My Genetically Modified Love

By GreenInked

1.1M 14.7K 1.6K

"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak... More

1:*Not Your Ordinary Day
2: The Baby Named Avie
3: Who's Your Daddy?
4: Going Back A Few Years Ago
5: Si Dave, Si Avie at Ako
6: Ako?!! Weh?! Di nga?!!
7: Ang Sabi Ko Sasama Lang Ako
8: Wanted: Perfect Wife
9: You, me and Avie
10: I Smell Bitterness In The Air
11: The Massage
12: Round Two! ding! ding! ding!
13: Teacher Michael
14: Zoo-per 'date'
15: Michael Vs. Dave
16: Walang Tulugan
17: Meet The Parents
18: Mangga, Santol at Bayabas
19: Having Avie
20: Happy 4th Birthday Avielle Marie!
21: Dancing Away With My Heart
22: The Birthday Gift
23: Si Mommy Kasi Eh!
24: Last Night Was.....
25: The Company Outing
26: When the Truth Catches Up
27: She Can't Know
28: The Playgirl in Action
30: The Day I Said Goodnight
31: Si Deedee
32: Unresolved Issues
33: My Very Own Christian Grey
34: *My Very Own Christian Grey Part 2
35: Legalities
36: Angels Brought Me Here
37: Goodbye Dati naming Buhay
Goodbye Dati Naming Buhay
38: *The boy named 'Derek'
39: Surprise Surprise!
40: *Si Jayjay
41: Seducing My Husband
42: It's All About Trust
43: It's All About Trust Part 2
44: When The Road Runs Out
45: One Brown Envelope
46: Wag Kang Iiyak
47: *Project: Daddy's Back
48: Project: Daddy's Back 2
49: Back To Square One
50: Prince Charming
51: A Deal with Avie
52: Whether you like it or you like it
53: It Takes Two to Tango
54: Initiating Peace Talks
55: Bati na Tayo?
56: The Hot Wife Is Back Along w/ Everything Else
57: The Ghost of Ex-fling's Past
TheGhost of Ex-fling's Past Part 2
Triple Trouble
Mommy's Day
Daddy Wars
Define Crazy
Twists and Wrong turns
The Day The Love Died
The Day The Love Died 2
Kidnapped??
La Isla Dianna
La Isla Dianna Part 2
Epilogue

29: The Great Pretender

15.3K 169 14
By GreenInked

[DIANNE'S POV]

Ang sakit sa ulo ng mga pangyayari. Pero bakit ganun?! Feeling ko may thrill sa ginagawa ko. Alam ko namang mali. Kasi may boyfriend ako kahit 65% lang at alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya.

Nagi-guilty ako pero at the same time may maliit na boses na nagsasabi saking ituloy ko lang dahil hindi naman niya malalaman. Tsk! What the H!

I'm a bad person. Aminado ako dun, hindi ko balak mag-malinis at magpaka-plastic.

Nasuklay ko ng kamay ko yung buhok ko. Nafu-frustrate ako, hindi naman ako ganito, hindi na ako tinatablan ng kunsensha kapag may pinagsasabay sabay ako. Baliw lang ano? Kasalanan naman nila eh, mapilit kasi, pinagbibigyan ko lang naman ang gusto nila.

Kasama ba si Dave sa mga pinagbibigyan ko? Ewan ko. Kung tutuusin naman kasi magulong usapan din lang kami. Basta-bastang agreement for each other's benefit. Nagkataong maganda at makakabuti para sa lahat na magkabalikan kami. Para kay Avie, para maging masaya siya. Doon lang naman umiikot ang lahat.

Imposible naman kasing magkabalikan pa kami ni Dave. Kung wala lang si Avie siguro hindi niya ako papansinin kahit naghihinalo ako sa paanan niya. Pero kahit ganun hindi ko naman dadamdamin, kasi alam ko namang ako ang may kasalanan kung bakit kami nasira noon.

Ngayon kaya? Shoot! Naisip ko nanaman yung kanina. Ok na ako sa set up namin, maganda na yung bond namin ni Avie, happy na ang mommy ko at smooth sailing na yung relationship ng parents namin ni Dave. In short everything's slowly falling into place.

