RASTRO FEELS

By pluviopilya

764K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (2)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Loving you (3)

8.4K 234 68
By pluviopilya

Tiningnan ni Glaiza si Rhian sa kama. Nakatagilid ito at mukhang tulog na.

Pumunta siya sa kama. Inayos niya yung kumot at humiga na siya.

·

·

·

"Sorry kanina."

Nagulat si Glaiza nang marinig na sinabi yun ni Rhian. Bigla itong umayos ng higa at tumingin sa kanya saglit tapos tumingin na sa kisame. Tiningnan naman niya ito.

"Sorry dun sa kiss Glaiza... Hindi talaga sinasadya.."

Hindi alam ni Glaiza kung matatawa ba siya dahil sincere na nagsosorry si Rhian sa kanya pero sa kisame naman ito nakatingin.

Napangiti siya. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa dahil dun. Though, medyo nailang nga siya kasi first girl kiss niya yun.

Tiningnan niya bigla si Rhian sa mga mata. Napatingin din naman si Rhian sa kanya.

"First girl kiss ko yun."

"I know. Kaya nga sorry. Hindi ko talaga sinasadya na makuha yung first girl kiss mo--"

Hindi na natapos ni Rhian ang pagsasalita dahil kinissan siya bigla ni Glaiza sa ilong. "Shhh. Tama na. Okay lang yun. Okay? Ang cute mo talaga." Tapos nagsmile na si Glaiza at humiga na ng ayos.

Natulala naman si Rhian.

Nang mahimasmasan, she looked at Glaiza na ngayon ay nakapikit na pero nakangiti. Medyo natawa siya at kinurot ito sa ilong.

"So para saan naman yung kiss sa ilong?"

Minulat ni Glaiza ang mga mata niya at biglang niyakap si Rhian tapos pumikit na ulit na parang matutulog na.

"Ang cute mo kasi e. Tara na matulog na tayo... Lablab." Ngumiti ito.

Hindi naman makagalaw si Rhian dahil yakap nga siya ni Glaiza.

Wala sila sa scene ngayon. Totoo to. Nakailang lunok pa siya bago tiningnan ulit yung mga kamay ni Glaiza na nakayakap sa kanya..

She smiled.

Rhian Ramos, friendly reminder... Kinikilig ka.

//

Nagising si Glaiza nang maramdaman niyang nakapatong ang braso ni Rhian sa bewang niya.

Nabigla siya for a second dahil magkaharap pala sila ngayon... She looked at her.. She looks so angelic kahit tulog. Walang make up pero ang ganda pa din. Very Natural yung hitsura. Wala sa loob na napatingin siya sa mga labi ni Rhian.. Ewan niya pero biglang bumilis yung tibok ng puso niya...

Yung kiss...
Yung first girl kiss ko...

Ewan kung bakit napangiti nalang si Glaiza... Hinawi niya ang buhok na medyo humaharang sa mukha ni Rhian..

Glaiza iba na ata yang nararamdaman mo kay Rhian...

Umiling siya. Hindi naman to pwede e. Wala lang to... Babae ako.

Tinanggal niya ang braso ni Rhian sa bewang niya tapos tumayo na siya. Tiningnan niya ang bintana. Malakas pa rin ang ulan. Hindi ata tumila.

Tiningnan niya pa ulit ang natutulog na si Rhian. Napangiti pa siya at inayos ang pagkakakumot nito. Lumabas siya ng kwarto at pumunta na sa kusina.

Nabigla naman siya nang abutan niya si Chynna na busy sa paghihiwa ng kung ano. For breakfast ata.

"Goodmorning Chynna." Bati niya dito.

Nilingon naman siya nito. "Goodmorning din. Jowa mo nasan?"

Napangiti siya at napailing. "Wala namang official. Tumigil ka nga diyan." Pumasok siya ng banyo para ayusin yung sarili niya.

"Nag-kiss na kayo't lahat, wala pa ring official?" Medyo pasigaw yun pero di naman kalakasan. Sapat lang para marinig ni Glaiza na kasalukuyan ngang nasa banyo.

"Hindi yun sinasadya. Wag ka nga!" sigaw din ni Glaiza sa banyo.

"Eh kamusta naman yung first night niyo? Ayiiiiieeeeee. Anong nangyare? Anong oras kayo natulog?!" Medyo natatawa si Chynna na parang niloloko si Glaiza.

"Anong first night? Anong 'anong nangyare?'. Ang dumi ng utak mo!" Sigaw naman ni Glaiza.

"Hahahahaha! Mas madumi utak mo! I was referring sa first night niyo together. I bet ito yung unang beses na natulog kayo ng magkatabi. Off cam. Naku Glaiza De Castro! Ikaw nagiisip ng kung ano diyan eh!" Tumawa naman si Chynna.

Napailing nalang si Glaiza at tinuloy ang pagsisipilyo.

After niyang mag-ayos ng sarili niya, pumunta na siya sa may kusina. Nagpprito naman ng egg si Chynna. Umupo siya sa may upuan sa dining table habang pinapanuod si Chynna sa pagluluto.

"Pwede ka ng mag-asawa Chynna." Natatawa tawa namang sabi niya.

Nilingon naman siya nito sandali. "Marunong lang magprito, pwede na agad mag-asawa?!"

"Oo naman!"

"Eh ikaw diba marunong ka talagang magluto? So pwede mo ng asawahin si Rhian?"

