Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
58
59
60
61
62
Finale

57

5K 275 51
By Sha_sha0808











Unedited...






"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Reon. Ala una na ng hapon at kanina pa niya pinapapunta si Mary rito. Kahapon pa ng umaga tumawag ang kidnapper at hanggang ngayon ay wala pa rin.

"Busy sa opisina."

"Wala ka kanina sa opisina."

Natigilan si Mary pero agad din namang nakabawi.

"Pumunta yung asawa ko kanina kaya kumain kami sa labas. Iyon siguro ang time na tumawag ka kaya wala ako," paliwanag niya. "Any update kay Zia?"

"Wala pa rin."

"May maitutulong ba ako?" tanong niya na napatingin sa ilang tauhan na nasa loob.

"Dito ka magtrabaho."

"Ha?"

"Kailangan ko ang data ng mga investor na nalubog sa utang o tagilid sa pera," utos ni Reon.

"Ang dami nila. Paano ko 'yon maisa-isa?"

"Magsimula ka sa letter A!" sagot ni Reon.

"So it means hindi ako makakauwi."

"Ganun na nga, Mary."

"Okay, tutulong ako para mahanap mo ang salarin," pagpayag ni Mary at inayos ang computer na kinakailanganin. "Pero matagal 'to."

"Kahit na!" sabi ni Reon at naupo sa sofa saka nilaro ang ballpen na hawak.

"Inom ka muna," alok ni Marvin at binigay ang Redbull sa kanya. "Kailangan mo ring magpalakas."

"Hindi ko kayang magpahinga at alam mo 'yan." Nakaidlip siya pero dalawang oras lang.

"Lubog sa utang ang pamilya ni Jeric," ani Marvin. "Sinusubukan nilang isalba ang ilang ari-arian."

"Bakit hindi sila humingi ng tulong sa akin?"

"Pride? Maybe," sagot ni Marvin na naupo sa tabi ni Reon. "Or baka ayaw nilang magbayad kaya kinidnap nila si Zia."

"Impossible," ani Reon. "Matalik na kaibigan ni Jeric si Zia at hindi niya iyon magagawa."

"Hindi ka matutuklaw ng ahas kung hindi ka niya lalapitan," makahulugang wika ni Marvin. "Akala ko natuto ka na kay Ma'am Monica."

"Kung ikaw sa kalagayan ko, Marvin, hindi ka na makapag-isip nang matino. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay mailigtas si Zia."

"Kaya kami na ang nag-iisip para sa 'yo," sabi ni Marvin. "Lahat ng anggulo at tao ay suspek dito, Reon."

"Mapapatay ko ang buong angkan ni Jeric kapag nagkataon!"

"Let's just hope na hindi sila dahil masakit iyon tanggapin, magpamilya kayo."

"Sir, tumatawag si Ma'am Empress," sabi ng isang tauhan at inabot ang cellphone kay Reon.

"Tita."

"Balita kay Zia?"

"Wala pa rin ho."

"Kapag pumalpak kayo sa pagrescue, gigilitan ko kayong lahat ng leeg!" pagbabanta ni Empress at tinapos na agad ang tawag.

"Hindi kaya si Ma'am Empress?" tanong ni Marvin kaya napatingin si Reon sa kanya. "I mean, baka sinusubukan lang niya tayo. Isa pa, galit siya sa 'yo."

"Hindi magandang biro 'yan!" sabi ni Reon. "Alam niyang hindi siya makapagbiro sa akin ng ganyan dahil susunugin ko ang buong isla nila!"

"Kung sabagay, hindi nga magandang biro ang ganito."

"Si Mario?" tanong ni Reon nang mapansing hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Mario.

"Sabi niya may susundan lang daw," sagot ni Marvin.

"Sir!" tawag ng isang tauhan kaya napalingon sina Marvin at Reon. "May tinawagan ho si Jeric."

"Record mo!" utos ni Reon at pagkatapos ay pinakinggan ang usapan nina Jeric. Si Petra ang kausap nito na nasa probinsya raw. Nagtatanong si Jeric kung nakausap nito si Zia pero ang last na pag-uusap daw nila ay gabi bago umalis si Zia patungo sa Baguio.

