Chapter Eight: The Tutor

9.8K 236 29
                                    

Francheska

Sinalubong ako ng tatlong nag pa-panic na babae. If I haven't been their friends for years, mag aalala ako sa nakikita ko pero sanay na ako kaya nilagpasan ko lang sila at naupo na sa seat ko. Sinundan nila ako at naupo sa paligid ko.

"KC is working with Knight DJ!!" biglang sabi ni Kris

I have to look at her para tignan kung seryoso ba sya o kinukuha lang ang atensyon ko. She look so hyped, ganun din si KC na mukhang proud sa sinabi ni Kris. Arcie is just as happy as they are. Mukhang totoo naman... at yun din ba ang dahilan kung bakit nagpapanic sila?

Dahil na naman sa isang Knights?

"Look at these pictures! Grabe, ibang level na ang friend natin."

Sa isang iglap may hawak na agad na cellphone si Kris na pinapakita nya sa akin.

"Sshh. Wag masyadong maingay baka malaman nila."
"Oh yeah, confidential pa pala ito kaya wag ka munang maingay." sabi sa akin ni Kris

Sino ba yung halos sumigaw habang pinapakita sa akin yung phone? Bakit ako ang sinasabihan nya—natigilan ako ng makita ko yung picture ng isang lalaking topless at isang denim pants lang ang suot, naka higa sya sa isang sofa at mukhang kunukuhaan ng litrato.

Nilipat ko ang tingin sa tatlo kong kaibigan. Mukhang tuwang tuwa sila sa nakikita.

"Alam mo ba na lahat ng nagiging partner ni Knight DJ sa mga projects nya ay nagiging successful sa modelling industry."

Ngumiti si Kris kay KC.

"This is such a huge opportunity for you!"
"I know, pakiramdam ko nga nanaginip lang ako sa lahat ng mga nangyayari sa akin. Alam mo ba na hindi ako nakapagsalita agad ng makita ko sya. We got introduced to  each.."

Nakatitig ako sa labas ng room, simula ng kausapin ako nung 1st Knight hindi na nawawala sa paligid ko ang mga bulungan nila tungkol sa amin. Nung isang araw, may narinig akong nag uusap na nakita nila kaming mag kasamang kumakain, which is true. Tumingin ako sa mga kaibigan ko na masyadong nakatutok sa pag uusap nila.

Mabuti nalang hindi yun nakaabot sa kanila, kasi kung hindi, kukulitin at aasarin na naman nila ako. Sa totoo lang, gusto ko na busy sila sa kanya kanya nilang ginagawa.

Isa pa, mukha naman silang nag e-enjoy.

"Oh my gosh! Speaking..."

Napalingon din ako ng makita ko ang mga kaklase ko na napatigil para lumingon sa labas ng room namin, kung saan may padaan na mga lalaki—yung Knights, sa hallway namin. They wearing our school uniform, like usual kaya hindi ko alam kung bakit kinikilig ang mga kaklase ko sa nakita nila.

"Si Knight Shin at si Numb—"

Narinig ko ang isang boses na bumubulong, malapit lang sa amin. Hindi ko hinarap ang mukha ko pero gumalaw ang mga mata ko para tignan kung saan yun nanggagaling. May isang babae na lumapit kay Kris.

"Ah, hindi ko sure—wala din naman ako sa lugar para sagutin yan." narinig kong sabi ni Kris bago mapalingon sa akin

Hindi ko narinig yung tinanong ng babae, pero sinagot yun ni Kris ng kalmado. Pagkaalis ng babae, napansin kong lalapit sana si Kris pero biglang dumating ang teacher namin kaya naupo sya ulit.

"Quizz??!?"

Nagreklamo agad ang mga kaklase ko sa sinabi ng teacher namin. Geometry ang class namin, kaya sigurado ako na sasakit ang ulo ko.

"Pass your papers."

Napatitig pa ako saglit sa papel ko na halos walang laman. Tumingin ako sa likod ko ng may mag abot sa akin ng papel nila, kinuha ko nalang yun at sinama ang papel ko na ipasa sa nasa harapan ko.

The Numb Princess is a GangsterWhere stories live. Discover now