Un-tie (R-18)

By Sha_sha0808

478K 19.7K 2.7K

Un-tie (R-18) Ordinaryong estudyante lang ako sa harap ng mga kakilala ko pero nawalan Ng kalayaan mula nang... More

prologue
1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
5
6(R-18)
chapter 7
chapter 8
chapter 9
10
11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
15
chapter 16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
tanong
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
56
57
58
59
60
61
62
Finale

55

5.2K 299 39
By Sha_sha0808











Unedited...








"Ang aga mo ah?" puna ni Mary nang pumasok si Reon.

"Mula nang umalis si Zia, hindi na ako nakatulog," sagot ni Reon at napatingin sa wristwatch. Alas otso pa lang ng umaga kaya wala pa ang ibang empleyado. "Ikaw, ba't ang aga mo?"

"Kailangan kong matapos ang ginagawa ko," sagot ni Mary. "Mag-early out ako later. Nag-Baguio ba si Zia?"

"Yes," sagot ni Reon at kinuha ang cellphone pero mula ngayon, wala pa ring tawag o text mula sa dalaga. "I'm sure nasa Baguio Banaue na sila at nagbe-breakfast."

"Sino ang kasama?"

"Pinsan at tiyahin niya."

"Ba't di ka sumama?"

"Marami pa akong gagawin at dapat na tapusin. Alam mo namang paalis na rin kami."

"Sana all magbabakasyon. Gawa na rin kayo ulit ng baby," sabi ni Mary.

"Soon," ani Reon. "Kapag may maghanap, wag muna ha. Busy ako," aniya saka iniwan si Mary at pumasok sa opisina. Sinubukan niyang tawagan si Zia pero hindi nito sinasagot kaya naisip niya na baka nasa biyahe pa o nagbi-breakfast kaya hindi na niya kinulit pa.

Naupo siya sa swivel chair at napatingin sa litrato nila ni Zia.
"Malapit na tayong ikasal," bulong niya saka kinuha ang litrato at napangiti. "Pangako, hindi na kita aawayin, Zia."

Muli niyang ibinalik ang litrato saka nagsimulang magtrabaho.
Wala siyang secretary ngayon dahil nasa vacation leave kaya siya na lang ang gumawa ng sarili niyang kape.

Nawili siya sa pagtatrabaho pero panaka-nakang tinitingnan ang cellphone pero wala pa ring balita mula kay Zia kaya medyo nabahala na siya. Alam niyang hindi ma-cellphone si Zia pero nangako itong mag-a-update kapag nasa Banaue na. Ang balak nila ay didiretso sa Sagada at pagkatapos ay dumaan sa Baguio kapag pabalik na sa Manila.

"Haist!" Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang number ng tiyahin ni Zia sa contact list. Laking pasalamat niya nang may nai-save siya. Naalala niya nang sinundan niya si Zia, hiningi niya pala ang number nito.

Nagri-ring lang ang number pero hindi sinasagot. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Malapit na naman siyang mapikon kay Zia kaya inabala niya ang sarili sa paggawa sa opisina.

Alas kwatro nang tumawag ang tiyahin ni Zia kaya ahmgad niyang sinagot.

"Tiya!" masiglang sagot niya. "Kamusta kayo ni Zia?"

"R—Reon?"

"Yes po. Ako po."

"R—Reon," ani Maricar. "H—Hijo, buti napatawag ka!"

"M—May problema ho ba?" Biglang sumibol ang kaba sa dibdib niya sa tono ng boses ng kausap. "Tiya Maricar?" Hikbi ang narinig niya kaya napatayo siya. "S—Si Zia ho?"

"R—Reon, si Zia."

"Please tell me po. N—Nasaan ho si Zia, pakausap." Lumakad siya palapit sa bintana.

"W—Wala si Zia, may mga lalaking k—kumuha sa kanya."

Natahimik si Reon. Biglang nablangko ang paningin at isip niya.

"S—Sinubukan namin siyang iligtas pero may m—mga baril sila. Reon, t—tulungan mo si Zia. Hanapin natin siya."

"A—Anong nangyari kay Zia?" mahinang wika niya. Saktong pumasok si Mary kaya napatingin ito sa kanya. "N—Nasaan si Zia?"

"H—Hindi ko rin alam," sagot ni Maricar at humagulgol sa pag-iyak kaya nasuntok ni Reon ang bintana.

"Hey, okay ka lang?" tanong ni Mary na nilapitan siya. "Reon!"
Hinawakan niya ang binata sa braso dahil namumutla ito. "Maupo ka. Ano ba ang nangyayari?"

Hindi sumagot si Reon. Naupo ito habang nakakuyom ang mga kamao kaya kinabahan si Mary. Dinampot niya ang cellphone. "Hello?" siya na ang kumausap sa kabilang linya. "Yes po. What? Si Zia, naduk—" napatingin siya kay Reon na ngayon ay nagwawala at itinapon ang lahat ng gamit. Kinausap niya ang tiyahin ni Zia at hinayaan si Reon na ilabas ang lahat ng galit. "Okay po. Tawagan na lang ho kita mamaya, paki-charge ng celphone mo po diyan sa hospital."

"Fuck!" malakas na sigaw ni Reon kaya napasugod na rin si Jason.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Jason na nagulat sa magulong gamit. "Reon, tol!" Nilapitan niya si Reon at pinakalma. "Maupo ka muna, pag-usapan natin 'to."

"Mapapatay ko sila!" madiing sabi ni Reon at napasabunot sa ulo.

"Nadukot si Zia kaninang umaga. Ang pinsan niya, tinurukan daw nila ng pampatulog. Nasa hospital pa rin silang magtiyahin dahil hindi pa rin nagigising," paliwanag ni Mary at naaawang napatingin kay Reon na wala sa sarili.

"Hindi ko na dapat siya pinayagan!" pagsisisi ni Reon. "Fuck! Bakit niluwagan ko siya?"

"Kidnapping?" ani Jason. "Kung ganyan, kailangan nila ng pera. May humingi ba ng pera sa tiyahin niya?"

"Walang tumatawag," ani Mary.

"Nai-report ba nila sa police?" tanong ni Jason.

"Hindi ko naitanong," sagot ni Mary at muling tinawagan ang tiyahin ni Zia. "Oo, nai-report na ng tiyahin niya."

"Damn!" ani Jason at napatingin muli kay Reon. "Tatawagan ko ang police station at kung may media nang involved." Siya na ang kikilos dahil hindi nila makausap nang matino si Reon.

Inasikaso ni Jason ang lahat.

"Hindi pa natin alam ang nangyari," sabi ni Mary. "O kung ano ang kailangan nila. Kung kidnap for ransom ito, malamang tatawag sila sa tiyahin ni Zia o kay Reon."

"Kay Reon sila tatawag," siguradong sagot ni Jason. "Walang pera ang pamilya ni Zia kaya kung pera ang habol nila, si Reon ang tatawagan nila."

Mayamaya ay dumating si Mario.

"Sir," ani Mario.

"Hindi ako dapat na naging kampante!" bulong ni Reon na tila nasa malalim pa ring pag-iisip.

"Ano ang gagawin natin, Mario?" tanong ni Mary.

"Tatawagan ko ang ibang kasama ko. Papunta na sila rito para kung may tumawag man, ma-trace natin ang location nila."

Si Mario na ang umasikaso ng lahat. Lumipat sila sa meeting room at hinintay ang tawag ng kidnapper dahil hindi pa rin tumatawag sa tiyahin ni Zia.  Dumating na rin ang backup at sinet-up ang mga gamit sa ibabaw ng mesa.

Alas otso nang tumunog ang cellphone ni Reon kaya napatingin sila lahat dito.

"Sagutin mo na," bulong ni Mario nang makitang wala sa contact ni Reon ang tumatawag.

"What do you want?" agad na wika ni Reon. Napahigpit ang hawak niya sa cellphone nang tila baliw na tumawa ang sa kabilang linya.

"Alam mo na pala. Good! Good!" wika nito.

"Hayop ka! Papatayin kita kapag makita kita!" gigil na sabi ni Reon at magwawala na naman sana pero pinigilan siya ni Mario at sinenyasan na kumalma.

"Aaaah!"

"Zia!" bulalas ni Reon at napatayo nang marinig ang boses ni Zia na sumigaw.

"Alam mo na kung ano ang kapalit ng buhay nitong kasintahan mo!"

"Name your price!" sabi ni Reon.

"Fifty billion!" sabi ng nasa kabilang linya. Sumenyas si Mario sa kanya na medyo habaan pa ang pag-uusap nila.

"Pakausap ako kay—"

Hindi na niya natapos nang naputol na ang tawag.

"Nakuha ninyo?" tanong ni Reon.

"Hindi. Masyadong mabilis ang tawag at hindi ma-trace ang numero," sagot ng kasama ni Mario kaya laglag ang balikat ni Reon. Magdamag silang nasa opisina at naghintay ng tawag. Ang iba ay kani-kaniyang position na sa paghiga para makaidlip. Umuwi na rin sina Jason at Mary dahil wala naman silang maitulong.

"Si Marvin?" tanong ni Mario kay Reon. "Natawagan mo ba siya?"

"Huwag mo siyang istorbohin, buntis si Anica."

"Pero kailangan ho natin siya kapag alam na natin kung saan si Zia. Siya ang sniper sa aming dalawa," sabi ni Mario. "At tingin ko ho, hindi basta-basta ang dumukot kay Zia dahil mukhang napaghandaan nila ang lahat."

"Magdagdag tayo ng tao!" ani Reon. "Tawagan mo ang mga kasama mo pati si Marvin."

"Hindi po basta-bastang nagre-release ng tao kapag walang pahintulot ni Madam," paliwanag ni Mario.

"Sino ang in-charge ng mga tao ngayon?"

"Si Madam E ho," magalang na sagot ni Mario.

"Bakit siya? Nasaan ang iba?"

"Nasa bakasyon ho si Sir Dale."

"Damn!" ani Reon at tinawagan si Empress.

"Tumawag ka?" mataray na sagot ni Empress sa kabilang linya.

"Tita, I need your help po," pakiusap niya.

"No!" madiing tanggi nito. "Hinding-hindi kita tutulungan ano man 'yang problema mo! Hindi ko pa rin makalimutang ang kasalanan mo!"

"Tita please, na-kidnap si Zia!" pakiusap niya. "Kung ano man ho ang nagawa ko sa ahas, pasensya na po talaga pero kailangan ko si Zia. Without her, I die."

"Hangin ba siya? Tubig?" sarcastic na tanong ni Empress.

"P—Please," naiiyak na pakiusap ni Reon. "I—Ikaw lang ang makakatulong sa akin."

"Ibigay mo ang cellphone kay Mario," ani Empress kaya inabot ni Reon ang cellphone kay Mario at ito na ang kumausap kay Empress.

"Sir? May naghahanap daw sa 'yo sa baba," sabi ng lalaking pumasok. "Pinsan at tiyahin daw ni Zia."

"Huwag mong paakyatin, bababa ako," utos ni Reon saka humarap kay Mario. "Lumipat tayo ng location, masyadong matao rito. Sa likod na kayo dumaan."

"Yes, sir!" sabi ni Mario. "Pero sasama ako sa 'yo. Kami pa rin ni Marvin ang bodyguard mo."

"Okay, saan na siya?"

"Papunta na," sagot ni Mario.

"Bababa lang ako. Sumama ka sa akin."

Bumaba silang dalawa.

"Hi," bati ni Reon. "Okay lang ho ba kayo?"

"Kakagising lang ni Chester kaya hindi kami kaagad nakabalik dito. R—Reon, si Zia!" umiiyak na sabi ni Maricar at hinawakan ang magkabilang kamay niya. "Parang awa mo na, tulungan mo kaming hanapin siya."

"Gagawin ko ho ang lahat tiya," pangako ni Reon.

"Walanghiya ka!" gigil na sabi ni Chester na susugurin sana si Reon pero hinarangan ni Mario. "Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ito nangyari sa pinsan ko!"

"Sir, kumalma ka po," pakiusap ni Mario.

"Ano ang ginawa mo kay Zia? Kung alam lang namin na malagay sa panganib ang buhay niya, hindi na sana kami pumayag na sumama siya sa 'yo!"

