Chapter Seven: The REAL Start

10K 234 26
                                    


Francheska Hyun

"Is it just me or parang palagi na nating nakikita ang Knights? I mean, tatlong araw na silang kumakain sa cafeteria."

Kasalukuyan kaming gumagawa ng isang group activity, kagrupo ko sila Kris kasama pa ang dalawa naming classmate. Tapos na namin sagutan yung question na napunta sa amin kaya kung ano-ano nalang ang pinag uusapan nila.

"Hindi lang ikaw, kalahati na yata ng school yun ang pinag uusapan. We barely see them before pero nung mga nakaraang araw, parang—nag iba." kwento ng isa naming classmate
"But isn't that a good thing?" singit ni Arcie, naguguluhan ang itsura.

"Oo! Pero there must be a reason, right?"

Natigil sila sa sinabi ng isa pa naming classmate. Tapos sabay sabay silang tumingin sa akin. Tumingin lang din ako sa kanila.

Why are they looking at me?

"Hindi ba normal na nasa cafeteria sila?" tanong ni Arcie

"Medyo, ang alam ko kasi meron ng sariling kitchen or bar yung PR nila kaya di na sila pumupunta doon."

"And they don't really like to be in public that much."

Hinihiling ko na sana hindi dahil sa naiisip ko kung bakit parang lagi na namin silang nakikita dahil sa totoo lang, ayaw ko sya makita.

* * *

"Hindi ka bababa?" tanong ni Kris sa akin ng tumanggi akong sumama sa cafeteria.

Tumango ako at nilabas ang pinabaon ni Nanay Linda sa akin. Nag request akong baunan nya ako dahil ilang araw ng sa cafeteria kumakain ang Knights.

"Bakit?" naguguluhan na tanong ni KC

"Masyadong madaming tao sa cafeteria."

Totoo yun, dumami talaga ang bilang nga mga students na kumakain sa cafeteria. Binigyan ako ng kakaibang tingin ni Kris.

"Bibili nalang kami tapos aakyat nalang kami para samahan kang kumain." si Arcie

Umiling ako.

"Okay lang ako, kumain lang kayo"

Napansin ko na nalungkot sila pero hindi na ako pinilit. Nung makaalis na sila, ako nalang ang natira sa classroom, halos lahat kasi bumababa para kumain. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng may sumilip sa pintuan ng room.

"Hi!" bati ng isang boses.

Si Kean. He's looking shyly at me, parang natatakot na maistorbo ako sa pagkain. Tumango ako sa kanya.

"Sila Kris?"
"Cafeteria"

Tumango sya tapos medyo pumasok na sya sa room.

"Bakit mag isa ka?"
"May baon ako"
"Pwede mo naman kainin sa cafeteria y—ah sorry, kung medyo nangingialam ako." natawa sya na parang kinakabahan.

Umiling ako. Lagi nalang talaga syang humihingi ng sorry, tumango lang ako sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagkain ng may maalala ako.

The Numb Princess is a GangsterKde žijí příběhy. Začni objevovat