Love Ride (LOVE TRILOGY #1)

By DrinoWang

2.1K 418 181

Freedom to love. 'Yan ang gusto ni Celine Angeline Roxas dahil halos araw-araw na lang yata siyang kinukulit... More

✭ LOVE RIDE ✭
✮ LOVE RIDE 01 ✮
✮ LOVE RIDE 02 ✮
✮ LOVE RIDE 03 ✮
✮ LOVE RIDE 04 ✮
✮ LOVE RIDE 05 ✮
✮ LOVE RIDE 06 ✮
✮ LOVE RIDE 07 ✮
✮ LOVE RIDE 08 ✮
✮ LOVE RIDE 09 ✮
✮ LOVE RIDE 10 ✮
✮ LOVE RIDE 12 ✮
✮ LOVE RIDE 13 ✮
✮ LOVE RIDE 14 ✮
✮ LOVE RIDE 15 ✮
✮ LOVE RIDE 16 ✮
✮ LOVE RIDE 17 ✮
✮ LOVE RIDE 18 ✮
✮ LOVE RIDE 19 ✮
✮ LOVE RIDE 20 ✮
✮ LOVE RIDE 21 ✮
✮ LOVE RIDE 22 ✮
✮ LOVE RIDE 23 ✮
✮ LOVE RIDE 24 ✮
✮ LOVE RIDE 25 ✮
✮ LOVE RIDE 26 ✮
✮ LOVE RIDE 27 ✮
✮ LOVE RIDE 28 ✮
✮ LOVE RIDE 29 ✮
✮ LOVE RIDE 30 ✮
✮ LOVE RIDE 31 ✮
✮ LOVE RIDE 32 ✮
✮ LOVE RIDE 33 ✮
✮ LOVE RIDE 34 ✮
✮ LOVE RIDE 35 ✮
✮ LOVE RIDE 36 ✮
✮ LOVE RIDE 37 ✮
✮ LOVE RIDE 38✮
✮ LOVE RIDE 39 ✮
✮ LOVE RIDE 40 ✮
✮ LOVE RIDE ENDING ✮
✮ AUTHOR'S NOTE ✮

✮ LOVE RIDE 11 ✮

33 9 1
By DrinoWang


٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Our interaction ended with a smile, after niyang magpasalamat at bago siya pumasok sa kanila. Sinuklian ko rin naman 'yong ngiti niya. Napatigil pa ako sa harap ng bahay namin bago pumasok.

It was 4 PM that time kaya agad na akong pumasok sa bahay dahil medyo mainit pa. Napapangiti pa 'ko sa mga nangyari na agad din namang nawala. Bumungad sa 'kin ang nakangisi kong mama na parang alam niya na nakarating na 'ko.

Tuloy-tuloy na sana ako nang nagsalita pa siya. "Kumusta naman, sweetie? Have you enjoyed your day?"

"Ma, hindi naman everyday-kwentuhan- session at wala tayo sa hapag-kainan."

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina para kumuha ng baso. Sumunod naman si mama hanggang sa harap ng ref.

"Am I not allowed to ask you, sweetie? Mukhang nag-enjoy ka. I saw your smile."

"Nang-aasar ka lang, Ma, but you're actually right about that. Nag-enjoy ako, pero hindi ko alam na bawal pala mag-smile. Wow."

Dahan-dahan akong uminom.

"Sino'ng nagpangiti sa anak ko?"

"M-mama!"

Bigla akong nabilaukan. Agad naman siyang lumapit para hagurin 'yong likod ko. Narinig ko pa tawa niya.

Bigla kong naramdaman mayamaya kamay niya sa t-shirt na binili ni Mark.

"Ano 'yan? Sino nagbigay, sweetie?" N'ong hindi pa siya nakuntento, inilapit pa talaga 'yong mukha para tingnan nang maigi 'yong damit at para asarin lalo ako.

Lumayo naman agad.
"You didn't answer my question."

Napatingin tuloy ulit ako sa damit na 'yon.

"Binigay. Okay na, Ma?"

"Nino?"