"Saan ang lokasyon ni Petra?" tanong ni Reon. Ilang beses nang nakapunta sa condo nila si Petra at naging open book si Zia rito. Halos lahat ng sikreto ng kasintahan niya ay alam ni Petra. "Puntahan ninyo."

"Yes, sir!"

"Kailangan ba talaga may mga baril sila?" tanong ni Mary dahil ang iba ay naglilinis ng baril.

"Mahirap nang magtiwala," sagot ni Reon. "Ano na?"

"Okay, relax," sabi ni Mary. "Ang may pinakamalaking utang sa atin at si Mister Chui, ang chinese national na may ilang branch ng chinese restaurant sa Valenzuela."

"Magkano ang utang niya?"

"Sa atin nasa kalahating bilyon pero sa ibang company at bangko, malaki-laki rin ang loan niya. All in all nasa mahigit isang dalawang bilyon ang utang niya pero mostly ay inverstment pa lang, hindi pa sure kung kikita o malulugi."

"Aside from restaurant, ano pa ang pinagkakitaan niya?"

"May mall siya sa Pampanga at nasa sixty ang ino-operate na taxi sa Valenzuela," sagot ni Mary.

"Pwede mo bang na-hack ang list ng taxi drivers niya?" seryosong tanong ni Reon.

"Financial lang ang kaya ko," ani Mary.

"Ako na ho, boss!" sabi ng isang naka-reading glasses na nakaharap sa malaking computer at inumpisahang pasukin ang system ng chinese businessman.

"Pakihanap ng Chester," sabi ni Reon.

"Taga Bulacan o taga Cebu?" tanong nito na may tinitingnang pangalan. "Dalawa lang ang Chester dito, ano ang apelyido?"

"Fuck! Check mo ang profile ng taga Bulacan!" utos ni Marvin at lumapit sa kasamang nasa computer.

"Ayun dito, may utang ho siya kay Mister Chui na nasa two hundred thousand," sabi ng lalaki.

"Mary, check mo bank account ni Marvin!"

Tiningnan ni Mary ang fullname sa malaking computer at pati na rin ang bank account na kopya ng company ni Mr.Chui."

"Ten thousand lang ang laman ng pera niya. Nag-loan siya ng fifty thousand sa SSS at twenty thousand naman sa PAG-IBIG."

Napatingin sila kay Marvin dahil ang lakas ng tunog ng cellphone nito.

"Sorry," paumanhin niya at sinagot ang tawag. "Hello? Nasaan ka? Okay, okay. Copy."

Nang matapos ang tawag, humarap si Marvin kay Reon.

"Nasa Bulacan ho si Mario, sinundan niya si Chester. Papunta siya sa Norzagaray sa isang liblib na pook."

"That's it!" ani Mary. "Si Chester nga ang kumidnap kay Zia!" sabi niya.

"I-trace nyo ang location ni Mario," utos ni Reon.

"Yes, sir!"

"May kailangan ka pa ba, Reon? Baka pwede nang umuwi?" tanong ni Mary. "Sorry pero natatakot talaga ako sa ganitong set-up."

"Check mo ulit ang history ng transaction kung kanino pinapadala ni Chester ang pera niya!"

"Okay," sabi ni Mary at sinubukang tingnan ang bank transaction pero biglang namatay ang laptop. "Shocks! Sorry na."

"Anyare?" tanong ni Reon.

"Biglang nagshutdown."

"Baka lowbat!"

"No. Matagal nang nagloloko ang laptop na 'to."

"Gamitin mo ang laptop ko."

"Nandito ang password at files, hindi ko mai-transfer."

"I-transfer mo ang disc!"

"Ang iba naka-save sa laptop mismo at wala pa akong kopya. Maaayos ko 'to, ipapaayos ko sa asawa ko."

"Ilang oras ang kailangan mo bago maayos?"

"Depende sa asawa ko. Update kita kapag maayos ko na. Basta ang transaction history ng bank account ni Chester at kanino niya pinapadala ang pera." ani Mary na alam na alam ang assignment.

