My Genetically Modified Love

By GreenInked

1.1M 14.7K 1.6K

"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak... More

1:*Not Your Ordinary Day
2: The Baby Named Avie
3: Who's Your Daddy?
4: Going Back A Few Years Ago
5: Si Dave, Si Avie at Ako
6: Ako?!! Weh?! Di nga?!!
7: Ang Sabi Ko Sasama Lang Ako
8: Wanted: Perfect Wife
9: You, me and Avie
10: I Smell Bitterness In The Air
11: The Massage
12: Round Two! ding! ding! ding!
13: Teacher Michael
14: Zoo-per 'date'
15: Michael Vs. Dave
16: Walang Tulugan
17: Meet The Parents
18: Mangga, Santol at Bayabas
19: Having Avie
20: Happy 4th Birthday Avielle Marie!
21: Dancing Away With My Heart
22: The Birthday Gift
23: Si Mommy Kasi Eh!
24: Last Night Was.....
25: The Company Outing
26: When the Truth Catches Up
28: The Playgirl in Action
29: The Great Pretender
30: The Day I Said Goodnight
31: Si Deedee
32: Unresolved Issues
33: My Very Own Christian Grey
34: *My Very Own Christian Grey Part 2
35: Legalities
36: Angels Brought Me Here
37: Goodbye Dati naming Buhay
Goodbye Dati Naming Buhay
38: *The boy named 'Derek'
39: Surprise Surprise!
40: *Si Jayjay
41: Seducing My Husband
42: It's All About Trust
43: It's All About Trust Part 2
44: When The Road Runs Out
45: One Brown Envelope
46: Wag Kang Iiyak
47: *Project: Daddy's Back
48: Project: Daddy's Back 2
49: Back To Square One
50: Prince Charming
51: A Deal with Avie
52: Whether you like it or you like it
53: It Takes Two to Tango
54: Initiating Peace Talks
55: Bati na Tayo?
56: The Hot Wife Is Back Along w/ Everything Else
57: The Ghost of Ex-fling's Past
TheGhost of Ex-fling's Past Part 2
Triple Trouble
Mommy's Day
Daddy Wars
Define Crazy
Twists and Wrong turns
The Day The Love Died
The Day The Love Died 2
Kidnapped??
La Isla Dianna
La Isla Dianna Part 2
Epilogue

27: She Can't Know

16.9K 200 20
By GreenInked

[DAVE'S POV]

Aminado ako sa mga kagaguhan kong nagawa.

Gagawan ko nalang ng paraan, hindi pa naman halata at hindi pa naman niya alam.

She can't know. It'll surely ruin us kapag nagkataon. Ayokong mangyari yun, I can't lose Dianne again.

"Baby sorry na, bati na tayo" I hugged her waist. Nakatapat ako sa sikmura ni Dianne dahil nakaluhod ako, I gently kissed it sa ibabaw ng robe niya. "I'm sorry baby" ang alam ni Dianne para sa kanya yun, pero para yun sa baby. I coudn't be more sorry para sa baby sa loob niya. "We can't tell mommy yet because she's not ready for you" I whispered to her tummy.

"Dave tumayo ka na nga jan, ok na, halika na bati na tayo" sabi niya. She even pulled me up. I wanted to smile at her pero I can't. Alam kong hindi ko maiitago yun dahil sooner or later makakaramdam rin siya ng sintomas. Sana lang handa na akong tanggapin ang magiging reaksyon at disisyon niya.

"Baby may masakit ba sayo? May gusto ka ba? May nararamdaman ka bang kakaiba?" I asked her, I have to double my care sa kanya lalo nat pinaka kritikal at first three to four months.

"Ahm wala naman on all three questions, what's wrong with you? Parang di ka mapakali" naka-kunot noong tanong niya sakin.

