RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Take A Break (8)

7.2K 211 99
By pluviopilya

"Oh tubig." Inabutan niya ko ng tubig.

"Sorry ha. Ikaw lang naisip kong tawagan since magkasama tayo kanina." I said.

He smiled. "Okay lang. Nagcommute ako ng wala sa oras pero okay lang."

"Nabasa ko ata yung kotse mo. I'm so sorry. Basang basa kasi ako ng ulan e."

"Hindi maganda yung nangyare no?" Umupo siya sa couch.

Suminghot ako. Parang di ata maganda yung pakiramdam ko ah. Naiiyak nanaman ako.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"Hindi mo siya naabutan? Nakaalis na siya?"

Suminghot ulit ako tapos umiling. "Sa nangyare kanina, sana nga hindi ko nalang siya naabutan." Ayan. Naiiyak nanaman ako... "May boyfriend na siya. Siya naman yung may boyfriend. Dapat hindi mo nalang ako binreak kanina para parehas nalang kaming may boyfriend e." I joked.

"Hindi mo pa rin mababago yung totoo Rhian. Hindi mo pa rin mababago yung feelings mo for her. Kahit hindi kita binreak, pero mahal mo talaga siya, isisigaw at isisigaw pa rin yun ng puso mo. Na mahal mo siya." He said. "Umiiyak kana... Alam ko hindi ka okay ngayon. Alam kong nasasaktan ka ngayon. Well, parehas naman tayong nasasaktan. Ang pinagkaiba nga lang, ako nasasaktan dahil sayo. Tapos ikaw nasasaktan dahil sa kanya." Tapos tumawa siya.

Medyo natawa rin ako. "So gusto mong magsisi ako?"

Natawa siya. "Hindi. Joke lang. Oo nasaktan nga ako. Kasi babae yung pinalit mo sakin. Ganito pala yung feeling nung.... David ba? Yung fiancé mo sa The Rich Man's Daughter?"

I nodded.

"Medyo masakit nga. Pero.. Wala akong magagawa. Kailangan kong tanggapin. Kasi dun ka sasaya e. Mahal kita, at dahil mahal kita, of course dapat maging masaya nalang ako sa mga decisions mo na alam mo sa sarili mo na makakapagpasaya sayo."

"Pero basted nanaman nga ako." Napayuko nanaman ako. Sumasakit ata yung ulo ko.. Pero mas ramdam ko yung pagsakit ng puso ko..

He sighed. "Pinag-explain mo ba siya?"

Napatingin naman ako sa kanya nung tinanong niya yun. "Hindi. Pag pinag-explain ko pa siya masasaktan lang lalo ako so I decided na wag na siyang pag-explainin since ang obvious naman na na may boyfriend siya dahil nakita kong lumabas yung guy from her condo." I sighed. "Feeling ko nga kanina maglulupagi na ko sa ulanan sa sakit na naramdaman ko eh. Kung pinag-explain ko pa siya at pinamukha lang niya lalo sakin na hindi kami pwede, baka matunaw nalang ako sa sakit.. Anudin gaya ng tubig ulan.." Naiiyak nanaman ako. "Pero sobrang sakit talaga. Mahal ko siya J. Bakit ko ba siya minahal?! Babae naman siya. Babae rin ako. Bakit siya pa?! Alam ko naman nung una palang hindi na kami pwede. Pero bakit nadevelop pa rin ako? Bakit siya pa rin yung nagustuhan ko? Ang sakit sakit J.... Ngayon ko lang naramdaman tong ganito. Feeling ko sobra talaga akong nabasted...." Niyakap ko yung tuhod ko. Umiiyak nanaman ako. "Bakit si Glaiza pa... Pwede namang iba? Pwede naman yung lalaki? Bakit si Glaiza? Bakit ginulo niya yung pagkatao ko tapos hindi niya paninindigan? Bakit ganito...."

Nilapitan ako ni J tapos niyakap niya ko. Pero nagulat ako kasi bigla din siyang bumitaw dahil parang may naramdaman siya.

"Rhian... Ang init mo." Hinawakan niya yung neck ko tapos yung noo ko. "Nilalagnat ka... Sobrang init mo." Hinawakan naman niya yung braso ko at pinatayo ako. "Sa tingin ko, magpalit ka muna ng damit tapos magpahinga kana sa kwarto mo. Sobrang init mo talaga eh." Inalalayan na niya kong tumayo kasi feeling ko nahihilo na ko...

Ang sakit na rin bigla ng katawan ko... Feeling ko hindi ko na kayang bihisan yung sarili ko.. Masyado na kong nanghihina...

//


Nagising ako na sobrang sakit pa din ng ulo ko. Nagdadalwang isip pa nga ako kung imumulat ko na ba yung mata ko o hindi pa dahil ang sakit talaga at ang bigat ng katawan ko..

Napansin kong nasa kwarto ko na pala ako.

Teka...

Chineck ko yung clock sa bedside table.

Alas-7 palang pala ng umaga. Si J kaya? Umuwi na kaya siya?

Haaaaaay. Napapikit nanaman ako.

Bigla kong naalala yung nangyari kagabi. Parang gusto ko nanamang maiyak dahil nabasted nga ako. Umiling ako. Minasahe ko yung ulo ko...

·

·

·

·

·

"Gising kana pala."

Napadilat ako nang marinig ko yun.

·

·

·

·

·

At muntik na ata akong malaglag sa kama nang makita ang taong nasa harap ko ngayon.

"Kamusta na pakiramdam mo?"

Nilapitan niya ko. Umupo siya sa kama at hinipo yung noo ko.

"Nilalagnat ka pa din. Gusto mo bang ipagluto kita ng soup?" She smiled at me.

Pero parang nag-stop ata sa pagtibok yung puso ko...

"W-Why... Why are you here?" I finally asked her.

She sighed. "Ayaw mo bang nandito ako?"

"Uhm, tinatanong ko lang kung bakit ka nandito."

"Well, tinawagan mo kaya ako kagabi." tumawa naman siya ng konti.

Napakunot naman ang noo ko so binawe niya yung sinabi niya.

"Joke lang. Tinawagan ako ng ex boyfriend mo kagabi gamit yung phone mo... Well, humingi siya ng tulong kasi... Hindi ka niya mabihisan."

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa sinabi niya and napa-slow motion ata yung pagtingin ko sa suot kong damit ngayon. Nakapagpalit na nga ako. But wait...

I looked at her. It means... Siya yung...

"Yes. Ako yung nagpalit ng damit mo." She smiled.

Nang-aasar ba siya?!

"Wala namang malisya diba? Tsaka... Grabe... Sobrang INIT mo kagabi.." Ngumiti pa siya ng nakakaloko.

Bumilis lalo yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ugh.. Wag mong bigyan ng ibang meaning yung "Init" thingy Rhian.

Nabigla ako nung tumayo siya saglit para kuhain yung milk na nandun na pala sa may table ng kwarto.

Umupo ulit siya tapos inabot sakin yung milk.

Tinitingnan ko lang siya.

Ayan ka nanaman Rhian. Naaamazed ka nanaman kay Glaiza...

Binasted ka niya kagabi diba? Sinaktan ka niya... Ay teka.. Bakit nga pala siya nandito?

"Wait, You have a flight papuntang Dubai kagabi diba?"

Tiningnan niya ko. "Malakas yung ulan kagabi so sabi ko i-move nalang."

I exhaled. "Bakit ka nga pala nandito? I mean... diba..."

"Sabi kasi ng ex boyfriend mo, magexplain daw ako sayo." Tiningnan niya ko ng seryoso. "Tama nga naman siya.. Hindi mo muna kasi ako pinakinggan kagabi."

Napalunok ako. "Ano pa bang explanation? Ang obvious naman na Glaiza. Lumabas si Benjamin from your condo. So obviously kayo na. And... I saw Chynna's IG post na binisita kayo ni Benjamin sa set." I sighed. "Tsaka ano pang sasabihin mo sakin? Ano pang ieexplain mo sakin? Na hindi mo talaga ako gusto kasi hindi tayo pwede? Na this time ikaw naman yung may boyfriend kaya bawal tayo? Hindi na kita pinagexplain kasi masyado na kong nasasaktan Glaiza.. Hindi na kita pinagexplain dahil baka lalo lang magpira-piraso yung puso ko dahil alam kong ipapamukha mo lang sakin na di naman tayo pwede." Sumisikip yung dibdib ko. Naiiyak nanaman ata ako.

Nakatingin pa rin siya sakin ng seryoso. Hindi ko alam kung anong iniisip niya..

"Ang sakit na Glaiza... At ayoko ng makarinig pa ng salita galing sayo na alam kong masasaktan lang ako kasi feeling ko di ko na kaya... Nabasted na ko sayo nung una. Tapos binasted mo na rin ako kagabi. Ayoko ng bastedin mo pa ko ulit." Naiiyak na talaga ako..

·

·

·

Nabigla ako nang hawakan niya yung kamay ko.

·

·

·

·

"Listen, sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kasi sobra na pala yung ginawa ko sayo. Sorry kasi napaiyak kita. I'm so sorry." Seryoso siyang nakatingin sakin. "Narinig ni Benj yung mga sinabi mo kagabi. Well, nagulat siya. Akala niya nga daw nasa scene tayo ng TRMD dahil narinig niya talaga yung sinabi mo. Nag-explain ako sa kanya. Tapos sinabi ko na rin yung totoo.."

Nagulat ako sa sinabi niyang yun.. Suminghot ako kasi sinisipon nga ako.. "Anong.. Anong totoo?"

·

·

·

·

·

·

"Na I love you too."

·

·

·

Nagulat ako.

·

·

·

·

·

Nabingi ba ko? Tama ba yung narinig ko?