Hahayaan ko bang masira yun? Honestly, ewan ko. Hindi nga kasi ako perpekto para masabing hindi ako magkakamali sa bawat kilos ko. Hay bahala na!

Dumaan muna ako sa bahay ko bago ako pumunta kina Dave. Amoy sigarilyo kasi ako dahil sa bar. Maliligo muna ako at magbibihis.

Nagiisip na ako ng magandang excuse habang nagddrive pauwi kina Dave. For sure galit na yon dahil hindi manlang ako nakapagsabi. Tawagan ko kaya? Wag na, gagalingan ko nalang yung palusot ko. Saka malaki na naman ako, kaya ko na ang sarili ko. Hahaha bata lang?

Parang kinakabahan ako. Kahit naman immune na ako at kaya kong bara-barahin si Dave kapag galit siya tinatamaan parin ako kapag siya na yung nag-litanya sakin.

Sagad to the bones naman kasi siya minsan kapag mainit na mainit ang ulo, baka bumulagta ako at makitang palutang lutang sa ilog Pasig o di kaya mahanap nalang ako sa damuhan.

Kaya dapat award winning ang acting ko para maniwala siya.

Bale ganito, kunyari galing ako sa house call. Tama!

Galing ako sa house call hahahaha Tutal pasyente ko naman talaga si Andrew.

Buo na yung excuse ko kaya naka-ngiti na ako sa guard ng subdivision nila Dave.

"Ma'am ginabi na po kayo ah" bati sakin nung guard na kilala ko na. Part kasi ng security procedure na buksan ang bintana para makita ng guards yung nasa loob. Bawal kasi talaga ang un-invited guests.

"Oo nga po eh, on call po kasi ako sa pasyente ko" I smiled at him. Hahaha on call?? Saan sa bar?? Hahahaha May talent talaga ako sa acting kasi feel na feel naman ni kuya guard. Sumaludo pa siya yung papasok na ako.

Buhay pa yung ilaw sa bahay nung nakarating ako. Actually ipinagbukas pa ako ng gate, so gising pa ang mga staff kahit 2 am na.

"Ma'am buti po dumating na kayo" hinihingal pa yung house boy na nagbukas ng gate. "Kanina pa po kasi galit si Sir, hinahanap po kayo, wala naman pong makapagsabi kung nasaan kayo dahil wala ni isa samin na nakakita na lumabas kayo" pagpapatuloy niya. Nako mukhang patay ako ah

I took a deep breath. Alam kong matinding galit ni Dave ang sasalubungin ko. Halata naman dahil kompleto ang lahat ng staff pagpasok sa bahay. Si Avie lang yung wala dahil tulog na and thank God hindi siya nagising dahil papagalitan ako ni Dave ng bonggang bongga. Damay damay ang lahat dahil sa kalokohan ko, grabe siguro ang intensity ng galit ni Dave.

Dahan dahan akong lumapit kay Dave na nanonood ng TV. Galing ako sa likod niya kaya hindi niya pa napapansin na palapit ako.

"D-Dave, I-" nauutal ako. May takot din naman ako kay Dave siyempre.

Lumingon siya. Kinabahan ako 2 am na para sa mahabang litanya ni Dave baka walang tulugan

"Baby!" Tumayo siya bigla at niyakap ako. Huh?! Akala ko ba galit? Napalingon ako sa staff. Pati sila nagulat din.

"Uhm hi??" Naguguluhan ako sa inaakto ni Dave, malayong malayo sa galit at mahabang session ng pagalit na iniintay ko.

"Baby saan ka galing? Nag-alala ako sayo" sabi niya. Concerned pa siya kahit lumamiyerda(gumala) lang ako.

"Ahm nag-attend ako ng house call baby eh" direchong sabi ko. The key to great lie is in the way you deliver it. "Nakakapagod nga baby eh, malayo kasi yung bahay na pinuntahan ko" sabi ko at minasahe pa kunyari yung shoulder ko para magmukhang napagod akong magdrive.

"Baby may masakit ba? Saan?" Nilayo niya ako at parang ini-examine kung nasaan yung masakit sakin. Teka?! Diba ako yung doctor? Baliktad na ba? Siya na ba yung doctor at ako yung engineer??

"Baby I'm fine, napagod lang ako from the long drive--- Ay wait!! Put me down!" Bigla akong binuhat ni Dave. "Hoy ano ba?! Nakakahiya!!! Dave!!!!" nakatingin kasi samin yung staff, kompleto pa naman sila dito.

"Shhh... tulog na si Avie" saway sakin ni Dave.

"Dave ibaba mo ako" hininaan ko lang yung boses ko.

"Mamaya kapag nasa bed ka na, relax lang baby, bawal ka ma-stress" sabi niya. Ang weird weird ng mga pangyayari nababaliw na ata ako.

"Ha? Samantalang dati naman tuwang tuwa ka kapag naiinis ako" This is so strange!

"Baby ayokong stressed ka, kung pwede nga dito ka nalang sa bahay, magpapagawa ako ng spa sa bahay para lang sayo" sabi ni Dave.

"Wag kang OA Dave ah" Spa? Dito? Gahaman ako pero that's just too much.

"Ayaw mo ng spa? Ano nalang baby?" Binaba niya ako sa bed at tumabi siya sakin.

"Wala, umayos ka nga Dave, anong nakain mo?" Nakakapagtaka talaga siya.

"Wala baby, gusto lang kitang i-spoil" sabi ni Dave. Huh? Nako! Hindi yan si Dave!

Tinapik tapik ko yung mukha niya.

"Bakit?" he asked.

"Baka kasi sinasapian ka, nako sabi na eh may multo sa bahay niyo" natatawang sabi ko.

"Baby, I just want you to get the best of everything" tinapik ko ulit siya.

"Bakit ba?" he asked again, hinawakan na niya yung kamay ko at inalis sa mukha niya.

"Anong nangyari sayo? Nawala lang ako saglit noong nasa resort tayo bigla ka nang nagkaganyan" Nakakapagtaka na talaga, ano bang nangyari sa kumag na 'to?

"Wala baby, lika na matulog nalang tayo, makakasama sa baby ang magpuyat" Huh?

"Makakasama sa baby?" I stared at him.

"I mean sayo, kasi ikaw ang baby ko" He kissed my forehead at kinumutan ako.

Naweweirdohan na ako kay Dave. Ganyan na siya dati pero ang weird niya talaga ngayon, parang may hindi siya sinasabi. But oh well, hahayaan ko na muna siya dahil mas trip ko nang matulog.

Parang pinagkaitan talaga ako ng tulog, pakiramdam ko naman kasi nung pag-gising ko mahapdi ang mga mata ko. Tinamad na tuloy akong pumasok. Pero ok lang naman, I called the office para sabihing hindi ako makakapasok. Masama kasi ang pakiramdam ko. Yung tipong mabigat ang katawan mo? Napagod lang siguro ako dahil nga bukod sa hospital shift at pakikipaglaro kay Avie nag-bar pa ako.

Buti nalang hindi ako uminom kung hindi masamang hang-over ang dumale sakin. Nalipasan pa naman ako ng gutom dahil hindi ako nakapagdinner additional factor pang puro juice ang laman ng sikmura ko kagabi. Wahahaha doctor pero toxic ang lifestyle.

Gusto kong bumangon pero ayaw ng katawan ko. Nauuhaw ako, gusto ko ng tubig, uutusan ko nalang si Dave, masunurin yun eh hahahaha

"Baby?" I called him tapos umusog ako palapit. Saka ko nadiscover na wala pala akong katabi, aba't gumaganti? hahaha

I got up, pero haggang upo lang sa bed. Mahapdi talaga ang mata ko dahil sa puyat.

Whoa! Teka! Bakit parang umuuga ang mundo?? Lumilindol ba? Saka ko naramdaman na umakyat ang fluids galing sa sikmura ko. I rushed to the bathroom at buti nalang umabot yung pag-suka ko. Ang hapdi sa sikmura at ang pait ng sinuka ko. Eeeeww hahahaha waley eh malamang suka nga diba? Alangan namang sweet.

Water lang mostly pero ang sakit talaga sa sikmura. I felt my stomach surge again, at ayun nag-round two yung pagflow ng suka ko. Eeeeeewww talga hahahaha hindi ba weird na nagbibigay ako ng sarili kong commentary sa pagsuka ko? Hahahaha

"Dianne! Baby are you ok?" O at isa pa 'tong weird. Nakita nang sumusuka ako tinatanong pa kung ok ako? Pasukahin ko kaya siya tapos siya ang pagshare-in ko ng feelings niya tungkol sa pagsuka???

Hindi ko na siya na-bara about that dahil bumanat nanaman yung sikmura ko. Waaah baka naman ma-dehydrate ako niyan. Naramdaman ko yung kamay ni Dave sa likod ko. Hahaha ano bang pwedeng itulong ng paghaplos sa likod ng taong sumusuka? Moral support?

Pinagprepare ako ni Dave ng mouthwash, o diba? At least alam niya yung gagawin, ang galing galing talaga ng baby ko. Alam niya kasing pagsuka ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng pinaka-ayaw ko sa mundong ibabaw. Hahaha hindi error yun, ayaw ko talagang sumusuka. Kadiri naman kasi.

I gargled three times to wash out the bitter taste. Slightly acidic pa nga dahil siguro sa wala ngang laman kagabi yung sikmura ko.

Nakabantay parin si Dave habang naghihilamos na ako at nagtoothbrush.

"Ikaw? Gusto mo ding brushin ko yung ngipin mo?" Nakatitig kasi siya kaya nacoconscious ako. Baka binibilang yung brush strokes ko.

"Hindi na baby tapos na kanina, masama pa ba yung pakiramdam mo? Dinalan kita ng food" sabi niya.

"Sige susunod nalang ako" lumabas na siya ng bathroom.

Palabas na ako ng bathroom pero I felt dizzy again. Kumapit lang ako sa sink at nagpahinga, humupa naman agad. Mas malala naman pala paglabas ko. Umiikot ang amoy danggit sa air-conditioned na room. Waaah! Ayaw ko ng amoy!!!!!!!!!!!

"Dave what the hell did you bring inside the room?!!!" pasigaw kong tanong kay Dave na nagse-set up ng pagkain.

"Champorado and danggit, diba faovorite mo 'to?" nakangiti pa ang kumag. Grrr!!

"Ilabas mo nga yan, ayaw ko ng amoy" saway ko sa kanya.

"Sorry boss, eto na ilalabas na" nagpapanic pa siya. Nahihilo ako sa amoy ng danggit na nagsi-circulate na sa air-con. Takte naman si Dave eh

I opened the windows, and the door para mawala, wala akong pakialam kahit pumasok yung warm air sa kwarto basta ayaw ko ng amoy ng walang kasalanang danggit. Kawawa naman yung danggit napagbuntunan lang ng inis.

Humiga ako sa bed dahil na-stress ako. Nahihilo nanaman ako, umuuga ang mundo. Bumalik na si Dave, he closed the windows and the door.

"Baby sorry na, may gusto ka bang kainin? Kailangan mong magbreakfast" he's worried.

"Mamaya nalang please, hilong hilo ako, wag kang makulit please?" I covered my eyes with my arm. Masama ang sapak ko ngayong araw na 'to

I felt him hold my hand saka tumabi siya sakin. "Baby you need to eat, mag-isip ka ng food na gusto mo, ipapaluto ko kagad."

"Dalan mo nalang ako ng crackers, hindi ako pwede sa oily food" sabi ko.

"Sige boss masusunod" Bumangon siya, wala pang 4 minutes nakabalik na siya at may dalang pack ng supreme flakes. "Eto na baby, ok na 'to?"

"Yes thank you, water--" naramdaman ko ang bottled water sa kamay ko. Wow ha ang bilis "Salamat".