"Baby gusto ko lang alagaan ka, saka part yan ng panliligaw ko sayo" I couldn't look straight at her. I kissed her hand. "Baby kapag may gusto ka o di kaya may kailangan ka sabihin mo agad sakin ah?" I hugged her gently. Gustong gusto kong ipadama kay Dianne na sobrang safe siya at wala siyang kailangang ika-stress.

"O-okey?" sabi niya. Alam kong naweweirdohan na siya sa ginagawa ko. "Baby matutulog nako inaantok nako eh, ikaw ba? Ok lang kung gusto mo pang uminom sa labas kasama yung employees mo" sabi niya.

"Matutulog narin ako" sabi ko. I watched her walk towards the bed at kinuha yung towel sa ibabaw nito. She's drying her hair nung pumasok ako sa bathroom.

Napangiti ako nung nakita ko siyang nakahiga na sa bed. Talagang sinusunod niya yung usapan namin na matutulog siyang walang damit habang nasa mommy niya si Avie. Kausap niya sa phone si Avie, she checks up on Avie every four hours.

"Ayan na pala si daddy baby, you want to talk to daddy?" she handed her phone to me.

"Hello baby" pangbungad ko kay Avie. I can tell she's having a great time sa bahay ng mga pinsan ni Dianne. She asked kung pwede pa siyang magtagal don. Pakiramdam ko nagpaalam na siya kay Dianne, paglingon ko kasi kay Dianne sumesenyas siya that I should say 'yes'. Ayaw ko namang ipaglihi sa sama ng loob yung anak ko kaya "Yes baby, payag si daddy basta behave ah?" nailayo ko yung phone sa tenga ko dahil biglang sumigaw ng yehey si Avie. "Sige baby eto na si mommy ulit" inabot ko na yung phone kay Dianne. She kissed me bago kunin yung phone.

"Thank you" nakangiting sabi niya saka kinausap ulit si Avie. They went on for 30 minutes. Ayaw pa sana ni Avie na ibaba pero late na kaya dapat matulog na siya kaya binaba na ni Dianne. Hindi rin naman pwedeng magpuyat si Dianne dahil it's bad for our other baby.

Mahigpit ang yakap ni Dianne sakin habang natutulog siya. Ako naman hindi ako dinadalaw ng antok kahit madaling araw na.

"Baby, ikuha mo naman ako ng water" tinapik niya ako akala niya siguro tulog ako. Matakaw sa tubig si Dianne. Kaya sobrang kinis ng balat niya eh Bihira lang siya magkaroon ng skin blemishes dahil bukod sa takaw niya sa tubig at healthy palagi ang kinakain niya, doctor pa siya.

That explains why she looks like a goddess. Bumangon ako at pumunta sa pantry ng cottage namin may mini fridge kasi dun. Kumuha ako ng dalawang bottle ng water and came back to her.

Hindi tinanggap ni Dianne yung water. "Baby bakit?" I asked.

"Baby I don't drink cold water remember?" dismayadong sabi niya.

"Oh sorry" nagmadali akong bumalik sa pantry. Sinalin ko yung water sa baso at hinaluan ng hotwater saka ako bumalik kay Dianne.

"Thank you baby, ambait mo talaga" sabi niya at saka yumakap sakin after ko ilagay sa night stand yung baso.

Sa wakas tinamaan din ako ng antok dahil hindi na nanunundot yung konsensha ko 30 mins later.

Alam kong umaga na, may sikat na ng araw galing sa bintana. Masakit ang mata ko sa puyat. Nakainom pa ako kagabi. Sheesh nakainom din pala si Dianne ng beer kagabi. Pero wala naman sigurong epekto yun, sa takaw ba naman ni Dianne sa tubig nawash out agad yun for sure.

Tumagilid ako. Ang sarap sarap matulog at nakakatamad bumangon. I extended my arm para yumakap kay Dianne.

zzz.. 

zzz.. 

zzzzzz..

???

!!!!!

