Trust No One

By skyluvwrights

210 2 0

Friendship. Unbreakable connection. Family ties. However, unbeknownst to them, a sinister plot lurks within t... More

TRUST NO ONE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Consequences
CHAPTER 2: Adviser
CHAPTER 3: Camping
CHAPTER 4: The Art Of Deception Continues
CHAPTER 5: Twice The Demise With Fatal Symmetry
CHAPTER 6: Lost Keys And Hidden Feelings
CHAPTER 7: Fibonacci Sequence
CHAPTER 8: Trust And Sequence Continuation
CHAPTER 9: Unmasking The Culprit
CHAPTER 10: The Truth Behind Accusations
CHAPTER 11: Mind Of The Game
CHAPTER 12: I Trust You
CHAPTER 14: Rainy Reverly
CHAPTER 15: Different Point Of Views
CHAPTER 16: Breaking Ties
CHAPTER 17: Endless Regrets
CHAPTER 18: End Of Comradeship
CHAPTER 19: Ridiculous Present
CHAPTER 20: Deadly Scheme
CHAPTER 21: Bidding Adieu
Chapter 22: In Pursuit Of Justice
Chapter 23: Completely Depleted
CHAPTER 24: Connecting Dots
CHAPTER 25: Deciphering Trustworthy Souls
EPILOGUE

CHAPTER 13: Memories And Just Friends

4 0 0
By skyluvwrights

Paris.

Mas lalong lumakas ang ulan ngayong gabi. Tapos na kaming kumain at ang iba ay nasa kanila ng room. Pero napagpasiyahan kong lumabas muna. Umupo ako malapit sa pinto ng aming room at sumandal sa dingding nito. Pinagpagan ko lang ang inupuan ko, at wala akong pake kung madumihan ang suot ko.

Nakasuot ako ngayon ng black jogging pants at maroon jacket with black v-neck inside of it. Suot ko rin yung cute slippers na binigay sa'kin ni Aza nung birthday ko.

-

"Paris, happy birthday!" niyakap ako ni Aza sabay inabot sa akin yung regalo niya na ang pagkakabalot ay hugis tsinelas.

"Ano 'to? Tsinelas?" tanong ko pero sinagot niya lang ako nang pagtawa.

"Ito ang akin, Paris." niyakap din ako ni Jeya at ibinigay ang isang cute paper bag.

"Mamaya mo na 'yan buksan." sabi ni Aza at hinila ako papunta sa food section.

"Kumain muna tayo." dagdag niya.

"Nakakain na ako kanina." sabi ko at akmang aalis na pero hinila ako ni Jeya.

"Ipagdala mo na lang kami ng desert." sabi niya at nagpa-cute pa.

"FYI! Ako po yung may birthday dito hindi po ako ang waiter." sabi ko pero ngumuso lang sa'kin si Jeya kaya naman pinagdala ko na sila.

Pagkadating namin sa table ay saktong dating nina Maze at Jaxx. Pinakuha rin sila ni Aza ng pagkain para sabay-sabay daw silang kumain. Binigay na rin sa'kin nung dalawa ang regalo nila.

Nagpaalam muna ako kay na Aza para kunin yung regalong binigay nila sa akin. Pagkadating ko sa table nila ay kumakain na silang apat.

"Bakit dala mo yang mga regalo namin?" tanong ni Aza.

"Para kainin?" sarkastikong sagot ko.

"Hindi, bubuksan ko na ngayon mga regalo niyo." sabi ko.

Una kong binuksan ang regalo ni Maze at binigyan niya ako ng color pencil na 128 pieces.

"Grabe ang yaman mo naman! Anyways, thank you so much!" sabi ko at ngumiti naman siya sa'kin.

Since I was a kid, I really like to draw. Kaya nga ngayon kahit activity o performance task pa man 'yan laging may design. Kahit nga hindi ko alam kung tama ba ang sagot ko basta may design, masaya na ako.

"May dumagdag na naman sa mga gagamitin mo kapag cramming ka." pang-aasar ni Jeya sa'kin.

Sunod kong binuksan ang regalo ni Jeya. Pagkabukas ko nung small bag na binigay niya sa'kin ay may laman itong small box. Nung una akala ko ay hikaw pero kwintas pala. Gold necklace at ang nakalagay dito ay isang maliit na heart.