"Mark," simpleng sagot ko at 'yon, nagsimula na naman siyang ngumisi na parang may ginawa akong masama.

"Damit lang, lalagyan mo ng meaning, Ma? Binili lang niya sa 'kin 'to, 'yon lang."

"You just explained. Bakit ka naman kasi ibibili?"

"Ma, sa itsura mo pa lang, may pinaparating ka na. Eh kasi nga sinamahan ko. 'Yon lang. Naiinis na 'ko sa 'yo."

"Mukha kang defensive, sweetie."

"Ewan ko sa 'yo, Ma. Pasok na 'ko."

Natawa ulit siya, kaya I took that chance para pumasok na sa kuwarto ko.

"Teka, sweetie. Pakitawag nga 'yang si Bryle sa kwarto niya. Sabihin mo kamo may ipapabuhat ako, buti na lang naalala ko 'yun."

Tumango na lang ako, saka nagpunta na sa harap ng kuwarto. Hindi na ako umangal para tapos na.

Magkatabi lang 'yong kwarto namin. Pagpasok mo sa bahay, ang mauuna ay 'yong kay Bryle. Dahan-dahan akong kumatok.

"Pasok."

Nakita kong nakadapa 'yong kapatid kong busy sa paglalaro at naka-earphones pa. Hindi ko alam kung anong tawag d'on sa nilalaro niya. Ni hindi nga siya bumangon kahit na alam naman niyang may tao na.

Tinanggal ko bigla 'yong earphones niya. Agad naman siyang napatingin sa 'kin sa gulat.

"Oh, ate? Bakit?"

"Si Mama, tawag ka."

"Bakit daw?"

"Ba't 'di ka na lang lumabas?"

"Para sabihin lang."

"Fine. May ipapabuhat daw, hindi ko alam kung ano."

After naman n'on, mabilis na siyang naglaho, hindi man lang naging conscious na nasa loob pa 'ko. Sinara pa nga niya 'yong pinto, kaya nagkaroon ako ng chance na mapagmasdan 'yong room niya.

Ang linis tingnan ng kuwarto. Ang simple lang, pero ang lakas ng dating. Hindi rin mukhang makalat, organized kasi kapatid ko sa mga gamit niya na kabaligtaran ko naman.

The room was painted with sky blue, which I find calming. Tapos may mga shelves na nakasabit. May iilang mga libro at frames.

Lumapit ako para mapagmasdan 'yong mga frames na nandoon. Ang una kong nakita, nandoon 'yong family picture namin na hindi ko na matandaan kung kailan pa 'yon. Tapos, meron din 'yong kaming tatlo lang, noong medyo jejemon pa 'ko n'on. Napatigil ang mga mata ko sa isa nang nakita ko 'yong picture na parang mga barkada niya yata 'yon.

Inilapit ko 'yong mukha ko at nanlaki mata ko.

Si kuyang naka-white!

Lima silang nasa picture na lalaki lahat. Nasa isang restaurant sila noong time na 'yon.

Hahawakan ko sana 'yong frame nang biglang bumukas 'yong pinto. Napatingin ako sa kapatid ko, habang siya, napatingin sa hawak ko.

"Single mga 'yan, ate."

"Pake ko?"

"Baka gusto mo pumili, ireto kita."

"Gago ka ba?"

Natawa siya at umupo na sa kama. Hawak ko pa rin 'yong frame. Lumapit naman ako sa kapatid ko. Napataas naman ang tingin nito.

"Bakit?"

"Sino 'to?" Turo ko kay kuyang naka-white.

"Ah, 'yan. Right choice, mabait 'yan," biglang sagot ba naman.

"Sira, hindi 'yang iniisip mo. Hindi gan'on. Sino nga 'yan?"

"Bakit muna?"

"Wala lang."

Ayoko namang sabihin, alam ko 'tong kapatid ko. Pareho sila ni mama. Gusto ko lang naman malaman name n'ong lalaking 'yon na ilang araw ko na ring hinahanap.

"Kiss muna?" Turo niya sa pisngi niya nang ilang beses at parang normal lang.

Tumaas ang kilay ko.