Nasaan si Dianne?!!! 

Bigla akong bumalikwas.

"Baby?! Sh*t! Baby?!" Inangat ko yung kumot, wala na pala akong katabi.

Baka nasa pantry.

I ran papunta sa pantry.

Wala.

Sa bathroom.

Wala.

Napamura ako. Hindi siya pwedeng mawala sa paningin ko dahil kahit anong maling tumba niya, stress o kung ano mang mangyari sa kanya baka mapahamak ang baby namin.

Lumabas ako, maraming bumabati sakin pero wala akong pakialam, kailangang makita ko si Dianne.

Napagawi ako sa beach, I found her. 

Takte! Naglalaro siya ng beach volleyball!

No no no no nooooooooo!!!!!! I ran papunta sa kanila.

"O baby gising ka na pala, sorry hindi na kita inabala feeling ko kasi----" I hugged her. Nagtinginan samin yung mga kalaro niya. Nasa kalagitnaan kasi ng laro pero umeksena ako.

"Baby don't ever do that again" sabi ko habang yakap siya.

"Do what?" she asked.

"Don't leave me alone like that" sabi ko.

"Ha? Bakit may multo sa cottage natin kaya takot na takot ka?" she smiled.

"Wala baby, I just don't want you goin away like that" I smiled at her.

Saka naman kami nakarinig ng malakas na 'Ayiieeeee' galing sa mga employees ko na nanunuod pala samin. 

 "Ladies pahiram muna sa asawa ko" sabi ko sa mga kalaro niya, may nag substitute naman kaya tuloy parin yung laro nila. Nagaalangan pa si Dianne, hindi siguro siya comfortable sa idea ng bigla kong pag sulpot.

"Baby bakit? I just went out tapos inaya akong makipaglaro dahil kulang pa sila kanina. Tingnan mo nga sarili mo mukhang may hang-over ka" inayos pa niya yung buhok ko. I held her hand.

"Baby ayokong mawawala ka sa paningin ko, mas importante ka pa sa kahit anong bagay sa mundo bukod siyempre kay Avie" sabi ko. Seryoso ako, at siya naman ang naka ngiti.

"Baby binagungot ka ba? Gising gising din" tinapik tapik pa niya yung pisngi ko.

"Baby I'm serious" I let out a frustrated sigh. Ang hirap kay Dianne eh Minsan kahit seryoso ka jino-joke ka niya.

"Alam mo baby gutom lang yan, halika para makapagbreakfast ka" hinila niya ako papunta sa restaurant.

We went to the resort's souvenir shop after kumain. Maraming pinamili si Dianne na pasalubong para kay Avie at sa ilang officemates niya.

She didn't have to pay dahil compliments nalang daw yun ng manager ng resort. Sus! Type lang kamo ng manager si Dianne. Abot tenga kasi ang ngiti ng manager habang nagtatanong si Dianne tungkol sa resort.

Ang ganda ganda naman kasi ng girlfriend ko at nagkataong naturally blooming siya. She called Avie agad para sabihin yung tungkol sa mga pasalubong niya.

"Baby ako na magdadala" I took the paperbags from her.

"Baby parang may iba sayo ngayon" natigilan ako sa sabi niya. Halata bako? Hindi naman ah?

"Ano baby?" I asked her.

"Parang ambait mo ata, ikaw ha? May kasalanan ka noh?" she smugged at me.

"Ha? Baby wala" I defended myself.

"Suuuus! Then why're you unusually nice?" she asked again.

"Kasi po deserve ng maganda kong girlfriend ang VIP treatment" I hugged and kissed her.

Hindi siya nagsalita. She just stared and smiled at me. "Alam mo kanina ko pa iniintay na sabihin mong joke lang yan" sabi niya

"Baby hindi nga kasi ako nagjo-joke" ang sakit sa ulo ni Dianne.

"Sige na sige na" hinila niya yung kamay ko.

