MY SLUM-GIRL PRINCESS [Publis...

By agentofsmile

2.4M 25.2K 2.7K

Areeyah Mikaella Roxas Madrigal is the only daughter of a well-known Alberto Madrigal, one of Country's Senat... More

MY SLUM-GIRL PRINCESS
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Epilogue
ANNOUNCEMENY
My Slum Girl Princess' Special
My Slum Girl Princess' Special Chapter 2
My Slum Girl Princess' Special Chapter #3
My Slum Girl Princess' Special Chapter 4
My Slum Girl Princess' Special Chapter 5
Liham ng Nagpapaalam
GIFT FROM ABOVE

Chapter 22

25.7K 214 26
By agentofsmile

Chapter 22

Simula ng araw na naging magkaibigan sina Gino at Mikay, ngayon lang sila nagbyahe ng tahimik- walang imikan, walang nagsasalita sa kanila. She knows she's the reason behind's Gino's coldness. Hindi nya rin alam bakit ba nasabi nya yung mga salita na yun. Supposedly, it was just a joke, but when she saw Gino's face, she can feel it. It was love.

As what she can see, Gino has the courage to reveal a big secret and she got scared. Kaya nga bago pa ito magsalita, she broke off the momentum. Wala syang choice, hindi sya handa sa mga ganitong eksena, pero hindi rin sya handa sa consequence ng ginawa nya- Gino's coldness.

Dahil ngayon, tahimik lang si Gino habang nakasakay sila sa jeep. Tanging ingay lang ng paligid ang meron- ingay ng mga sasakyan, mga taong nag-uusap, mga at kung ano-ano pa. Pero walang Mikay-Gino na maririnig, na parang wala sila sa lugar nay un.

But she chose to break the silence na meron sila "Wow, ang sosyal naman ng jeep na 'to may TV" sabi ni Mikay. Hindi padin sya pinapansin ni Gino pero nakita nyang napatingin din ito sa maliit na TV sa sasakyan. Pero isang balita ang agad na nagpatahimik sa amin.

NEWS REPORT: Usap-usapan ngayon sa iba't ibang social media ang pagpasa ng COC nina Alberto Madrigal at Henry Alvarez. Kasabay nito ang pareho nilang pagharap sa kinasasangkutan patungkol sa kanilang bilang isang Ama.

Nakinig ng maigi si Mikay, kinakabahan sya sa mga pwede nyang marinig. Ganun pala ang pakiramdam na alam mong involve ka sa isang balita na halos milyon-milyong tao ang nanonood.

Reporter: Isang kilalang Senator ng bansa, mula sa isang kilalang pamilya, at nakaranas ng hindi basta bastang pangyayari sa pamilya, na kung saan ito ang naging dahilan ni Senator Alberto Madrigal na tuluyang maglingkod sa bayan. Ngayon ay kinakaharap ang batikos ng pagiging isang iresponsableng ama, kasama ng kanyang Vice President na isang kilala ring Mayor ng kilalang syudad, na ngayo'y nababalita na may anak daw sa labas.

Senator: I am not a perfect father and I can't say na may perfect relationship din ako with my daughter. Pero isa lang ang alam ko, and that is I am trying hard na mapaayos ang kalagayan ng anak ko. You can judge me as a Father, but please don't judge my daughter, she has gone through a lot.

Napangiti si Mikay sa sinabi ng Papa nya.

Reporter: Amin ding nakapanayam si Mayor Henry Alvarez, patungkol sa balita na may anak sya sa labas, agad naman nyang sinagot ang akusasyon.

Mayor: It's not true.

Alam ni Mikaella na mabuti ang hangarin ng Papa nya at ng Tito Henry nya sa bansa. Ganun nga siguro ang labanan pagdating sa pulitika, gagawa ang kaaway mo ng paraan mapabagsak ka lang- kahit pa gumawa sila ng kasinungalingan.