"Okay. Umuwi ka na, salamat," pasalamat ni Reon kaya dali-daling umuwi si Mary.

"Sundan mo siya," utos ni Reon sa isang tauhan na nagulat sa sinabi. "Wala akong tiwala kanino man. Kahit na sa matagal ko pang naging kaibigan"

"Yes, sir!"

"I-locate niyo ang lokasyon ni Mario pero kapag makuha na ninyo, wag na wag ninyong ipaalam ang plano sa kanya," wika ni Reon.

"May tiwala ako sa partner ko, " sabat ni Marvin.

"Ako wala," sagot ni Reon at hinarap ang isang bodyguard. "Wala akong tiwala kahit kanino."

"Hi," napatingin sila sa lalaking pumasok. "Tingin ko kailangan ninyo ako."

"Tito Dale," hindi makapaniwalang wika ni Reon.

"Pinadala ako ng kapatid ko," ani Dale na ang tinutukoy ay si Empress. "Ano na ang status?"

Ipinaliwanag ni Reon ang lahat kay Dale pati na rin ang mga pinaghihinalaan at binabantayan nila.

"Kumagat tayo sa sinabi ni Mario," ani Dale. "Pero dahil may trust issue ka, sige, bigyan ko ng consideration ang pagdududa mo sa agents ko."

"Pasensya na," hinging paumanhin ni Reon. Tinapik siya ni Dale sa balikat.

"Normal lang 'yan. Tama ka, kahit sino ay walang dapat na pagkatiwalaan."

Humarap si Dale sa mga agent para magplano.

"Ninja ang lalapit, tatlong sniper ang pumalibot sa hideout nila at mag-cover kay Zia. Ninja ang aatake sa malapitan at sniper na ang bahala sa malayuan."

Tatlong oras nilang sinusundan si Mario pati na rin ang iba pang pinaghihinalaan nila.

Napatingin sila sa cellphone na nasa mesa. Dadamputin na sana ni Reon ang cellphone pero pinigilan siya ni Dale.

"Kapag makipag-transact sila ngayon, sabihin mong hindi pa handa ang pera. Sa gabi ka makipagpalitan," bilin ni Dale kaya tumango si Reon. Dilim ang kakampi nila lalo na ng mga ninjas.











--------------------






"A—Aray!" naiiyak na wika ni Zia. Ubos na ang kanyang mga luha. Namamanhid na rin ang buong katawan dahil sa ginagawa nilang pag-turtore sa kanya. Sampal, suntok at paglubog ng ulo sa tubig ang ginawa sa kanya. "P—Patayin na ninyo ako!"

"Kapag makuha na namin ang pera!" sabi ng mastermind na kumidnap sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya ito nakikilala.

"A—Ang isang kasama mo, n—nasaan na siya?" mahinang tanong niya at naikuyom ang mga kamao.

"Pakialam mo? Mahalaga pa ba iyon?" sagot nito at napaismid.

"Gusto ko siyang makausap," pabulong na sabi ni Zia. Wala na pa siyang kain at nanunuyo ang lalamunan dahil ni tubig, wala silang ibinigay sa kanya.

"Bakit? Gusto mo bang patayin ka niya?" tanong nito at tumawa. "Tingin mo bubuhayin ka pa niya?"

Hindi na sumagot si Zia, hinang-hina na siya at ang daming katanungang pumapasok sa kanyang isipan na alam niyang baka hindi na masagot iyon.

"Oh! Ayan na pala siya!" sabi nito nang pumasok ang isang nakamaskara. "Uy! Gusto ka raw niyang makausap! Saan ka ba galing at ngayon ka lang?" Lumabas ito kaya lumapit ang isa sa kanya.

"B—Bakit?" tanong ni Zia at humikbi.

"May kailangan ka?" tanong nito.

"B—Bakit mo nagawa ito?" nanakit ang dibdib na tanong ni Zia.

"Dahil kinakailangan!" sagot nito at binuksan ang bottled water saka isinubo kay Zia para uminom pero iniwas ng dalaga ang mukha.

