My Genetically Modified Love

By GreenInked

1.1M 14.7K 1.6K

"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak... More

1:*Not Your Ordinary Day
2: The Baby Named Avie
3: Who's Your Daddy?
4: Going Back A Few Years Ago
5: Si Dave, Si Avie at Ako
6: Ako?!! Weh?! Di nga?!!
7: Ang Sabi Ko Sasama Lang Ako
8: Wanted: Perfect Wife
9: You, me and Avie
10: I Smell Bitterness In The Air
11: The Massage
12: Round Two! ding! ding! ding!
13: Teacher Michael
14: Zoo-per 'date'
15: Michael Vs. Dave
16: Walang Tulugan
17: Meet The Parents
18: Mangga, Santol at Bayabas
19: Having Avie
20: Happy 4th Birthday Avielle Marie!
21: Dancing Away With My Heart
22: The Birthday Gift
23: Si Mommy Kasi Eh!
24: Last Night Was.....
25: The Company Outing
26: When the Truth Catches Up
27: She Can't Know
28: The Playgirl in Action
29: The Great Pretender
30: The Day I Said Goodnight
32: Unresolved Issues
33: My Very Own Christian Grey
34: *My Very Own Christian Grey Part 2
35: Legalities
36: Angels Brought Me Here
37: Goodbye Dati naming Buhay
Goodbye Dati Naming Buhay
38: *The boy named 'Derek'
39: Surprise Surprise!
40: *Si Jayjay
41: Seducing My Husband
42: It's All About Trust
43: It's All About Trust Part 2
44: When The Road Runs Out
45: One Brown Envelope
46: Wag Kang Iiyak
47: *Project: Daddy's Back
48: Project: Daddy's Back 2
49: Back To Square One
50: Prince Charming
51: A Deal with Avie
52: Whether you like it or you like it
53: It Takes Two to Tango
54: Initiating Peace Talks
55: Bati na Tayo?
56: The Hot Wife Is Back Along w/ Everything Else
57: The Ghost of Ex-fling's Past
TheGhost of Ex-fling's Past Part 2
Triple Trouble
Mommy's Day
Daddy Wars
Define Crazy
Twists and Wrong turns
The Day The Love Died
The Day The Love Died 2
Kidnapped??
La Isla Dianna
La Isla Dianna Part 2
Epilogue

31: Si Deedee

15.6K 180 15
By GreenInked

[DIANNE'S POV]

"Ano?!! Buntis ka?!!" Malakas na sabi ni Andrew. Tinakpan ko yung bibig niya dahil baka may makarinig. Secret pa kasi kahit kay Avie. Dahil alam kong malalaman ni Dave the moment malaman ni Avie yung condition ko.

Nasa bahay kasi kami at nanonood ng TV si Avie sa room.

"Oo, according to the pregnancy test" nakangiting sabi ko. Happy ako dahil masaya naman kasi talaga ang feeling na may baby ka.

"Nakapagpa-check up ka na ba? May vitamins ka na?" worried si Andrew.

"Bukas palang, bukas kasi ng schedule ko, pwede bang sumama ka?" I asked him.

"Oo naman, basta ninong ako ah? Aren't you gonna tell the father? He deserves to know, kung ako yun magpapa-party ako" sabi ni Andrew.

"Hindi ko pa alam kung sasabihin ko pero oo naman ninong ka" nakangiti parin ako.

"Hindi ba nagtataka si Avie na wala si Dave? Two weeks na kayo ni Avie dito" he asked again.

"Ang alam naman ni Avie nasa ibang bansa si Dave. Saka ko na poproblemahin kapag nagtataka na si Avie." sabi ko. Wala parin kasi akong sure na sagot kapag nagtanong si Avie.

Sa ibang hospital ako magpapa-check up, malaking gulo kasi kapag sa Saint Andrews malamang maraming magtataka kung anong nangyari at sino ang daddy.

Palabas na kami ng garage, when I swear I saw someone na nagtago sa gilid ng poste. Baka naman hindi sa bahay ko yun. Baka sa kabila kaya hindi ko nalang pinansin.

Hindi ko teritoryo yung hospital kaya like other patients I have to wait for my turn. Grabe, ganito pala ng feeling ng mga patients ko kapag pasaway ako sa late na dating.

Tsk! Hahaha magpapakabait nako, promise.

Tinawag na ako, I stood up at pumunta na sa may door, nilingon ko si Andrew para sabihing sumama siya. Tumayo naman siya, nasa loob na ako at nagfi-fill up ng data form saka ako tumuloy sa loob.

