Side Story: Nanay Linda's reason for leaving

4K 83 16
                                    

Nadine's P.O.V

Tumitingin ako ng pagkain sa refrigerator dahil wala pa si Nanay Linda, namili sya ng mga kulang na sangkap sa lulutuin nyang ulam namin, si Cheska naman nasa kwarto nya, dumeretso dun dala yung delivery box na nanggaling daw kay Kris, akala ko nga nanggaling sa manliligaw nya.

Wala pa kasi akong nakikilala na manliligaw nya, e maganda naman anak ko! Mana syempre, sa akin! pero kanina pa nga sya dun, simula ng iakyat nya yun mga 3 hours ago hindi na sya bumaba.

*Kringggg*

Huh? Telepono ba namin yun?

*Kringggg*

Ay oo nga! Halos madapa ako para masagot ko lang dahil iniisip ko baka isa yun sa mga client ko.

"Hello?"

"Franca, hindi muna ako makakauwi."

Kinabahan ako sa sinabi ni Nanay Linda, may kakaiba kasi sa tono ng pananalita nya na pakiramdam ko may hindi magandang dahilan kung bakit di sya makakauwi. Isa pa tinawag nya ako sa pangalan na yun

"Bakit? Nasaan ka ba ngayon? Okay ka lang, nay?"

"Maghahanap muna ako ng hotel na pwede kong tulugan pansamantala."

"Pero bakit hindi kayo makakauwi? Ano bang nangyayari?"

Narinig ko na huminga muna sya ng malalim bago sumagot ng..

"Ang Legends, isa sa mga miyembro nila ang nakita ko habang nasa kalagitnaan ako ng pamimili." Sagot nya.

Bigla akong nanlamig sa sinabi nya.

"N-nakita ka? A-anong ginawa sayo?"

"Hindi na nila ako kinausap dahil nagmadali na akong umalis, pero alam kong may mga tao nakasunod parin sa akin. Kaya hindi ako pwedeng dumeretso dyan, kailangan ko munang paniwalain na hindi kita kasama at wala akong kaugnayan sayo."

Nakatulala nalang ako habang pinapaliwanag yun ni Nanay Linda. Napatingin ako sa picture frame na nasa tabi lang ng telepono, si Cheska. Hindi pwede na matunton kami ng kahit na sinong miyembro ng Legends, ayakong bigyan ng magulong buhay ang anak ko.

"Nadine?"

Hangga't sa maari ayokong makaharap nya ulit ang taong sumira ng mga buhay namin, napasilip ako sa may bandang hagdan namin, baka kasi biglang bumaba si Cheska.

"Nadine, nandyan ka pa ba?"

"H-ha? Ah opo, pasensya, iniisip ko lang-"

"Si Cheska? Wag kang mag alala, hindi ko hahayaan na matuntun nila kung nasaan kayo."

Gumaan ang loob ko sa sinabi ni Nanay Linda. Buong buhay ko sya lang ang nakasama ko, sa hirap at ginhawa. Sya lang ang masasabi kong nabubuhay na tao dito sa mundo na kilala kung sino talaga ako at kung anong kwento ng buhay ko.

"Pasensya na Nanay, alam kong hindi nyo na dapat ito ginagawa, dapat nagpapahinga-"
"Nadine, kilala mo ako. Alam mong hindi ako mapapakali kung nasa bahay lang ako at nagpapahinga, mas gugustihin ko nalang na mamatay na prinoprotektahan kayo dahil ganun lang din ang itatakbo ng buhay ko dahil tumatanda na ako."

Si nanay Linda talaga, sya lang ang kaisa isang tao na hindi ako iniwan, sya ang nag iisa kong pamilya. Dahil sa kanya, nakalimutan ko ang pangungulila sa mga tunay kong mga magulang.

"Siguraduhin nyo lang na maayos ang lagay nyo, wag kang magdadalawang isip na tawagan kami. Mag iingat ka nanay, sigurado akong mami-miss ka ni Cheska."

"Mas lalo na ako, alagaan mo ang anak mo Nadine, ang daming bagay na nyang naranasan na hindi naman dapat."

"Alam ko, at kung pwede lang talaga baguhin lahat yun."

"Hindi mo na mababago yun, hindi mo na rin mabubura, pero maari mong tabunan ng magagandang alala ang lahat ng iyon. Kaya nga, gusto kong wag kang titigil na lambingin ang anak mo, intindihin mo kung bakit nagkakaganun sya."

"Hindi naman ako napapagod nay, hinding hindi rin ako titigil. Mahal na mahal mo si Cheska, hindi ako papayag na kukuhain nila sya sa akin, gaya ng pagkuha nila sa iba pang mahahalagang bagay sa akin."

"Tutulungan kita, pero sa ngayon. Kailangan ko munang magpaalam dahil marami pang nakapila dito sa payphone."

Eh?

"Bakit ka naka payphone? Nasan ang Phone mo?"

"Pinatay ko muna dahil baka mamaya meron pa silang tracker. Hindi ko man alam gamitin yun dahil hindi ko naman naabutan yun pero alam kong madami silang pwedeng malaman dahil dun."

Natawa nalang ako sa sobrang tapat nyang pag amin

"Mag iingat ka at maraming salamat, nay."

"Ikaw na ang bahala kay Cheska at nag mamakaawa ako, wag mo syang papakainin ng mga niluluto mo."

Napasimangot ako.

"Nag iimprove na ang cooking skills ko."

"Hindi mo ako maloloko, sige na. Bye Nadine."

"Bye nanay."

*Beep*

Napabuntong hininga nalang ako. Alam kong papalapit na ng papalapit yung kinakatakutan ko na araw, alam ko naman na hindi kami makakapagtago habang buhay. Pero ayoko pa sana ngayon, mga 10 years pa please? Gusto ko na na-enjoy na ni Cheska ang buhay nya at mature na sya para harapin ang lahat. Masyado pa syang bata para sa lahat.

AHHHHHHH! Pinagsisisihan ko na lahat ng pinag gagagawa ko nung bata palang ako! Bakit kasi nainlove pa ako dun sa kapreng yun! Sa espasol na yun! Sana hindi magkamali ang Cheska ko sa pamimili ng lalaki. Ayokong matulad sya sa akin, well, kahit na nabigyan nya ako ng magandang lahi na hindi naman nya kami napanindigan ng maayos. Tinalikuran nya kami para saan? Sa titulo nya. Umakyat na ako sa kwarto ko, dumeretso ako sa table na tabi lang ng kama ko. Binuksan ko yung naka lock na cabinet, kinuha ko yung ultra sound picture ng baby ko.

Yung kapatid sana ni Cheska, sana dalawa ang baby girl ko ngayon. Hindi ko napigilan na mapaluha habang bumabalik sa isipan ko yung gabing nangyari ang lahat. Nung sinabi nilang hindi nabuhay ang baby ko.

Pero pinunasan ko ang mga luha ko, hindi ako pwedeng maduwag ngayon. Hangga't sa maari, proprotektahan ko si Cheska... sa lahat ng bagay na posibleng manakit sa kanya. Sa ngayon, kailangan ko muna ding maitago sa kanya kung bakit hindi muna nya makikita si Nanay Linda.

The Numb Princess is a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon