Mending Fina [COMPLETED]

By barbsgalicia

2.2M 56.6K 6.8K

[COMPLETED] Gaano nga ba kasakit ang magmahal ng taong hindi naman buong-buo na sa 'yo? • • • Fina Tuazon is... More

Mending Fina
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
ALTERNATE ENDING

Chapter 23

52.6K 1.8K 389
By barbsgalicia

FINA

Kararating lang ni Fina sa school galing sa pinag-duty-hang ospital.

Hindi na muna siya dumiretso ng uwi kasi may kailangan pa siyang i-research sa library. Tsaka gusto niya rin kasing manood ng practice ni Pierre mamaya. Bayad niya lang dahil sinundo siya nito kaninang umaga sa bahay at hinatid sa duty. Sobrang caring nito.

Kahit papa'no naman ay gumanda na ang pakiramdam niya. Hindi na katulad kagabi na hirap na hirap siyang gumalaw. Akala niya tuloy 'di siya makakapasok. Ngayon, nanghihina pa rin siya pero kaya naman.

Thankful siya dahil naka-alalay lang sa kanya si Pierre. Hindi niya naman ito sinabihan na manatili sa tabi niya, pero ginagawa pa rin nito. Napaka-thoughtful. Bukod kay Pierre, naka-alalay din sa kanya si Ellie. Kanina nga nagulat siya kasi iisang ospital lang pala ang pagdu-dutyhan nila. Surprise sa kanya ng best friend niya. Namiss raw kasi siya nito eh. Tuwang-tuwa siya. Mabuti't hindi na ito galit at nagkabati na silang dalawa. Kahit papa'no nawawala ang lungkot niya dahil kina Ellie at Pierre.

Kinamusta din agad siya ni Ellie kanina at binigyan pa ng sandwich. Natuwa rin ito nang malamang inaalagaan siya ni Pierre. Kaya nga kampante 'yung best friend niyang 'yon na babalik siya mag-isa sa school ngayon. Alam nitong safe siya.

***

Papasok na sana siya sa main library ngayon nang mapansin niya ang babaeng nakaupo sa bench na katapat lang ng entrance. Umiiyak kasi ito.

Natigilan tuloy siya sabay tingin sa paligid. 'Yung iyak kasi ng babae parang wala itong pakialam sa mga pwedeng makakita. E ang dami kayang mga studyanteng napapatingin sa pwesto nito.

Laking gulat niya na lang naman nang bigla itong mapasilip sa kanya.

Do'n siya kinabahan! Si Cielo pala! Hindi niya agad nakikala dahil wala man lang itong kaayos-ayos sa mukha.

Tinaasan siya nito ng isang kilay. Galit ang tingin nito sa kanya, para itong nanggi-gigil at anytime ay manunugod na naman!

Duwag na kung duwag, pero natakot talaga siya.

Hindi na siya tumuloy sa pagpasok sa library. Tumalikod agad siya at dapat maglalakad na nang mabilis palayo pero saktong may nakabunggo siyang lalaki.

"Oy, Fina."

Nag-angat siya ng tingin. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makitang si Pierre pala ang nakabunggo niya. Diyos ko, gusto niyang mag-thank nang bongga you rito! Niligtas na naman siya nito nang hindi nito nalalaman.

"Ba't namumutla ka?" tanong nito sa kanya.

Hindi naman agad siya nakasagot. Sumilip muna siya kay Cielo na ngayo'y nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Pierre.

"Okay ka lang?" Tanong na naman nito.

"K-kain tayo," sabi niya na lang sabay hila na sa manggas ng uniform nito.

Takang-taka si Pierre. "Anong nangyari? Nagmamadali ka bigla."

"Wala. Pupunta dapat ako sa library, kaso nagbago isip ko. Nagugutom pala 'ko."

"Ah, sakto pala 'ko, 'no? Kanina pa kaya kita sinusundan. Hindi mo napansin? Galing ko?"

Napahinto siya sa paglalakad. "Kanina pa? E ba't 'di ka na lang nagpakita sa 'kin agad?"

Ngumiti ito sa kanya. "Wala lang. Ang cute mo kasing pagmasdan habang naglalakad ka. Para kang nananaginip nang gising. Nakakabuo ng araw."

Sinimangutan niya ito. "'Wag mo nang uulitin 'yon, ah? Samahan mo na lang ako palagi, mas gusto ko 'yon."

"Okay, ma'am." Sabay kapit nito sa dala niyang bagpack. "Akin na, ako na magbubuhat."

"'Wag na, kaya ko. Magaan lang naman."

"Mabibinat ka, sige ka."

Natawa na lang siya. "Grabe, bag lang 'to, Pierre."

"Tsk, ang tigas naman ng ulo. Akin na."

Natigilan na lang siya kasi biglang sumeryoso ang tono nito. Parang gusto talaga nitong buhatin ang bag niya. Hindi na siya humindi. Binigay niya na.

Inalalayan siya nito habang hinuhubad niya ang bag, tapos ito na ang nagdala sa isang balikat.

"Magaan ba 'to?" Kumunot ang noo nito. "Ang bigat kaya. Ano bang laman nito, bahay niyo?"

Natawa uli siya. Parang nawawala nang tuluyan ang sama ng pakiramdam niya dahil sa mga biro nito ni Pierre e.

"OA mo," sabi niya na lang. "Uy ingatan mo 'yang bag ko, ah. Lahat ng importante nandyan."

"Talaga? E ba't wala ako dito?"

Pinigilan niyang mapangiti. Hindi niya inexpect ang banat na 'yun. 'Di tuloy siya nakasagot.

Si Pierre naman natawa lang tapos umakbay sa kanya habang papasok na sila sa cafeteria. "Biro lang. Pinapangiti lang kita. Kahapon kasi para kang namatayan e. Nataranta kaya 'ko, 'di ko alam kung anong gagawin sa 'yo."

Tipid na lang siyang ngumiti. Napaka-bait talaga nito.

Pagkapasok nila sa cafeteria, natigilan agad sila kasi ang dami palang tao sa loob. Wala na silang mape-pwestuhan. Lunch time nga pala kasi.

Bigla namang tinuro ni Pierre 'yung pinaka-dulong mesa. "Ah, ayun pala si Gio. Sabay na lang tayo sa kanila."

Napatingin agad siya ro'n at halos tumalon na lang ang puso niya nang makitang ando'n din sa table si Jett!

Mabilis siyang humawak sa braso ni Pierre. "A-ayoko ro'n. Sa ibang table na lang tayo."

"Wala ng bakanteng table, Fina. Lunch time eh. Do'n na lang tayo kila Gio. Kilala mo naman na sila tsaka saglit lang din tayo." Hinawakan na siya nito sa kamay para magpatuloy sa paglalakad.

Wala na siyang nagawa. Kabadong-kabado siya feeling niya babalik na naman ang sama ng pakiramdam niya.

Hindi nga siya makatingin sa mesa nila Jett e. Napansin na kasi niya kanina na nakita na siya nito kasama si Pierre at alam niyang nakapako na ang mga mata nito sa kanya.

Pagkarating nila sa pwesto, 'tong si Gio agad ang unang namansin. "Nakanang, Pierre! Ang sweet ah. Holding hands while walking. Kayo na ba? 'Di niyo sinasabi."

'Tong si Pierre naman, tumawa lang. Pati 'yung isang kaibigan ni Jett na may lahing Chinese na hanggang ngayon e hindi niya alam ang pangalan.

"Oo kami na," biglang sabi ni Pierre. "Mahal na mahal nga namin isa't isa, e."

Nagulat siya! Diniinan niya agad ang kapit sa kamay nito para tumingin ito sa kanya. Nginitian lang naman siya nito nang tipid sabay kindat. Hindi niya naintindihan!

Pagkatapos no'n inalalayan na siya ni Pierre para maupo sa bakanteng silya sa tabi ni Gio.

