The Numb Princess is a Gangst...

yongseolianne द्वारा

261K 3.8K 952

[ON GOING] Francheska Hyun Lee, is definitely not like any other high school girls, with the cold and express... अधिक

A BIG HUGE MASSIVE NOTE
Prologue
Introduction: The Story of her Past
Chapter Seven: The REAL Start
Chapter Eight: The Tutor
Chapter Nine: The Private Room
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Side Story: Nanay Linda's reason for leaving
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Side Story: A Happy Ending
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Side Story: Where we started
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
BASAHIN NYO PLEASE
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four

Chapter Six: The Realization

9.5K 244 22
yongseolianne द्वारा



PRINCE SHIN

I don't know how I manage to sleep every night, knowing what I have been waiting for years, is now within my reach.

There's so much I want to say.

"They've done a lot."

I looked at DJ, who's now doing some cleaning. Nasa isa kaming assignment ngayon at meron kaming kasalukuyang tatlong walang malay na lalaki sa isang apartment. We're on our second assignment for this week. After ng public announcement of our identity, napansin ko ang pag konti ng mga assignments na naibibigay sa amin and that wasn't the only thing that changed. Ilang assignments nadin kasi ang nagawa namin na may kinalaman sa underground.

These guys are a subject for an inside job. They were tampering some of our data, which explains the decrease of complains filed to us. (aka, our assignments) Hinaharangan nila ang ibang mga complains na naipapasa through our website. They must be good, lalo na at meron din silang matatas na rank sa underground.

"This is disappointing."

Napalingon kaming lahat kay Andrei na kasalukuyang nakatingin sa isang table na may nakapatong na computer screen.

"Look at these notes, aren't they familiar?"

May kinuha syang notepad na nasa tabi ng computer screen.

"Ginamit nila ang mga natutunan nila sa underground."

Lumapit sa kanya si Kyle para tignan ng maigi ang notepad.

"They also have a list of everyone's schedule, they made sure to keep it clean." said Kyle, while scanning the pages
"I'll call a back-up, i'm not going to put them all inside my own car."

Tumayo na si DJ habang inaalis ang gloves nya, nakatali na ang mga kamay ng tatlong lalaki. Mga member din sila ng underground and it bothered me quite a bit, because they were unsuspicious. Nakasama ko pa ang isa sa kanila sa isang training, he made me believe that he's passionate and loyal.

Pagkatapos ng pagpapalit namin ng founder, tumaas ang pagdami ng mga inside job. Hindi ito ang unang beses ngayong buwan na merong nahuling kumakalaban sa Organization.

They were all afraid before. Afraid to go against the underground.

To be punished
To die

Simula ng pumasok ako sa organization, meron ng Trial. But the new founder got rid of it. Hindi ako isa sa mga taong na sumasang ayon doon, I find it unreasonable.. yet effective. Fear can sometimes be so dominant.

Ngayon na wala na ang Trial, isa-isa na silang naglalabasan. Those cowards.

***

"I'm fckng tired." he dropped his whole body on one of our couch and didn't bother to greet Mr.Yang.

I don't blame him though, he did all the cleaning because he lose a bet with Kyle. And it's almost midnight, malayo yung pinanggalingan namin na warehouse dito sa headquarters.

While Mr Yang, is one of the department heads. Nandito na sya bago pa man magsimula ang paglaki ng organization.

"Mukhang napagod kayo." bati nya

Hindi makikita sa tindig nya ang edad nya.

"Not really, Mr.Yang." si Andrei ang sumagot sa kumento nya

He also gave his right hand for a hand shake, it's not often that we bumped into him. Isa sya sa pinaka busy na tao dito sa headquarter. He's an important person too, cause he works directly sa bago naming founder.

"I apologize if this organization is taking too much of your youthful time, I know that this must be hard for the four of you, balancing your time here and outside."

"Nothing to apologize Mr, we're just doing our job." I said

Tumango pareho si Andrei at Kyle para sumang ayon habang nakahiga padin sa couch si DJ. I doubt that he's really sleeping

"That's good to hear, I can tell how passionate you all are. Just like your parents."

That line again.

"Thank you, but could we know what brought you here?"

"Ah! Yes, sorry I got carried away."

Tumawa sya and of course, we did too.

"I'm here to relay the message of our Founder."

We all looked at each other, ito ang unang beses na nakatanggap kami ng kahit ano mula sa founder. Usually, hanggang sa heads lang bumababa ang mga mensahe nya at ang heads na ang magdedesisyon kung kailangan pa bang ipaalam sa bawat member.