"Sabi na, eh. Na-miss ko lang, tagal na rin, eh."

That made me remember those days na sobrang close pa kami ng kapatid ko. Kini-kiss ko kasi dati pisngi niya madalas, everytime na matutulog na kami. Noong time na elementary pa lang ako.

And I know naman na wala namang kaso 'yong kiss na 'yon. Way 'yon to express your love to your sibling, but, since tumatanda na, hindi naman maiiwasan na ganoon mangyari.

"Para ka ring galit sa 'kin."

Napatingin ako sa kaniya. Nakalukot 'yong labi niya nang sabihin niya 'yon.

Para namang sira 'to, pero gwapo pa rin naman 'tong kapatid ko na 'to!

"Nakakainis ka kaya," mabilis ko namang sagot.

Ngumiti naman ang gago, kaya napangiti rin ako. Tapos, bigla siyang napatawa. Nang tingnan ko ulit, bigla niyang binawi 'yong tawa niya. Natatawa akong tumingin sa kaniya na nagpatawa ulit sa kaniya.

Akala siguro niya, aawayin ko. Napailing na lang ako at ipinakita sa kaniya frame.

"So sino nga 'to?"

"Sa isang condition muna."

"Meron talaga? Fine. Oo na. Ano naman?"

Nakita ko sa mga mata niya na parang nagdalawang-isip pa siya.

"Papatulong sana ako sa 'yo, ate, doon sa surprise na gagawin ko kay Eunice," nahihiyang sabi niya at yumuko pa talaga.

"Ah, 'yon lang pala. Sure, sabihan mo na lang ako kailan. Maaga, ah, nang maisingit ko pa sa sched ko. Huwag mong kalimutan."

Tumingala naman siya, nakangiting tumango. Tinuro ko ulit si kuyang naka-white kasi parang na-overwhelm pa talaga sa naging usapan namin.

"Dexter."

Napatango ako. Dexter pala ang name.

"Paano kayo nagkakilala?"

"Interested? Goods 'yan."

"Hindi kita tutulungan, sige."

Natawa na lang kaming pareho.

After sabihin ni Bryle kung paano sila nagkakilala, lumabas na ako sa room niya. Ang sabi ng kapatid ko, nagkakilala raw silang dalawa dahil sa game. Hindi ko na tinanong in detail ang kasuluk-sulukan kung paano nag-start friendship nila, basta ang mahalaga, nalaman ko 'yong name niya.

"Tara na, 'di daw muna sasabay si Mark," sabi ni kuya Ben, ang driver sa service namin, kaya bumagsak 'yong ngiti ko.

Tahimik akong naglakad papunta ng terminal nang ibaba na kami. Isinukbit ko 'yong earphones at tumabi sa gilid. Ba't kasi 'di sumabay? Dahil ba 'yon sa sinabi ko?

Wait nga lang. Bakit ko naman iniisip 'to?

Nadatnan kong may kaaalis lang na jeep, medyo mahaba na rin 'yong pila that time. Isang mahabang jeep na naman 'yong napuno, bago ako nakasakay talaga.

Naupo ako malapit sa babaan. Saglit kong kinuha 'yong phone ko para palitan 'yong kantang pinapakinggan. Pagkaangat ko ng tingin, humigpit 'yong pagkakahawak ko sa phone ko.

Nasa harap ko si kuyang naka-white?! Akalain mo nga naman?! Woy!

Pasimple akong tumingin sa kaniya, kinakabahan. Napansin kong may headphone na nakapalupot sa leeg niya, bumalik din naman sa mukha ang tingin.

Saglit namang humarang 'yong katawan n'ong kasasakay lang, pero nananitili pa rin tingin ko nang diretso.

Nang nawala na, pareho kaming nagulat nang nagkatinginan kami. Mata sa mata. Tumagilid pa nga 'yong ulo niya, ini-scan mukha ko.

"I know you. Ikaw 'yon, right?"

Tumingin-tingin pa 'ko sa katabi ko habang itinuturo ko sarili ko.

"Ako?" tanong ko. What a question. Wow, Celine!