"Congrats, Pierre," sabat naman bigla nung chinito. "May love life ka na. Eto kasing si Jett, sawi 'to, e."

Nagtawanan ang mga ito.

Siya, nakatingin lang sa iba. Ayaw niyang silipin si Jett kasi sa totoo lang, hindi pa talaga siya handang makita ito ulit.

"Bakit, anong nangyari sa girlfriend ni Jett?" tanong pa talaga ni Pierre habang pinapatong ang bag niya sa table.

"Hiwalay na sila. Si Jett na naman ang nakipag-hiwalay," sagot ni Gio sabay lipat ng tingin sa kanya. "Hi, Fina. Buti naman sinagot mo agad 'tong si Pierre. Matagal ka ng kursonada nito eh. Hindi mo alam?"

Binatukan agad ito ni Pierre. "G*go ka 'wag mo 'kong ilaglag."

At nagtawanan uli ang mga ito.

Tahimik pa rin siya. Hindi siya umimik hanggang sa tumayo na lang sina Gio at ang kaibigan nitong chinito para bumili ng pagkain.

Tumayo na rin si Pierre. Nagulat na nga lang siya nang bigla nitong iangat ang baba niya gamit ang isa nitong daliri para magkatinginan sila. "Psst. Anong gusto mong kainin?"

Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa! Nautal tuloy siya sa pagsagot. "H-ha?"

"Anong gusto mo. Bibilhan na kita."

Napalunok lang siya, hindi niya alam ang isasagot. Gusto niya sanang sabihin na umalis na lang sila, kaso ang sarap ng ngiti nito sa kanya. Nakaka-guilty lalo na't wala naman itong alam kung bakit ayaw niya sa pwestong 'yon.

"Sige na, ako na nga lang pipili," sabi na lang ni Pierre. "Kabisaso ko naman kung anong mga gusto mo eh."

Aalis na dapat ito pero hinila niya agad ito sa uniform. "S-sama na lang ako sa 'yo."

"'Wag na. Dito ka na lang para hindi ka mapagod. Andyan naman si Jett, o. May kasama ka."

Hindi pa rin siya lumingon kay Jett nang ituro ito ni Pierre. Kinakabahan siya! Ayaw niya ngang maiwan silang dalawa ro'n, pero 'yun na nga ang mangyayari dahil umalis na sila Gio tapos aalis pa 'tong si Pierre.

"Sige na, relax ka lang diyan," dagdag pa ni Pierre sabay alis sa kamay niyang nakahawak sa polo nito. "Babalik agad ako para sa 'yo, hmm?"

Bumuntong hininga na lang siya at tumango. Hinang-hina siyang sumandal sa upuan pagkatapos.

Umalis na si Pierre. At naramdaman niyang mas lalong lumalim ang tingin sa kanya ni Jett. Katapat lang kasi niya ito ng upuan. Todo yuko nga siya. Hindi pa siya ready na makausap ito o kahit makita man lang. Sobrang sariwa pa lahat ng sakit eh. Tapos natatakot pa siya baka bigla na lang dumating si Cielo at maabutan silang magkasama sa iisang table. Ayaw niyang mapahiya ro'n.

"Kayo na?" biglang tanong ni Jett.

Tsk, sinasabi niya na nga ba e. Hahanap at hahanap ito ng pagkakataon para makausap siya.

Namamanhid ang mga kamay niya pero 'di siya nagpahalata na apektado. Nilabas niya na lang ang cellphone niya at nagkunwaring nagte-text. Sana bumalik agad si Pierre. 'Yun na lang talaga hiling niya.

Bumuntong naman hininga si Jett, tapos bahagya siyang nilapitan. Parang ang bigat-bigat ng dating nito. "Sorry. Sorry, Fina. Nalaman ko 'yung nangyari sa 'yo kahapon. Nabanggit ni Gio na nakita ka niyang galing sa iyak kasama si Pierre. Pinuntahan ko agad si Cielo no'n kasi kinutuban akong may kinalaman siya. Pinilit ko siyang sabihin sa 'kin lahat."

