Cherish You

By AyhenPey

45.9K 856 370

Serah Cristobal is not your typical girl. She devoted all her life in serving God. Until a turn of events, ha... More

Cherish You
Chapter 1: Transfer
Chapter 2: 3rd Building
Chapter 3: Zachary
Chapter 4: TMI
Chapter 5: Journalism Club
Chapter 6: Bethina
Chapter 7: Please
Chapter 8: Dare
Chapter 9: I do (Cherish You)
Chapter 10: Acquiantance
Chapter 11: Flirt
Chapter 12: Demon's child
Chapter 13: Travis
Chapter 14: Iba ka na ngayon
Chapter 15: Serah
Chapter 16: Panget ba ako?
Chapter 17: A, M, & Z
Chapter 18: Bato
Chapter 19: Baby
Chapter 20: Kiniss sa lips
Chapter 21: Stay with me
Chapter 22: Ferris Wheel
Chapter 23: Do something
Chapter 24: Inaabangan kita
Chapter 25: Selos
Chapter 26: Why you can't hug me?
Chapter 27: Kenn
Chapter 29: Papel
Chapter 30: End-of-the-world
Chapter 31: Harana
Chapter 32: Small world
Chapter 33: Pustahan
Chapter 34: I'm sorry
Chapter 35: Snob, Jealous
Chapter 36: Hinahanap ko siya
Chapter 37: Partner
Chapter 38: Problem
Chapter 39: Holding hands
Chapter 40: Pulis at Kriminal
Chapter 41: Zarah
Chapter 42: His face, hug & kiss
Chapter 43: Friend-zoned
Epilogue
S P E C I A L Chapter
Special Chapter

Chapter 28: Hindi ko naman siya gusto

882 14 9
By AyhenPey

Chapter 28

"Okay na, umalis na siya.." nagulat na lang ako ng sinabi niya iyon. Kaya dali dali kong tinanggal ang braso ko na nakayakap sa kanya. Ngayon ko lang narealize nakakahiya pala!

"Sorry Kenn.." sabay tungo ko ng ulo.. Kung iisipin ng ibang tao, parang ang kiri ko.. Awww!

"Ayos lang, tara hatid na kita?" suggest niya sa akin na kinagulat ko. Oo sobrang gulat talaga ako. Ihahatid niya ako?

"Ha?"

"Hatid na kita..."

"Eh kasi---"

"ATE SERAH!!" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Carla na nakangiting wagas. May hawak hawak na siyang Frappe, yung favorite ko Caramelia.. Nagugutom na tuloy ako. Paglingon ko kay Kenn naka poker face siya. Napansin niya atang nakatingin ako sa kaya bigla siyang tumalikod at lumakad palayo.

"Kenn!" tawag ko sa kanya na patuloy pa din naglalakad.

"Hindi na pala kita ihahatid. Dyan ka na sa kaibigan mong maingay."

Humarap ako kay Carla at siguro nakanganga ako ngayon. Anong ibig sabihin ni Kenn doon? Aish, bakit ko pa ba iniisip iyon? Ayos nga iyon di niya ako ihahatid at makakabili pa ako ng Frappe! Kaya ang ginawa ko hinatak ko na lang si Carla na nanlalaki pa din ang mata. For sure ang daming tanong nyan sa akin.

"Carla, wag muna kayong uuwi ha? Samahan nyo akong umipip ng Caramelia Frappe!" wala na siyang nagawa kung hindi magpahatak sa akin papasok sa Cafe.

- - - -

Nandito na ako sa Church nila Kenn, pumayag naman si Mama na hindi muna ako umattend sa amin. Ininvite kasi ako ni Kenn at ang nakakagulat pa doon gusto din daw niyang sumama. Sinabi na lang ni Papa na wag na. Wala daw siyang kasamang mag simba. Kunyare pa ang Papa ko, gusto lang niyang masolo si Mama eh. Kilala din pala nila si Kenn, gawa ni Kuya. Di man lang sinabi sa akin..

Maganda ang Church nila Kenn, madaming tao. Mukha talaga silang uhaw na uhaw sa presence ni Lord lalo na nung nag simula na ang gawain. Lahat sila umaawit, ang saya naman :) Nakisabay na din ako... Pagtingin ko kay Kenn ganoon din siya.. Hindi ko na lang siya pinansin.

