Trust No One

By skyluvwrights

218 2 0

Friendship. Unbreakable connection. Family ties. However, unbeknownst to them, a sinister plot lurks within t... More

TRUST NO ONE
PROLOGUE
CHAPTER 1: Consequences
CHAPTER 3: Camping
CHAPTER 4: The Art Of Deception Continues
CHAPTER 5: Twice The Demise With Fatal Symmetry
CHAPTER 6: Lost Keys And Hidden Feelings
CHAPTER 7: Fibonacci Sequence
CHAPTER 8: Trust And Sequence Continuation
CHAPTER 9: Unmasking The Culprit
CHAPTER 10: The Truth Behind Accusations
CHAPTER 11: Mind Of The Game
CHAPTER 12: I Trust You
CHAPTER 13: Memories And Just Friends
CHAPTER 14: Rainy Reverly
CHAPTER 15: Different Point Of Views
CHAPTER 16: Breaking Ties
CHAPTER 17: Endless Regrets
CHAPTER 18: End Of Comradeship
CHAPTER 19: Ridiculous Present
CHAPTER 20: Deadly Scheme
CHAPTER 21: Bidding Adieu
Chapter 22: In Pursuit Of Justice
Chapter 23: Completely Depleted
CHAPTER 24: Connecting Dots
CHAPTER 25: Deciphering Trustworthy Souls
EPILOGUE

CHAPTER 2: Adviser

11 0 0
By skyluvwrights

Paris.

Parusa ba talaga ito? Feel ko pare-parehas lang kami ng reaksyon ngayon.

"Kailangan niyong papirmahan 'yan sa inyong magulang para malaman namin kung sang-ayon sila. Kung hindi kayo payagan ay isu-suspend na lang namin kayo. Kaya lang namin ginawang 10-days camp ang sanang pagsuspend namin sa inyo ay para may matutunan kayo at hindi ma-bored kung mananatili lang kayo sa inyong bahay" sabi ni Ms.Joy, and I strongly agree to that. Kasi kung isu-suspend lang nila ang mga estudyante baka tamarin na sila sa pagpasok after the suspension.

"Old Ethereal Highschool University is located in Quezon Province. Matagal na iyong hindi ginagamit pero 'wag kayong mag-alala kasi na-check na namin 'yon last week." dagdag ni Ms.Joy.

Tumaas ng kamay si Celestia kaya tinawag ito ni Ms.Joy. "Ms. Joy, allowed po bang magdala ng phone or gadgets?" tanong nito. Nakita naming tumango si Ms. Joy kaya naman nagsigawan at nagpalakpakan kami.

"Mas better talaga 'to kaysa sa suspension!" rinig kong sabi ni Jem, magaling din siya sa pagpapatawa. He's gay and friendly. He is good at explaining and in debating. Kumbaga matalak siyang tao.

Pinatigil naman kami sa ingay ni Ms. Joy dahil alam kong parinig na parinig ang aming sigaw sa kabilang room. Bago umalis si Ms.Joy ay nabanggit niya rin sa amin na seksyon Serenity lang ang kasama sa 10-days camp kasi kami raw ang 'worst section' sa school ayon sa mga teacher dahil sa sobrang dami na naming na-violate na school rules.

"Thank you sa mga teacher na nagsabing worst section tayo kasi magka-camping tayo for 10 days. Ligtas sa mga lessons at recitation!" sarkastikong sabi ni Vyn, ang kaibigan ni Jem.

"Paano kung may recitation din sa camping natin?" pabirong tanong naman ni Izhan, siya ang assistant secretary. Humorous person and smart. He likes Paige according to chikas.

"Bahala sila, basta ako i-enjoy ko ang camping. Okay lang na walang points pagbalik basta nakapagrelax!" ani Vyn at sumang-ayon naman ang iba dito.

Oo nga, ano? Dapat i-enjoy na lang namin yung camp. Well, wala namang kompetisyon sa seksyon namin. Ewan ko ba pero halos lahat sa amin walang pakialam sa nakukuhang grado, pero matataas pa rin naman ito.

"Cleaners, ituloy niyo na ang paglilinis!" sigaw ni Jaxx. Pinalabas muna kami ng mga cleaners para daw madali sila sa paglilinis.

Ting! Ting! Ting!

Bumatingting na ang bell ng school dahil labasan na. Pumasok na kami sa aming room at kinuha ang mga bag namin.

"Uuwi na agad kayo?" tanong ni Maze. Tumango lang ako pero bigla akong inakbayan ni Jeya. "Tara muna sa park. Maaga pa naman mamaya ka na umuwi." sabi niya. Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama, at kaming lima ulit ang magkakasama.