"Thank you, Jeyaya!" sabi ko at niyakap siya.

Sinuot ko ang kwintas na binigay niya at hinawakan yung maliit na heart. Wait, may nakasulat pala sa heart.

"Anong 'JG'?" tanong ko at nakita ko naman ang pagpipigil ni Jeya sa kanyang pagtawa.

"Baka Jaxx Gavien." sabi ni Maze sabay nagpunas ng tissue. Sinamaan ko naman ng tingin si Jeya.

"Hindi ah, JG kasi..." nag-isip pa si Jeya nang matagal na para bang hindi niya alam ang ibig sabihin nung naka-ukit sa kwintas na binigay niya. "JG means Just Great." sabi niya.

Sunod ko namang binuksan ang regalo ni Jaxx at binigyan niya ako ng shoulder bag. Pinabukas sa'kin ni Jaxx yung bag at nakita ko naman ang mga cute little hairpins may design ito na mga hayop.

"Akala ko singsing na yung binigay sa'yo tapos magpopropose siya." sabi ni Jeya na parang na-disappoint sa regalo ni Jaxx.

"Tanga, grade 8 pa lang tayo." sabi naman ni Aza.

"Thank you, Jaxx. Hindi ka na dapat nagbigay ng regalo kasi ito pa lang sapat na." sabi ko at itinuro ang buong paligid.

"Ikaw lang daw sapat na Jaxx." sabi ni Jeya kaya naman nasapok ko siya.

Huli kong binuksan ang regalo ni Aza. And as I expected, tsinelas nga ang regalo niya pero it's cute.

"Thank you, Aza!" sabi ko at niyakap ko siya.

"Actually, hindi lang 'yan ang regalo ko." sabi ni Aza. Sinama niya ako papunta sa sasakyan nila at ibinigay niya sa akin yung isang paper bag. Pagkabukas ko ay nakita ko ang isang wattpad book.

"Wow, thank you Aza." sabi ko at niyakap siya. "Hindi niyo ba kami isasama?" tanong ni Jeya na nasa likod namin.

Oo nga pala kasama rin namin sila. Niyakap naming tatlo ang isa't isa samantalang yung dalawang lalaki ay nanatili lang sa gilid. Well, ang awkward raw kasi kung sasali sila.

-

Just thinking of our memories makes me want to cry. Ang saya ko kasi may mga memories kaming ganun pero hindi matutumbasan ng sayang naramdaman ko noon ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

"Bakit ka nandito?" biglang may tumayo sa harap ko kaya naman inangat ko ang aking ulo.

"Jaxx, anong ginagawa mo dito?" tanong ko at pilit na ngumiti.

"Ako dapat magtanong niyan. Anong ginagawa mo dito?" sabi niya.

"Nagpapahangin." sagot ko at naparinig ko naman ang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya nang masama. "Sa lamig na 'yan magpapahangin ka pa?" sarkastikong tanong niya at itinuro pa ang malakas na pagragasa ng ulan sa labas.

"Fine! I want to be alone kaya lumabas ako dito." sabi ko.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko at tinitigan ang aking mga mata.

"H-hindi kaya." pagtanggi ko. Hinawakan ko ang doorknob nung room namin at papasok na sana ako pero bigla niyang hinila ang pulsuhan ko.

"B-bakit?" tanong ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at saka ako niyakap. Na-estatwa ako sa ginawa niya at imbes na pagpatak ng ulan ang maparinig ko ay tanging mabilis na tibok lamang ng aking puso.

What the fuck, Jaxx? Your making it hard for me to unlove you.

"You can cry all you want, Paris. Don't try to hide your feelings to us. I can be your shoulder to cry on because that's what are friends for." sabi niya at nanatili pa rin kami sa ganung tayo.

Friends. Yeah, that's what are friends for but do you know that I really hate it. Kasi hanggang kaibigan lang ako.

"Jaxx." tawag ko sa kanya at sinagot niya lang ako ng simpleng, "Hmm."

"Pwede bang 'wag kang magbigay ng rason para mas lalo pa kitang mahalin." sabi ko at umalis na sa pagkakayakap niya. "What do you mean?" tanong niya.

Ang manhid mo naman.