Umakbay ako kay Dianne. Ingat na ingat ako sa kanya. May times na nagtataka na siya sa kinikilos ko pero hindi nalang niya pinupuna.

We went home nung hapon. Mag-gagabi na nung dumating kami sa bahay.

"Mommy!!!!" malayo palang si Avie rinig na yung pagtawag niya kay Dianne. Tumatakbo siya palapit samin.

Wah! Baka mabangga niya yung isa pang baby pagsalubong niya kay Dianne dahil sure akong bubuhatin siya.

"Baby!" I caught her bago pa siya makalapit kay Dianne. "Baby hindi mo namiss si daddy?" I hugged Avie.

"Namiss din po" she giggled and kissed my cheek. Alam kong nagtaka si Dianne pero again hindi nalang siya nagsalita.

"Baby halika madaming pasalubong sayo si mommy" she held Avie's hand nung binaba ko si Avie at pumunta sila sa room.

Paakyat na sana ako ng kwarto nung nakasalubong ko yung mommy ni Dianne. "Dave! Kamusta?" alam ko na ang itatanong ng mommy ni Dianne, she wants updates in 3D and vivid colors tungkol sa baby.

"Mommy ano po eh.. Ahm---" hindi ko alam kung dapat ko nang i-report yung tungkol sa nalaman ko.

"Mommy we need to talk" sabi ni Dianne na nasa taas na sa likod ng mommy niya.

Stairs!!! Nako ang baby ko! Baka mahulog!!! Nasa hagdan pa ako, nagmadali akong paakyat at ipaurong si Dianne palayo sa hagdan.

"Baby bakit?" nagtataka si Dianne kung bakit ako nagmadaling umakyat at pinaurong siya.

"Wala baby na-excite lang ako nung nakita kita" Whew! Kinabahan ako dun.

"Dianne ano ba yung paguusapan natin? Buntis ka na ba?" natigilan ako.

Buntis...

Buntis...

Buntis...

Nag-echo sa ulo ko yung sabi ng mommy ni Dianne. Pang aatakihin ako sa puso dahil sa alam ko na hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino.

"Mommy hindi po" sabi ni Dianne. Ang sakit palang pakinggan. Alam kong hindi pa naman nafe-feel ng baby pero ako nalang ang masasaktan para sa kanya.

"Ahm mas maganda po yatang doon tayo sa library" I suggested. Sumunod naman silang dalawa sakin.

Inalalayan ko si Dianne na umupo sa malambot na sofa ng library. "Mommy, I love you so much and as much as I want you to be happy at bigyan kayo ng apo, hindi na po kasi ako komportable sa mga suggestions niyo. Kasi po mommy as of now hindi pa po kasi ako ready" sabi ni Dianne.

Nakikinig lang yung mommy niya. "Dianne why didn't you say so?"

"Mommy I want you to be happy at tuwang tuwa po ako noong araw na nakita niyo si Avie" tears fell from Dianne's eyes. Kumuha ako agad ng tissue. Sa ganito kasing pagkakataon wala talga akong magagawa kundi hayaan siyang umiyak.

"Dianna anak I'm sorry, hindi kita dapat pinangunahan" sabi ng mommy ni Dianne at saka sila nagiyakan.

I excused myself from them. I can't stand it, umiiyak kasi si Dianne. Pumunta ako sa kwarto.

Tinawagan ko yung isang taong palagi kong hinihingian ng tulong tuwing clueless ako sa buhay.Ayun na nga at nakwento ko kung ano yung ginawa ko that night.

Nai-layo ko yung celphone dahil umandar nanaman ang pagkabunga-ngera ni Fel.