Bumili kami ng street foods at kinain ito dun sa palagi naming tinatambayan sa park. Tawanan. Chikahan. Asaran. 'Yan lang ang ginawa namin pagkatapos ay umuwi na rin.

Pagkadating ko sa bahay ay nagpalit na ako ng damit. Umupo muna ako sa sala namin at nagbukas ng cellphone. Pagkabukas ko ng data ay puro tadtad ng chats ang aking messenger kaya nung una ay naghang pa ito. Binasa ko naman lahat ang chat at ang pinakahuli ay ang messages sa groupchat ng Serenity.

Serenity 2022-2023

January 4 at 4:15 PM
Ms. Joy:
Remember the paper that I gave you earlier. Ipabasa niyo 'yan sa inyong mga magulang. Then paki-collect na lang Jaxx bukas ng umaga tapos dalhin mo sa faculty. Thank you!

January 4 at 5:00 PM
Mr. President:
Noted po!

Ms. Joy:
Okay, anyways if you're wondering why it's 10 days. It is because 10 rules ang na-violate niyo as a section.

Jem:
Wow, the best talaga ang serenity 2022- 2023! So proud of you guys!

Ms. Joy:
Kaya sana magtino na kayo kapag natapos ang camping. May mga activities din kayo doon at sana maki-cooperate kayo. Don't worry kasama niyo naman ako.

Ms. Joy
Nga pala, tuloy pa rin bukas ang klase niyo kaya papasok pa rin kayo ha! Next week pa ang camping baka makalimot kayo.

Mr. President:
Noted po ulit ;)

Ms. V-pres:
Okay po Ms. Joy!

Oo nga pala may ipapabasa pa ako kay mama. Kinuha ko na 'yon sa aking bag at ibinigay kay mama kasama ang isang black ballpen.

The next day. Maaga akong gumising para maghanda. Mabagal kasi akong kumilos kaya maaga akong gumigising. After kong maligo at kumain ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako sa amin at nagpahatid sa aking service.

Medyo malayo sa amin ang university kaya kapag may exam ay pwede pa akong mag review. Inabot kami ng 20 minutes bago nakadating sa school. Nagbayad na ako at pumasok na sa school.

Paakyat pa lang ako sa third floor ay rinig ko na ang tawanan sa room namin. Pagpasok ko sa room ay tumambad sa akin ang mga boys na nasa unahan kasama sina Galle.

"Good morning, Paris!" bati sa akin ni Galle. Nginitian ko siya at binati rin pagkatapos ay pumunta na ako sa aking upuan. Nakita ko naman si Jeya na nakikipagtawanan kasama sina Maeve at Gianna.

"Paris, pinayagan ka ng mama mo?" tanong niya at tumango naman ako. Bigla namang nalungkot ang kanyang mukha. "Buti ka pa, ako kasi hindi." sabi niya kaya pumunta ako malapit sa kanya matapos kong ibaba ang bag ko para tingnan yung papel na binigay sa amin.

Pagkatingin ko ay may pirma ng magulang ang kanya kaya inirapan ko siya. "Joke lang, pero alam mo ba pinilit ko pa si mama para payagan ako. Baka raw kasi hindi ko kayang tumagal dun ng sampung araw." sabi niya sa akin habang tumatawa. Humila ako ng isang upuan para umupo sa harap nila.

"Kayo? Maeve at Gianna? Pinayagan ba kayo?" tumango silang parehas kaya naman napangiti ako. Sana lahat kami payagan para masaya. "Gaya ni Jeya pinilit ko lang din sina mama at papa. Alam niyo na overprotective ang parents ko." sabi ni Maeve kaya naman nagtawanan kami. "Anong sinabi mo?" tanong ni Gianna.

"Sabi ko lahat ng kaklase natin kasama at ako na lang ang hindi kahit hindi ko pa sure kung kasama nga lahat." sabi ni Maeve at parang mauubusan pa ng hininga kakatawa sa kanyang sinabing kasinungalingan.

Bigla akong napalingon ng may nagsalita sa likod ko. "Paris, pwedeng pahiram ng upuan." Nakita ko si Johanna kaya dali-dali akong tumayo at hinila ulit sa dating pwesto ang upuan niya. "Tumayo ka na lang kasi Paris para naman tumangkad ka." biro ni Jeya. Sarkastikong ngiti lang ang sinagot ko sa kanya pagkatapos ay umupo na rin ako sa aking upuan dahil gagawa pa ako ng attendance.