Hanggang sa nag preach na yung Pastor nila. About sa Life ng Simplicity. Si Lord kayang maging mayaman noon nandidito pa siya sa lupa. Pero anong ginawa? Namuhay siya ng simple kaya tayo dapat maging ganoon din. Nagawa niyang mamuhay ng simple tayo pa kayang nilikha niya?

May part na natatamaan ako kasi aaminin ko hindi rin ako misan nakokontento sa kung anong meron ako. Katulad sa damit, may damit pa naman ako. Magpapabili pa ako ng isa pa. Tapos na realize ko itong buhok ko. May kulay na brown, isa din ito sa sign na hindi ako nakokontento sa kung anong meron ako.

"Kenn" tawag ko sa kanya lumingon naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Hayy kung babae lang siya, mataray ito.

"Samahan mo ako sa parlor mamaya.."

"Eh?"

"Papakulayan ko na ng itim itong buhok ko." na gets naman ata niya ang ibig sabihin ko kaya nag nod na lang siya.

Ibabalik ko na ang sarili ko, siya ang dahilan kung bakit nag palit ako ng itsura. Hindi ko man lang naisip si Lord sa mga panahon na nagpakulay ako ng buhok. Ang sama sama ko, kaya ngayon. Lord, sorry sa mga kasalanan ko.

Nung natapos na yung gawain, bigla na lang hinatak ni Kenn ang braso ko palabas ng simbahan nila. Nagmamadali ba ito? Halos tumatakbo na kasi kami, muntikan pa nga naming mabunggo yung mga ka sister niya. Nag sorry na lang ako sa kanya. Hinahatak niya pa din ako hanggang sa nakarating na kami sa paradahan ng jeep. Eh?

"Akala ko ba sasamahan mo ako sa Parlor?"

"Sa Mall na lang. Pati nagugutom na ako.." napatingin ako sa bag ko at binuksan yung wallet ko pero syempre patago kong ginawa iyon. Tumalikod pa ako kay Kenn. Naku, baka wala akong pera. Mapapasubo ata ako sa gastusan nito..

"Wag kang mag-alala ililibre kita" bigla akong napalingon sa kanya, seryoso siya?

"Eh?"

"Oo na lang" tapos hinatak na naman niya ako papasok sa jeep.

MALL

Pumunta kami sa SM ____. Sumusunod lang ako kay Kenn, nakakahiya naman na manguna ako sa kanya. Ililibre na nga lang niya ako eh.. Napatingin ako doon sa isang Boutique, ang ganda nung damit nung Mannequin. May pagka see through ung top tapos simple lang yung palda.. Ang ganda tapos bigla kong naalala yung preach kanina nung Pastor. Sorry Lord!

"Serah!" napalingon ako kay Kenn at malayo na siya sa akin. Ngayon ko lang na realize nakatingin pala ako dito sa mannequin. Waaah nakakahiya! Kaya tumakbo ako palapit kay Kenn na nakaangot. Tapos may tinuro siya, paglingon ko doon. Tinuturo niya pala yung kakainan namin.

"Dyan tayo kakain?" tanong ko.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi ha..." sagot ko ng mabilis.. nagulat na lang ako ng hinawakan niya yung wrist ko at hinatak na naman ako papasok sa McDo. Umorder siya ng dalawang McDo fries kaagad tapos dalawang burger at Coke. Maya maya nagulat na lang ako nung nilagay nung cashier sa tray yung order namin. Nakakahimatay yung burger na inorder niya... Kaya ko bang kainin iyon. Kasi naman tatlong patong ng tinapay tapos dalawang patties na may cheese at gulay. Di pa ako nakakain ng ganyan. Nagulat na lang ako ng pinahawak sa akin ni Kenn yung tray at tinulak papunta doon sa bakanteng upuan. Mabuti na lang mahina yung tulak niya kung hindi natapon na itong food.

Pagkaupo namin, bigla niyang kinuha yung hamburger niya at kinagat na. Ang cute! Ayy, ano bang sinabi ko? Ang cute niyang kumain parang bata yung mata niya kasi parang na dedelight. Basta ang expression yung batang tuwang-tuwa sa pagkain ng McDo. Ganoon ang itsura niya...

Nawala naman ako sa pag-iisip ng,

"Ang cute ko ba?" tanong niya sa akin.

"Hindi ah.." tapos kinuha ko na yung burger ko at kinagat. Awww! Hindi ko makagat ng maayos ito, masyadong malaki itong burger. Narinig ko namang tumatawa si Kenn tinignan ko lang sya ng masama. Maya-maya tumigil na din siya at kumain.