Napangiti siya, tapos tumango-tango. Nahihiya akong napangiti, saka tumango rin.

Doon natapos 'yong usapan namin, bigla talaga akong nahiya. Inayos ko pa 'yong upo ko, iniwasang mapatingin ulit sa harap ko.

Noong napuno 'yong jeep, naging tahimik. Hindi niya 'ko kinausap.

Bakit naman hindi?! Hindi ako mukhang interesting?!

Nagkaroon lang ng another convo between us nang nakababa na ako.

Naglakad na kasi ako n'on tapos napahinto na lang nang narinig ko boses niya.

"Wait."

"Bakit?" Turo ko sa sarili ko, sa dibdib, unconsciously. Noong time na 'yon, nakaharap na ako.

Napansin naman niya kalutangan ko, kaya napangiti siya bago nagsalita.

"There's no one behind you kaya, yes, ikaw," sabi niya. "Dexter. Dexter Santos." Biglang lahad ng kamay niya na hindi ko naman agad natanggap. Medyo nagulat.

"Alam ko."

Kumunot ang noo nito. "Stalker?"

"Sira. Assuming lang?" Narinig kong tumawa siya. "Bryle," sabi ko.

Nakita kong lumapit 'yong hintuturo niya. "Ah, Bryle Roxas? Kaya pala familiar 'yung mukha mo."

"Eh? Nakita mo na 'ko?"

"Nope. Magkamukha kayo, eh. Tulad na lang ilong, ang tangos. 'Yong hugis ng mukha. Halos."

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Pinakatitigan niya kasi ako. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Ang dami ngang nagsasabi na magkamukhang-magkamukha kami ng kapatid ko. Boy version ko raw 'yong isang 'yon.

Akala ko pa naman, nakita niya na ako. Kapal ko naman para mag-assume.

"Celine," pagpapakilala ko na tinanggap din naman niya nang nakangiti.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad na conscious ako sa sarili ko. Magkapantay kasi kami, as in sabay na sabay maglakad, pero hindi nag-uusap.

"Pa'no, see you na lang?" sabi niya nang nakapasok na kami.

Napatango lang ako nang wala sa sarili. Noong napansin kong aalis na siya, biglang bumuka 'yong bibig ko.

"Wait."

"Hmm?"

"Ba't lagi kang naka-white?"

Tumagilid 'yong ulo niya na medyo naka-pout 'yong labi. Mannerism niya yata 'yon. Ang cute naman.

I couldn't blame him tho. Sa dami ba naman ng puwedeng itanong, ba't 'yon pa?

"Hindi ako nagjo-joke sa tanong ko. Seryoso 'yon," paglilinaw ko.

Dahan-dahan siyang napatango.
"Required sa course. Mechanical Engineering."

Napatango ako.

"See you rin, Dex."

Aalis na sana ako para unahan siya, pero napahinto rin nang nagsalita ulit siya.

"From CBS, right?"

"Yup."

Again, natapos na 'yong usapan namin doon. Noong mga oras na 'yon, naglalakad kami nang magkapantay na naman. Medyo mataas lang naman siya ng konti sa 'kin. Naamoy ko rin 'yong same na pabango niya.

"Pa'no, dito na talaga ako. Nice meeting you. See you around," sabi niya nang nakangiti at sumaludo pa talaga sa 'kin, bago niya isuot 'yong headphone niya.

"Sige," sabi ko na lang.

Naiwan akong tumitingin pa kung saan siya pumasok. Nakita ko pa ngang lumapit sa kaniya 'yong mga kasama niya at itinuro ako kaya humarap ulit siya na naging dahilan para magtama 'yong tingin namin.

Ngumiti siya, habang ako, agad na nag-iwas ng tingin at ipinagpatuloy ang paglalakad.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4K 432 22
Let's witness the story of Lynne Blythe Layugan, a girl who wait for he's man. Let's witness if the man of he's life is on the way.
3.7K 148 29
May isang dalaga na nagnga-ngalang Sashna Amore na mula sa may kayang pamilya,siya ay ipinagkasundo sa isang binata na si Fiel Martin na anak ng kaib...