"$#^^*%^*$%#%$^*%^* naman! David! Nababaliw ka na ba?! If she's pregnant dapat alam niya kung hindi delikado talaga para sa bata! Anong balak mo?! You can't hide that from her delikado kahit para sa kanya"

"Fel alam ko, pero hindi kasi ganun kadali ang lahat"

"(&*)%&#$^@#%@!%@#^! Lintik nah! Alam mo kung nasa manila lang ako ginulpi kita. May pa 'girl of your dreams'-'girl of your dreams' ka pa!"

"Fel makapang mura ka naman! Tulungan mo nalang ako! Kailangang maalagaan ko si Dianne. Doctor ka din! Sabihin mo nalang sakin kung ano yung dapat gawin!"

"Eh %^&$%^# ka pala David eh! Hanggang kelan mo balak gawin yung pag-aalaga mo?! Mararamdaman niya yan!"

"Fel! Ano ba?! $%#$%# naman! Tutulong ka ba o hindi?!"

Tumahimik sa kabilang linya. Nagiisip na yata. Nakahinga ako ng maluwag nung pumayag na, nagbigay siya ng guidelines, pero nabanggit ko naman na maganda na yung routine ni Dianne kaya hindi magkakaroon ng maraming problema. Pakiramdam ko malulunod ako sa mga nabanggit kaya kumuha na ako ng ballpen at sinulat ko para wala akong makalimutan.

Dapat alerto ako sa:

1. Bleeding. Tsk! Mahirap bantayan yun ah

2. Magsusuka siya kaya dapat laging hydrated. Hindi na problema yun dahil matakaw siya sa tubig at juices.

3. Fever.

4. Pains

Marami pang nabanggit hindi ko nalang nasundan. Alam ko naman yung ibang gagawin sa pagbabantay ng buntis. Ang mahirap lang naman ay yung kung papano ako magbabantay kung si Dianne mismo hindi alam na buntis siya.

"Sige Fel, salamat"

"$%^$%^$% ka David! Ayusin mo yang balak mo ah!"

"Oo na! @$#@$#$ Oo na nga!"

The call ended.

"Dave sino yun?" Nako patay! Nakakunot ang noo ni Dianne sa likod ko.

"Si Feli... Felicito baby, client namin" Napalunok ako nakatitig na nakatitig kasi si Dianne. I smiled at her to ease the tension.

"Felicito? Lalaki? Para kasing babae yung kausap mo" Patay parang hindi yata naniniwala si Dianne. Nagsisimula na akong pagpawisan.

"Baby iba lang boses nun kasi nasa phone, napagod ka ba baby? Halika na matulog na tayo" nakangiting sabi ko. Inalalayan ko siyang humiga.

"Siguraduhin mo lang lalaki yun ah" parang umiinit ang ulo ni Dianne, napangiti ako sa idea na nagseselos siya.

"Oo baby lalaking lalaki yun, wala lang yun nagveverify kung tuloy yung contract namin dahil wala ako sa meeting nung nagcontract signing sa company niya" I hugged her. "Baby galit ka?"

"No, diba sabi mo naman behave ka?" sabi niya habang umaayos ng higa.

"Behave na behave po ma'am" sabi ko at sumaludo pa. "Ma'am?" I called her attention.

"Ow bakit?" she asked.

"Permission to kiss you, ma'am?"

"Permission granted" I kissed her goodnight. "Matulog ka na nga puro ka kalokohan!"

Continue Reading

You'll Also Like

131K 3.1K 52
What will you do if you end up in someone else body?
949K 13.7K 58
An Excerpt Shock siyang tumingin sakin habang hawak hawak ang pisngi niya na tinamaan ng sapak ko. I looked at him evenly in the eyes. Kung walang...
9.3K 204 20
Isang babaeng nainlove sa kanyang bestfriend. Eto ang revelation guess what bakla yung bestfriend kaya naman itinago niya ang kanyang nararamdam. Isa...
99.5K 4.1K 34
Sabi nga sa kanta, "How can I moved on? When I'm still in love with you?" Mahal pa kaya nila ang isa't isa? Posible nga kaya ang second chance?