Nakalimutan kong mag pray! Kaya ang ginawa ko pumikit na lang ako at nag thank you kay Lord. Nung natapos na ako tiningala ko ang ulo ko at nakatingin sa akin si Kenn. As in titig talaga! pakiramdam ko nahihiya na ako.

Kumuha na lang ako ng isang fries at sinubo kay Kenn. Napansin ko kasing mag sasalita siya nung ibubuka pa lang niya yung bibig niya pinasok ko agad yung fries. Nakakatawa yung itsura ni Kenn! HAHAHA. Asar na asar siguro sa akin ito ngayon.

"Pinagt-tripan mo ba ako?" iritado nyang tanong sa akin.

"Eh kasi naman nakatitig ka sa akin."

"Kapal naman ng mukha mo" nagulat na naman ako sa sinabi niya, pero di ko na lang pinansin kumain na lang ulit ako. Ang kapal ba ng mukha ko? Ang sakit ata sa puso noon... Nanahimik na lang ako pati siya hanggang sa natapos na ako wala talagang nag salita sa amin dalawa. Binuksan ko yung wallet ko at kumuha ng 100 pesos. Nilapag ko iyon sa lamesa.

"Bukas ko na lang babayaran yung kulang ko. Magkano nga ulit yung nakain ko?" nagulat ata siya sa sinabi ko kaya nanlaki ang mga mata niya.

"Libre nga ito"

"Bye, alis na ako. May pupuntahan pa pala ako." tumayo na ako sa upuan ko at dali daling lumabas. Oo nga nasaktan ako sa sinabi ni Kenn, ang kapal daw ng mukha ko. Hindi ko lang matake kaya umalis na lang ako. Ganon nga talaga siguro siya.. Hayaan ko na lang. Lumakad ako ng lumakad at nagbabakasaling makakita ako ng Parlor dito na mura lang ang singil sa pa Hair Dye. May nadaanan na kasi ako kaso nga lang di ko kaya ang presyo. Hanggang sa nakarating na ako ng 5th floor, hindi ko na matake ang mga presyo. At naisipin ko na lang nauuwi na ako. Bababa na sana ako sa escalator ng biglang may humatak sa akin patalikod.

"ANO BA?!" Nakakaasar! Nagulat ako doon, akala ko kung sino. Kaya nasigawan ko siya.

"Sorry" tapos bigla siyang tumungo.

"Ah okay" pagkasabing pagkasabi ko noon bigla na lang akong humakbang doon sa escalator at tumakbo pababa. Mabuti na lang walang tao kaya nakatakbo ako, pero grabe nakakatakot din tumakbo doon ha? Isama mo na yung part na nakikisabay sayo pababa yung escalator.

Tumakbo ako ng mabilis hindi ko na rin nagawang lumingon sa likuran ko. Panigurado naman hindi na sa akin susunod iyon. Tumakbo ako papunta sa Comfort Room. Pinagtitingin ako ng mga nadadaanan ko kasi nga tumatakbo ako. Malay ko ba, baka sumusunod siya sa akin eh...

Umihi lang ako tapos nag ayos ng buhok. Pagkalabas ko.

"Ahhh!!" sigaw ko kaya tatakbo na naman ako pero bigla na lang niyang nahawakan yung braso ko kaya napahinto ako.

"Bakit ka ba tumatakbo?"

"Nagmamadali na kasi akong umuwi" Naku! Lord, sorry na naman po sa aking kasalanan. Nag sisinungaling na naman ako.

"Sabi mo kanina may pupuntahan ka? Eh bat nagmamadali ka ng uuwi?" Oo nga no? nahuli niya ako doon.

"Nagkamali lang ako sa excuse hehehe. Bye na!" hinahatak ko na sa kamay niya yung braso ko pero hinigpitan pa niya lalo.

"Alam kong umiiiwas ka sa akin gawa sa nasabi ko kanina. Sorry." tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Kita ko naman ang sincerity kaya nag nod na lang ako sa kanya. "--so, hindi ka na uuwi?" bigla niyang tanong.

"Ha?"

"Napatawad mo na ako kaya hindi ka na muna uuwi?"

