BABYSITTING THE MAFIA'S KID

By VictoriaGie

480K 23.1K 6.1K

May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta... More

PROLOGUE 💋
CHAPTER 1 - KNOCK KNOCK
CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION
CHAPTER 3 - THE HIERARCHY
CHAPTER 4 - LOST TREASURE
CHAPTER 5 - FULLY LOADED
CHAPTER 6 - VINTAGIO MUSEUM
CHAPTER 7 - MEET AND GREET
CHAPTER 8 - MONEY DROP
CHAPTER 9 - GUNS AND STARES
CHAPTER 10 - STAY
CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER
CHAPTER 12 - A LITTLE WORRIED
CHAPTER 13 - ZOOLOGY
CHAPTER 14 - THE MASTER MIND
CHAPTER 15 - A FATHER'S LOVE
CHAPTER 16 - ORGANIZATION OF PEACEMAKER
CHAPTER 17 - BUSTED
CHAPTER 18 - AGREED
CHAPTER 19- CONTRACT AND CONDITIONS
CHAPTER 20 - THE WORLD HE BELONGS
CHAPTER 21 - WELCOME PHONE
CHAPTER 22 - KEEP LIVING
CHAPTER 23 - LUCID
CHAPTER 24 - BEAUTY IN BLACK
CHAPTER 25- JELOUS
CHAPTER 26 - UNDER THE GLASSES
CHAPTER 27- HYDRATED
CHAPTER 28- GALAXY IN HIS EYES
CHAPTER 29- SNEAK OUT
CHAPTER 30 - SEASON FINALE
SPECIAL CHAPTER - DYTHER ICEXEL QUIGLEY ELCANO
CHAPTER 31- SEASON 2
CHAPTER 32 - ABDUCTED
CHAPTER 33 - THE OFFER
CHAPTER 34 - ONCE AN ANGEL
CHAPTER 35 - HOME
CHAPTER 36 - VERNIX
CHAPTER 37 - PARTNERS IN CRIME
CHAPTER 38 - PROJECT EXTERMINATION
CHAPTER 39- THE TRIAL
CHAPTER 40 - RUMORS UNLEASHED
CHAPTER 41 - SOMEONE'S FRUSTRATED
CHAPTER 42 - LEAVE HER ALONE
CHAPTER 43 - ADIOS
CHAPTER 44 - DO THEY BELIEVE ?
CHAPTER 45 - HEADACHE
CHAPTER 45.2 - HEADACHE AGAIN
CHAPTER 46 - BROTHERS
CHAPTER 47 - RAIN HARD
CHAPTER 47.2 - STILL RAINING HARD
CHAPTER 48 - CONFRONTATION
CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION
CHAPTER 50 - CANDLE
CHAPTER 51 - STRANGE
CHAPTER 52 - MISUNDERSTANDINGS
CHAPTER 53 - BEHIND THE WHITE MASK
CHAPTER 54 - THE GLOOM THAT BLOOMS
CHAPTER 55 - BEFORE THE AUCTION
CHAPTER 56 - SIMPLE PLAN
SHORT CHAPTER - GALILEO ARTHFAEL MARCHESE
CHAPTER 57 - SMOKE
CHAPTER 58 - UNDER THE SHADOW
CHAPTER 59 - NIGHT BEFORE THE BOMB
CHAPTER 60 - FORMAL VISIT
CHAPTER 61 - BATTLE GROUND
CHAPTER 62 - COMMUNITY WAR II
CHAPTER 63 - OUT OF SIGHT
CHAPTER 64 - A PROMISE MADE TO BE BROKEN
CHAPTER 65 - HOMELESS
CHAPTER 67 - STABBED
CHAPTER 68 - WITH A KNIFE

CHAPTER 66 - ONCE A TRUCK DRIVER

2.3K 111 18
By VictoriaGie

Third Person's POV


This chapter happened 22 years ago...

Playing on the truck's radio : Eye of the Tiger

"Iyong asawa ko, malapit na manganak, kinausap ko na si bossing na a-absent muna ako sa trabaho."

Pinihit ni Peter ang manubela pakaliwa at marahang iniliko ang dina-drive na ten wheeler truck. Kasama niya sa shotgun sit ang katrabaho niya na si Antonyo.

"Sabihin mo sa akin kung hindi ka papayagan ni boss, itatakas kita." ani niya sa kasama sa pagpatuloy na pagd-drive.

Casual silang nag-uusap habang nakikisabay sa indayog ng tugtog sa radio. Malapit na sila sa kanilang destinasyon at malapit na din matapos ang kanta.

"Hiling ko e nawa magmana nang kakisigan ang anak ko sa akin."

Lalaki ang magiging anak ni Tonyo.

"Kawawa ang bata kung ganoon." komento ni Peter. Isang sapok sa braso ang ibinigay sa kaniya ng kaibigan. "Gusto mo bang mabangga tayo Tonyo? Nagsabi lamang ako ng totoo!"

Hindi makisig si Tonyo at ayaw nang paasahin pa ito ni Peter. Maganda naman ang asawa ni Tonyo e, inilalaban ito sa mga pagandahang patimpalak sa bayan, kung doon magmamana ang itsura ng anak ay baka nga maging gwapo ito.

"Mag-anak ka na din kasi Pedro para maipagkasundo natin mga anak natin."

Napa-iling si Peter. "Nobya nga wala ako, anak pa ba? Atsaka isa pa, paano kung lalaki maging anak ko? Paano natin sila ipagkakasundo?"

"Ano ka ba Pedro, madali lang 'yang problema mo." paninigurado ni Isko. "Mag-anak ka ng kambal, isang babae at isang lalaki. Mag-aanak din ako ng babae para naman may kapareha ang lalaki mong anak."

Ang futuristic naman ni Tonyo. Kung makapag salita pa ito e akala mo nakikita nito ang hinaharap.

"Alam mo Tonyo, kung ipagkakasundo natin ang mga anak natin, hindi na tayo aahon sa hirap. Dapat makapangasawa sila ng mga mayayaman. Iyong kayang ibigay sa kanila ang kahit anong gustuhin nila sa mundo."

Nagmaktol ang mukha ni Tonyo. "Dapat ay tayo ang yumaman. Hindi pwedeng habang buhay tayong pahinante ng truck." paglasap ni Tonyo sa katotohanan ng buhay nila. Sumang-ayon naman si Peter. "Paano nalang kung gusto pala mag piloto ng anak ko, hindi pwedeng eroplanong papel lang ang maibigay ko sa kaniya."


"Tama ka diyan." patapos na ang kanta sa radio. "Nararamdaman ko na magiging mukhang pera ang magiging anak ko kaya dapat magsumikap tayo." Ayan, be careful what you spit in your mouth Peter. Magkatotoo yan!

Ilang segundong tumahimik. Sumunod ang kantang 'Sweet Child o' Mine'. Sumasabay sa tila nagdadalawang isip na si Tonyo.

"Peter..." alangang tawag niya sa pangalan ng kaibigan.

"Oh?" focus ang tingin nito sa daan. Malapit na sila sa tulay e, medyo kikitid ang daan.

"May racket ako na alam, malaki kitaan doon, gusto mo bang subukan?"

Kumunot ang noo ni Peter at sumulyap ng mapaghinala kay Tonyo. "Hindi naman illegal 'yan? Baka mag-a-angkat ng droga sa port, pass ako diyan. Ayoko ng bumalik sa kulungan."

Mabilis naman na umiling si Tonyo. "Aba hindi ito ilegal!" nag ekis sign pa, halatang defensive masyado. "Pangako!" sabay bago sa promise sign ng kamay. "Pang bili lang naman ng gatas at diaper ng anak ko!"

Natawa si Peter sa pagd-drive.


"Ano bang raket 'yan?"


"Waiter..."


"Ha? Waiter?"

"Oo, waiter! Iyong nag se-serve ng mga pagkain." oo gets naman ni Peter 'yun. Ang hindi lang niya maintindihan e bakit 'yon?


"Oo alam ko kung ano ang waiter. Bakit 'yon? Ang layo naman yata sa pagiging truck driver."



"Ahhhh." nakuha din ni Tonyo ang point ng kaibigan. "Kulang daw sa tauhan iyong kakilala ko na may ari ng catering. Magse-serve lang naman iyon sa mga guest, madali lang iyon kaya pumayag ka na. Siya pang dagdag iyon sa pera na kaylangan mo para makapag-ibang bansa."




Sino ba naman si Peter para tanggihan ang offer ni Tonyo, lalo pa't limang libo daw ang bayad sa isang gabi na pagiging waiter. E noong panahon nila ang limang libo e sobrang laki na.


"Ika-limang anibersaryo ng kasal palang? Hindi ba masyado yatang garbo naman ang handaan?"

Sa isang private island gaganapin ang anniversary at sadyang yayamaning mga ferson daw ang imbitado.


"Mga Silvia iyon e, kilala mo naman ang pamilya na'yon, pagmamay-ari nila ang kalahati ng karagatan."


Ahhh, sa mga Silvia naman pala kasi. Hindi na nakakapag taka kung bakit ang laki ng bayad sa kanila kung sakali. Kilalang pamilya ito at talagang tinitingala ng karamihan.



Pumayag na din si Peter, sa totoo niyan e gusto din niyang makakita ng isang Silvia. Curious siya sa kung ano ang itsura ng mga ito, sobrang pribado kasi ng mga mukha nila na kaylangan pang i-blur sa telebisyon ang mga face kapag may interview na nagaganap. Halatang hindi pang public viewing ang estado ng mga ito.




Sa kalagitnaan ng pagbaybay nila sa tulay, maligayang maligaya na sinasabayan ng magkaibigan ang tugtog sa radyo. Chill lang ang nga ferson kahit nakakaburyong na ang trabaho nila. Ikaw ba naman araw araw na mag byahe, kung di ka magka-almoranas sa pwet kakaupo.




"Oi Tonyo, nakikita mo ba yung mag-iina na nakikita ko?" bahagyang bumagal ang pagmamaneho ni Peter ng mapansin ang isang babae at dalawa nitong anak na nakatayo sa gilid ng tulay. Mga edad lima at edad dalawa lamang ang mga anak na kasama nito. Isang babae at isang bunsong lalaki.



"Asan? Ahhh, iyon? Oo, bakit..." natigilan din si Tonyo ng mapansin ang mag-iina. "Peter, hindi naman siguro sila tatalon doon hanoh?" takhang tanong ni Tonyo. Parang ang dating kasi e magpapakamatay ang nanay doon sa tulay idadamay pa 'yung dalawa niyang anak.




Lalong bumagal ang pagmamaneho ni Peter. Parehas nilang inobserbahan ang galaw ng mag-iina.



"O-Oi-OIIII TATALON NGAAAAA! PETER IHINTO MO ANG TRUCK!!!!"



Nawindang ang mundo ng magkaibigan ng sumampa ang babae sa railings ng tulay yakap yakap ang batang lalaki na edad dalawa habang ang batang babae naman na mukhang nasa edad lima e walang muwang na ginaya ang babae.



Hindi na nga nila alam kung paanong park ang ginawa nila. Buti nalang at walang gaanong dumadaang sasakyan sa tulay kaya mabilis ang magkaibigan na tumawid at pinigilan ang masamang banta ng ina.



"TEKAAAA! HUWAG KANG TATALON!" sigaw ni Peter, hindi na din niya iniisip ang sinasabi niya e. "TONYO KUNIN MO IYONG BATANG BABAE! AKO NA BAHALA SA MAG-INA!"




"OI BATA HUWAG MONG GAYAHIN NANAY MO!!!!"



Tila wala nang naririnig ang babae, bingi na ito sa paligid. Iyong batang lalaki na yakap nito ay sumilip pa. Kumaway ito sa kanila at maligayang ngumiti na parang gustong makipaglaro.

Please lang sana maka-abot silang dalawa ni Tonyo bago tuluyang tumalon ang mga ferson!



Nang malapit na sila, mabilis at walang pag-aatubili na hinila ng magkaibigan ang mag-iina mula sa siguradong kamatayan.



Pareparehas silang bumagsak sa konkretong sahig.


"MISIS KUNG ANO MAN ANG PROBLEMA MO SA BUHAY HINDI SOLUSYON ANG MAGPAKAMATAY! IDADAMAYA MO PA MGA ANAK MO! ISIPIN MO NAMAN SANA SILA!!!" singhal ni Peter. Galit siya, sobra! Hindi niya malubos maisip kung hindi nila ito naabutan edi nakasaksi pa sila ng hindi ka-aya-ayang bagay.



Hindi sumagot ang babae. Nakayuko ito, nakasalampak sa sahig yakap pa din ng mahigpit ang anak na lalaki.



"T-tama!" mema ni Tonyo. "Ikaw naman bata, hindi lahat ng ginagawa ng nanay mo e gagayahin mo."


Umiyak ang batang babae. Naihilamos ng magkaibigan ang mga palad nila sa mukha. Bakit ba parang sila pa ang masama dito ngayon?


"Hayaan niyo na kami..." garalgal na bulong ng babae. "Pakiusap, hayaan niyo na kami ng mga anak ko..."


Nag-angat ng mukha ang babae...



Parehas na natigilan ang magkaibigan ng makita ng buo ang itsura nito. Naubo si Tonyo nang ma-alala na may asawa na siya at wala na siyang karapatan na magandahan pa sa ibang babae.

Si Peter naman ay tila tumigil ang mundo sa kaniya ng makita kung gaano kaganda ang babaeng iniligtas. Mukha itong pagod at sawang sawa na sa buhay pero ni hindi manlang nabawasan ang ganda nito.


Siniko ni Tonyo si Peter ng mapansin nito na natulala na ang kaibigan.

"Ahem--" pagbalik ni Peter sa wisho. "Kung ano man ang problema mo, hindi tama na tapusin mo lahat dito. Bata pa ang mga anak mo, huwag mong pangunahan ang mga magiging desisyon nila sa buhay."



Pinagmasdan ng ina ang mukha ng dalawa niyang anak. Doon na sunod sunod ang naging pagpatak ng luha nito. Ramdam at tagos sa puso ang hinagpis ng babae.


At habang nasa kalagitnaan ito ng pag-iyak, limang itim na kotse at isang itim na van ang huminto sa kanila. Bumaba dito ang mga lalaki na naka pormal na suit. Takang taka ang magkaibigan kung sino ang mga ito.


Naging mahigpit ang pagyakap ng babae sa mga anak niya ng lumapit sa kanila ang mga naka man-in-black.


Agad na pinalibutan ng mga ito ang mag-iina at iginaya papasok doon sa van.


"Teka, sino kayo?" pagpigil ni Peter.


Isang lalaki ang lumapit sa kanilang dalawa ni Tonyo. Halatang yayamanin ito sa itsura palang.


"Kayo ba ang nakakita sa mga mag-iina ko?" ahhh, ito ang asawa ng babae? Wala sa sarili na tumango ang dalawa. May dinukot mula sa suit ang lalaki, kumuha ito ng ballpen at pumirma sa dalawang... "Cheke, bahala na kayo kung magkano ang gusto ninyong ilagay. Pabuya para sa ginawa ninyo sa asawa ko."


Dahil gulat na gulat ang magkaibigan, tinanggap nalang nila ang cheke ng hindi manlang nag-iisip kung legit ba 'to o ano?



Naiwan silang dalawa sa gilid ng tulay. Sila tuloy ang nagpapahangin ngayon at ninanamnam ang papalubog na araw.



"Sino ba iyon? Ang yabang? Dinaan daan tayo sa cheke ah." wala sa sariling komento ni Tonyo.


Hindi sumagot si Peter. Wala siyang pake sa cheke, ang tumatakbo sa isip niya ngayon ay ang mag-iina. Siguradong hindi maiisipan ng mga ito ang tapusin ang buhay kung maayos ang nagiging trato sa kanila sa kung ano mang tahanan ang mayroon sila.



From that moment, hindi na napakali si Peter. Hindi na nawala sa isip niya ang mag-iina lalong lalo na ang nanay. There's something starting in his heart na nagsisimulang lumiyab.


Weeks have passed. Akala niya ay lilipas din ito. Ang akala niya ay makakalimutan din niya ang babae...pero nganga!


Lalo pang lumakas ang nararamdaman niya ng muling magtagpo ang landas nilang dalawa.




"Siya iyon Peter!" komento ni Tonyo ng ipakilala sa madla ang mag-asawa na tampok sa anniversary na pinag-se-servan nila as waiter. "Siya iyong babae sa tulay hindi ba?"




Kamuntik lang niyang mabitawan ang tray ng wine na hawak niya ng marealize na iyon nga ang babae. So isa itong Silvia. Iyong pamilya na hindi niya ma-a-arok ang kayamanan kahit habang buhay siyang magtrabaho bilang isang truck driver.


Buong gabi na nakamasid si Peter kay Veronica Silvia...miski ang pangalan at inalam niya talaga. Isa itong Silvia, dapat ay mamatay na ang apoy na nararamdaman niya sa puso pero imbis na humina ito, lalo lamang itong nagpuyos.

Lalo na tuwing nakikita niya ang mga pekeng ngiti ng babae.

Hindi niya alam kung para saang dahilan ba siya nakakaramdam ng ganito. Nalove at first sight ba siya sa babae o sadyang maka-tao lang siyang tunay kaya gusto niya itong tulungan para makalaya sa asawa nito na mukhang wala ngang matino na gagawin.




Dahil hindi na mapakali ang pwet ni Peter, humanap talaga siya ng tyempo para malapitan si Veronica. Sinakto niya na mag-isa ito. Siniguro din ni Peter na walang nakakita sa pagsunod niya sa babae.




Sa kwarto ng babae to be exact. Nagpanggap lang naman si Peter na tagalinis para makapasok siya ng walang sagabal.



"Sorry but I don't ask for a utility." komento nito ng makita ang pagpasok niya. Napakaganda talaga ni Veronica, nakaputing dress lamang ito at simpleng messy bun ng buhok pero tila isa itong dyosa na ibinaba sa lupa.


Bahagyang nagtaka naman ang babae ng hindi siya umalis bagkus ay nagtuloy pa sa paglapit.


"Excuse me? I said I don't ask for a utility---wait..." natigilan din ito ng mukhang makilala ang mukha niya. "Ikaw 'yung---"



Tuluyan ng nakalapit si Peter kay Veronica. "Ako nga..."


Takhang taka si Veronica nang matitigan nito ang mukha niya. "How--what are you doing here?" pinanlakihan siya ng mata nito at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan para ilock. "You don't know what consequences you're making..."

Tumaas naman ang gilid ng labi ni Peter. "Bakit mo in-lock ang pinto?" isang ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki.


"Because you shouldn't be here. Paano kung may biglang pumasok at makita ka dito?" napasandal ng madiin si Veronica sa pintuan na tila ba pinoprotektahan ito kung sakali man na may biglang kumatok mula sa labas.


Mapanlokong ngiti ang ibinigay nito sa babae habang naglalakad papalapit.


"Oh come on, don't make any move!" pagmamaka-awa ni Veronica pero tila bingi naman si Peter. Mabilis itong nakarating sa pwesto ng babae.


"Hindi ba dapat..." bumaba ang tingin ni Peter sa labi ng babae. "...pinaalis mo na agad ako imbis na ilock ang pinto?"


Umawang ang labi ng babae ng marealize niya ang mga actions na ginawa. Oo nga noh? Mabilis ang mga sunod sunod na pagsisisi sa utak niya. Bakit ba hindi niya nalang pina-alis ang lalaki at talagang ini-lock pa niya ang pinto na tila ba ayaw niya itong paalisin.



"B-bakit ka nga nandito? Anong kaylangan mo sa akin?" paninindigan ng babae.


Banayad na hinaplos ni Peter ang buhok nito na nagdala ng milyong boltahe sa sistema ng babae.

"Hindi ka manlang nagpasalamat noong iniligtas kita sa tulay." ang criingggeeee! Charot.


Hindi umalma si Veronica sa ginagawa ni Peter sa buhok niya, tila bet na bet pa nga ng bruha. Hoy ano 'yan ha! Sinasabi ko sa inyo diyan nagsisimula ang lahat e! Mga haliparot, tigilan niyo 'yan bago kayo makabuo ng isang Ashari na mukhang pera at isang Ryder na sad boi!



"S-salamat..." lumipat sa pisngi ng babae ang mga kamay ni Peter. Ayan na nga ba e!!!! "Thank you for saving us, I realized that my kids deserve more rather than dying."

"Ano pangalan ng mga anak mo?" malambing na tanong ni Peter habang ang mga kamay nito ay pababa sa baba ni Veronica.


"Rina, she's six..." inabot ni Veronica ang dumi na naligaw sa mukha ni Peter. "My youngest is Rebel, he's turning three next month."


Ngumiti si Peter. "Ang bata pa nila."

"Hmmm." pagsang ayon ni Veronica.

"Sa tingin ko hindi sapat ang thank you...lalo na't buhay ng tatlong magagandang nilalang ang katumbas..."

"Really?" nanghahamon na tudya ni Veronica. "Then what do you want?"

Tumitig si Peter sa kung ano ang gutso niya...sa mga labi ng babae. He made it clear sa mga titig palang na ito ang hiling niya na karagdagan sa thank you na nauna nang iginawad ng babae.


"I have a husband." bulong nito.


"Alam ko..."



"Yet--"


"Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong tumakas dito, kayo ng mga anak mo, gagawin ko lahat mailabas lang kayo ---"



Hindi na pinatapos ni Veronica ang kung ano mang sasabihin pa ni Peter. Isang malalim na halik ang iginawad ng babae. Mapusok itong tinugon ni Peter, lahat ng naipon niyang pagtitimpi ay siya niyang inilabas sa una nilang halik.