Hindi pa rin siya nagsalita. Pinanindigan niya ang pangkukuwari niyang pagte-text kahit pa sa loob-loob niya e parang maiiyak na naman siya.

"Fina, alam kong hindi maa-alis ng sorry ko 'yung ginawa niya sa 'yo. Pero humihingi pa rin ako ng tawad. Sorry kasi 'di ko siya napigilan. 'Di ako nakarating para protektahan ka. Sorry. Ako na aako sa kasalanan ni Cielo."

"Tama na." Her voice almost cracked. "Ayokong maalala mga ginawa niya sa 'kin. Tsaka 'wag kang mag-sorry para sa kanya. Deserve ko naman 'yon eh. Dapat lang sa 'kin 'yon kasi nagkagusto ako sa 'yo at pumayag ako sa setup mo kahit na alam kong mali."

"Wala kang kasalanan. Kung merong may mali rito, ako 'yon. Tsaka si Cielo kasi pinagbuhatan ka niya ng kamay. Fina maniwala ka sa 'kin, nagalit ako sa kanya kahapon nung nalaman ko ginawa niya sa 'yo. Hinding-hindi ko siya mapapatawad do'n. Pababalikin ko na siya ng Antipolo, para 'di ka na niya masaktan ulit."

Halos matawa siya pero hindi niya pa rin ito tiningnan. "Ba't 'di mo na rin idamay sarili mo? Bumalik ka na rin sa mga magulang mo sa Antipolo. Para hindi ka na rin makapanakit ng iba."

Yumuko ito. "Fina nasasaktan din naman ako sa nangyayari. Alam mo bang galit na galit ako sa sarili ko ngayon kasi hindi kita naprotektahan? That's my responsibility yet—"

"Wala kang responsibilidad sa 'kin. Sobrang bobo ko lang talaga na pinasok ko ang sarili ko sa gan'to kagulong sitwasyon at naniwala rin ako na mapo-protektahan mo 'ko kahit hindi. Galit na galit din ako sa sarili ko ngayon kasi hinayaan ko pa munang masaktan ako bago ko ma-realize na hindi kita dapat minahal. Tama din naman kasi si Cielo eh. Eventually magsasawa ka rin naman sa 'kin. Ipagpapalit mo 'ko tulad ng ginawa mo sa kanya."

"Iba na siguro tingin mo sa 'kin ngayon. Hindi naman dahil gano'n ako kay Cielo, gano'n na rin ako sa 'yo. O sa lahat. Hindi ako katulad ng iniisip mo, Fina. Nahihirapan din naman ako sa sitwasyon. Kung maayos lang naman si Cielo, 'di ko naman siya magagawang ipagpalit. Akala ko naintindihan mo na 'ko dati sa parteng 'yon."

Bumuntong hininga siya. "Tama na, Jett. 'Wag ka nang mag-explain kasi tapos na rin naman tayo. Balewala na 'yan. Layuan na lang natin isa't isa."

"Alam mong 'di ko kayang gawin 'yan. Mahal kita."

Dumiin ang pagkakapit niya sa cellphone. Nangingilid na ang luha sa sulok ng mga mata niya kaya mas lalo niyang hindi matingnan si Jett. "Kung mahal mo talaga 'ko, lalayo ka na. Para hindi na 'ko masaktan at para hindi na rin uminit ang mga mata sa 'kin ni Cielo. Natatakot na 'kong pumasok, Jett. Natatakot na 'ko sa kanya."

"Hindi ka na magagalaw uli ni Cielo. Wala na kami. Buong-buo na 'kong sa 'yo, Fina, 'di na siya manggugulo."

"Pa'no mo nasabi 'yan? Alam mo ba talaga kung anong ginawa niya sa 'kin kahapon? Sobra 'kong nasaktan, physically and emotionally, Jett. Nasira na nga 'ko sa nangyari sa 'tin, tapos mas lalo pa 'kong nadurog dahil kay Cielo."