Napalingon ako sa may pinto when I heard a familiar voice.

"Pre salamat ah! Jan ka muna" Tinulak ni Dave si Andrew palabas at sinara yung pinto. "Hello, sorry late ako" He rushed in at prenteng umupo sa upuan sa kabila ko ngiting ngiti naman siya. Nakakaasar.

Hindi ako makapag react ng maayos dahil kinakausap na ako ni Doc. She asked kung ano yung mga nararamdaman ko and sinagot ko naman. Hindi basta basta mededetermine kung meron nga dahil irregular ang period ko.

I have to pee, urine test yung una. I stood up at nagulat ako nung sumunod pala si Dave sakin sa bathroom ni Doc. "Hoy where do you think you're going?" saway ko sa kanya.

"Babantayan ka jan, baka kung mapano kayo ng baby ko" ngiting ngiti talaga ang kumag. Akala niya nakakatuwa siya.

"Do you think ipapahamak ko ang sarili kong anak?" inis na sabi ko.

"No, I just want you and the baby to be safe" I tried closing the door pero nakaharang yung paa niya sa pinto.

"Ano ba?" inis na sabi ko sa kanya.

"Don't close the door hindi ko kayo mababantayan" He held the door. "Ayan, ok na yan, mag weewee ka na" so I did. Matatagalan ako lalo kapag hindi ko tinolerate ang kakulitan niya.

Pinatest na ni Doc yun urine ko, positive.

Pinahiga na ako ni Doc and she began the ultrasound. At ayun, first time kong nakita ang baby ko. Ngiting ngiti naman si Dave lalo at hindi na binitwan yung kamay ko after akong alalayan. Hindi na ako naka-angal nung hinalikan ako ni Dave sa noo when the doctor told us the due date.

Ang kulit kulit ni Dave kay Doc. Tanong siya ng tanong about the pregnancy.

"Talagang hyper si daddy ah?" sabi ni Doc. "Dianne, ingat sa pagkilos, inomin ang pre-natal vitamins at magpahinga ng maayos, you need enough rest para sa baby, sige congratulations" kukunin ko sana yung reseta ni doc, pero agad yung inagaw ni Dave. He paid for the doctor's fee at sinama ako palabas.

Lumapit sakin si Andrew. "Dianne ano daw kamusta?" Tinulak ni Dave si Andrew.

"Tol wag mashadong malapit, baka may germs o virus ka, mainfect pa ang baby ko" sabi ni Dave.

"Ano bang problema mo?" Lumapit ako kay Andrew. "Halika na Andrew sunduin natin si Avie"

"Avie's not in the day care anymore, nasa bahay na, Dianne let's talk please?" sabi ni Dave. He held my arm.

"Ano pa bang gusto mo Dave? Panalo ka na" hinila ko yung arm ko.

"Dianne, please, pakinggan mo naman muna ako please?" sabi ni Dave.

"Pre, na-sstress lang si Dianne, masama para sa baby" sabi ni Andrew. Bumitaw si Dave at akala ko makaka-alis na kami ni Andrew. Pero may bigla akong naramdaman sa paa ko. Nakaluhod si Dave and nakakapit sa binti ko.

"Baby umuwi ka na please?" He's making a scene! My gosh! Nagtitinginan na yung mga tao sa hall.

"Dave ano ba?! Tumayo ka nga jan?!" para siyang bata, nakakainis.

"No, not until pumayag kang umuwi sa bahay natin" ayaw talaga niyang bumitaw kaya wala na akong choice.

"Sige na sasama na ako, just get up" saka siya biglang tumayo at kinuha kay Andrew yung bag ko.

"Sige pre, salamat" Ngiting ngiti nanaman si Dave. At eto nanaman ako, parang dejavu lang, diba nangyari na 'to?

Hostage naman ako ni Dave ngayon. Dati si Avie, ngayon yung tatay naman. Ang hilig nila akong hostagin?! Ano ba kasing meron sakin?

"Andrew I'm sorry, eto yung susi ng car ko, gamitin mo muna" hindi ko nai-abot kay Andrew yung susi dahil kinuha ni Dave.

"Ihahatid ka nalang ng driver ko" sabi ni Dave.

Napatingin lang ako kay Dave, hindi siya nagpapadrive dati, ano nanaman kayang nakain nito?

"Guys aalis na tayo" Sabi niya sa mga naka-barong na lalaking nakapalibot samin habang naglalakad kami palabas ng hospital.

"Since when did you need bodyguards?" I asked him.

