Trust No One

By skyluvwrights

210 2 0

Friendship. Unbreakable connection. Family ties. However, unbeknownst to them, a sinister plot lurks within t... More

TRUST NO ONE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Consequences
CHAPTER 2: Adviser
CHAPTER 3: Camping
CHAPTER 4: The Art Of Deception Continues
CHAPTER 5: Twice The Demise With Fatal Symmetry
CHAPTER 6: Lost Keys And Hidden Feelings
CHAPTER 7: Fibonacci Sequence
CHAPTER 9: Unmasking The Culprit
CHAPTER 10: The Truth Behind Accusations
CHAPTER 11: Mind Of The Game
CHAPTER 12: I Trust You
CHAPTER 13: Memories And Just Friends
CHAPTER 14: Rainy Reverly
CHAPTER 15: Different Point Of Views
CHAPTER 16: Breaking Ties
CHAPTER 17: Endless Regrets
CHAPTER 18: End Of Comradeship
CHAPTER 19: Ridiculous Present
CHAPTER 20: Deadly Scheme
CHAPTER 21: Bidding Adieu
Chapter 22: In Pursuit Of Justice
Chapter 23: Completely Depleted
CHAPTER 24: Connecting Dots
CHAPTER 25: Deciphering Trustworthy Souls
EPILOGUE

CHAPTER 8: Trust And Sequence Continuation

7 0 0
By skyluvwrights

Jaxx.

Day 3. Patatlong araw pa lang namin dito pero nakakapagod na. Iniisa-isa kami dito at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam kung sino ang killer. Hindi pa rin namin nahahanap ang mga susi and for sure nasa killer na 'yon. I think we should stop finding the things that we can never ever see.

I feel like I'm not living anymore, I'm just surviving.

Umaga na ngayon. Ang iba ay patuloy pa rin sa paghahanap ng susi kahit naikot na namin itong buong school. Nakaupo ako ngayon sa room kung saan ako natutulog. Wala akong ganang tumulong sa mga kaklase ko at wala naman na talaga akong planong maghanap ng susi.

"I love you all so much please live and get out here safely."

"I love you all so much please live and get out here safely."

"I love you all so much please live and get out here safely."

Aureah's last words or phrases keep on repeating in my head. Para akong nasisiraan ng ulo. Kung hindi lang sana siya diniin sa kasalanang hindi naman niya ginawa sana buhay pa siya. Wala akong proof para mapatunayan na hindi siya ang killer pero alam kong hindi niya 'yon magagawa.

Bumukas ang pinto ng room kaya napatingin ako dito. Iniluwa nito sina Paris, Jeya, at Maze.

"Jaxx, kumain ka na ba?" tanong ni Paris, umupo siya sa harapan ko at ang dalawa naman ay sa gilid.

Umiling lang ako kay Paris. Tumingin naman siya sa kanyang relo. "Tanga ka ba? Kumain ka na it's already 10:03 AM." sabi niya.

"Sa lunch time na ako kakain, wala akong gana." walang emosyon kong sabi. Tumayo silang tatlo at akala ko ay aalis na sila pero bigla nila akong hinila at pinilit na papuntahin sa teacher's office. Nasa harap na kami pero bigla akong napatigil.

Teacher's office. Sa harap nito nagpakamatay si Aureah. Galit ako sa mga kaklase ko pero mas galit ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang siya napigilan. I'm such a coward and weak person. Bakit ba ang hina ko?!

"Don't cry, Jaxx. Gusto mo bang dalhan ka na lang namin ng pagkain? Sorry for dragging you here. Hindi ko naisip na-" sabi ni Paris but I cut her off.

"No, it's not your fault. It's mine. Ang hina ko kasi tapos ngayon nagpapabigat pa ako." sabi ko at pinunasan ang mga luha na tuluyang umagos sa mukha ko. Mapait ko silang nginitian sabay pumasok na.

Isinarado namin ang pinto ng teacher's office at saka kumuha ng pagkain pagkatapos ay umupo. Sabi nila kakain daw ulit sila ng kaunti para may kasabay ako. Nasa harap ko sina Jeya at Paris samantalang si Maze naman ay nasa tabi ko.

"Jaxx, 'wag mong sisihin ang sarili mo." sabi ni Jeya bago siya sumubo ng pagkain.

"You can cry on our shoulders but you shouldn't lose hope or just surrender." sabi naman ni Maze at tumango lang ang dalawa.

"Wala kang kasalanan so please be strong." dagdag ni Paris.

Tama, kung patuloy akong magiging mahina hindi ako tatagal dito. Kailangan kong patunayan na malakas akong tao.

"Thank you sa inyo." sabi ko habang ngumunguya. Hindi ko na rin napigilang umiyak na naging dahilan nang pagtawa nila kaya napatawa na rin ako.

"It suits you well." sabi ni Paris habang nakatingin sa'kin. Bigla kaming natigilan sa kanyang sinabi maging siya ay hindi rin makapaniwala sa kanyang
inusal. Nakita ko naman ang pag-smirk ni Jeya.

