RASTRO FEELS

By pluviopilya

763K 21.7K 5.3K

Okay. First time ko magsulat ng story dito so sorry hehe Enjoy niyo nalang ha? :) (PARDON) lol Anyways, yung... More

The other way around (1)
The other way around (2)
The other way around (3)
The other way around (4)
The other way around (5)
The other way around (6)
The other way around (7)
Unbreakable (1)
Unbreakable (2)
Unbreakable (3)
Unbreakable (4)
Unbreakable (5)
Unbreakable (6)
Loving you (1)
Loving you (3)
Loving you (4)
Loving you (5)
Loving you (6)
Loving you (7)
Take A Break (1)
Take A Break (2)
Take A Break (3)
Take A Break (4)
Take A Break (5)
Take A Break (6)
Take A Break (7)
Take A Break (8)
Aftertaste (1)
Aftertaste (2)
Aftertaste (3)
Aftertaste (4)
Aftertaste (5)
Aftertaste (6)
Aftertaste (7)
Aftertaste (8)
Tadhana (1)
Tadhana (2)
Tadhana (3)
Tadhana (4)
Tadhana (5)
Tadhana (6)
Tadhana (7)
Tadhana (8)
Strings (1)
Strings (2)
Strings (3)
Strings (4)
Strings (5)
Strings (6)
Strings (7)
Strings (8)
Strings (9)
Like I Can (1)
Like I Can (2)
Like I Can (3)
Like I Can (4)
Like I Can (5)
Like I Can (6)
Like I Can (7)
Like I Can (8)
Like I Can (9)
Bring It Back (1)
Bring It Back (2)
Bring It Back (3)
Bring It Back (4)
Bring It Back (5)
Bring It Back (6)
Bring It Back (7)
Bring It Back (8)
Bring It Back (9)
Somebody's Me (1)
Somebody's Me (2)
Somebody's Me (3)
Somebody's Me (4)
Somebody's Me (5)
Somebody's Me (6)
Somebody's Me (7)
Somebody's Me (8)
Somebody's Me (9)
Air (1)
Air (2)
Air (3)
Air (4)
Air (5)
Air (6)
Air (7)
Air (8)
Air (9)
Time Machine (1)
Time Machine (2)
Time Machine (3)
Time Machine (4)
Time Machine (5)
Time Machine (6)
Time Machine (7)
Time Machine (8)
Time Machine (9)
Time Machine (10)
100th
MERRY CHRISTMAS!
HAPPY (?) VALENTINE'S DAY!
CONTINUATION 1.0
ENDING

Loving you (2)

8.5K 245 75
By pluviopilya

Nakarating naman sila ng safe sa Condo ni Glaiza kahit sobrang lumakas lalo yung ulan.


"Dalawa yung rooms dito. Yung isa, room ko. For two yung kama tapos yung isa guest room. Pang-isahan lang yung kama."

Natawa naman si Chynna. "So anong point mo?"

Napabuntong hininga naman si Glaiza. "Well, sino sa inyo yung sa guest room at sino ang tatabi sakin?"

Natawa naman lalo si Chynna. "Hindi na dapat tinatanong yan. Aba. Malamang kayong dalawa dapat yung magsama sa kwarto mo Glaiza. Tapos ako na sa guest room. Ito talaga oh. Wag ka ngang magpakipot pa diyan! Gusto mo din naman e!" Napapailing pa si Chynna habang natatawa tapos inayos na yung gamit niya. "Oo nga pala, pwede bang ako mauna sa banyo? Liligo na ko." nag-smile pa siya tapos pumunta na sa guest room na para sa kanya.


Naiwan naman ang dalawa na parang biglang naging awkward.

"Uhm.. So pwede ko na bang ilagay tong gamit ko sa room mo Glai?" Tanong ni Rhian.

Tiningnan naman siya ni Glaiza. "Room natin. Tutal tayo namang dalawa matutulog don." tapos nagsmile siya.

Hindi naman nakasagot si Rhian dahil siya naman ang kinilig ngayon.

"By the way, maghahanda na muna ako ng foods for us. Pagkatapos ni Chynna magshower, ikaw muna bago ako." Nagsmile na si Glaiza tapos pumunta na sa kusina para maghanda ng pagkain.

Napangiti naman si Rhian tapos pumunta na sa room ni Glaiza.



Naupo siya sa kama tapos nahiga siya saglit.