Nilapitan ni Andrei si DJ para gisingin, agad naman nyang minulat ang mga mata at agad na tumayo, ng hindi nagtatanong. Gising nga sya.

"The founder wants to commend the four of you with all the achievements you've given to this organization." he said with so much sincerity, you'd thought the words are from him.

"And because of that he's given your team a time to rest, a free time to enjoy yourselves. A one month vacation leave, approved by the founder himself."

May kinuha syang papel na kanina pa nakalagay sa table.

"You could all use it anytime, just inform your head." sabi nya habang binibigay nya sa amin ang papel

Walang nagsalita sa amin, naguguluhan sa bago naming narinig.

"He's also looking forward to be working with the four of you."

Kahit na hindi ko pa nakikita ang bago naming founder, I could tell how different he is from the previous. He's much more—human and I don't hate it.

"We are also looking forward to his leadership. We'll be in his care."

We all bowed to Mr.Yang, he did the same to us.

"By the way, he's assigning your group to handle the cases on the restricted department."

I felt Kyle's gaze, the rest of us didn't moved. We showed no reaction.

"Class A confidential cases will be given to your group starting next month. Will that be okay?"

So that's the reason. Kaya sa mga nakaraan naming assignments, halos lahat confidential. Hinanda lang nila kami.

"Yes, of course. We'll report immediately the first day of next month."

Ngumiti lang sya at nagpasalamat bago tuluyang magpaaalam.

"Tell me I'm not the only one who felt like something was wrong?" said Kyle

"Something is really wrong. He's too trusting, how can he send us to the restricted department? Without testing us?

"Well, what do we expect? If we'll based on his new rules, mukhang hindi sya mahigpit. Right, Shin?"

They all looked at me.... Stared at me, waiting for an answer.

"The council will never approved it if they know he or she will be an incompetent leader. I'm guessing that he's probably someone who know us, personally or maybe someone who's related to our family— our parents, which is highly possible, they've been here ever since they were at our age."

Inalis na nila ang tingin nila sa akin, tumango si Kyle at mukhang napaisip naman si Andrei. DJ kept his stare at me.

"What" I asked him

"What are you planning to do with Cloud?" he said with a straight face

His question caught me off-guard. I had to pause before I could answer him.

"I'll give him the time that he needs. I'll just think of an alibi to excuse him from his absence"

Nakita ko na kung saan nagtatago si Cloud. Hindi sya lumayo sa apartment nya sa New York. Alam kong nagtatago sya, I just don't understand why even with me—he's also hiding from me. His reason must be serious—or too embarassing for him to say, I have no idea.

"What a troublesome dude—or not. This is the first that he did this, right?"
"No. Palagi syang nawawala pero he never cut any communication with me. So I still could contact him, the longest he dissapeared was one week. Nag bakasyon sya mag isa sa isang beach."
"At least we know he's safe. Maybe your right, let's just give him the time that he needs."

Umuwi na din kami agad pagkatapos namin makausap ang mga dapat kausapin, we just reported the things we saw. Since class D confidential ang assignment namin, kinailangan namin kuhain ang mga kahina hinalang bagay. Hindi dapat makita ng kahit na sinong ibang member na hindi kasama sa assignment ang mga ito, katulad ng notepad na nakuha namin.

"As you all know, tumataas ang bilang ng mga member na naglalakas loob ng kalabanin ang Organization. We have a list of members with suspicious activities, I believe that our department still need your team's help. Even though I heard that you'll be under the restricted department next month. Is that true?"
"Yes."
"Wow, then I'm sending my good luck to your team. But for now please be advise that you'll still work under our department and will be doing assignments of our cases."

After meeting with our current head. Naghiwalay na kaming apat, wala kaming schedule na activity para sa underground bukas kaya sigurado akong papasok kami sa school. I never liked going to school, but it might have change.

Francheska Hyun Lee.

Even in my busiest days, I still think of her. Altough I have to admit na nahihirapan akong intindihin kung anong dapat kong gawin. It's been a week simula ng kausapin ko sya at makumpirma na sya nga si Princess.

She didn't respond to my letter. I waited for her.

Hindi sya nagpakita.

I scrolled over my phone's screen, searched her name on IG but she still hadn't accepted my request.

Does she hate me?

But at the back of my mind, a hear a subtle voice.

No. She just simply don't care.

My heart sank and I suddenly feel tired. I'm not an overthinker and I usually do things without having to think twice, but my gut feeling tells me that I should be careful with her.

And I can't disagree with it.

Francheska Hyun

I'm being overly cautious with my action.

Dahil PE namin ngayon at hinila ako nila Kris para makisali sa paglalaro ng volleyball. I have to act like I'm frail and can't play. The latter is true, though. Hindi talaga ako marunong maglaro pero hindi ko alam kung kaya kong kontrolin ang lakas ng paghampas ko sa bola. Nung huli kong naalala, unang taon na din yun ng pag tre-training ko sa underground ng unang beses akong maglaro nun, I popped the ball. Nagulat lahat ng kalaro ko, kahit sila Kris. Ever since then, hindi na ako naglaro.

I have to hide my stregth, lalo na at may mga mata na pwedeng nagmamatyag sa akin.

"Cheska!!!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, at nakita ko si Kris na nakatingin sa akin na nag aalala, mabilis akong gumalaw.

Naiwasan ko yung bola na tatama sana sa akin, but I fail to control my speed. Some of the student who saw it, nakanganga dahil sa gulat. Nakatakip naman ang mga kamay ni Kris sa bibig nya, namumula sya. Habang nakatulala lang din sa akin si KC at Arcie.

"That was really fast." narinig kong sabi ng babae sa tabi ko

Nakatitig din sya sa akin. I have to pretend na nasaktan ang paa ko sa biglang pag iwas ko kaya nag excuse ako at pumunta sa bench, agad akong nilapitan ni Kris.

"oh.MY.gOsH!! That was soooo cool!! I can't—omg! I almost shout out of excitement!" sabi nya habang niyayakap ako ng mahigpit.

Naka ponytail ang buhok nya at naka PE short sya. Meron kasi kaming dalawang klase ng PE, short and pants. Obviously, pants ang suot ko. She looks bubblier than her usual kapag naka PE, hindi ko alam kung bakit.

"CHESKA!! Are you a secret ninja?!" salubong na sigaw sa akin ni Arcie

Natigilan kami ni Kris, pareho kaming natigilan.

"Alam mo kung hindi lang napaka out of this world yung ideya na pwede kang maging ninja, iisipin ko talaga na pwede. Kasi sobrang bilis mo kanina. Paano mo nagawa yun?" sabi naman ni KC

Naka ponytail din si KC at nakabraid naman si Arcie.

Kristel blinked thrice before she faked a laugh.

"HA-Ha-ha same! Akala ko nga biglang naging ninja si Cheska! Ha-ha"
"What's wrong with your laugh?" sita ni KC
"Ha? Wala. Tara groupie na nga lang!" sabi nya, maybe to change the topic

Nilabas ni Kris ang phone nya at agad na tinapat sa amin. Nakita ko agad na nag automatic pose silang tatlo. I just stared at her phone.

"Yay! We still look so fresh! Hihi post ko ha!?"
"Tag us"

Dumeretso kami sa CR ng matapos ang PE class. Nag palit lang kami ng school uniform. Inaayos ko yung kwelyo ko ng lumabas sa leeg ko yung kwintas na binigay ni mommy.

Sobrang saya nya ng makita nyang suot ko yun. I'm glad I found it, kahit na...

"AAAAAAAHHHHHHHHH!!!"

Napalingon kaming lahat sa isang cubicle.

"Kris?!" agad na tawag ni KC ng makilala nya yung boses na sumigaw.

"Okay ka lang!? Anong nangyari sayo?" sunod sunod nyang tanong habang nalapit kami sa cubicle

May mga ibang student din na nakikitingin sa nangyayari sa amin.

"OH MY GOSH!!"

Nanlalaki ang mga mata nya na lumabas ng cubicle, hindi pa ayos ang pagkaka butones ng mga uniform nya at di pa nya suot ang

"What? Why?!"

Bigla syang ngumiti ng pagkalaki laki habang tumingin sa akin.

"Knight Shin followed me!!!!"
"What?"
"Really?"

Napansin ko din ang kakaibang reaksyon ng ibang mga nakarinig, nagulat din sila at kasalukuyang tinititigan ang nga kaibigan ko.

"Yes! I can't believe as well! Pero sya talaga yun! Look! It's really him! His posts! Loooook!!" paulit ulit nyang sabi.

Pinapakita nya pa sa amin ang phone nya pero kunuha yun ni KC sa kamay nya dahil hindi namin makita ng maayos kakatalon nya.