"Baby parang kulang yata sa nutrition pag-crackers lang, teka lang ha magpapaluto ako ng lugaw" umalis nanaman siya. Late na ngayon yung lugaw, bilib nako kung meron siya agad tulad kanina. "Dadalhin nalang daw nila dito, nahihilo ka pa ba?" he asked.

Inalis ko yung arm kong nakacover sa mga mata ko. Feeling ko OK na, "Ok na naman, napuyat lang siguro ako at nalipasan ng gutom kagabi" sabi ko.

"Baby naman eh, dapat wag ganun, baka mapahamak ka niyan sa ginagawa mo eh" Saway ni Dave.

"I'll be fine, wala ka bang pasok ngayon? Bakit nandito ka pa?" Normally wala na kami sa bahay ng ganitong oras. Ako lang yung may trip umabsent, nakigaya naman siya.

"Nagdeclare ako ng sarili kong holiday eh" sabi niya ng nakangiti sakin. Lakas trip ah? Pero sabagay siya naman ang may ari ng companya kaya pwede niyang gawin kahit ano pang gusto niya.

"Ay ganun? Ikaw na mayaman, pabuhay naman nung TV." ginawa naman niya habang binubuksan ko yung pack ng crackers. Saka ko napansin na iba na yung damit ko. Kagabi nakatulog akong nakajeans at polo. Ngayon t-shirt na malaki sakin nalang.

"Binihisan na kita kagabi, hindi komportable yung damit mo eh." Sabi niya habang inaayos yung unan sa may head board. Inagaw ko naman yung pwesto hahahaha bully.

"Baby yung remote?" sabi ko. Inabot naman niya, inilipat ko yung channels para mag-scan ng magandang palabas. Nahagip ko yung Nick Jr.. "Si Avie?" lumingon ako kay Dave.

"Umalis na to Laguna, kasama yung parents mo, maaga silang umalis eh" sabi ni Dave.

"Ah ganun ba, tayong dalawa lang pala sa bahay" sabi ko. Nahagip ko namang pinapalabas ang game of thrones. Tsk! Kainis nasa gitna na ng episode kaya hindi ko narin maiintindihan kaya nilipat ko nalang.

"O bat mo nilipat? Akala ko ba paborito mo yun?" Napalingon ako kay Dave. Hindi niya yata naaalala na dahil sa palabas na yon kaya nagkaroon ng naudlot na episode.

"Wala akong sinasabing favorite ko yun, baka naman si Sam yung kasama mong nanood" sabi ko.

"Baby, there's nothing going on between me and Sam" He stared at me.

"Weh? Ang ganda ganda kaya ni Sam" sabi ko.

"Mas maganda ka naman kesa sa kanya baby" depensa ni Dave

"So you're implying she's almost as beautiful as me?! Akala ko ba ako lang maganda" hahaha pagti-tripan ko siya, niloloko niya ako eh.

"What?! Baby no, siyempre ikaw lang maganda" he smiled.

"Ayun, mabuti na yung malinaw, baby pakuha naman nung phone ko sa car ko, naiwan ko dun kagabi eh" tumayo agad si Dave para kunin. Wahaha utusan ko siya ngayon, hindi kasi siya pumasok.

He came back after a few minutes. "Baby wala naman dun yung phone mo eh"

"Weh? Di mo naman yata pinuntahan eh" pangaasar ko.

"Baby I did, wala talaga" seryoso si Dave, ibig sabihin waley talga yung Iphone ko. "Bibilhan nalang kita ng bago baby"

Tsk! Sayang naman yung phone ko. Pero saan ko ba naiwan? I checked the table before we left wala naman akong naiwan kaya kampante ako. Haaay, di bale na may bago naman akong phone courtesy of Dave. Bwahahaha

Continue Reading

You'll Also Like

130K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?
242K 6K 33
Angel With A Shotgun Series #1: Julianne, The Beautiful Cop Julianne is a cop. Yes, even it looks like a boyish-type of job, gustong-gusto niya ang a...
949K 13.7K 58
An Excerpt Shock siyang tumingin sakin habang hawak hawak ang pisngi niya na tinamaan ng sapak ko. I looked at him evenly in the eyes. Kung walang...
707K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...