"Anong sabi mo, Paris? Anong bagay kay Jaxx?" sabi ni Jeya at pilyang ngumiti.

Napainom naman si Paris ng tubig bago sinagot ang tanong ni Jeya. "Sabi ko bagay kay Jaxx yung pag-iyak niya" sabi niya.

"Nice joke." ani Maze

"True, baka naman ang sinasabi mo Paris ay bagay kay Jaxx yung tumatawa." sabi ni Jeya at kiniliti pa si Paris sa tagiliran.

"Dream on!" sabi ni Paris. Tumayo siya at pumunta sa may parang lababo sabay hinugasan ang plato niya.

Tapos na rin kaming kumain at gaya ni Paris ay kanya-kanya kaming hugas ng aming pinagkainan. Hindi muna sila umalis sa teacher's office at umupo ulit sa inupuan nila kanina kaya wala akong nagawa kung hindi umupo rin.

"Hindi ba kayo maghahanap ng susi?" tanong ko.

Nagtinginan silang tatlo kaya naman kumunot ang noo ko. "Actually, hindi na kami maghahanap." sabi ni Maze.

"Hindi naman sa sumusuko kami pero feel talaga namin nasa killer ang susi." paliwanag ni Jeya.

"Pero may hahanapin pa rin tayo?" sabi ni Paris sabay ngiti gaya nung dalawa. Tayo? Wait, kasama ako? Ano na naman bang kalokohan ang nasa isip nila.

"Ano?" tanong ko.

"Let's find out who's the killer. Ano g ka ba, Jaxx?" sabi ni Maze.

"Sa totoo lang wala na rin naman akong balak na maghanap nung walang kwentang susi na 'yon." sabi ko at inilagay ang dalawang braso sa mesa. Inilagay ko ang isang kamay ko malapit sa aking baba at umaktong parang nag-iisip.

"Sumama ka na sa'min, Jaxx. Siguro takot ka, ano?" pang-aasar ni Jeya sa akin kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Do I have a choice? Tsaka once na malaman ko kung sino man yung killer o mga killer na 'yan, papatayin ko siya o sila." sabi ko. Nakita ko namang napalunok ng laway yung tatlo at mukhang nagulat sa sinabi ko kaya napatawa ako.

"Syempre joke lang." sabi ko pero baka nga, baka nga makapatay ako nang wala sa oras.

"Paano ba tayo magsisimula?" tanong ni Jeya. Nagkatinginan kaming apat at naisip namin na mag-usap kami sa room namin nina Maze.

Pagkalabas namin sa teacher's office o ang pansamantalang kusina namin ay nakita namin ang grupo nina Athena. Naglakad na ako at hindi sila pinansin pero bigla siyang nagsalita kaya napalingon ako.

"Sorry, Jaxx." sabi ni Athena ganun din ang sinabi ng iba niyang kaibigan.

"Sorry din." walang ganang sabi ko. "Yan ba ang gusto niyong marinig sa'kin? Sa tingin niyo ba kapag pinatawad ko kayo maiibalik niyo siya?!" pagbawi ko sa una kong sinabi. Nakita ko namang umiyak si Athena pero wala na akong pake.

"I'm really sorry. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko." sabi ni Athena kaya naman sarkastiko akong napatawa.

Medyo malayo siya sa akin pero hindi na ako nag-abala pang lumapit sa kanya. "Nadala? Kung patayin ko kaya ang isa sa kaibigan mo tapos sabihin kong nadala rin ako ng emosyon ko. Mabilis niyo ba akong mapapatawad hindi ba't hindi?!" galit na sabi ko at tumalikod na sa kanila.

Lalakad na sana ako papunta sa room pero biglang nagsalita si Havien. "Kung magsalita ka parang ikaw lang ang nawalan ng kaibigan ah! Kapal ng peslak mo." sabi niya kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Nawalan kayo ng kaibigan dahil sa killer, at nawalan ako ng kaibigan dahil masyado niyo siyang diniin sa kasalanang hindi naman niya ginawa." sabi ko. Natahimik lang sila at hindi nakapagsalita. Looks who's guilty now.

"Tsaka hindi lang kaibigan ang nawala sa akin. Siya yung taong mahal ko. I love her more than on what you think of." wala sa wisyong sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mata. Umalis naman kaagad ako hindi dahil sa hiya kung hindi baka hindi lang killer ang mapatay ko kung hindi pati sila.

Pumasok na ako sa room kung saan kami mag-uusap at umupo sa banig na nakalatag. Ilang minuto ay dumating na rin sina Paris kasama sina Athena.

What the fuck?!

"Anong ginagawa nila dito?" tanong ko at sadyang hindi ko sila tiningnan

"They will join us. Mas marami mas masaya." sabi ni Jeya. Huminga ako nang malalim at hindi na nagsalita.

"Silence means you agree. Let's start." sabi ni Maze.

Pero kahit anong pigil ko sa sarili ko ay nagsalita pa rin ako. "Sigurado ba kayong wala sa kanila ang killer?" tanong ko sabay tingin sa grupo nina Athena na magkakatabi ngayon.

