito kaso kaunti lang kasi need rin naming tipidin ang pagkain. It's giving a pajama party vibe here. Binuksan na ni Maze ang kanyang speaker na mamaya ay malo-lowbat na rin. Isinaksak naman ni Jeya ang kanyang usb at nagsimula ng magpatugtog.

Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako
Hetong nakatulala
Sa mundo, sa mundo

Naka-indian sit kami ngayon pero kung saan-saan kami nakapwesto. Malapit sa akin sina Jeya, Maze, at Paris. Ang iba kong kaklase ay kumakain. Merong nagtaas ng kamay sabay mabagal na iwinagayway sa ere at tila'y sumasabay pa sa tugtog.

Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Mga pangarap ko
Para sa'yo, para sa'yo

May mga tumayo sa amin at kumuha ng kung anong bagay na malapit sa kanila at ginawa itong parang mikropono. Inilapit nila 'yon sa kanilang bibig.

Oh oh oh oh

Pagkanta nila.

Hindi ko maisip kung wala ka
Oh oh oh oh
Sa buhay ko

Halos lahat ng nandito ay kumakanta na at meron pa nga sa aming namamasa na ang mata na para bang maiiyak.

Nariyan ka pa ba?
Hindi ka na matanaw
Kung mayro'n bang daraanang
Pasulong, pasulong

Tumahimik na ulit ang iba matapos ang chorus, at tumayo naman si Maze. Kinuha niya yung suklay na malapit sa kanya at ginawa ring mikropono.

Oh oh oh oh
Hindi ko maisip kung wala ka

“To the girl I like, gusto ko lang sabihin na sana kung hindi mo man ako magawang mahalin ngayon. Sana sa susunod na buhay ay ako naman.” sabi ni Maze sabay ngumiti. Nakatingin siya sa direksiyon namin at naparinig ko naman ang pang-aasar ni Claire kay Mica na nasa likod ko.

Oh oh oh oh
Sa buhay ko

Umupo na ulit si Maze sa tabi ko. “Sino yung sinasabi mong babae?” tanong ni Jeya.

Sundan mo
Ang paghimig na lulan na aking pinagtatanto
Sundan mo
Ang paghimig ko

“Secret.” maikling sagot ni Maze at tumawa. “Sabihin mo na, promise sa ating apat lang.” sabi ni Jeya pero umiling lang si Maze. Bigla namang lumakas ulit ang kanta ng mga kaklase ko pati sina Jeya at Paris ay sumabay na rin sa kanta.

Oh oh oh oh
Hindi ko maisip kung wala ka
Oh oh oh oh
Sa buhay ko

Nang matapos ang kanta ay nagpatugtog ulit ng iba pang kanta si Jeya. Actually, ang sarap sa pakiramdam na ngayong magkakasama kaming nagsasaya despite of what happened in the past few days. Sana kahit kasama namin ang killer o mga killer ay hindi nila guluhin ang atmosphere ngayon. I hope they act as our normal classmate and as our friend.

“Oo nga pala kanina hindi niyo na nasagot tanong ko. Kayo na ba?” tingin sa akin ni Jeya tapos inilipat naman niya kay Paris.

“Bakit kayo magkayakap kanina?” dagdag niya pa.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Maze. “Nilalamig kasi siya.” pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko pero sana wala ng follow up question.

“Pwede namang ipahiram mo yung jacket mo sa kanya ah!” sabi ni Jeya at tinaasan ako ng kilay. Hindi ako nakapagsalita na naging dahilan ng pagtawa ni Jeya sa amin.

Pero tumigil siya nung magsalita si Paris. “He rejected me. I like him but he can't reciprocate it. Pinili ko siyang layuan at kanina gusto niyang i-confirm sa'kin kung umiiwas ako sa kanya.” mabilis na paliwanag niya. Tumayo siya at lumabas sa room. Hinabol naman siya ni Jeya at rinig ko ang paghingi nito ng sorry. Sumunod rin kami ni Maze sa kanila.

Pagkalabas namin ay nakita ko na lang na umiiyak si Paris habang nakayakap sa kanya si Jeya. Nakatalikod siya sa direksiyon namin samantalang si Jeya naman ay nakaharap.

Did I hurt her that much?

Lalapit na sana kami ni Maze sa kanila pero tiningnan kami ni Jeya and she signaled us not to come closer, using her hand. Kaya bumalik na ulit kami sa loob ng room ni Maze.

“Maze.” pagtawag ko sa kanya. Nakaupo na ulit kami at katabi ko lang siya. “Bakit?” sagot niya.