"Sorry Rhian kung nasaktan kita dun sa restaurant. Aaminin ko nagulat ako nung sinabi mong mahal mo din ako kasi hindi ko inaasahan na may feelings ka rin pala for me. At the same time natakot din ako kasi nga may boyfriend ka nun. Natakot ako na baka niloloko mo lang ako. Or pinapakiramdaman kung sasakay ako kung joke yun. Alam mo yun, masyado akong nabigla. So I'm sorry." Hinalikan niya yung kamay ko gaya ng ginagawang pagkiss ni Althea sa kamay ni Jade. Tapos tiningnan niya ko. "Kaya pala ang obvious mo magselos nung nalaman mong umamin si Benj sakin, totoo na pala yung nararamdaman mo.." She sighed. "Sobrang nagulat ako sa mga sinabi mo kagabi. Feeling ko nga nananaginip lang ako. Sa sobrang gulat ko hindi ako nakapagsalita. Nablangko na rin ako e. Tapos hindi mo pa ko hinayaang mag-explain kaya nagkagulo gulo na... It turned out, nasaktan pa kita.. Sobrang iyak ka kagabi. Gusto ko na nga ring maiyak e. Gusto kitang yakapin pero feel ko yung galit at sakit na nararamdaman mo so baka itaboy mo lang ako.."

I can feel her sincerity while saying those.... Ako naman yung speechless ngayon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..

Suminghot nanaman ako. Pinipigilan ko ng lumabas yung luha ko.

Nagtaka ako nung ngumiti siya bigla. "Bakit mo nga pala binreak yung boyfriend mo? You need to thank him kasi sinuportahan ka pa rin niya."

Nagbuntong hininga ako. "Naintindihan naman niya na ikaw yung gusto ko... Pero teka, totoo ba to? M-Mahal mo din ako? O naaawa ka lang kasi may sakit ak--"

Nagulat ako nang maramdaman ko yung labi niya sa labi ko.

·

·

·

She kissed me. It lasts for a second lang. Tapos nagsmile siya sakin.

Naka-poker face pa rin ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko Glaiza.. Ano ba yung ginawa mo..

"W-Why did you do that? May sakit ako... Baka mamaya mahawa kapa sakin."

"Ikaw talaga. May sakit ka na't lahat, ako pa rin yung inisip mo." Medyo natawa siya.

"Nag-aalala lang ako coz you kissed me and..."

"Oo na. Pag nahawa ako sayo. Edi sabay tayong magpapagaling. Tapos pag magaling na tayong dalawa, maghahasik tayo ng lagim sa Dubai together."

Nabigla ako.

·

·

"What do you mean?! Isasama mo ko?"

Nilapit niya yung mukha niya sakin. Akala ko kikissan niya ulit ako sa lips pero sa nose niya ko kinissan. "Magpagaling ka muna." She smiled at me habang nakatingin sa mga mata ko...

·

·

Nakatingin lang din ako sa kanya....

·

·

Nasabi ko na ba na napakaganda niya?

How can Glaiza manage to look gorgeous and attractive at the same time?

"Nakatingin ka nanaman sakin." She said so nagulat ako. Tiningnan niya rin ako tapos nilapit nanaman niya yung mukha niya sakin. "Alam mo misan naco-conscious na ko pag tinitingnan moko." Sinabi niya yun ng medyo pabulong.

Kinabahan nanaman ako. Napakalapit niya sakin.

"I love you."

Nagulat ako nang bigla niyang sinabi yun.

Napakunot ang noo ko. "Joke ba to?"

Lumayo na siya sakin tapos nabigla ako kasi tumawa siya bigla. Parang tinatawanan niya ko.

"Pinagttripan mo ba ko?" I asked her. Ano ba to.. Nanjojoke lang ba to?

"Hindi. Hindi kita trip. Seryoso ako sayo. Natatawa lang ako... Naalala ko kasi yung kagabi. Sobrang INIT mo talaga..."

Tiningnan ko siya. "What do you mean ba sa 'INIT' na yan?!"

Nabigla ako nang biglang lapit ulit ng mukha niya sakin tapos ninakawan nanaman niya ko ng kiss sa lips na sobrang bilis lang. "Hulaan mo." Tapos tumayo na siya at natawa nanaman.

Napalunok ako.. Unbelievable. She's such a tease.

Napangiti nalang din ako tapos binato ko siya ng unan. Nagulat naman siya.

"Hoy bakit ka nambato? Kinikilig ka no?" Natatawa tawa pa siya.

Tiningnan ko nalang siya at nagbigay nalang ako ng kilig smile.

Nabasted ka nga Rhian. Pero bandang huli, magpasalamat ka nalang kasi nabasted ka niya. Dahil kung hindi, wala sigurong pangyayaring ganito ngayon =)

//

.

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: THE END ❤


WAAAAAH. NEBULIZERRRRRRRR!!!!!!! ❤❤❤

-Thank you guys sa walang sawang pagbabasa kahit napaka-korni. Seriously, thank you talaga. Nakakatouch yung mga comments niyo and feedbacks. Kausapin niyo lang ako anytime. Masaya akong makipagkwentuhan sa inyo. :) Lovelove sa ating lahat! ❤

- Btw, pakihintay ulit ng next story. Hartchu mga lablabs! ✌

Continue Reading

You'll Also Like

98.5K 1.5K 63
Friends Lovers Complications Determinations SUCCESS
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
322K 5.7K 105
Where memories lingers on. Where time remains still. Where things can't be changed. Where moments remains forever. Where everything can't be undone. ...