"They're not mine" nakangiting sabi niya.

"Ha? E bakit tayo sinusundan?" Ano nanaman bang nangyayari?

"They're here to protect and watch you and of course the baby" sabi niya.

Six men were following us, grabe! May death threat bako?

"Ano nanaman bang pakulo 'to Dave ha?" saway ko sa kanya.

"Just a precaution" sabi niya at inalalayan akong sumakay ng malaking van ni Dave.

"Bakit ito ang dala mo?" I asked him.

"Kasi hinahatid ng sedan ko yung kasama mo" sabi ni Dave. I saw my car leading us. Waaah! Baka tadtarin ng bala yung Lexus ko mahal yan!

"Don't worry about your car, papalitan ko nalang kapag nagasgasan" he looked at the prescription. "Daan tayo ng mall" sabi niya sa driver.

"Yes sir" one guy used his radio to tell the guys in my car.

As soon as we got to the mall sa pharmacy kami dumirecho, bumili si Dave ng lahat ng vitamins ko, at siya narin ang nagbayad nung pinili kong ilang toiletries.

"Meron ka pa bang ibang gustong bilhin?" He asked me.

"Wala na, pwede bang umuwi nako? Pagod na ako ngayong araw na 'to eh" sabi ko.

"Sige uuwi na tayo" sabi niya saka ko ini-extend yung kamay ko sa kanya.

"What's that for?" he asked.

"I want my keys and my vitamins, uuwi na ako" sabi ko sa kanya.

"Uhmmm no, no, and no" sabi niya then he kissed my hand na naka-extend he held my hand. Naka-abang na samin yung van sa exit ng mall.

Tahimik lang ako sa loob ng van habang papunta sa bahay nila.

"Mommy!" Bati ni Avie at sinalubong ako. "Mommy may baby brother na po si baby?" she smiled at me.

"Yes baby, ikaw na si Ate Avie ngayon" sabi ko kay Avie and I hugged her. Nakakatuwa naman, may dalawa akong baby at the age of 27. Sabi na nga ba eh magpapa-aral na ako ng college next week.

"Hindi na po ako baby?" parang na-sad si Avie.

"Baby ka parin ni mommy, pero ikaw na si ate sa isa pang baby" sabi ko, mashado pang maaga para sa sibling rivalry.

"Talaga po?" She smiled na. "Mommy marami pong toys na ibibigay si baby kay Deedee."

"Deedee? Who's Deedee baby?" I asked her.

"Deedee po yung gusto ni baby na name para sa baby" sabi ni Avie.

"Baby bakit Deedee yung gusto mong name?" This is interesting, hindi ko pa kasi alam kung ano yung name na gusto ko sa baby. Hahaha pang little Ms. Philippines siguro yung sagot ni Avie.

"Kasi po Dianne starts with a 'D' tapos po David starts with another 'D' kaya po 'Deedee'" proud na paliwanag ni Avie.

"Ah ganun ba? Sige baby ko, we'll call the other baby 'DeeDee'. Ang galing galing mo naman baby." I kissed Avie's cheek.

I saw Sam come in, at tuloy tuloy lang siya papunta sa office ni Dave. Ang kapal ng fez! Nakakaloka! Hindi ako magpapadala sa galit ko. Ewan ko ba kay Dave, may balak pa yatang durugin ako kahit panalo na nga sila ng lintik niyang secretary.

"Baby halika na, punta tayo sa room mo." sabi ko at binuhat si Avie papunta sa room niya. Ayaw na ni Avie na kumalong sakin. Baka daw masaktan si Deedee kaya hindi kami sa rocking chair, story book nalang ang pampatulog niya.

Parang dini-drill ang dibdib ko sa sakit ng ideang magkasama sila ni Sam sa office niya. Mga lintek! Hindi na nahiya nagawa pang dito ako dalhin. Sabagay, props nga lang pala ako, at dala ko pa yung anak ni Dave. Kung tutuusin naman pwede akong lumayas dito. Kung hindi lang delikado para kay Deedee at hindi ko rin naman pwedeng iwan si Avie.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 29.4K 55
Kailee is a simple girl living on her own. Kailangan nyang rumaket at magdoble kayod sa pagtitinda ng kung anu-anong legal na paninda para mabuhay. ...
404K 6.7K 58
Totoo naman talaga ang kasabihan na, pag nagmahal ka kaakibat na nito ang sakit. Eh, paano kung kagaya ka ni Chandra? Nanggaling sa masaya at perpek...
699K 24.9K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...