“Si Paris ba yung sinasabi mong babae kanina?” tanong ko. Matagal siyang hindi nakasagot hanggang sa bumuntong hininga na lang siya at tumango.

So he really like Paris, and Aiden was right. That explain why Maze sang 'Paris in the Rain'.

Magsasalita pa sana ako pero biglang pumasok sina Paris at Jeya. Mukhang ayos na si Paris.

“Tara laro tayo!” suhestiyon ni Mica.

“Mag open forum na lang tayo or mag share about life?” sabat ni Claire at napatango naman si Mica. “Sige 'yan na lang.” sabi ni Mica. Pinilit niya kaming lahat na sumali maging si Sir Quira, ang iba ay sumang-ayon kaya wala ng nagawa ang iba pa kung hindi sumali rin.

“Since kayo po ang teacher dito ano pong pwede niyo i-share sa amin?” tanong ni Mica. Napahawak naman si Sir Quira sa kanyang baba at nag-isip.

Why don't he shares how did he killed our classmates?

“Let me share this to you guys. So, someone caught my attention. This person is the reason why I'm still living kaya nga handa akong gawin ang lahat para sa kanya.” panimula niya at naparinig ko naman ang tilian ng iba sa amin. Pero hindi ko pa siya masyadong kilala. Mukhang may tinatago siya sa akin pero once na malaman ko 'yon I will accept her wholeheartedly kasi ganun naman ang pagmamahal. Kahit anong flaws ang meron siya mamahalin ko pa rin. pagpapatuloy niya.

“Who's that person po?” tanong ni Chase. Umiling lang si Sir Quira at ngumiti sabay sinabing, “You will know it very soon.”

Nagagawa pa palang magmahal ng isang mamatay tao. Sa bagay, may mga tao ngang pumapatay para sa taong minamahal niya.

“Ikaw naman, Jaxx!” Claire exclaimed at itinuro ako. Tumingin naman sa akin ang mga kaklase ko at iniintay akong magsalita.

Napabuga ako ng hangin pero siguro dapat i-share ko na 'to. Kasi hindi ko alam kung tatagal pa ba ako. “I like someone. She's sweet, kind, and caring like my mom. Hindi siya perpekto kasi wala naman talagang ganun at wala lahat sa kanya ang mga katangiang hinahanap ko sa babae but I feel comfortable around her. She made me realize how important I am in this world.” panimula ko. Naparinig ko ang tili ng iba lalo na si Maeve at sinasabi pa nga niya na baka si Paris 'yon.

“However, she's no longer here. Iniwan niya ako without knowing na gusto ko siya.” unti-unting tumulo ang luha ko sa aking mata pero pinunasan ko naman agad ito. “Pero wala na akong magagawa. Hindi ko naman siya kayang buhayin, kung pwede nga lang na ipalit yung buhay ko then I'll definitely do it for her.” dagdag ko.

“Si Aureah ba 'yan?” tanong ni Claire at tumango ako. Lumapit siya sa akin at humingi ng tawad maging sina Mica, Gwy, at Zcylla. Nginitian ko lang sila pero kahit naman paulit-ulit silang humingi ng tawad hindi na maibabalik si Aureah.

Biglang tumayo si Paris kaya napukaw ang atensyon naming lahat sa kanya. “Punta lang ako ng cr.” paalam niya at lumabas na sa room. Sumama rin sa kanya si Jeya. Ang sunod naman na nagshare ay si Galle dahil nagpresenta siyang sumunod.

“Alam niyo naman siguro na spoiled brat girl ako. I know you'll hate me for this pero gusto ko lang aminin. I cheated during our periodical test and sometimes in our quiz.” panimula niya.

“Actually, nagcheat ako hindi dahil para malamangan ko kayo. My parents expectations made me to do it. Ayaw ko kasing ma-disappoint sila. 'Yon lang.” sabi niya at mapait na ngumiti sa amin.

“Hindi ko masasabing okay lang ang ginawa mo pero may pagkakataon pa para magbago.” sabi ni Mica. Dumating na rin sina Paris at Jeya kaya ang sumunod na pinagsalita ay si Paris.