"Uuwi na ako"

"Ayaw ko, tara ililibre na rin kita sa pag paparlor mo. Alam ko naman na kuripot ka eh. HAHAH"

Waaah. Ano kayang ibig sabihin niya doon? Alam kaya niya na naghahanap ako ng Parlor kanina na mura lang ang singil sa Hair Dye? Nakakahiya na talaga ito! Pero hindi ko naman magawang tumakas kasi hawak niya yung wrist ko. Nakakahiya nga, pakiramdam ko lahat ng nadadaanan namin pinagtitinginan kami. May itsura si Kenn tapos ang kasama ako lang na out of reach sa kanya.. Nakakahiya talaga.

Nakarating na kami sa parlor na nadaanan ko kanina. Pumasok kami at inaccomodate agad kami nung babae.

"Ano po iyon?" tanong sa amin.

"Magpapakulay siya ng buhok - itim." sabi agad ni Kenn.

"Ah sige po, Ma'am upo muna kayo dito" inassist naman ako nung babae na umupo doon sa harap ng salamin. Pagkaupo ko doon lumapit sa akin si Kenn.

"Dito ka muna, mag N-NBS muna ako."

"Ano yun?" nagkamot siya ng ulo bago sumagot.

"Taga bundok ka ba? Weirdo ka nga at old fashioned hindi mo rin alam ang NBS?" napatungo na naman ako sa sinabi niya.. Bakit ba ganito si Kenn? Ang sakit manalita! Kakasorry lang niya sa akin kanina eh.. Pati ano bang magagawa ko? Sa lagay hindi naman kami luxurious..

"Ayy, sorry.. Sorry" niyakap ako ni Kenn na kinagulat ko at hinaplos haplos yung buhok ko. "--hindi na talaga mauulit." Tinulak ko naman siya palayo kasi naiilang ako sa ginawa niya. Sa naalala ko na naman siya eh.. Si bigla bigla boy.. Yun na lang ang gagamitn ko na endearment sa kanya. Hindi naman niya malalaman at hindi talaga.

"Sige pumunta ka na doon kung saan man iyon" sagot ko sa kanya

"National Book Store iyon, sige I'll be back after 1 hour." bago pa ako sumagot sa kanya napa EH na naman ako. Matagal ba ang pagpapakulay ng buhok? Patay!

After 1 hour.. Inaantok na talaga ako, at naiinitan na din itong ulo ko kab-blower nung babae. Sabi niya mabilis na daw yung pagapapakulay ng buhok ko kasi sa Parlor daw nila ako pumunta compare sa iba na aabutin ako ng ilang oras. Oo na lang ako ng oo sa kanya, hindi ko naman kasi alam ang tinutukoy niya. Mga ilang sandali tapos na din. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa salamin.

Kasi bumalik na ulit ang kulay ng buhok ko. Papahabain ko na lang itong bangs ko. At okay na. Binawasan din ng konti itong buhok ko kasi puro split ends daw yung dulo. Nasaan na ba si Kenn? Wala akong pambayad dito.. Napatingin ako doon sa babae at nakangiti siya sa akin. Ngiting may meaning na 'mag bayad na daw ako'

Hindi naman ako pwedeng lumabas dahil lalabas na tumatakas ako. Dapat nahingi ko number ni Kenn eh!

"Ate sisilip lang ako sa labas ha?" umoo naman siya pero nawala na yung ngiti niya. Iniisip niya ata na walang akong pambayad.

Sumilip ako sa labas at nakita ko na si Kenn na naglalakad pero hindi siya nakatingin sa akin nag t-txt siya. Pero okay na din iyon ibig sabihin papunta na siya dito. Humarap na ako patalikod pero may nahagip ang mata ko napapasok din doon sa Parlor. Napahinto ako, pati siya.

Mali, dalawa pa sila.

Siya at si Dria..Akala ko si Mara na..

"Ate Serah!" kumaway siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Napatingin ako kay Zac at blanko lang ang expression niya. "--Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

"Nagpakulay ako ng buhok" sagot ko kay Dria

"Ahh oo nga! Shunga ko hindi ko napansin.. Ako kasi magpapagupit pati si Kuya.." tapos napansin niya ang kuya niya na walang imik. Kaya hinampas niya yung braso nito. "--HOY!" na realize ata niya na tulala siya kaya napablink ang mata niya.

"Ate Serah, masyado ka ng maganda ngayon. Natutulala ang kuya ko sayo hihihiih" hindi na ako ngumiti kay Dria noon at tinignan lang siya.

"Ayy, LQ ba kayong dalawa? Wag mong sabihin na umepal na naman si Bethina!" sigaw ni Dria bigla namang tinakpan ni Zac ang bibig nito papasok sa Parlor. May binulong siya kay Dria na hindi ko narinig. Maya maya pumasok na din si Kenn. Nagulat siya sa nakita niya, for sure may iniisip na yan.

Zac's Standpoint

My sister is a h*** cow! Nakakakaasar nakipag chismisan pa ang babaeng ito kay Serah. At ang nakakaasar pa doon LQ daw kami. The hell! Nung sinabi niya iyon binulungan ko na lang siya na wag ng maingay mamaya ko na lang ikwekwento. Kahit ganito ang kapatid ko, she knows my secret at hindi niya iyon pinagkakalat.

Sa dami ng parlor dito pa kami nagkita, tapos kasama pa niya yung payatot na iyon. Mas gwapo naman ako doon. Adik lang naman sa DOTA ang pinalit niya sa akin. Tch. Napatingin ako sa kanila at nakatingin siya sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko pero kita ko sa peripheral vision ko na nag-uusap sila, mahina nga lang.

"Dria, labas muna nga ako"

"Ito baga.." reklamo niya, tinignan ko na lang siya ng masama tapos lumabas na ako nung Parlor. Nung dinaanan ko sila, wala lang. Pakielam ko sa kanilang dalawa.. Pumunta ako sa Fifth floor, konti lang kasi ang tao doon at wala naman siguro sa aking magpapapicture doon. Mahiya naman sila.. Tch.

Bakit ba kasi badtrip ako ngayon, nakita ko lang naman sila ah! Eh nakakaasar kasi, nililigawan kuno ko siya tapos makikita ko nakikipag date siya dito sa Mall kasama yung payatot na iyon. Nilabas ko yung phone ko at balak ko na siyang itext. Ayaw ko na! Bahala na kung hindi ako makaroon ng kotse dahil sa lintek na pustahan na iyan. Alam ko naman na pinaaasa lang naman ako ni Serah. Pati hindi ko naman siya gusto.

Jusko! Sinong magkakagusto sa babaeng iyon na manang ang itsura? Hindi naman siya maganda pero mukha siyang anghel. Aish! Ano ba itong sinasabi ko?! Eh kasi sa tuwing kasama ko iyon bumabait ako, ewan ko ba. Siguro dahil lang sa pustahan iyon. TAMA dahil lang doon iyon.. Kailangan mahulog ang loob sa akin ni Serah at mapasagot ko siya.

At kapag nangyari iyon, mananalo ako ng kotse! Ayos! Pero sawa na ako! Paano kung may gusto din siya doon sa lalaking iyon? Hindi maari!!!!

Itatabi ko na sana yung phone ko ng napindot ko yung screen. Kaya umilaw ito at nakita ko yung Wallpaper ko. Ang ganda niya talaga, kung di lang dahil dyan sa pustahan na iyan. Ikaw na siguro ang nililigawan ko ngayon.

Pero kahit wala namang pustahan di ko pa rin magagawang ligawan siya dahil hanggang kaibigan mali, kapatid lang ang tingin niya sa akin. Bakit ba kasi ikaw pa ang kailangan maging kapatid ng Manager ko? Maradee Kim?

Bakit mo ba ako sinasaktan ng ganito? May natatanggap ako na balita na may gusto daw sa akin si Mara pero hindi naman ako naniniwala dahil mukhang hindi naman. Ang alam ko kasi may gusto si Mara sa isa sa mga kabatchmate namin na nakalaban daw niya sa Dota. Oo nag dodota si Mara, iyon ang libangan niya kapag malungkot siya.

Wala kasing oras sa kanya ang magulang niya lagi silang nasa Casino. Uuwi lang ata ang mga iyon kapag natalo na. Tapos ang Ate pa niya na Manager namin na si Coleen. Napakasama na ugali! Malate lang ang mga Assistant niya ng 2 minutes, bawas agad ito sa sweldo nila at may kasama pang sermon iyon.

Kaya nakakaawa si Mara, lagi ko siyang sinasamahan kapag malungkot siya. Pero di kailanman naging masaya sa akin si Mara. Lalo na ng malaman niyang nililigawan ko si Serah lumayo na ang loob niya sa akin kaya gumagawa ako ng paraan na samahan siya wag lang niyang isipin na mawawala ako sa kanya.

Nag beep ang phone ko at lumitaw ang pangalan ng magaling kong kapatid sa screen ko.

