Glistening Lantern (Gazellian...

By VentreCanard

1.9M 150K 59.2K

Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have ma... More

Glistening Lantern
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 44

20K 1.5K 246
By VentreCanard

Chapter 44: Disappearance

It was very unusual for Howl to use his bare hand rather than his hand with magic. Maybe because he's all aware that even if he tries to use his power, nothing will happen.

It's the timing. We're still going to dance with the old ruin's rhythm. Sa halip na labanan at salungatin ang gusto nito ay dapat namin itong salubungin at talunin sa paraang kanyang nais.

When Howl opened the door, we were welcomed by a very strong wind. The door almost hit him but Caleb was too quick to move in front of him to destroy it with his simple punch.

Agad kong pinagliwanag ang mga kamay ko upang alalayan ang sarili ko sa lakas ng hangin na pilit tumutulak sa amin pabalik sa silid na ngayon ay unti-unti nang nasisira dahil sa hangin.

The vintage library with its beauty started to turn into a disaster as the old pages of different books twirled in every place as if it I could see a hurricane of words, wood, shred of glasses, and even small feathers of the quill.

How could they ruin this beautiful library? Hindi ba nila alam na maraming naghahangad magkaroon nito?

As the wind got stronger, the fragments of the wooden door turned like sharp needles. We couldn't move forward even an inch as we try to struggle against the strong wind.

Kapwa nakaangat ang mga braso nina Caleb, Iris at Tavion upang protektahan ang kanilang mga mata sa anumang puwedeng tumama sa kanila, habang ang mga kamay naman namin ni Howl ay nagliliwanag upang alalayan ang sarili.

Caleb tried to look back at me.

"I am okay, Caleb. We should do something about the wind." Pinasok ko na ang isipan niya para hindi na siya bumalik pa sa tabi ko.

"D-does anyone here can control the wind?" nahihirapang tanong ni Rosh sa likuran ko.

I couldn't look back at him, but at the side of my eyes, I could see moving vines deflecting some fragments of the library that were about to hit us.

"We need to advance," sigaw ni Howl.

"By strength? Are you going to make some spells? We can't push forward! Sobrang lakas!" sigaw rin ni Tavion.

"Shit!"

"Iris!"

Nang subukan ni Iris humakbang ay mas itinulak lang siya ng hangin, nawalan siya ng balanse at agad siyang hinipan ng hangin. Her body was about to join the hurricane behind us but Tavion immediately grabbed her hand.

It distracted my concentration and made me step backward. Akala ko ay tuluyan na akong itutulak ng hangin at tatangayin nito nang hinayaan ni Caleb ang sarili niyang dalhin ng hangin hanggang sa umabot siya sa akin at iharang ang sarili sa likuran ko.

"Y-You okay?"

Hindi ako nakasagot sa kanya nang makita kong may tatama sa kanyang matalim na kahoy. I turned my body in front of him, I allowed the wind to push my wholeness on him as I spread my arms between him to protect us together.

Napaatras na ang isang paa ni Caleb habang ang dalawa niyang braso ay nakayakap sa akin.

"T-This would be easy if Casper is here."

Sa gitna namin ay si Rosh na napalingon sa eksena naming apat. Habang si Howl ay may sariling mundo at pilit na humahakbang patungo sa pinto.

"Howl, you should cross the door!" sigaw ni Rosh.

"Can't you see? I am trying!"

Gumagawa na ng lubid si Howl gamit ang mana niyang nagliliwanag pero sa tuwing umaabot iyon sa pinto ay naglalaho lamang iyon.

"Shit!"

Habang sina Caleb at Tavion ay hindi na magalaw sa aming sitwasyon. Hindi kami makakilos nang maayos dahil sa tindi ng lakas ng hangin.

Akala ko ay tutulungan kaming apat ni Rosh pero tinapunan lang kami ng tingin at sumunod na siya kay Howl. He didn't even care with the fragments that are about to hit us.

"Le'Vamuievos!" sigaw ni Caleb.

Kaya hirap na hirap ako na protektahan kami ni Caleb pati na rin sina Tavion at Iris na ngayon ay pilit pa rin naghihilahan. Mas malayo na sila sa amin ni Caleb.