“Mahirap lang kami at alam niyo namang scholar ako. Actually, sobrang hirap talaga ng buhay namin at akala ko wala akong magiging kaibigan dito, but I was wrong kasi sobrang dami kong naging kaibigan even Aza. Hindi ko siya kasing yaman pero naging kaibigan ko pa rin. Then there's someone na pina-feel sa'kin kung gaano ako ka-special. Assumera ako ng taon kaya 'yon nagustuhan ko siya but fate is so cruel to me kasi may iba pa lang gusto yung taong 'yon pero I'm now coping up with that pain, that's all.” pagkukwento ni Paris. Natahimik kaming lahat sa sinabi niya kasi sa bawat bitaw niya ng salita ay mararamdaman mo talaga na galing 'yon sa puso. And I'm that someone she's pertaining to or not? Probably?

Sunod namang pinagsalita si Lia. “Siguro tingin niyo sa'kin sobrang ganda ng buhay ko. To be honest, I'm not in good terms with my mother kasi nung naghiwalay sila ni papa, hindi siya ang pinili ko. Sumama ako kay papa. Then, my father died kaya kinupkop ako ni ate na kasama ni mama. Akala ko maaayos ang lahat kapag dumaan ang ilang araw pero hindi, galit pa rin siya sa'kin but I'm hoping na sana dumating din yung araw na maalis yung galit niya.” kwento niya. Lumapit naman sa kanya sina Galle at niyakap siya.

Medyo relate ako sa kanya. Broken family kasi kami pero mas pinili ko na lang na 'wag sabihin. Naghiwalay sina papa at mommy nang walang dahilan, siguro napagod lang sila sa relasyong meron sila. Sumama ako kay tatay pero hinihiram naman ako minsan ni mommy. But I'd just choose to move forward and accept it instead of hating them.

“Ayos naman buhay ko kaso minsan may napaparinig akong masasakit na salita tungkol sa'kin.” panimula ni Jaycee. Siya kasi ang sunod na pinagsalita. “Hindi ko talaga alam na yung pagiging friendly ko pala ay masama. Marami ako kaibigan kaso kaunti lang yung tunay. There was a time na nakaramdam ako na parang mag-isa na lang ako kahit na ang dami kong kaibigan. Hindi ko alam kung bakit, pero nafeel ko na parang reserba lang ako. Pero still thank you sa mag nanatili bilang tunay kong kaibigan.” sabi niya. Inapiran naman siya nung mga lalaki at yung iba nga ay nakipaghandshake pa.

Si Jeya na ang sunod na nagsalita. “Shipperist ako dito pero maraming nagtatanong kung may naging crush na ba ako dito? To be honest, wala talaga. That's all.” sabi niya sabay tawa. Magkwento ka pa tungkol sa buhay mo.” sabat ni Maeve.

“Gaya ni Paris mahirap din kami, scholar kasi ako. Hindi ako sobrang matalino pero kailangan kong taasan ang grades ko para hindi matanggal sa scholar. Hindi niyo lang pansin pero sobrang taas ng expectation sa'kin ng mga magulang ko kaya medyo pressure. Minsan hindi ako tumutulog para magreview sa test and worst was sometimes mababa ang score ko. My parents are not abusive ha tsaka alam kong mahal nila ako. Kaso minsan napapataas nga expectation nila kaya pati ako ganun na rin sa sarili ko. But I'm mentally stable right now, I'm still okay pa naman. 'Yan ayos na.” kwento niya. Niyakap siya ni Paris pero tumawa lang si Jeya. Her laugh doesn't sound like she's happy.

How cruel the world is.

Sunod namang nagkuwento ay si Maze. “Someone caught my attention. She's beautiful and funny. Hindi ko pa nagagawang umamin sa kaniya kasi alam kong may gusto siyang iba. I really want to but I don't want to lose her. She's really important to me and I want her to always wear her smile. I don't want to see her cry kasi nasasaktan din ako. Sana kapag nagkaroon ako ng lakas ng loob na makaamin sa kanya, sana 'wag niya akong iwasan. 'Yon lang.” sabi niya. Parinig ang tili nina Claire at inaalog pa ang katawan ni Mica. Si Jeya naman ay pilit na tinatanong kung sino yung babaeng tinutukoy ni Maze pero umiling lang ito.

I hope Paris realized that she deserves someone better. Better than me and that is Maze.

               

;

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 1.2K 1
𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 '𝐃𝐞𝐜𝐞𝐢𝐭𝐟𝐮𝐥 𝐑𝐨𝐲𝐚𝐥𝐬' 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ★✯★ "Secrets are lethal, especially when they come dripped in murder." Trinity...
162K 6.7K 83
A girl whom I thought as my best friend standing before me with a knife to kill me. She stabbed the knife onto my chest and told me "He will not like...
11.5M 298K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...