"Huwag mong iparamdam sa'kin na may pag-asa ako sa'yo." sabi ko pero tila'y naguguluhan pa rin siya.

"I like you, Jaxx." sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya. "Tunay ba yang sinasabi mo?" tanong niya at tumango naman ako.

He smiled at me. A bittersweet smile.

"I'm sorry but I can't reciprocate that feelings you have on me." sabi niya. Hindi ko na napigilang maiyak dahil sa sinabi niya. So, this is what rejection feels.

"I-It's fine." sabi ko at dali-daling pumasok sa room.

I lay down beside Jeya and then I silently cry. Ginamit ko ang unan ko para pigilang makagawa ng ingay.

Ang sakit kasi yung isa sa taong nagbibigay sa'yo ng rason para maging masaya ay siya ring magdadala sa'yo ng kalungkutan.

Actually, yung pamilya nila ang nag-sponsor nung birthday ko nung grade 8 pa lang kami. Hiniling daw 'yon ni Jaxx sa tatay niya dahil nangako raw siya sa'kin, kahit wala naman talaga. Dun ko siya nagustuhan. He's really kind kahit na straight forward siyang magsalita minsan, kaya nga gustong-gusto ko ng lagyan ng filter ang kaniyang bibig.

I hope when I wake up everything will be okay. Sana maging ayos itong puso ko at sana wala ng mamatay. Pinikit ko na ang aking mga mata at hinayaang lamunin ng antok.

"Paris!" iminulat ko ang aking mata ng marinig ko ang boses ng kung sino. Pagkamulat ko ay nakita ko ang mukha ni Jeya. "Bumangon ka na diyan." sabi niya sa akin at inalog ang balikat ko. Imbes na sundin ko siya ay nagtalukbong ako ng kumot.

"Ayaw mo ha." sabi niya sabay kiniliti ako kaya wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon.

"Bakit ba?" inis na tanong ko habang tinitiklop ang aking kumot. "Kakain na po mahal na prinsesa. Ikaw na lang ang hindi lumalabas dito sa room." sabi niya with a hint of sarcasm at itinuro ang room na walang katao-tao. "Nakatulog ka ba nang ayos? Bakit mugto yang mata mo?" tanong ni Jeya at inilapit ang mukha niya tapos tiningnan ang mga mata ko.

Bigla namang nag-flashback ang ginawa ni Jaxx kagabi.

Ang paglapit ng kanyang mukha sa akin. Ang pagtitig niya sa namumula kong mata galing sa pag-iyak. His breath that I felt in my skin. His manly scent that I smelled. Lahat ng 'yan ay nag-flash na lang sa utak ko. Maging ang kirot na naramdaman ko sa aking puso ay bumalik din.

Nanumbalik ako sa realidad nang marinig ko ang tawag ni Jeya. "Paris! Okay ka lang ba?" sabi niya at ikinaway pa ang kanyang kamay malapit sa mukha ko. Tinanguan ko lang siya at tumayo na para magsuklay.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay lumabas na kami ni Jeya at pumunta na sa teacher's office. Pagkapasok namin ay tinawag kami ni Maze, hinila naman ako ni Jeya at pinaupo. Katabi ko si Jeya at kaharap ko naman si Jaxx.

"Bakit mugto 'yang mata mo Paris?" tanong ni Maze.

"Nagbasa siguro 'yan ng wattpad book kaya ganyan." imbes na ako ang sumagot ay si Jeya ang nagsalita. "O baka hindi makatulog nang maayos kakaisip kay Jaxx." pang-aasar niya at tumingin pa sa akin na naging dahilan para mabilaukan ako.

Isa pang asar nitong si Jeya ihahagis ko na siya sa labas ng school na ito.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Jaxx at inabutan ako ng tubig. I have no choice but to accept the water kung hindi baka ako ang sumunod sa mga deads kong kaklase.

Tsaka ano namang masama kung tanggapin ko yung tubig galing sa kaibigan ko, diba?

And to answer your question Jaxx, actually I'm not. Hindi talaga ako okay ngayon pero kailangan kong magpaka-okay sa harap niyo.

"Buti ka pa Paris may saviour ka." sabi ni Jeya. Tiningnan ko siya nang masama kaya naman nagpeace sign siya.