Napatingin sya kay Gino na ngayon ay walang emosyon na nakaharap sa kawalan. He seems so lost, hanggang ngayon ba dahil parin ito sa nangyari kanina? Nakaramdam ulit sya ng kalungkutan, ito na ata ang pinakamatagal na katahimikan ni Gino.

Nakarating sila hanggang sa bahay ng hindi parin sya pinapansin ni Gino. "Gino galit kaba?" tanong ni Mikay ng makapasok sila sa bahay. "Hindi." Agad na sagot nito. "Magpapahinga na ako." Dagdag nito bago pumasok sa kwarto at nagsara.

"Mikay, anong nangyari doon?" nagaalalang tanong ni Aling Belen "Hindi ko po alam..." malungkot na sabi ni Mikay.

Pumasok din sya sa kwarto nya; hindi nya alam kung anung mararamdaman nya; nakikita nya na magkakaayos na silang mag-ama pero si Gino, mukhang sila nanaman ang magkakaproblema.

*****

Hindi makatulog si Mikay dahil sa hindi parin sila naguusap ni Gino. Kanina when they had lunch, umalis si Gino kaya sila lang ni Aling Belen ang magkasama, tinanong nya pa ito bakit aalis, pero basta nalang itong umalis. Tinanong pa sya ni Aling Belen kung may nangyari ba, pero hindi rin nito alam ang isasagot.

"1:30 am na and I'm still awake" sabi nya sa sarili. Bumangon sya at lumabas ng kwarto, at nakita nya doon si Aling Belen naka upo sa kanilang maliit na sofa. "Nay Belen, bakit gising pa po kayo?"

"Si Gino di pa bumabalik eh, anong oras na ito." Nagaalalang sabi ni Aling Belen. Nag-isip din sya ng mga pwede nitong puntahan pero wala syang maisip bukod sa wala syang kilalang kaibigan nito. "Nay may alam ka ba na pwedeng punatahan ni Gino?"

Hindi umimik si Aling Belen; kasabay naman nito ang isang tawag sa cellphone "Si Gino tumatawag" agad na sinagot ni Aling Belen ang cellphone. "Anak nasaan ka na ba?"

Tanging si Aling Belen lang ang naririnig nya, bakas sa mukha nito ang pag-aalala sa anak. "Basta anak mag-iingat ka, at mahal na mahal ka ni Nanay." Sabi nito bago natapos ang usapan, kakausapin pa sana nito si Gino sa telepono pero tinapos na ni Aling Belen ang usapan.

"Nasaan daw po si Gino." Hindi maitatanggi ni MIkay na nagaalala sya kay Gino. Hinawakan ni Aling Belen ang kamay ni Mikay, "Hayaan muna natin sya, basta Mikay intindihin mo lang ang anak ko, yun ang kailangan nya."

*****

"Nay, wala parin po ba si Gino?" tanong ni Mikay kay Aling Belen. Maagang nagising si Mikay at si Gino agad ang hinanap nya, hindi nya nga alam kung paano sya nakatulog, basta ang alam nya, ngayong araw ay panibago nanamang araw.

"hindi pa.." sagot ni Aling Belen. Bakit parang alam ni Aling Belen kung anong nangyayari kay Gino. "Nay, ano bang sinabi nya kagabi?"

"Wag tayo mag-alala,." Sagot ni Aling Belen. "Alam ni Gino ang ginagawa nya, kaya Mikay halika na, kumain ka na at may pasok ka pa." sumunod naman si Mikay pero hindi parin sya mapakali knowing na wala si Gino. She felt guilty kahit hindi sya sigurado na it is because of her.

Bigla namang naring ang cellphone ni Aling Belen, "Oh anak ang Papa mo tumatawag, ikaw na sumagot." Kinuha nya ang cell phone at sinago ito.

"Goodmorning Pa.." bati nito.

"Are you okay? Bakit parang malungkot ka" nagulat sya at napansin pa ito ng Papa nya kahit na sa phone lang sila naguusap.

"I'm fine Pa, medyo antok pa eh..." palusot nya.