Napanganga si Zia. Bakit ganoon? Ano ang nangyari sa pinagsamahan nila? Lahat ba iyon ay kaipokritahan?

"H—Hindi kita maintindihan," ani Zia na pinipigilang umiyak. "I—Isa ka sa mga pinagkatiwalaan ko. Isa ka sa mga—"

"Dahil kinamumuhian kita!" asik nito na mas lalong ikinagulat ni Zia lalo na nang makasalubong niya ang nagbabaga nitong mga mata. "I'm sorry."

Iniwan siya nito at lumabas.

"Ready na ba ang lahat?" tanong ng isang mastermind bumalik na mastermind.

"Yes, boss!" sagot ng lalaking may bitbit na armalite.

"Maghanda kayo!" wika nito at tinawagan si Reon.

"Hello? Oh, si Zia? Don't worry, buhay pa siya!" sabi nito at itinuon kay Zia ang cellphone. "Magsalita ka, Zia!"

"Wag!" ani Zia. "P—Papatayin din nila ako, Reon!"

Lumayo ito sa kanya at nakipag-usap kay Reon. "You heard her, right? Buhay na buhay pa siya. Mahaba na ang oras na ibinigay ko sa 'yo. Within two hours, magkita tayo. Ite-text ko ang location." Napatingin siya sa relo, alas tres 'y media na ng hapon.

"Impossible!" sagot ni Reon sa kabilang linya.

"Anong impossible?" tanong nito kaya napatingin si Zia sa kanya.

"Mahirap kuhain ang pera sa bangko kaya hindi pa kami nakalikom ng fifty billion."

"Gaguhan ba 'to, Reon?"

"Magtatanong ang bangko. Alam mong pamilya ko ang namamahala sa bangko namin. Magtataka sila at ang ibang galing sa probinsya ay alas otso gabi pa darating."

"What the fuck? Gusto mo bang patayin ko na lang 'tong pinakamamahal mo?" gigil na sigaw nito.

"Kung gusto mo, twenty billion lang ang maibigay ko ngayon. Iyon lang ang nalikom ko pero kung makapaghintay ka, mabubuo ko ang fifty billion mamayang alas otso."

"Alas nwebe ng gabi, ite-text ko sa 'yo ang location namin!" sabi nito at pinutol ang tawag saka humarap kay Reon. "Narinig mo 'yon? Ililigtas ka niya pero patay na kaya kung ako sa 'yo, magdasal ka na para hindi ka mapunta sa impyerno!"

"B—Bakit ganoon na lang ang galit ninyo sa akin? A—Ano ang kasalanan ko sa inyo?" humihikbing tanong ni Zia.

"Wala!" sagot nito saka tumawa na parang baliw. "Wala kang kasalanan, Zia! Ang bait mo nga eh! Ang may kasalanan ay ang mga taong nasa paligid mo!"

Lumapit ito at hinaplos ang namamagang pisngi ni Zia saka gigil na sinuntok kaya napakagat sa ibabang labi si Zia sa sobrang sakit. "Ang ganda mo eh! Lahat na lang paborito ka. Lahat na lang mahal ka!" wika nito saka ngumisi. "You're everybody's favorite kahit na wala kang ginagawa!"

Humarap siya sa mga tauhan. "Ang iba sa inyo, pumunta na sa location. Mauna na kayo at maghanda doon dahil hindi basta-bastang kalaban si Reon! I-secure ninyo ang area at siguraduhing malinis ang transaction!" utos niya.

"Kayo, boss?"

"Mahuli kami. Kailangan nandoon na si Reon bago pa kami makarating. Malayo-layo rin itong Bulacan kaya alas otso na kami aalis. Sakto na walang traffic at pagdating namin sa Laguna, nandoon na si Reon."














Continue Reading

You'll Also Like

424K 12.5K 29
Bukod tanging si Logan Dela Costa sa magpipinsan ang hindi babaero. Seryoso sa buhay at lalo sa trabaho bilang sundalo. Ngunit may isa siyang katangi...
7.8M 302K 54
DDMS BOOK VERSION IS COMING! Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
245K 10K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...