Kumain na kami. Pagkalipas nang ilang oras ay natapos at umabas na kami, pupunta sana kami sa lumang canteen pero sobrang lakas pa rin ng ulan.

"May bagyo ba ngayon?" tanong ni Jeya. Malapit kami sa labasan ng SHS building at pinapanood lang namin ang pagbagsak ng ulan sa lupa. Baha na sa labas kaya hindi talaga kami makakaalis dito.

"Siguro." maikling sagot ko.

Wala kaming info kung ano na nga ba ang nangyayari sa loob at labas ng Pilipinas. No signal. Low battery. No electricity. So, paano kami makakasagap ng balita?

Sa totoo lang 10% na ang phone ko, in-off ko lang para hindi na mabawasan ang battery.

"Gusto ko ng manood ng mga korean variety shows pero paano?" sabi ni Jeya at umaktong parang umiiyak. Inakbayan ko siya kaya medyo bumaba siya ng kaunti. "Okay lang 'yan bawi ka na lang next life." sabi ko. Umayos siya ng tayo at inalis ang kamay ko sa balikat niya.

"Thank you for your motivational advice." sabi niya sa akin at ngumiti pero alam kong sarcasm lang 'yon.

"Sinong may usb sa inyo?" tanong ni Maze. Tumaas naman si Jeya ng kamay at tinanong kung bakit.

"May tugtog ba ang usb mo?" tanong ni Maze at tumango lang si Jeya.

"Wait lang kukunin ko yung speaker ko na hindi ko pa nagagamit." sabi ni Maze at umalis na.

Naiwan kaming tatlo dito sa labas. Iniintay kong magsalita si Jeya dahil sobrang awkward namin ngayon.

"Bakit hindi kayo umiimik?" thankfully nagsalita ka rin Jeya kaso wrong question naman ang sinabi mo.

"Ang tahimik niyo naman." dagdag niya pa na nasa gitna namin ni Jaxx pero bigla siyang umalis.

"Punta lang akong cr." paalam niya at naglakad na palayo sa'min. Susundan ko sana siya pero biglang may humila sa pulsuhan ko.

It's Jaxx. Jaxx Gavien Delvan. Ang lalaking nagpapangiti sa'kin pero ang naging dahilan din ng pag-iyak ko. It sounds cliché, right? It's like we're in the story plot where the antagonist falls in love with the protagonist, but at the end of the story they will never be together because the antagonist will just be an intruder between the two protagonists, and becoming a way to make those two to be together.

"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya. Pinilit kong alisin ang pulsuhan ko sa pagkakahawak niya pero hindi niya ito binitawan.

"Hindi kita iniiwasan, okay?" mahinahong sabi ko. Well, hindi ako kagaya nung ibang fictional character na maiinis at tatalak nang tatalak tapos ano? Hahalikan siya nung lalaki para mapatahimik?

"But why do I feel like na iniiwasan mo ako?" tanong niya at hindi niya pa rin ako binitawan.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa kanya. "Hindi kita iniiwasan, mas pinili ko na lang na hindi muna kita kausapin kasi I'm moving on, Jaxx. I'm moving on from you kaya please don't make it hard for me to unlove you." mahabang paliwanag ko. Unti-unti niya na akong binitawan pero pagkabitaw niya ay bigla niya akong hinapit papunta sa kanya at gaya ng nangyari kagabi ay niyakap niya ulit ako.

"Paris? Jaxx?" bigla akong umalis sa pagkakayakap ni Jaxx nang dumating si Jeya.

I saw how smirk formed in Jeya's lip.
"Kayo na ba?" tanong niya. Bigla namang dumating si Maze dala ang isang maliit na speaker.

"Tara party tayo!" sabi ni Maze kaya hindi na namin nasagot ang tanong ni Jeya.

"Party?" tanong ko.

;

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
4.8M 255K 34
Those who were taken... They never came back, dragged beneath the waves never to return. Their haunting screams were a symbol of their horrific death...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
22.9K 3.3K 31
جۆنگ کوک:بە نەفرەت بیت وازم لێ بێنە چیت لە من دەوێت تایهیۆنگ:ششـ ئازیزم بۆچی هاوار دەکەی ئارام بە بۆ باروودۆخت خراپە ༄༄༄༄༄༄༄ جۆنگ کوک:تـ تۆ چیت کرد ت...