"Alam ko. Nalaman ko lahat at alalang-alala 'ko sa 'yo kagabi pa. Gusto na nga kitang makausap agad. Pinuntahan kita kanina sa bahay niyo bago ang klase ko. Akala ko kasi 'di ka pumasok, pero wala ka na raw sabi ng ate mo. Hinatid ka ni Pierre." Bumuntong hininga ito. Natagalan bago ito nakapag-salita ulit. "Kayo na ba talaga? Gano'n kabilis? Hindi ako naniniwala. Fina, 'wag mo naman sanang gamitin si Pierre para gantihan ako."

Parang nagpanting ang tenga niya sa narinig. Do'n lang niya nagawang tingnan si Jett. "Anong pinagsasabi mo? Wala akong ginagamit. Nagkataon lang na si Pierre ang tumutulong at nag-aalaga sa 'kin ngayong kailangan ko. Siya ang nandito para sa 'kin. Alam mo Jett, kung wala kang matinong sasabihin, tumahimik ka na lang. Nahihirapan ako sa ginagawa mo, eh. Alam mo bang ayoko talagang pumwesto rito kasi nandito ka. Hindi ko lang mahindian si Pierre kasi wala siyang alam tungkol sa 'tin. 'Wag mo naman akong pahirapan. Sobra na, e. Pabayaan mo na lang ako. Hayaan mo 'kong maging masaya."

"Masaya. So masaya ka pala sa kanya." Bumuntong hininga uli ito. "Ayaw mo na ba talaga sa 'kin? Kaya mo na ba talaga 'kong mawala sa buhay mo? Kasi ako hindi kita kayang mawala nang tuluyan."

"Lalaban pa rin ako para sa 'tin," dagdag nito. "Kahit suko ka na, kahit ayaw mo na, kahit nandyan si Pierre, lalaban pa rin ako. Sabi mo kasi sa 'kin walang iwanan e. Hindi ko kinakalimutan 'yon. Sige na, ayos lang. Wala na 'kong pakelam kung mag-isa na lang akong makikipaglaban. Mahal kita, Fina, tandaan mo 'yan." Bigla pa nitong hinawakan ang kamay niya.

Nataranta siya at agad na binawi 'yon kasi naramdaman niyang parang may palapit na sa pwesto nila.

Sinilip niya agad kung sino. Si Pierre! Bumalik na ito at nagpatong ng tray ng pagkain sa table.

Ninerbyos siya. Sana wala itong nakita o narinig.

"Sorry, ang tagal ko ba?" tanong nito bago umupo na sa tabi niya.

Inayos nito ang dalang pagkain. Baked mac, toasted bread, at iced tea ang binili nito para sa kanya.

"Okay lang," sabi niya rito. "Anong kakainin mo?"

Wala na kasing ibang laman ang tray na dala nito bukod sa pagkain niya.

"Hindi ako gutom," sagot nito. "Ikaw lang kakain para gumaling ka na. Ang tigas kasi ng ulo mo." Bigla itong naglipat ng tingin kay Jett. "Oy p're, 'di ka ba bibili ng pagkain mo? Sila Gio biglang nawala. Nakakita yata ng chiks."

Hindi niya tiningnan si Jett kaya hindi niya alam kung anong naging reaksyon nito sa sinabi ni Pierre.

Si Pierre naman bigla nang kinuha ang tinidor. Akmang susubuan siya nito ng baked mac.

Nagulat siya! "Uy a-ako na." Aagawin na sana niya ang tinidor mula rito pero inilag nito.

"'Di na. Susubuan na kita."

Namanhid bigla ang mga palad niya. 'Di niya alam kung bakit 'yon ginagawa ni Pierre. Oo, malambing talaga ito, pero parang nasobrahan yata ito ngayon.

Wala na siyang nagawa, sinubo niya na lang ang pagkain.

Ang awkward ng pakiramdam knowing na kasama nila si Jett at napapanood siya nito. Baka mamaya bigla na lang itong magsalita at sabihin ang totoo kay Pierre.

Ilang sandali lang naman ay bumalik na rin sila Gio. May dala na ring pagkain ang mga ito.