Napayuko si Reon. Alam niyang siya naman talaga ang dapat na sisihin sa lahat.

"Sir, wala hong kasalanan si Sir Reon," sabat ni Mario. "Wala hong gustong mangyari ito."

"Ang tahimik ng buhay namin kung hindi ka pumasok!" ani Chester. "Ngayon, maililigtas pa ba ng pera mo ang buhay ng pinsan ko?"

"T—Tama na," pakiusap ni Maricar na niyakap ang pamangkin. "Tama na, Chester."

"I'm s—sorry," paumanhin ni Reon at napahilamos sa mukha. "Tama kayo, kasalanan ko ang lahat ng ito."

Biglang natahimik ang kapaligiran.

"Hahanapin ko si Zia kahit na anumang mangyari!" determinadong wika ni Reon. "Pangako, ibabalik ko ho ang pamangkin ninyo."

"Tutulong ako sa paghahanap. Ire-report ko sa police ito!" ani Chester.

"Wag," pakiusap ni Reon. "Mas lalo lang mapahamak si Zia."

"Ano ang balak mo? Hayaan na lang na mawala ang pinsan ko?"

"Sir, wala hong pulis dahil mas lalong mapahamak ang pinsan mo," sabat ni Mario. "Handa kaming ibigay ang pera kapalit ng buhay ni Zia."

"Punyetang pera na 'yan!" ani Chester. "Tutulong ako sa paghahanap sa pinsan ko."

"Huwag, hintayin na lang natin na tumawag ang kidnapper at ibigay ang pera. Ang mahalaga ay ang kaligtasan ni Zia. Makikita ko pa naman ang pera," tugon ni Reon na naikuyom ang kamao.

"Sir!" ani Marvin na kakarating lang.

"Marvin, pakihatid sina Chester at Tiya Maricar sa hotel," sabi ni Reon.

"Yes, sir."

"Tiya, matulog muna kayo."

"H—Hindi ako makakatulog," sabi ni Maricar.

"Pero kailangan mong magpahinga, tiya," ani Chester kaya pumayag si Maricar na umuwi.

"Ano ang balak mo?" tanong ni Mario nang pabalik na sila sa conference room.

"Hahanapin ang mastermind at iligtas si Zia!" sagot ni Reon at pumasok.

"Lipat na ho kami sir," sabi ng nakasalubong nila.

"May nakita na ba kayong lilipatan?"

"Sa resort ho ni Ma'am E," sagot nito. "Nandoon na rin ang ibang tauhan na tutulong sa atin."

Nakahinga nang maluwag si Reon. Alam niyang hindi siya matitiis ng tiyahin kahit na galit ito sa kanya.

"Maiwan ka muna," sabi niya sa lalaking may hawak ng computer.

"Sir."

"I-hack mo ang cellphone number nito. Kunin mo ang lahat ng nasa contact list niya pati na ang IP address," sabi ni Reon saka ibinigay ang cellphone number ni Jeric. Gagawin niya ang lahat mahanap lang si Zia kahit na maubos pa ang lahat ng ari-arian niya.

"Yes, sir!" sagot nito.

"Hindi basta-basta ang kidnapper ni Zia," ani Mario. "Matagal niyang pinag-aralan ang kilos nito at alam nito ang kakayahan mong iligtas siya kaso sa dami ng naging kalaban mo, mahirap hulaan kung sino sa kanila."

"Ako ang target nila," ani Reon.

"Pero hindi ka niya matiyempuhan kaya ginamit niya si Zia," wika ni Mario.

"Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang ako ang binangga niya!" palabang wika ni Reon.

















Continue Reading

You'll Also Like

238K 4.1K 56
Him: I'll f*ck you hard and deep, Baby. I'll f*ck you . . . until you beg for it. One month later... Him: Dammit! You're begging to be f*cked, aren't...
1.5M 52.7K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
116K 5.6K 52
Another sexy Romantic - Comedy story. Kesslee Avalos was in dire need of getting pregnant to baby trap her long time boyfriend. So she will ask her b...
2.8M 12K 5
Megan Buenaflor. The stereotype of a typical province girl. Inosente, mahinhin at masunurin. Kaya nang minsang pagsabihan siya ng kanyang ina na akit...