"They're gone"

Lumakad na ako at babalik na ulit ako doon. Habang lumakakad ako biglang nag flash sa isipan ko si Serah. Sa totoo lang mas maganda na siya ngayon dahil itim na ulit ang buhok niya. Mas lalo siyang pumuti, hindi kasi maganda yung brown sa kanya. Maganda sa kanya ang simple lang. Aish, bakit ko na naman ba iniisip iyon?

Pero sa tuwing naaalala ko yung mga expression niya sa mga ginawa ko katulad ng pamumula ng pisngi tapos napapatungo kapag bumabanat ako at kapag ngumingiti siya. Nakakaramdam ako ng kakaiba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag! Hindi ko nga masearch sa Google eh, nakakaasar! At lalong lalo na nung narinig ko silang dalawa ni Bethina na nag-uusap tungkol sa akin.

Pakiramdam ko lumipad ang puso ko nung narinig ko iyon na nagseselos daw siya. Ayos din iyong Ex Gf ko na iyon na si Bethina akalain mong kay Travis din siya babagsak? HAHA. Bahala sila sa buhay nila.. Wag na wag lang talagang gagaya si Travis sa kabanda namin na si Gian at Alex na bakla na lang ang pinapatos. Nakakadiri lang..

Papasok na ako doon sa Parlor ng napatingin ako sa malayo. Nakita ko silang dalawa na naglalakad. Bigla na lang inakbayan ni Kenn si Serah..

Gusto ko atang manuntok ngayon.

Pagpasok ko sa Parlor tapos ng magpagupit si Dria, mabuti naman at ako naman. Uupo na ako ng bigla naman ng salita itong kapatid ko.

"Kuya, ikaw masyado kang affected. Hindi naman daw silang dalawa eh. Magkaklase lang daw sila at galing daw sila sa Church nadaan lang dito. Ikaw naman binigyan mo agad ng meaning." eh ano yung akbay kanina? Psssh..

"Hoy, hindi ako nag bibigay ng meaning noh? At pakielam ko ba kung makipag date siya sa ibang lalaki. Nililigawan kuno ko lang naman siya. Pwera na lang kung kami, babasagin ko talaga yang salamin na yan" depensa ko sabay turo sa salamin. Napa AH naman yung babaeng nag gugupit. HAHAH, ano kaya kung magbasag ako dito?

Wag na kawawa naman si Mommy.. :D Pati kahit nasasak-- Naaasar ako sa nakita ko kanina, mawawala din naman ito kapag nakausap ko na si Mara eh.

"Hay naku Kuya, wag mong ipilit ang feelings mo sa taong di ka naman gusto. Sa palagay ko naman gusto ka din ni Ate Serah. Kinuwento kasi niya sa akin na parang may tampuhan daw kayong dalawa" bigla akong napalingon sa kanya.. TAMPUHAN?

Napatitig ako sa salamin at naaalala ko yung huling beses na nag-usap kami. Na offend ko ata siya, ay ewan. Umamin lang naman ako na kasama ko si Mara tapos tumakbo na siya papasok sa bahay nila. Anong ibig sabihin noon? Tampo? Selos? Napangiti ata ako doon.

"Ano pa ang kinuwento niya?" tanong ko sa kapatid ko.

"Ahmm, seat mate daw niya yung kasama niya sa room. Ang cute nga nung kasama niya. Hays, kung di niya type si Ate Serah, pwede ako na lang"

Tapos nag d-daydream naman yung kapatid ko. Psssh..

"Gupitan mo na ako, gandahan mo yung style ha" sabi ko doon sa Hair cutter.

Bukas na bukas din aayusin ko itong gusot sa aming dalawa. Hindi ko hahayaan na maagaw siya ng iba sa akin. Ano ba itong sinasabi ko?! Dahil lang naman ito sa kotse eh! Tama doon lang at wala ng iba pa.

Continue Reading

You'll Also Like

34.6K 11.5K 60
METANOIA SERIES 1 [COMPLETED] "Biniro ko pa nga si Lord noon. Na kung hindi ka niya ibibigay sa akin, ako na lang ang ibigay niya sa iyo. Char!" -Sha...
193K 3.1K 85
Formerly ( shes my slave, shes my love, shes the one) Haba kasi ng title kaya pinalitan ko nalang ...... Pano ko ba uumpisahan basta basahin niyo...
20.5K 713 33
"Sawa na akong masaktan, Clark." - Leah The Dare Book 2: The Good Bitch Genre: Romance Language: Taglish Date Started: July 28, 2016 *Thanks to @Yana...
16.4K 912 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...