"Oh gosh! Totoo ngaaa! Girl!! Your winning in life!!!!"

Nagtata-talon na din si KC. They're so naive. Tuwang tuwa na agad sila dahil dun, hindi man lang nila natanong sa mga sarili nila kung bakit bigla nalang silang—kung ano man yung ginawa nya.

"But wait—why did he follow you?"

Thank you, Arcie. Natigil sa pagtatalon yung dalawa tapos nagakatinginan bago sabay na tumingin sa akin.

That's creepy. Hindi ko gusto kapag ginagawa nila yun, yung sabay nilang pagtingin sa akin na parang may pinagkasunduan sila na di ko alam.

"Inggit ka noh?" sabi ni KC

Bakit naman ako—

"No! Bakit sya maiinggit eh nauna nga syang i-follow ni Knight—jsncnskms"

Pinigilan ko si Kris na matapos ang sasabihin nya, pinanlakihan ako ni KC ng mata nya.

"Finollow ka ni Knight Shin?!!"

Wth. Hindi nya lang basta sinabi halos isigaw nya na. Umiling ako. Lie. People are looking. I don't want anything to do with that guy.

"And she blocked him"

Nahuli na ng marealize ko na natanggal ko na pala ang kamay ko sa bibig ni Kris.

I need to disappear.

***

Hindi ko na kayang tiisin na marinig ang mga kaklase ko na pinag uusapan ako at pati na rin yung 1st Knight. Isang linggo na silang wala, at isang linggo nadin akong wala masyadong naririnig na tungkol sa kanila.

It was such a peaceful week.

Naglalakad ako mag isa sa track and field, walang masyadong student ang naka-kalat dahil class hour pa, pero dahil wala ang teacher namin at may pinapagawa lang na activity, nakalabas ako.

(A/N: high school students, wag gagayahin si Cheska unless willing bumagsak at mapatawag ang mga magulang)

Nakakalakad lang ako sa school kapag walang madaming tao, ayoko sa madaming tao. Lalo na dito sa loob ng campus, ayoko ng atensyon na binibigay nila.

"She's numb, right?"
"Ay oo! Sya yan"
"You heard about it? Yung pag follow ni Knight Shin sa kanya?"
"Whaaat? Totoo ba yan? Oh my gosh! Hindi ba close friends lang nya ang fina-follow nya?"

Pati dito—gaano ba kabilis kumalat ang mga—natigil ako sa biglang pag ihip ng hangin. Kasabay nun ang pagkalat ng amoy ng mint.

Chocolate Mint

"Hey"

Agad akong napalingon sa biglang boses na nagsalita sa likuran ko. Hindi ko napansin ang presensya nya kaya napaatras ako sa pagkabigla. Altough it may not show in my face.

Dumoble ang pagkabigla ko ng malaman ko kung sino ang nagsalita.

It's the 1st Knight. He's standing a meter away from me. My heart is beating so fast, probably because of his sudden appearance.

He's just looking at me.

"Francheska." he said my name like he's trying to memorize it.

Hindi parin nag nonormal ang puso ko kaya di ako sumagot, hindi ko din naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko talaga alam na makikita ko sya ngayon, dito. Kung alam ko lang, hindi ako bababa.

Bakit wala akong narinig na bumalik na sila.

"You didn't answer to my letter"

Now that I'm looking straight at him, I can see myself in him. Ganyan din ba kablangko ang mukha ko kapag kinakausap ko sila Kris.

"Or maybe you didn't see it?"

Humakbang sya papalapit sa akin, surprisingly, hindi ako umatras. Hindi ko din naramdaman yung urge na lumayo sa kanya.

"Princess.." sabi nya pagkahinto nya sa harapan ko.

Medyo nakatingala na ako sa kanya. My heart is beating so fast, so loud, hindi ko alam kung bakit—ayaw nyang tumahimik.

"You, remember me, right?" he said, almost like pleading

His eyes suddenly felt familiar, the way he's looking at me right now made me feel so transparent and—embarassed.

Napaatras ako ng marealize ko kung anong nangyayari, is this a trap—napalingon ako sa paligid.

Walang kahina-hinala. Mag isa lang sya?

"What's wrong?"

Napalingon ulit ako sa kanya, sa nag aalala nyang mukha. Why is he suddenly so close? Humakbang ako ng paatras, palayo sa kanya.

"Wala."