"Mikay is really far different from Mikaella," komento ng Papa nya. "This week would be your last week?" hindi nakasagot si Mikay. Last week? Ibig sabihin aalis na sya sa Masantol? Bigla syang nakaramdam ng lungkot.

"Anyway, I called you para sabihin na aalis ako papuntang Malaysia, may kailangan lang akong ayusin doon."

"Ingat Pa, don't forget my pasalubong" yun nalang ang sinabi nya, pero deep inside hindi mawala sa isip nya na malapit na syang umalis.

*****

Ilang oras na ang lumipas, at pinilit ni Mikay na hindi mag-alala kay Gino, pero kahit anong gawin nya hindi mawala-wala ang pag-aalala nya. "Ano ka ba naman Kaella.." bulong nya sa sarili. "Si Aling Belen nga relax lang, pero ikaw.."

"Oh bakit kausap mo sarili mo dyan?" nagulat nalamang si Mikay sa biglang nagsalita, si Kuya Joma. "Okay ka lang ba?" tanong pa nito.

"Okay lang po ako.." nahihiyang sabi ni MIkay. "Magkaaway kayo ni Gino no?" nagulat si Mikay sa biglang tanong ni Kuya Joma. May alam ba ito sa nangyari? May sinabi bas a kanya si Gino? Nagkita ba sila? Ang daming nyang tanong.

"Paano mo nalaman Kuya Joma?"

Napailing si Kuya Joma habang nakangiti "Alam mo Mikay, hindi man ako kasing gwapo ni Piolo Pascual pero naranasan ko rin ma-inlove, ganyan na ganyan ako kapag nagkakatampuhan kami ng mahal ko."

Na-disappoint si Mikay dahil wala rin palang alam si Kuya Joma about what is happening right now kay Gino. "Hindi naman talaga kami nag-away, hindi ko rin alam eh... basta suddenly he became cold and silent."

"May nasabi ka ba?" agad na pumasok sa isip nya yung nangyari, pero mas pinili nyang itago nalang it okay Kuya Joma. "Wala naman eh.. teka Kuya Joma, may alam ka ba na pinupuntahan ni Gino kapag masama loob nya?"

Napaisip naman si Kuya JOma, "Parang wala eh, malihim kasi na tao yan si Gino. Bakit, di ba sya umuwi?" malungkot na tumango si Mikay, she's desperate, paano ba nya makakausap si Gino.

*****

Nang matapos ang oras ng trabaho ni Mikay, agad naman syang umuwi. Habang naglalakad sya, hindi nya maiwasang malungkot, sanay na kasi sya na si Gino ang ksabay na umuwi. Malapit na mag 24hours ang hindi nila pag-uusap ni Gino.

Ilang oras palang yun pero namimiss na nya yung kulitan at asaran nila ni Gino. But in all honesty, hindi nya rin alam kung ano ba yung ibig sabihin ng ganitong pakiramdam, basta ang alam nya, malungkot sya sa coldness ni Gino.

"Oh, I'm sorry..." may isang lalaki ang nakabangga sya, "It's okay.." sagot naman nya, nung aalis na sana sya ng biglang magtanong ito. "Mikaella Madrigal?" nagulat sya sa tanong nito, pero mas nagulat sya nang makilala kung sino ito. Isa itong kilalang news reporter ng kilalang station; dahil sa sobrang kaba, umiling lang sya bago naglakad palayo.

en theB_@

For more info you can reach me through the following account:

Twitter: @agentofsmile

Facebook: agentofsmile@gmail.com

Instagram: @agentofsmile

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 67.8K 75
NOTE: The King's trilogy is still unpolished. Please forgive me for being too lazy to edit this work of mine and please accept my gratitude for readi...
1.2K 278 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
501 222 56
pagmamahal na nangunguna palagi ang banggaan
2.7M 34.3K 55
[Daddy? Series 2] I was haunted by these DREAMS, despised by DESTINY, but there's one question that is stuck in my mind... Will it still be YOU?