Biglang lumapit sa akin si Seb, hinawakan niya ang kuwelyo ng aking damit at akmang susuntukin ako pero pinigilan siya ni Luna.

"Gago ka pala, sa tingin mo ba papatay kami ng tao?" sabi niya at tumango naman ako.

"Pwedeng isa sa inyo ay maging killer. Yung inosente ngang tao napatay niyo gamit lang ang mga salita." sabi ko.

"Paano kung isa pala sa kaibigan mo ang killer? Paano kung nasa inyo ang nag-frame up kay Aureah?" tanong sa'kin ni Adriana at kita ko kung paano kumunot ang noo nung tatlo.

"Teka nga lang akala ko ba tutulong din kayo para mahanap natin ang killer? Bakit parang inaakusahan niyo kami?" tanong ni Jeya. Humingi naman agad ng tawad sina Adriana at umupo na nang ayos.

"If you want to survive here, we should trust each other." sabi ni Maze.

But it's hard to trust others. I should trust no one and give my trust to myself only.

"Alam kong mahirap ang sinasabi ni Maze pero 'yon ang kailangan." sabi ni Paris. Tumango naman kaming lahat.

"Simulan na -" magsasalita na sana si Jeya pero bigla itong naputol nang may pumasok sa room.

Iniluwa ng pinto sina Arthur, Jem, at Vyn.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Vyn.

"Sitting." maikling sagot ni Jane. Inirapan lang siya ni Jem dahil sa sagot nito.

"May pinag-uusapan ba kayo? Sali kami!" sabi ni Jem at pinaisod si Seb para dun umupo. Ganun din ang ginawa nina Vyn at Arthur kaya naman mas dumami kami.

Mas lumaki ang posibilidad na may kasama na kaming killer. I hate this feeling, the feeling of not trusting them even though they are my friends and second family.

"Let's talk about the sequence first." panimula ni Maze.

Tumaas ng kamay si Luna kaya tumingin kami sa kanya. "What sequence?" tanong niya sabay baba ng kanyang kamay.

"Right! Wala nga pala kayo nung nag usap kami." ani Jeya. Tinuro niya si Arthur at sinabing siya ang magpaliwanag. Tumango naman ito.

"Nag usap kami noon tungkol sa Fibonacci sequence. It's a sequence where you need two number to start with." sabi ni Arthur pero mukhang hindi pa rin gets nina Athena. Napakamot pa nga sa ulo si Havien.

So slow.

"So, nagstart nga ang pagpatay kay Celestia at Aza. They're G1 and G2, right? If you add the two number, the answer is?" sabi ni Jeya sabay nag sign of the cross para siguro bigyang respeto ang mga namatay naming kaklase.

"It's three, ano ka ba naman Jeya." sagot ni Jem.

"That's why Aiden died because he's B3. To continue the sequence you need to add the current two numbers which is 2 and 3." pagpapatuloy ni Jeya.

"Then the answer is 5." sabi ni Athena. "Pero ang sunod na namatay ay si Ayaka and she's G4, ibig sabihin walang sequence?" tanong pa niya.

"Yes."

"No."

Sabay na sagot ni Paris at Jeya.

"Anong 'no'?" tanong ni Paris sabay tingin kay Jeya.

"G5 si Ayaka." sagot ni Jeya kaya naman napakunot-noo kaming lahat.

"Anong sinasabi mo diyan gurl? May transferee ba sa atin?" ani Jem tapos nilagay pa ang dalawa niyang kamay sa kanyang bibig at umaktong parang nagulat.

"No. If you include Ms. Joy in the list, magiging G5 si Ayaka." sabi ni Jeya.

Shit. Hindi ko 'yon naisip.

"But I'm not sure if it's right pero kung susundin ulit natin ang sequence which is 3 and 5, the answer is 8." dagdag ni Jeya.

8? Right, Lanzeo is B8.

"That's why Lanzeo died." malungkot na sabi ni Athena.

"Since we know the sequence, alam na natin kung sino ang sunod na target and we all should protect that person." ma-awtoridad kong sabi. As the president of class, they need to follow me.

"If we sunod the sequence then kailangan us to protect B13 or G13?" sabi ni Jane. Tumango naman kaming lahat sa kanya.

"At ngayon pag usapan naman natin kung sino sa tingin niyo ang killer." sabi ni Jeya. Nagkatinginan kaming lahat at ni-isa man sa amin ay hindi nagsalita.

Kakayanin ba talaga naming pagkatiwalaan ang isa't isa? Maging ako man hindi ko rin alam ang gagawin.

;

Continue Reading

You'll Also Like

90.6M 2.9M 134
He was so close, his breath hit my lips. His eyes darted from my eyes to my lips. I stared intently, awaiting his next move. His lips fell near my ea...
180K 8.9K 42
After going through a number of disasters I realized that actually I am reborn as the villainess character, more of a brat, Chloe Bourgeois, in a chi...
116K 4K 41
Y/N was a teenage introvert who enjoyed having her own space and being alone. She loved listening to music in her room, which was a great escape for...
23M 804K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...