Nanahimik kaming pareho. Get out of here. Pero hindi na naman nakikinig ang katawan ko. Ang mga paa ko, kahit na ang isip ko. Ano ng gagawin ko—

"You don't remember me, do you?"

I didn't answer him but made a dumb decision to look at him—he has these hopeful eyes.

"Yes"

Hope. of what? Bakit ba—sya umaasa

"That's understandable, it's been ten years."

Again, I was dumb to look at him. Ngumiti sya bigla, at natigilan ako sa ngiti nya. I remember that.

I remember that smile.

Napatingin ako sa mga mata nya, meron akong hinahanap na hindi ko nakita. Hindi na umaabot sa mata nya ang ngiti nya.

"Walang nagbago sayo."

I can't stop looking at him. why

"You still have those beautiful eyes and cute nose."

He's smiling—smiling a lot. I have to remind myself na ito yung 1st Knight na kilala ng lahat.

So different.

Ikaw din

I want to say, but my lips won't move like any other parts of my body.

"Why did you change your name?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tinanong nya, nag flashback ulit sa akin ang itsura ni daddy sa beach ng araw na iyon.

Why did I change my name?

So I don't die

Wala akong balak sagutin ang tanong nya, he might not be a threat but he's still a member. Hindi nya pa alam sa ngayon, hindi ko na hihintayin na dumating ang panahon na malaman nya pa.

"Papasok na ako—"

Magpapaalam na sana ako ng bigla syang may nilabas sa bulsa nya.

"You used to give me these."

Natigilan ako ng makita ko yung mga bracelets na gawa sa beads, meron ding letters dun na nakalagay ang pangalan nya.

P R I N C E

"I wore it everyday, up until my 1st year of high school, when it can't fit to my wrist anymore. I didn't want to ruin it so I—"

"Bakit hindi mo pa itapon"

Hindi ako tumingin sa kanya, nanatili ang tingin ko sa hawak nya.

"Kung hindi mo na magagamit, itapon mo na"

Biglang nag appear sa isip ko ang mukha nya dati, ng binigay ko sa kanya yun. Why am I remembering everything, now?

Tinalikuran ko na sya dahil hindi na din sya nagsalita.

My body feels heavy.

***

"Cheska! Look at these! Ang bait talaga ng Knights!"

Hindi na ako tumigin sa kung anong tinuturo nila. Knights. Ilang beses ko pa ba kailangan marinig yun ngayong araw? Ngayong nag balik na naman sila, hindi na tumigil ang mga kaklase ko kakakwento ng tungkol sa kanila.

"I hear confidential na ang mga assignments na hinahawakan ng Knights"
"Ha? Bakit naman? Ibig sabihin ba hindi na natin malalaman kung may nagawa silang kabayanihan?"

Kabayanihan. Wth.

"Yeah! I heard super secret daw! Nalipat na kasi sila ng department."

Ang weird na makarinig ng information na tungkol sa underground, sa mga bibig ng mga kaklase ko. Before, everything about Underground is confidential.

Dismissal. Naghihintay ako sa parking lot ng makita kong dumaan ang kotse ng apat na Knights sa harapan ko. Mukhang nag mamadali sila.

Dumaan muna kami nila Kris sa isang restaurant para kumain, ice-celebrate nila ang unang project ni KC na magsisimula na next week at pati narin ang start ng practice ni Arcie para sa play na gagawin ng club nila.

"Paano yan? Starting next week baka mag isa ka na laging umuwi, unless willing to wait ka?" sabi ni Kris habang pareho kaming naghihintay sa dalawa na nag CR.

"Okay lang"
"Yie~ baka ma lonely ka? Sanay ka pa naman ng umuwi ng kasama kami."

Paano ko ba maipapaalala sa kanya na tatlong taon akong nauwi mag isa dahil sa underground.

"Anyway, meron akong napansin sa Underground."

Bigla nyang nilabas ang phone nya at nag punta sa notes nya. Tumingin ako sa paligid, Sana walang nakakalat na mamber dito.

"Alam mo ba na mas lumuwag ang regulations nila? Meron na rin silang vacation leaves."

Tinignan ko lang sya, hindi ko sineryoso ang nga sinasabi nya. It sound like a joke to me.

"Tapos nalaman ko din na tinanggal na nila yung—trial?"

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, hindi kapani-paniwala yung sinabi nya pero naniwala ako, dahil mga members lang ang nakakaalam tungkol sa trials.

"Saan mo nalaman yan"

She look pleased sa nakita nyang pagpansin ko sa sinabi nya.

"Secret" sabi nya, merong bungisngis sa labi nya

Pero tinitigan ko lang sya.

"...."
"...."

Hindi ko inalis ang tingin ko hangga't di nya ako sinasagot ng maayos.

"I have my own ways, okay? Nabasa ko lang online."

Hindi ako naniwala sa sinabi nya, para makumpira ang pagsisinungaling nya, nagtanong ako.

"Ano ang trial"

Tumingin sya sa akin na halatang nagulat sa sinabi ko.

"Ha?"
"Anong nabasa mo tungkol sa trial?"
"Inaaway mo ba ako?"

Tinitigan ko lang sya. Umiwas naman sya ng tingin, ilang segundo lang akong nakatingin sa kanya nung bumigay sya.

"Fine! Sige na, nagresearch lang naman kami, tungkol sa underground."

Research? 'kami', dinamay nya pa sila Arcie at KC?

"Anong ginawa nyo"
"We just asked few people na may alam tungkol sa—"
"Kristel, bakit mo ginawa yun"

She looked at me, terrified. She should be. Delikado yung ginawa nya, kung merong member na nakaalam na nagtatanong sila tungkol sa mga private information ng UO, pwede silang basta nalang damputin for investigation.

"W-why?" bakas na ang pag aalala sa mukha nya.

"Paano kung makakuha ka ng atensyon ng ibang member, pwede ka nilang kuhain for investi—"
"Okay lang! Lalo na kung ang atensyon ng Knights ang ng Knight Andrei ko ang makukuha ko, I'm willing—ack!"

Kinurot ko ang pisngi nya, really. Wala syang kaalam alam sa bigat ng problemang pwedeng mabigay ng Underground. She's taking it so lightly, I'm worried.

"Ouuuuch~ oo na! I'm wrong! Hindi ko na uulitin! Promise!" sabi nya habang hawak ang kamay ko na nakapisil sa pisngi nya
"Pati si Arcie at KC"
"Yes! Pati sila!!"

Binitawan ko na sya at agad naman nya hinaplos haplos ang pisngi nya.

"You're so mean! Gusto ko lang naman sabihin at ipaalam sa iyo na iba na ang Underground, and I don't have to be a member to know that! Nakikita ko sa news, manood ka kasi minsan" sinasabi nya yun habang humahaba ang nguso nya na parang batang napagalitan

Gusto kong sabihin na pwedeng hindi totoo lahat ng nasasabi sa balita. Sa laki ng impluwesya ng Underground, pwedeng pwede nilang manipulahin ang mga yun. Pero hindi ako nagsalita, dahil hindi parin ako makapag isip ng maaring maging dahilan kung bakit ginawa nila yun. Dati, ayaw nilang naririnig ang Underground sa kahit anong media source, ngayon, araw araw merong tungkol sa kanila.

Ng makabalik na sa table namin sila KC at Arcie, nanahimik na kami at kumain.

Ako lang pala ang nanahimik.

***

Nanaginip na naman ako, kaya kahit alas singko palang ng umaga. Mulat na ang mga mata ko at nakatitig na sa kisame ng bahay. May batang lalaki sa panaginip ko, tinatawag nya ang pangalan ko, paulit ulit, ng may ngiti sa mga labi nya.

Napahawak ako sa leeg ko ng maramdaman ko na may malamig na bagay ang dumikit sa balat ko. Suot ko yung kwintas, hindi ko pala natanggal.

Hindi na ako nakatulog ulit, kaya nagpanggap ako na nakapikit ng pumasok si Nanay sa kwarto. Wala na si mommy ng bumaba ako dahil may meeting na naman sya, nag commute ako papasok.

Maingay ang campus ng makapasok ako, as usual. Papadaan ako sa isang building ng makita ko ang pamilyar na apat na lalaki. Binilisan ko ang lakad at hindi na lumingon bago pa ako may makita.

Pero sinusundan nila ako. Binilisan ko ang pag akyat at paglalakad, hanggang sa makapasok ako sa room. Doon ko naalala na, tabi pala ang room namin.

Lumingon ako sa kanila, na kasalukuyang dumadaan na sa room. I caught him looking at me, at biglang nakita ko sa kanya yung batang lalaki sa panaginip ko.

Naupo ako.

It's him. Sya yung batang lalaki, sya yung kinalimutan ko. Sya yung hindi ko tuluyang makalimutan.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

132K 5.6K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
9.7M 293K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...