Natawa naman si Glaiza sa term ni Chynna. "Asawahin talaga?! Grabe ka naman! Tsaka si Rhian talaga? Ang ano mo talaga no?"

"Hoy gustung-gusto mo din naman! Kinikilig ka nga diyan eh!" Tinanggal ni Chynna ang nilulutong itlog sa kawali tapos inayos na para sa breakfast.

"Tulad ng sabi ko, hindi naman masamang kiligin diba? And alam mo, everytime na naffeel kong ibang kilig na yung nararamdaman ko for Rhian, I always remind myself na Babae pa rin ako. Babae ako."

Natatawa naman si Chynna tapos tiningnan si Glaiza. "Bakit nireremind mo yung sarili mo na Babae ka pa rin kung wala kang ibang nararamdaman or kung walang something?" Chynna exhaled, "Aminin mo na Glaiza. Yung totoo lang. Offcam. Walang camera. Walang script.... Nadedevelop kana kay Rhian no?"

Biglang naging seryoso naman yung atmosphere ng usapan nila. Hindi naman nakasagot agad si Glaiza...

"Glaiza De Castro sinasabi ko sayo. Pag hindi mo yan nilabas, kusa yang lalabas. AT! kawawa ka pag wrong timing lumabas yang feelings mo."

Napapikit si Glaiza tapos nagbuntong hininga tapos tiningnan si Chynna ng seryoso. "OO NA. OO NA. Crush ko na siya."

Napa-smile si Chynna. "Crush? Lang? Feeling ko hindi e."

Napahawak naman si Glaiza sa ulo. At napayuko. "Oo na. Iba na to. Akala ko nung una wala wala lang. Akala ko kaya ko nafifeel to kasi di pa rin ako nakakarecover sa mga sweet scenes namin sa TRMD. Akala ko wala lang talaga e. Kasi nga di kami pwede.. Pero ewan. Bigla nalang. Parang paggising ko bigla isang umaga, yung name ni Rhian yung nababanggit ko. Alam mo yun? Iba na talaga to pero natatakot ako sa pwedeng kahantungan nito. Natatakot ako na baka One sided lang to. Or... Baka layuan niya ko pag nalaman niyang gusto ko na siya? Ugh! Yung sa kiss pa kagabi. Hindi ko alam kung dahil lang siya yung unang babaeng nakahalik sakin or dahil meron na talaga akong ibang feelings sa kanya before e. Hay nako. Mahal ko na nga ata si Rhian. Oo. Mahal ko na siya Chynna pero natatakot ako. Mahal ko naman talaga siya dahil kaibigan ko siya. Pero ibang 'Mahal' na ata tong naffeel ko para sakanya. Feeling ko Romantic love na to. Mahal ko na nga talaga siya Chynna."

Nilingon naman niya si Chynna. Bigla naman siyang nagtaka dahil wala itong kahit na anong reaksyon. Nagtaka pa siya lalo dahil tumingin ito sa kanya saglit tapos parang may tiningnan sa likuran niya tapos napakagat labi.

Parang gustong sumabog ng puso niya nang mag-mouth pa si Chynna ng, "Si Rhian" tapos ngumuso sa likuran niya na parang may tinuturo.

Nakailang lunok siya. Alam niyang nasa likod niya si Rhian ngayon. At hindi na niya tatanungin ang sarili niya kung narinig ba nito ang sinabi niya dahil ang obvious naman na narinig nito ang lahat.

Kasalukuyan ng humihiling si Glaiza na sana lamunin na siya ng lupa ngayon dahil sa kahihiyan... Gusto niyang sumabog na lang.

·

·

·

"G-Glaiza...."

Narinig niyang sinabi ni Rhian ang pangalan niya.. Sa tono ng pagsasalita nito halatang nagulat talaga ito. Well, sino ba namang hindi magugulat sa mga pinagsasabi niya?

Nilingon niya ito at nagdecide siya na i-explain kung ano mang mga nasabi niya dahil natatakot siya na baka layuan nga siya ni Rhian ngayong alam na nito yung nararamdaman niya for her.

"Uhm.. Rhian sorry alam mo kasi--"

·

·

"Mahal mo din ako?"

·

·

Nagulat si Glaiza nang marinig yun kay Rhian.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Pero binasag ni Chynna ang katahimikan.

·

·

·

"Teka lang.... Anong DIN?! Mahal mo DIN si Glaiza?!"

Diniian niya yung word na 'DIN' dahil pati siya nagugulat sa mga naririnig niya.

//

.

.

.

.

.

.

..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

AN: NAKUUUUUUUUU!!! MGA GANYANG GALAWAN EH ENEBE HAHAHAHAHAHA

- COMMENT COMMENT :D

PAKISHARE NA DIN PO SA IBA hihi THANKYOU GUYS! Lablab :*

Continue Reading

You'll Also Like

84.4K 3.7K 34
Apat na taong nagsimula sa mali. Sa muling pagkikita ba ay sa tama na mauuwi? Paunawa: Kung hindi pa po nababasa ang book I, kindly check it on my r...
88.9K 1.4K 9
"Miss, tanggap ka na." "Aayyyyy!!!! Oh My Gosh! Thank you po so much madami Ma'am, so kailan po ako magsisimulang magtrabaho sainyo?" "Bukas, agad ag...
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.
325K 12.1K 36
An arranged marriage between a spoiled brat daughter and an obedient granddaughter. Produkto po ito ng aking imahinasyon. Anumang pagkakatulad sa iba...