[Messenger]
Harleeey
7:03 p.m.
Marty
Harleeey
Nakauwi ka na?
7:20 p.m.
Harley
Kakauwi lang
Bakit?
Marty
Wala
Chinicheck ko lang hehe
Sige, pahinga ka na
Ty pala kanina 😀
Harley
Welcome! Thank you rin
8:03 p.m.
Harley
Tingnan mo
Nilagay ko sa kama ko hahahaha
Marty
Ang cute 🥺
Harley
Nakita yan ng pinsan ko kanina tapos sabi niya kanya na lang daw
Marty
Ano sabi mo?
Harley
Sabi ko hindi pwede
Kasi regalo mo yan sakin
Marty
Ahhhhh haha okay
May name na siya?
Harley
Wala?
Papangalanan ko ba?
Marty
PANGALANAN MO 😡
Harley
Hala hahahaha
Oo na teka
Wag ka magalit
Ano ba magandang pangalan?
Marty
Bat ako tinatanong mo? 🤨
Sayo yan eh
Ikaw magpangalan
Harley
Sige ka pag ito pinangalanan kong bogart
Marty
😒🤨
Harley
Joke lang
Teka mag-iisip ako
8:07 p.m.
Harley
May pangalan ba yung bubuyog mo?
Na keychain? Yung nasa bag
Marty
Oo!!!
Si bree the bee 🐝
Harley
Hala ang cute
Marty
Alam ko
Ako nag isip eh 😌
Harley
Ikaw na lang din mag isip dito
Marty
Ayoko nga 🤨
May utak ka naman
Gamitin mo
Harley
😔
Marty
Balakajan
8:11 p.m.
Harley
Melisa?
Marty
Ayoko niyan
Harley
Okay okay
Marty
Bakit melisa?
Harley
Ewan ko hahahaha
Nakatingin lang ako sa listahan ng pangalan dito eh
Marty
K
Harley
Barry?
Marty
❌
Harley
Honey?
Marty
🙅🏻♀️
Masyadong common para sa bubuyog
Harley
Beenie?
Marty
📌
Harley
Ano yan?
Marty
Pwedeng option
Next
Harley
Apis?
Marty
Anong apis?
Tunog ipis
Yoko niyan
Harley
Grabe 🤣😭
Marty
Mag isip ka pa
Harley
Buzz?
Marty
❌
Harley
Queenie?
Queenie the queen bee
Tapos ikaw si passenger princess
Marty
A Y A W
Harley
Amber?
Marty
😮
Okay
AYAN NA
Harley
Talaga?
Pano yung beenie?
Marty
HINDI!
Yan na!
Medyo katunong ng name ni bree
Ambrosia kasi talaga yun
Tapos bree for short
Harley
Ahhh
Kaya pala bree the bee
Marty
Oo 🤨
Harley
Ano nickname ni amber?
Marty
Ikaw ulit mag isip
Harley
Bee lang nasa isip ko eh 🥲
Marty
Ambee 🤩
Harley
Ambee?
Marty
Oo
Ambee!!!
Harley
Pahihirapan mo pa ako mag isip ng nickname
Papalitan mo lang pala isang letra dun sa amber 😭
Marty
And?
So? 🤨
Harley
Sabi ko nga