Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
57
58
59
60
61
62
Finale

56

5.2K 260 53
By Sha_sha0808













Unedited...











11:00 am. 7 hours na mula nang tumawag ang kidnapper.

"Matulog ka muna," sabi ni Mario nang lapitan si Reon.

"Hindi rin ako makakatulog."

"Sir, kami na ho ang bahala. Umuwi ka na ho muna at magpahinga. Baka nagmamanman ang kidnapper sa 'yo at alam niyang wala ka sa bahay."

"I can't stay sa bahay dahil wala si Zia! Maalala ko lang siya."

"Sir, lahat ho ng galaw mo ay nakabantay kami. Pati cellphone number mo po," ani Mario. "Mas mainam po na mag-ingat tayo sa mga ikinikilos natin. Ang alam nila ay ako at si Marvin lang ang nakakaalam nito. Kung gusto mo hong mailigtas si Zia, wag natin silang bigyan ng rason para patayin siya."

"Nakuha nyo na ba ang perang hinihingi nila?" tanong ng binata.

"Sir, hindi ho magre-release ang bangko ng ganoon kalaking pera."

"Pera ko iyon kaya may karapatan akong kunin!" madiing sabi ni Reon. "Tawagan mo si Mary, siya ang nakakaalam ng lahat ng bank accounts ko."

"Yes, sir," sagot ni Mario.

"Pero sa ganoon kalaking halaga, isang truck ang kailangan natin, sir," sabat ni Marvin na lumapit sa kanya.

"Iyon ang gusto nila dahil mahuhuli at mahuhuli sila kapag dumaan sa bangko ang pera," sagot ni Reon.

"Sir, umuwi na ho kayo ni Marvin, kami na ang bahala rito," muling pakiusap ni Mario.

"Damn!" ani Reon na napilitang lumabas sa resthouse kasama si Marvin.

"Sa condo na lang ho tayo, sir. Babantayan kita."

"Are you sure na wala kang kinalaman dito, Marvin?" seryosong tanong ni Reon kaya nagulat ang bodyguard pero agad namang nakabawi.

"Naiintindihan ho kita, sir. Alam kong naguguluhan ka lang."

"Sagutin mo ang tanong ko, Marvin!"

"Naghihirap ako ngayon dahil kay Anica. May mga contract ho siyang babayaran pero kahit kailan, hindi ako humanap ng pera sa maling paraan, sir. Hindi ho nabibili ng pera ang aking dignidad!" madiing sagot ni Mavin kaya napatango si Reon.

"Pasensya ka na, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Wala ho iyon, sir."

"Pero sino? Sino ang punyetang gagawa nito sa amin ni Zia?"

"Ang dami mo hong naging kalaban sa business, sir. Tingnan mo ho kung sino ang mga nalugi sa kompanya o ang mga tinanggihan mong projects," payo ni Marvin.

"Wala nang oras."

"Subukan mo pa rin po."

Nang dumating sila sa condo, nasa lobby sina Maricar at Chester na naghihintay sa kanila.

"Pasok ho kayo," ani Reon.

"May balita na ba sa pamangkin ko?" puno ng pag-alala ang boses ni Maricar.

"Wala pa ho. Hindi pa tumatawag ulit ang kidnappers," sagot ni Reon at isinara ang elevator.

"Sino ang may kagagawan nito?" tanong ni Chester nang makapasok na sila.

"Wala akong idea," sagot ni Reon.

"Kasalanan mo 'to eh!" paninisi ni Chester. "Kung hinayaan mo siyang umuwi sa amin, hindi na sana siya napahamak nang ganito!"

"Walang gustong mangyari ang ganito," sabat ni Marvin kaya sa kanya napatingin si Chester.

"Isa ka rin! Hindi ba't bodyguard ka niya? Bakit wala kayo nang panahong kinidnap niya? Hindi kaya isa kayo sa mga nagplano nito?" sumbat ni Chester.

"Ikaw ang nandoon, bakit hindi wala kang ginawa?" palabang sagot ni Marvin sabay lapit kay Chester na tila naghahamon ng suntukan.

"Tama na!" saway ni Reon. "Kung nahihirapan kayo sa sitwasyon, nahihirapan din ako! Mahal ko si Zia at siya ang lahat sa akin! Masakit sa akin ang lahat ng ito kaya sa halip na magtalo at sisihan, magtulungan na lang tayo!"