Mauuwi na sana sa chugchugan e, may kumatok nga lang kaya natapos ang momentum ng dalawa.


Butler ng mga anak ni Veronica ang dumating. Hinahanap ng mga ito ang ina at gusto e doon matulog sa kwarto ng bunso.

Kaya ayorn, naudlot na ang nga dapat maudlot...

Pero walang magpapapigil sa dalawang makasalanan.



Peter made his way to the Silvias. Sukdulang nag apply ito bilang personal driver ni Rondrad, ang asawa ni Veronica para lamang makalapit ito sa babae.




"You don't know what danger you are doing Peter." ani ni Veronica sa pagitan ng mapusok nilang halik.

Ipinasok ni Peter ang mga palad niya sa blouse na suot ng babae. "Alam ko Veronica, alam na alam ko ang bawat panganib..." unti unting bumaba ang halik ni Peter sa leeg ng babae. "Hanggat hindi ko kayo nai-alis dito ng mga anak mo, habang buhay akong susuong sa panganib."

"Ahhhh---Peter---"

"Shhh, I am willing to take any danger Veronica...remember that."




Nagtuloy ng ilang buwan ang ganoong set-up nila, Peter and Veronica playing with the fire.






_____




"Sinasabi ko sa'yo Peter! Ang daming ibang babae diyan bakit iyong may asawa pa?" Wala nang mapaglagyan ang prustasyon ni Tonyo sa kaibigan. Stress na nga siya sa pag-aalaga ng tatlong buwan na anak tapos ay stress din siya dito sa kaibigan na nakikihati sa may asawa ng may asawa. "Baka nakakalimutan mo, hindi basta kung sinong tao lang iyang tinatabla mo Peter. Mga Silvia sila!!! Silvia! Mga mayayaman at makapangyarihang tao."

Mabuti nalang at sobrang gwapo ng anak ni Tonyo kaya tuwing nasstress siya kay Peter e titignan lang niya ang mukha ng anak nawawala na kaagad ang inis niya.



"Wala akong pake kung Silvia pa sila. Kahit nga Marchese pa sila, wala akong pake..." Isa din sa mayamang pamilya iyong mga Marchese. Humahabol iyon ngayon sa payamanan sa mga Silvia. "Itatakas ko ang mag-iina mamayang gabi. Napagplanuhan na namin ito ni Veronica."



"Sigurado ka na ba diyan Peter? Ang bali-balita kasi ay mga mafia ang mga Silvia, kung totoo nga iyon, kahit itakas mo sila mahahanap at mahahanap pa din kayo kahit saang bundok pa kayo magtago." concern na pagsingit ni Bia, asawa ni Tonyo.



"Mafia?" Kunot noong asik ni Peter. "Naniniwala kayo sa ganoon? Hindi totoo ang mga mafia."


Napabuntong hininga nalang ang mag-asawa, alam nila na kahit anong paliwanag ang gawin nila e hindi na nila makukumbinsi si Peter dahil buo na ang loob nito.

Ang tanging magagawa nalang ng mag-asawa ay magli-low muna. Hindi nila sinusuportahan ang mga mali na ginagawa ng kaibigan pero wala na silang magawa kundi magbigay nalamang ng mga payo.



"Sige na, mauuna na ako. Padedehin niyo na si Tobias, gutom na 'yung bata oh."

Tobias ang ipinangalan ng mag-asawa sa anak nila na sobrang gwapo. Buti nalang kay Bia ito nagmana at hindi kay Tonyo.




Lumarga na si Peter...



Kinagabihan din noon, sakto alas dos ng madaling araw, sa kalagitnaan ng malakas na ulan.

May kumakatok ng malakas sa pintuan ng bahay ng mag-asawa. Si Peter ito na halos isigaw na ang buong pangalan sa kabaranggayan.
Pupungay pungay pa ang mata ni Tonyo na pinagbuksan ng pinto ang kaibigan. Laking gulat lang niya ng hindi lang si Peter ang nasa labas ng pintuan ng bahay nila kundi pati na din si Veronica at ang dalawang nitong anak. Basang basa ng ulan ang mga ito.



"Tonyo..." Mabigat na pagtawag ng kaibigan sa pangalan niya.





________

to be continued

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
757K 40.9K 103
an epistolary
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...
1M 32.7K 49
"Hey let's get married, don't assume I don't have a choice okay?" "Huh? Anong sininghot mo Ms Monster?" Alam kong gas gas na yung mag papanggap si...