Imagine, matutulog kami mamaya ng magkatabi kami. Parang kakatapos lang namin i-shoot yung ganung scene sa TRMD ah? But... eto totoo. Totoo na matutulog kaming magkatabi mamaya.


Oh my Rhian! Don't tell yourself may malisya sayo yun? Eh si Bianca King nga lagi mong katabi matulog sa condo mo dati pero wala lang sayo e. Tapos si Glaiza....


Napapikit si Rhian..


There's something wrong....



//



Tapos na silang mag-shower lahat. Sumilip si Chynna sa bintana ng condo ni Glaiza at sobrang lakas pa rin ng ulan. Alas-10 na ng gabi pero parang palakas lang ng palakas yung ulan.

Hinigop niya yung coffee niya tapos tumabi siya sa dalawang busy na nanunuod ng Horror Movie.

Well, si Rhian may takip na unan yung mukha. Yung isang mata lang niya yung nakasilip dahil sa takot.

Si Glaiza naman yakap na yakap yung unan at concentrate na concentrate sa panunuod.

Magkatabi sina Glaiza at Rhian. Dikit na dikit nga si Rhian kay Glaiza dahil natatakot talaga ito. Naisip niyang picturan ang dalawa at ipost sa Instagram para sa mga Rebels pero mahina yung internet connection kaya di niya ito naipost.


"Alam niyo nakakatawa kayo. Nanunuod kayo ng Horror Movie tapos takot na takot din naman kayo." Sabi niya dito.

"Si Rhian lang kaya yung natatakot. Pinagtutugma tugma ko nga yung pangyayari e." Sabi naman ni Glaiza na nasa Movie pa rin yung mga mata.

"Eh talaga namang nakakatakot. Ehhh. Ano baaa. Baka mapanaginipan ko pa yan. Mabilis pa naman akong maparanoid sa mga ganyan." Sabi naman ni Rhian na takip na takip pa rin yung mukha.

"Edi wag kana manuod Rhian kung natatakot ka." Sabi naman ni Chynna na natatawa tawa pa din.

"Maganda na yung story e. Gusto na ding tapus--AHHHHHHHHH!!! OH MY GOD!!!"

Natawa naman si Glaiza sa kakyutan ni Rhian. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang tili na ni Rhian to.


Nabigla naman siya nang tumayo bigla si Rhian. "Teka lang. Magccr lang ako. I-pause mo muna lablab." Tapos umalis na ito at pumunta sa banyo.

Napangiti naman si Glaiza.


At di naman yun nawala sa paningin ni Kap Chynna.

"Kinikilig ka nanaman no?"

Napatingin naman si Glaiza kay Chynna. "Tapos ano? Mang-aasar ka nanaman?"

"Yung totoo na kasi? Ang obvious na pero gusto kong manggaling mismo sayo." Ngumiti ito ng nakakaloko.

Glaiza exhaled, "Hindi naman masamang kiligin diba?"

"Edi totoo na nga yung nararamdaman mo? Oh noooo. Glaiza, naconvert ka ni Rhian?!"

"Shhhh! Ano kaba. Kinikilig lang ako na-convert na agad? Ikaw talaga."

Napangiti naman si Chynna. Magsasalita pa sana siya pero nagulat sila dahil biglang nag-black out. Nawalan ata ng kuryente dahil sa lakas ng ulan.


"GUYS!!!!! YUNG ILAW!! OH MY GOD!!!"


Narinig naman nilang parang biglang nagpanic si Rhian sa loob ng banyo.

Napatayo naman si Glaiza. Totally black out talaga. Wala siyang makita. Kinakapa niya yung phone niya pero nalimutan niya kung san niya ito nailapag.

Tumayo na din si Chynna at kinapa sa lamesa yung phone na ginagamit lang niya kanina pero di rin niya ito makapa.

"Glaiza.....Nasan ka?" Kinakapa naman ni Chynna yung dinadaanan niya dahil wala talagang makita. Sobrang dilim.

"Nandito ako.. Pupuntahan ko lang si Rhian sa banyo. Baka magwala yun dun... Baka isipin nun yung mga napanuod niya sa Horror Movie. Mapaparanoid yun." Nag-start na ring mangapa si Glaiza.

"Oh sige. Ako naman pupunta sa kusina. May mga kandila kaba dito?"

"Oo. Nasa cabinet. Nandun yun malapit sa fridge."

"Sigesige."


At nagstart na nga silang magkapaan kung san sila pwedeng dumaan. Talagang black out kung black out. Wala talagang makita kahit maliit lang na liwanag.