Natahimik ang dalawa.

"Tama si Reon," sabat ni Tiya Maricar. "Wag tayong magsisihan. Ang m—mahalaga ay mailigtas ninyo ang pamangkin ko," naiiyak na sabi niya.

"Tama na, Tiya," saway ni Chester. "Ang mabuti pa, umuwi ka na lang ho muna sa Bulacan."

"Hindi ako uuwi nang hindi ko kasama si Zia!" madiing sabi ni Maricar.

"Tama naman si Chester," sabat ni Mario. "Mas mapapahamak ka po kapag nandito ka. Isa pa, ia-update ka naman po namin."

"Sana hindi na lang ako pumayag na pumunta kami sa Baguio," malungkot na sabi ni Maricar.

"Huwag nyo hong sisihin ang sarili ninyo, Tiya," pag-aalo ni Chester. "Ihatid ko lang siya sa Bulacan."

"Ingat kayo," sabi ni Reon.

Nang makalabas na silang magtiyahin, sakto namang dumating sina Jeric at Trina.

"Ano ang ginagawa ninyo rito?" tanong ni Reon.

"Si Zia?" maarteng tanong ni Trina na iniingatan pa ang kuko dahil kakatapos lang magpa-manicure.

"Bakit?" tanong ni Reon.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" natatawang tanong ni Jeric. "Nag-away na naman ba kayo?" Napatingin siya kina Mario at Marvin. "At bakit nandito ang dalawang bodyguard mo?"

"Nasa Baguio si Zia," sagot ni Reon.

"Baguio? Ngayon na ba ang lakad niya?" tanong ni Trina.

"Sino ang kasama niya?"

"Tiyahin at pinsan niya," sagot ni Reon.

"Chester?" tanong ni Jeric.

"Oo." Reon.

"Pinagloloko mo ba kami, Tito Reon? Eh nakasalubong namin sila." ani Jeric na nagtatanong ang mga mata. "May itinatago ba kayo sa amin?"

"Baka bumalik," ani Reon. "Hindi ko alam."

"Kanina pa kami tumatawag pero walang sagot kay Zia kaya pumunta na kami rito. Pero mukhang hindi mo rin alam kung nasaan siya," ani Jeric.

"Bakit ba kayo pumunta rito?" pikong tanong ni Reon.

"Dahil nga kay Zia. May ginawa ka naman bang masama sa kanya?" sagot ni Jeric na lumapit kay Reon. "For christ's sake, hanggang kailan mo sasaktan si Zia?"

"Lumabas na kayo!"

"Nasaan si Zia?" ulit ni Jeric at naglakad patungo sa kwarto para hanapin ang kaibigan.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Sinundan niya si Jeric na ngayon ay nasa shower room na.

"Ilabas mo si Zia!"

"Wala nga siya!"

"Nasaan?" pikong tanong ni Jeric. "Kung wala siya rito, nasaan?"

Napahilamos sa mukha si Reon saka napasabunot sa buhok at tumalikod kay Jeric.

"Nasaan si Zia?" ulit ni Jeric.

"Na-kidnap siya!" napilitang pag-amin ni Reon kaya natigilan si Jeric.

"Kidnapped?" ulit ni Trina.

"Paanong na-kidnap?" hindi makapaniwalang tanong ni Jeric. "Nasaan siya nakidnap at sino ang kumuha sa kanya?"

"Hindi ko rin alam," clueless na sagot ni Reon. "Wala ba siyang naging kaaway sa classroom?"

"Wala!" tugon ni Jeric. "Tahimik lang Zia at hindi siya nakikipag-away."

"Clueless ako," pag-amin ni Reon.

"Matagal ko nang sinasabi sa 'yong bantayan mo nang maigi si Zia!" bulyaw ni Jeric. "Pasensya na po pero napaka-careless mo! Ang higpit mo sa kanya pero hindi mo siya kayang bantayan! Alam mong si Zia ang ipapain nila sa 'yo!"

Sa galit, hinatak ni Reon ang kwelyo ni Jeric. "Huwag mo 'kong sigawan na para bang ikaw lang ang may pakialam!" ani Reon sa nagbabagang mga mata. "Dahil oras na malaman ko kung sino ang mastermind, babalatan ko siya ng buhay! Kakilala ko man o hindi!" Malakas na tinulak niya palayo si Jeric na agad sinaklolohan ni Trina.

"Did I miss something?" tanong ni Monica na pumasok.

"Bakit ka nandito?" gigil na tanong ni Reon.

"Tinawagan ko siya," sagot ni Mario.

"Yeah," pagsang-ayon ni Monica. "Why am I here?"

"Zia was kidnapped," sagot ni Reon na ikinataas ng kanang kilay ni Monica.

"So? Good for her!" taas noong sagot niya.

"At ikaw ang prime suspect!" dagdag ni Reon kaya natigilan si Monica na napatingin sa kanya. "What? Me?" Tumawa siya nang malakas. "Are you kidding me?"

"I'm serious, Monica."

Namewang si Monica. "Tingin mo sa akin, bobo? Kung ako ang dumukot sa kanya, hindi na ako hihingi ng pera, diretso patay na!"

"Paano mo nalaman na humihingi sila ng pera?" tanong ni Jeric.

"W—Well," nagkibit-balikat si Monica. "Ano pa nga ba ang kailangan nila kay Zia? Eh di pera! Bakit ba kinikidnap ang babae tapos tatawag sa inyo?" Napakunot siya ng noo. "Ako ba talaga ang pinaghihinalaan ninyo? Oh c'mon! Desperada ako pero hindi ako ganoon kadesperada!" Humarap siya kay Reon. "Kilala mo ako, Reon! Alam mong hindi ko iyon magagawa!"

"Hindi ko rin inaasahan noon na lokohin mo ako," malamig na tugon ni Reon.

"Nonsense! Uuwi na ako!" inis na sabi ni Monica saka tumalikod pero napigilan siya ni Reon sa kanang braso.

"Let me go!"

"You're not going anywhere!" ani Reon.

"What? Are you insane?"

"Hanggat hindi ko nahahanap si Zia, hindi ka aalis!" sabi ni Reon.

"Are you kidnapping me?"

"Hanggat hindi makabalik si Zia, dito ka!"

"This is kidnapping, Reon! Wala man akong sapat na pera pero lalabanan kita sa korte! At alam ng parents ko na nandito ako! Pati itong pamangkin mo ay witness sa ginagawa mo!" pagbabanta ni Monica.

"Let her go," sabi ni Marvin.

"Wala kang patunay, Reon! Hindi mo ako makakasuhan at kung ano man ang nangyayari sa inyo ni Zia, deserve ninyo iyon!" madiing sabi ni Monica sabay tulak sa binata. "At hindi lang ako ang babaeng naghahabol sa 'yo! Ilang babae ba ang pinaglaruan mo? Ilang businessman ba ang tinanggihan mo?" matapang na sabi niya at lumabas.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Jeric. "Magsusumbong ba tayo sa pulis?"

"Wala kayong alam, Jeric. Umuwi na kayo at ipaalam kahit kanino!" pagtataboy ni Reon.

"Gusto kong makatulong," sabi ni Jeric.

"Umuwi na kayo!" sigaw ni Reon.

"Let's go, Jeric!" yaya ni Trina saka hinila si Jeric palabas ng condo.

Desperadong naupo si Reon sa couch at pinagsusuntok ang ulo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Marvin nang makita si Mario na palabas din.

"May pupuntahan lang," sagot ni Mario. "Bantayan niyo ang cellphone ninyo, i-a-update ko kayo."

"Wala tayong clue," sabi ni Marvin nang sila na lang.

"Magsimula tayo sa mga kakilala ni Zia na alam na may relasyon kaming dalawa," sabi ni Reon.

"Actually, lahat ng taga Westbridge," ani Marvin kaya napabuntonghininga si Reon.












-------------






Alas singko ng hapon, 13 hours matapos ang unang ng kidnapper kay Zia.

"T—Tama na!" nahihirapang pakiusap ni Zia matapos ilublob ang ulo niya sa batya habang nakatali ang magkabilang kamay sa likod. "Tam—" Hindi na siya makahinga nang muling ilublob ang ulo niya. Nagpupumiglas siya pero ang lakas ng kamay ng lalaking tumutulak sa kanyang ulo.

Hinabol niya ang hininga nang makaahon sa tubig.

"Tama na 'yan!" sabi ng dumating na boss kaya inilayo nila si Zia sa batya at muling pinaupo sa silya.

Lumapit ang tinatawag nilang boss na nakaputing maskara kay Zia.

"Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo!" sabi nito na gumagamit ng voice changer kaya hindi mabosesan ni Zia.

"A—Ano ang k—kailangan ninyo?" nahihirapang tanong ni Zia na hindi pa nakabawi ng hininga.

"Ikaw!" sagot nito at mahinang tumawa. "At ang pera ng boyfriend mo."

"P—Patayin na lang ninyo ako!" mahina pero matapang na sabi ni Zia. Alam niyang hindi na siya makakatakas pa dahil armado ang nasa paligid at iilan na lang ang nakidnap na nakakauwi ng buhay.

"Not now. Kailangan ko pa ng pera ni Reon," sabi nito.

"W—Wala siyang ibibigay!"

"Magbibigay siya. For sure nag-iipon na siya ng pera ngayon para mailigtas ka. Hanggang ngayon, ina-underestimate mo pa rin ba kung gaano siya kabaliw sa 'yo, ha?" tanong nito sabay haplos sa namumutlang pisngi ni Zia. "Napakaswerte mo, halos lahat ng lalaki ay nababaliw sa 'yo!"

"M—Magbabayad ka rin!"

Boogsh!

Napatagilid ni Zia ang mukha dahil sa lakas ng pagkakasuntok nito.

"Ganyan ka na nga, matapang ka pa!" anito saka sinundan pa ng isang suntok kaya dumugo ang ibabang labi ni Zia.

"Tama na!" saway ng kakarating lang na nakamaskara din at may voice changer. "Kailangan pa nati  siya para makuha ang gusto kay Reon."

"Woah! Mula pa talaga sa 'yo 'yan ha," sabi ng isa sabay tapik sa balikat ng kasama at iniwan sila.

"Magpalakas ka, hindi ka pwedeng manghina."

"K—Kapag makuha ninyo ang gusto ninyo, papatayin din naman ninyo ako! Ganoon din naman iyon!" sabi ni Zia. "Bakit pa ninyo ako pinapahirapan?"

"Masyado kang matapang, Zia! Napabilib mo ako roon pero wala ka nang kakampi ngayon at malaya akong gawin ang gusto ko sa 'yo!" sabi nito sabay pisil sa baba ni Zia. "Kaya wag mo akong maliitin!"

Napaatras ito nang duraan ni Zia sa mukha kaya malakas na sinampal siya nito.

"Matagal na akong nagtitimpi sa 'yo!" gigil na sabi nito at pinagsasampal si Zia. Walang nagawa ang dalaga kundi tanggapin ang sakit at humikbi. "Wala si Reon para itanggol ka kaya wala ring silbi 'yang mga luha mo!"

"P—Papatayin niya kayo!" pagbabanta ni Zia. "Papatayin kayo ni Reon!"

Lumapit ito at yumuko sa kanya. "Kung makikilala niya kami!" nakangising sabi nito. Napayuko si Zia nang mapansin ang lumabas na kwentas nito. Binitiwan nito si Zia at tumayo nang tuwid.

"I—Ikaw?" hindi makapaniwalang wika ni Zia. Tumalikod ang kausap at lumayo sa kanya. "B—Bakit mo ginagawa ito? A—Ano ang kasalanan ko?" umiiyak na tanong niya pero hindi na ito sumagot at tuloy-tuloy sa paglabas ng silid kaya humagulgol sa pag-iyak ang dalaga.
















Continue Reading

You'll Also Like

181K 3.4K 33
Mahal ni Liam si Rachel at mahal ni Rachel si Liam.. Perfect na sana ang relasyon na meron sila. Pero sabi nga nila, dadating talaga ang panahon na s...
220K 6K 30
Meet Onyx Del Querro, Commander ng Team Delta ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at the same time isang motor racer. Kasama sa kaniyang pa...
627K 6.8K 57
The title says it all! This story is not suitable for all ages. there are scenes or chapters that may contain words or actions na hindi dapat sa mg...
7.8M 302K 54
DDMS BOOK VERSION IS COMING! Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...