Introduction: The Story of her Past

4.5K 116 25
                                    




Nung unang panahon bago pa ako mag exist, may dalawang gangster na nagmamahalan. Yung lalaki, anak ng dalawa sa pinaka tinitingala at ginagalang na gangster habang yung babae naman, isang ulila na lumaking kasama ang napaka loyal na kasambahay ng mga magulang nya. Maayos at masaya ang pagmamahalan nila, hanggang sa napag desisyunang umalis ng babae sa pagiging gangster nya. Ayon sa kanya, gusto nyang mabuhay ng tahimik at normal para sa magiging pamilya nya, hindi naman nag dalawang isip ang lalaki na sumunod sa kanya.

Kaso may problema, hindi alam ng babaeng ex gangster na evil ang mga magulang ng lalaking mahal nya. Ayaw nila na tumigil ang anak nila sa pagiging gangster dahil na rin sa sya ang nag iisa nilang anak na pwedeng magmana ng posisyon nila bilang mga tagapag pamuno ng mga gangster. Kaya naman naisip ng magkasintahan na tumakas at magtago, tatlong taon silang nagtago at sa pagtatago nila, nagkaroon sila ng anak, isang anak na babae.

Pero dalawang taong gulang palang ang anak nila ng matagpuan ulit sila ng mga tauhan ng evil parents ng lalaki at tuluyan silang pinaglayo. Nawalan ng kasama ang babae sa pagpapalaki sa anak nila, hanggang sa dumating ang isang lalaki na walang kasing buti. Step brother sya ng lalaking gangster at dahil sa utang na loob nya sa lalaking gangster, nangako sya na proprotektahan nya ang mag ina nito habang wala ang lalaking gangster sa piling ng kanyang mag ina.

Kaso hindi natigil ang kasamaan ng mga magulang ng lalaking gangster, dahil sa ginawa ng babae na pagtakas sa nag iisa nilang tagapagmana, hindi sila tumigil hangga't hindi nila nasisigurado na hindi nawawala sa landas nila ang babaeng gangster. Ilang beses na nagpapalit palit ng lugar na nililipatan ang babaeng gangster hanggang sa magtagal sila sa isang lugar. Namuhay sila ng anak nya ng tahimik kasama ang step brother ng lalaking minahal nya, tumayo ito bilang isang tatay sa anak niya dahil hindi na bumalik ang lalaking gangster sa kanila.

Ganun pa man, ng mga panahon na yun ang pinaka masayang mga araw para sa nag iisa nyang anak.

Pero masyado ata silang nagtagal sa iisang lugar. Natagpuan nalang nya isang araw, na wala ng buhay ang tumayong tatay sa anak nya. Habang umiiyak ang anak nya sa tabi nito, hinding hindi nila makakalimutan ang araw na iyon.

The Numb Princess is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon