Side Story: A Happy Ending

2.9K 73 6
                                    


You will be missed, numb princess. Yun ang nakasulat sa isang tarpaulin na nasa building ng team namin na sumalubong sa akin pagkalabas ko sa katapat na building nito.

"What the hell" lumabas nalang sa bibig ko

"You liked it?"

Hindi ko alam kung seryoso ba yung tanong nya o nang aasar, tinignan ko yung mukha ng kasama ko at nakita ko na ngiting ngiti sya at mukhang proud sa kung anong nakikita nya.

Para silang namamaalam sa taong namatay na.

"Si Mr. Park pa ang nagsabi na magpagawa at ikabit yan, sa kanya rin yung pera na ginastos--What? Bakit nakatingin ka ng ganyan sa akin? Kakasabi ko lang diba? Hindi ko ideya yan." sabi nya ng makita nya na nakatingin ako sa kanya.

"Mukhang masaya ka sa nakita mo." sabi ko na naglakad na at binura sa isip ko kung ano man yung nakita ko.

"Masaya? Ewan. Hindi ko alam mararamdaman ko, gusto kitang asarin pero parang wala ako sa mood." sabi nya habang nakasunod sa akin.

Hindi ako sumagot at patuloy na naglakad at sumakay ng escalator. Papunta kami sa branch head namin na si Mr. Park, nasa training room daw namin sya.

"Alam mo, last day mo naman na kaya pwede magsalita ka na ng magsalita. Hindi mo na kailangan mag ingat ng sobra." sabi pa ng kasama ko

His name is Sky, it's his real name. His codename is Prince Charming, halos kasabay ko sya na pumasok dito sa underground. Sya ang kaisa isang naging training partner ko na hindi galit sa akin, kaya nung naging official member kami, sya ang ginawang official partner ko.

"Anong sasabihin ko"
"Anything! Pwede din yun reason mo bakit bigla kang tinopak at mag kwi-quit ka bigla."

Nilingon ko sya at tinignan nya ako na parang hinihintay ang sagot ko pero hindi ako nagsalita at binalik ang tingin ko sa harap.

"Wow, seen." narinig ko nalang na sabi nya

Bumaba na kami ng escalator at naglalakad na kami sa floor papunta sa training room.

"Okay fine, sige since alam ko na malihim ka talaga. Sabihin natin na confidential o masyadong personal yung reason mo. Okay, fine. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit, bakit biglaan? O baka naman plinano mo ito? Matagal mo na bang gustong umalis? Bakit ngayon mo lang sinabi kung kailan last day mo na?"

Ang daldal talaga nya, parang hindi lalaki. He reminds me so much of Kris, her boy version.

"So hindi ka magsasalita? Aalis ka talaga ng ganun lang?"

Tumigil ako nung nasa tapat na kami ng training room, hinarap ko sya. Since pareho kaming naka mask, mata lang ang nakikita nya sa akin at yung mata at labi lang naman ang nakikita ko sa kanya, his eyes are very distinct. Alam ko kapag nakita ko sya without his mask, makikilala ko sya. That's why as much as possible iniiwasan ko ang eye contact sa ibang tao lalo na kapag wala naman ako sa work field at nandito lang ako sa underground, I also wear contact lenses.

"Hindi na kita makikita after this or maybe makikita kita pero hindi kita makikilala but I doubt if we'll ever cross paths again. Malay ko ba kung bigla kang pumunta ng ibang bansa o malayong lugar since hindi ko naman alam ang rason ng biglaan mong pag alis."

Really, he just can't stop talking. Hindi padin ako makapaniwala na sya ang lagi kong kasama dito sa underground.

"Thank you for everything, ikaw ang pinaka magaling na partner." sabi ko nalang bago pumasok sa training room at iwan sya na nakatayo.

The Numb Princess is a GangsterWhere stories live. Discover now