"Everyone, makikipasa po nung papel na pinamigay kahapon." sabi ni Jaxx na kadadating lang. Itinuloy ko muna ang paggagawa ko ng attendance. Pagkatapos ay kinuha ko na yung papel sa bag ko.

Tatayo na sana ako nang saktong dumaan si Jeya sa akin at hawak- hawak din ang papel na pinapirmahan niya. "Jeya, papasa rin nito." sabi ko. Lumapit siya sa akin at kinuha yung papel, nagpasalamat naman ako. Nakita kong lumapit siya kay Jaxx at inabot yung papel namin.

Wala pa ang iba kaya hindi ko pa alam kung sino ang isusulat na absent.

Paglipas ng ilang oras ay dumating na ang lahat. Walang absent sa amin. Gaya kahapon ay puro talakay lang ng mga lessons, then recitation, at seat works.

-

Hindi ko na namalayan ang oras at biyernes na ngayon. Lunch na namin kaya sobrang ingay na naman. Actually kakaunti lang sa amin ang tahimik pero yung mga tahimik na 'yon siguro may tinatago ring kalokohan.

"Pahinging ulam!"

"Tara bili muna tayo sa canteen."

"Anong baon mong ulam?"

Hindi talaga mawawala ang mga patay-gutom-este mga usapang pagkain sa amin.

"Tara tingnan natin yung senior high dun!"

"Tanga crush mo 'yon? Diba nagcheck tayo ng exam nila, beh bagsak ang score niya!"

"Admiring from a far pero may part sa akin na sana ako na lang."

"Playboy naman yung crush mo e!"

Hindi rin mawawala ang mga kaklase kong kaya masipag pumasok ay dahil sa kanilang mga crush. Jusko, kabata-bata pa ay kalalandi!

"Anong kakantahin niyo?"

"Alam mo ba chords ng 12:51?"

"Tara kantahin natin 'yon."

Hindi naman mawawala ang singerist sa amin. Merong nagdadala ng gitara at may kumakanta.

"Ilan nga naging ex mo pare?"

"Gago, ang hina mo naman pre!"

"Atleast hindi ako naghahabol sa hindi ako gusto."

Present din sa amin ang mga mayayabang na boys.

"May chika ba kayo?"

"Alam niyo ba si J, nakipagbreak sa boyfriend niya"

"Sinong J?"

At syempre hindi kami mawawala. Kami lang naman ang mga marites sa room at mai-issue. Nahawahan kasi ako ni Jeya.

"Paris, pinapatawag ka ni Ms. Joy." sabi ni Lanzeo sa akin. Tapos na kaming kumain kaya naman pumunta na ako sa faculty.

Pagdating ko ay inabot sa akin ang isang listahan kung saan nandun ang pangalan namin na naka-alphabetical. Sinabi sa akin ni Ms. Joy na i-check ko yung mga papel na pinapirmahan tapos lagyan ko raw ng ekis ang pangalan ng mga hindi pinayagan at tsek dun sa mga pinayagan. Then, mamaya kukunin niya sa last period.

Bumalik na ako sa aming room dala-dala yung binigay sa akin ni Ms. Joy. Umupo ako sa aking upuan at nagsimula ng i-check yung mga papel. Hindi pa ako natatapos ay biglang tumunog ang bell, and thankfully our first period in the afternoon is vacant kaya naman nagpatuloy ako.

After 10 years of checking, I mean 30 minutes of checking natapos na rin ako.

9- Serenity (2022-2023)
(S) - Scholar
Boys
1. Joshua Devion Alva (S) ✓
2. Chase Elezear Bernardo ✓
3. Aiden Chavez ✓
4. Aeron Vince Cueto ✓
5. Jaycee Ezekiel Del Rio ✓
6. Jaxx Gavien Delvan ✓
7. Jazvien Yukio Enriquez ✓
8. Lanzeo Mikhael Gonzales ✓
9. Sebastian Guerrero ✓
10. Izhan Jayy Hernandez ✓
11. Johann James Macaraig ✓
12. Mazekeiah Akhiro Merillo ✓
13. Jem Pyveri Reyes (S) ✓
14. Jyzhian Rivera ✓
15. Vyn Archer Selvestre (S) ✓
16. Arthur Joven Vasquez ✓
17. Euan Matteo Veloso (S)✓
18. Havien Walter ✓