"God God God... Paano ba to.. Nasan na ba ko... Feeling ko may nakatingin sakin.. O baka dahil lang to sa Movie kanina? Aahhhh.. No no no." Nagpapanic naman na si Rhian habang nangangapa din. Nakalabas na siya ng banyo at hindi niya alam kung nasang lupalop na siya ng condo ni Glaiza napadpad. "Jeez! Bakit kasi nawalan ng-- OUCH!!! What the hell. Ouch." Napakagat naman siya sa labi niya sa sakit nang maramdamang may nabundol yung paa niya. "Arayyy. This is not good. I hate you Meralco! Ughhh!!!" Napaupo siya at hinawakan yung masakit na paa niya.


"Rhian? Nasan ka Rhian?"


Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Rhian nang marinig yung boses ni Glaiza. Napatayo siya kahit medyo masakit pa din yung paa niya.

"Glaiza.. Nandito ako.. Glaiza natatakot ako.. Feeling ko may kukuha sakin..." Gusto niyang maiyak dahil napaparanoid talaga siya. Nagstart nanaman siyang mangapa at maglakad..

Patuloy niyang inaaninag ang mga bagay bagay but in reality wala talaga siyang maaninag. Bigla siyang nagpanic nang mawalan na siya ng kinakapa.. Hindi na niya alam kung nasan siya. Naghanap nanaman siya ng kakapitan pero parang nawala ata lahat ng mga bagay na kanina lang may nakakapa pa siya.

Yumuko siya para pakiramdaman kung may bagay doon. Nang maramdaman niyang wala, nagstep forward na siya. Nangangapa pa rin siya pero wala na talaga siyang makapa.

Dumiretso lang siya sa paglalakad dahil wala talaga siyang makikita...





Magsasalita sana siya para tawagin yung pangalan ni Glaiza nang.....


·

·

·

Sobra siyang nagulat dahil may naramdaman siya sa labi niya...

·

·

·

·

·

·

·


·

·

·


It's a kiss.





·

·

·

·

·



Split second lang yung kiss pero sobra sobrang kaba yung binigay ng kiss na yun sakanya. Kinapa niya yung mukha ng taong nahalikan niya at mas lalo pa siyang kinabahan...

·

·

·

·

·

"R-Rhian..." Nagsalita ito.





·

·

·

Biglang bumukas yung ilaw.



Nadatnan ni Chynna ang dalawa sa tapat niya. Nagulat siya dahil nasa harap na pala niya ang mga ito.

Nakita niyang nakahawak si Rhian sa mukha ni Glaiza. Pero bigla din nitong tinanggal nang marealized ata na nagka-ilaw na.


Nagulat din sina Rhian at Glaiza dahil nasa harap na pala sila ni Chynna.


"Anong ganap? May kuryente na pero di ko pa rin nahanap yung kandila. Eh kayo? Anong nangyari?" Tanong niya sa dalawa.

Nagkatinginan si Glaiza at Rhian na parang nailang bigla sa isa't isa.

"U-uhm.. S-sorry. Matutulog na ko. Baka mamatay ulit yung ilaw." Tapos umalis na agad si Rhian at pumunta na sa higaan nila ni Glaiza.


Napatingin naman si Chynna kay Glaiza na biglang nagbuntong hininga.

"So ano yun? Anong... Nangyari?"

Tumingin si Glaiza kay Chynna tapos umiling na parang bata. "Hindi namin sinasadya."


Napakunot naman ang noo ni Chynna. "Hindi sinasadya? Ang alin?"



Napalunok si Glaiza. "We kissed."



//

.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.


.

.


AN: ANG 'HINDI SINASADYANG KISS'. Bow.

REMEMBER NUNG MAY NAG-ASK KAY GLAIZA SA Q&A KUNG NAGKISS NA SILA NI RHIAN TAPOS ANG ANSWER NIYA 'DI NAMIN SINADYA :P' ---- Lol WAAAAAH!


OKAY.


COMMENT COMMENT :D

Continue Reading

You'll Also Like

57.9K 1.7K 21
It started from being her STALKER.
173K 6.2K 39
Paano kung bumalik ang taong mahal na mahal mo, pero iniwan ka dahil sa hindi malamang kadahilanan? Are you willing to take her back? or kakalimutan...
498K 7.2K 78
True love? Happy ending? Meron ba nyan? Sa mga tambalang Gonzaquis,Bara,Fatunay at Alyden? Let's find out as you read this story.