"Uy, ang sweet talaga," kantyaw pa sa kanila ni Gio. "Sinusubuan pa. Nagseselos tuloy si Jett."

Natigilan siya. Tsk, napaka-papansin talaga nong lalaking 'yon eh.

Si Pierre naman natawa na lang. "G*go ka talaga, Gio. Ako na naman nakita mo."

"May sakit pa rin ba si Fina?" tanong ni Gio.

"Oo e, may sinat pa. 'Di ba may sinat ka pa?" Sinilip ni Pierre ang mukha niya kasi nakayuko na naman siya.

Malungkot niya na lang itong tiningnan. "Alis na tayo, please." Pabulong ang pagkakasabi niya para hindi masyadong marinig nila Jett. "Masama pakiramdam ko."

Kumunot ang noo ni Pierre. Tapos tumango. Marahil naramdaman nitong hindi na talaga siya komportable sa table.

"Ubusin mo na lang muna 'to, ah," sabi nito. "Tapos aalis na tayo."

Tumango rin siya at tinanggap na lahat ng sinusubo nito para matapos na at makaalis na sila.

***

Pagkatapos kumain, dumiretso na agad sila ni Pierre sa kotse nito. Ihahatid na muna siya nito pauwi bago pumasok sa klase nito mamayang hapon.

Hindi na siya nito pinayagang manood ng basketball practice mamaya eh. 'Wag na lang daw. Magpahinga na lang daw siya sa bahay para hindi siya mabinat.

"Pasensiya ka na kay Gio kanina," sabi ni Pierre sa kanya habang binubuhay nito ang makina ng sasakyan. "Gano'n lang talaga 'yung ungas na 'yon, malakas mang-trip. Malakas ding mang-babae 'yon kaya nga pino-protektahan kita. Baka matripan ka niya e. Mahirap na."

Ngumiti lang siya nang tipid. Hindi na kasi talaga uli maganda ang pakiramdam niya. "Okay lang."

"Sa susunod hindi na tayo sasabay kila Gio. Tayong dalawa na lang magsasama. Ayaw mo kasi sa kanila?"

"Hindi naman sa ayaw ko sa kanila. Hindi lang ako komportable."

"Halata nga. Sorry, sinama pa kita ro'n. Nalungkot ka na naman tuloy."

"'Di naman ako nalungkot, ano ka ba."

"Ramdam ko. 'Di bale, babawi na lang ako sa 'yo. Pasasayahin uli kita." Ngumiti ito sa kanya tapos pinaandar na ang kotse.

Nakalabas na sila ng parking lot ng university nang magsalita na naman si Pierre. "Fina."

Tiningnan niya ito.

Sinilip lang naman siya nito saglit tapos binalik agad ang tingin sa daan. Bumuntong hininga ito. "Ba't 'di na lang natin totohanin 'yung sinabi ko kay Gio kanina?"

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya. "A-anong sinabi?"

Inabot nito ang isa niyang kamay. Saktong nag-traffic kaya nagawa nitong tumingin nang matagal sa kanya. Iba ang dating ng mga mata nito ngayon.

"Ba't 'di na lang maging tayo, Fina? Liligawan kita. Seryoso ako."

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: Hello! Dito na 'yung part kung sa'n ko hiniatus/in-unpublish ang story before. This means ang mga next updates ay all new chapters and scenes na. Also, more or less 30 chapters lang itong MF. Salamat sa lahat ng mga nagbababasa mula pa no'ng sinimulan ko itong isulat in year 2013. Yup, gano'n na siya katagal, lol. Salamat ulit!

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
5.2M 135K 62
Can I be the missing piece, if he was damn broken?
66.8K 880 23
GRAB THE HARD COPY OF REACHING THE SKY PUBLISHED UNDER 8LETTERS BOOKSTORE AND PUBLISHING ♡ || There are things that people wanted to have but they ca...
1.3M 43.2K 34
Barkada Babies Series #6 There are two things that Vera Rae Fortez loves: her family and food which led her to her dream - to become a pâtissiere. Sa...