Girls
1. Celestia Andrata ✓
2. Azalea Leigh Atienza ✓
3. Gianna Baljon (S)✓
4. Ayaka Bellaire Dimagiba ✓
5. Aureah Leicy Bonifacio ✓
6. Cassie Keizhan Claveria ✓
7. Galleraine Dela Cruz ✓
8. Lianne Margarette Dela Cruz ✓
9. Paris Jaizen Del Rosario (S) ✓
10. Aizykiel Dyanne Devera ✓
11. Zcylla Diaz ✓
12. Gwyrene Kristia Fernandez ✓
13. Jane Giorgia Fuentes ✓
14. Micaella Coleen Gutierrez (S) ✓
15. Claire Mackenzie Laurente ✓
16. Paige Raylee Madrigal ✓
17. Johanna Morales ✓
18. Maeve Azriel Natividad ✓
19. Akiesha Rivera ✓
20. Red Aeris Rosales ✓
21. Precious Seun Sanchez ✓
22. Jhaira Madison Santiago ✓
23. Emerald Thalia Seriano (S) ✓
24. Jeya Madeleine Silvan (S) ✓
25. Luna Asteria Suarez ✓
26. Adriana Mikyla Torres ✓
27. Athena Ellise Vergara ✓
28. Jayzelle Wyatt ✓
29. Jeanne Ygoña (S) ✓

Sobrang saya ko dahil lahat kami pinayagan. Pero ang iba for sure pinilit lang ang kanilang magulang gaya ni Jeya at Maeve. Ikaw ba namang mag-stay sa old school ng 10 days tapos malayo pa dito sa Batangas.

Natapos na ang vacant namin at biglang pumasok si Ms. Solene. Dali-dali kaming nagbalikan sa aming upuan. She is good at teaching. She's beautiful and definitely smart. Magaling siyang magsalita ng english kaya nga sobrang intimidating niya tuwing papasok sa room namin.

"Good Afternoon!" sabi niya pagkatapos ibaba ang kanyang mga gamit. Tumayo kaming lahat at masigla siyang binati.

"Yesterday, we tackled about friendship. The literature talks about betraying a friend because of jealousy. But at the end of the story, she realizes how important to have a friend. A true friend. And she learned that she can't bring the time back and the trust she broke that her friend gave to her." sabi ni Ms. Solene bilang pagsisimula. "Before we tackle our next topic, what lesson did you get from the literature we had discussed yesterday?" tanong niya. Ang iba ay biglang umaktong parang naghahanap ng sagot sa libro. Ang iba ay uminom ng tubig, at iilan lang ang mga nagtaas ng kamay. Tanging sina Jaxx, Emerald, Celestia, Galle, at Jem lamang.

"Yes, Mr. Delvan." turo ni Ms. Solene kay Jaxx. Tumayo siya at saka nagsalita. "I learned that we should treasure our friends no matter what. We shouldn't feel insecure just because they have the things that we don't have. You need to be contended and accept everything, especially the friendship you have now. Change your thoughts and make it positive, don't wait for the time that the trust that your friend gave to you broke into pieces because as Ms. Solene said, you can't bring the time back even if you'd like to." mahabang sagot niya. Pinalakpakan namin siya at nagsigawan pa ang ibang lalaki.

Few hours passed at last period na namin ngayon which is vacant! Quotang-quota talaga kami tuwing friday sa vacant.

As always, maingay na ulit ang section Serenity. At mas lalo pang maingay ngayon dahil ang iba ay pinapag-usapan na ang mga dadalhin nila sa camping. Merong kumakanta sa gilid. Merong nagsusulat sa board. Meron namang pumunta sa canteen.

"Guys! Si Ms. Joy!" sigaw ni Joshua na ngayon ay hingal na hingal pa. Napukaw niya ang atensyon naming lahat na nasa room at iniintay ang sunod niyang sasabihin.

Joshua is a humorous person too. Medyo bad sa acads but he's good at recitation kapag tinatawag. Hindi siya yung taong tumataas ng kamay para sabihin ang inner thoughts about sa lesson kaya saka lang siya nakakasagot kapag tinatawag.

"Anong meron?!" tanong ni Chase.

"Si Ms. Joy nakitang patay sa gym!" sabi niya. Nang marinig ko 'yon ay biglang tumaas ang balahibo ko at nakisabay sa paglabas ng iba sa room.

Our adviser is dead?! No way! Makakasama pa namin siya sa camping.


;

Continue Reading

You'll Also Like

55.3M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
25.8K 3.5K 36
ဘာသာပြန်သူ - စွဲညို့အသင်း
16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...
31.6K 4.4K 64
🐾️ Caractors වෙන වෙනම introduce කරන්නෙ නම් නෑ.. 🔞 කොටස් සහිත නිසා කැමති අය විතරක් කියවන්න හොඳේ. Daily Updates නම් දෙන්න බැරි වේවි.. පුළුවන් ඉක්මනට...