"I am just an extra character. Kaya ninyo na iyan ni Tavion," sagot niya na hindi na kami nilingon.

"What the hell is wrong with him?" tanong ko.

"He's unpredictable," sagot ni Caleb.

Habang nakayakap pa rin ako kay Caleb ay pilit na siyang humakbang pero ang mga mata ko ngayon ay naroon na kina Tavion at Iris.

"Should we help them?"

"Kaya na iyan ni Tavion. Just protect us from the things that might hit us," tumango ako sa sinabi ni Caleb.

I could see Rosh's movement in front of the blurry and cracked mirror fixed in the wall. Malapit na siya sa likuran ni Howl.

"What is he trying to do?" rinig kong bulong ni Caleb na pinapanuod rin si Rosh.

Habang hirap na hirap kaming apat sa pagprotekta sa isa't isa ay nakikita ko ang ginagawa nina Rosh at Howl.

Rosh positioned himself behind Howl until he could touch him. With his left arms, he tried to push himself on him to help Howl make his new more steps.

"What the—" gulat na sabi ni Howl na napalingon kay Rosh na itinutulak siya.

"Someone should cross that damn door!"

Buong akala ko ay pagtulak lang ang gagawin ni Rosh, but as he struggle to push Howl forward his vines were starting to curl around Howl's waist.

"The mana can't reach the door but I think my vines can do the job and make it a rope for everyone!" sigaw niya.

Ilang hakbang na lang ay malapit nang maabot ni Howl ang pinto, kaya mas nilakasan ni Rosh ang pagtulak kay Howl.

Napamura si Caleb nang makita niyang hindi man lang siya makatulong sa dalawa. Sa mga oras na iyon ay wala rin magagawa ang kapangyarihan ko. Even Tavion and Iris were in difficult positions.

Pero nang mas lumakas ang hangin mas umatras pa kaming lahat, ilang hakbang muli ang inilayo nina Rosh at Howl sa pintuan.

"Shit!"

Ilang mura na ang narinig ko at hindi ko na malaman kung kay Tavion, Howl, Rosh o Caleb ko ba iyon naririnig.

"I don't have any choice!" sigaw muli ni Rosh.

Hindi ko agad naintindihan ang ibig sabihin at sa bilis ng pangyayari ay napasabay na rin ako kina Tavion at Caleb sa matinding pagmumura kay Rosh.

Because the damn prince just used our bodies!

Rosh used two of his straightened and strengthened vines that were spiraled around his arms to push himself toward Howl. Marahas itinulak ng kanyang mga halaman ang likuran ko at ni Tavion upang higit silang matulak ni Howl sa pintuan.

What's worst?

Tumilapon na kaming apat sa malakas na hanging umiikot sa paligid kasama ng mga sirang kagamitan ng silid.

But our hatred was just for a split second as Rosh jumped back at the room confidently as if he agreed to be part of the wild wind around us. Another vine was wrapped around his waist as which was already connected with Howl outside of the door with his best position.

Nakapulupot sa katawan ni Howl at sa kanyang mga braso ang halaman ni Rosh. Hindi siya nakatayong tuwid tulad ng lagi kong nakikita, but the difference of his posture made me see him as someone we could really rely on— imahe niyang kailanman ay hindi ko inakalang makikita ko ng ganoon.

Howl's knees were spread and quite bent as his arms, now exposed with prodding veins, his white sleeves folded elegantly, and eyes focused with all of us.

Sa ilang segundo namin sa hangin ay agad kaming naabot ng mga halamang lubid ni Rosh at agad niya kaming inihagis sa mas malaking halamang siyang nakapulupot sa kanya.

Isa-isa kaming humawak roon habang si Rosh ay nanatili sa aming dulo.

"Rosh is right! A rope made of mana will not help us! His vines can help us!" sigaw ni Howl na alalay ang katawan ni Rosh.

"You should just join—" natigil si Caleb sa kanyang sasabihin nang sabay-sabay na kaming lumingon pabalik kay Rosh.

The vines remained sturdy and not moving because we have two forces on both ends. Si Howl na ngayon ay nakatawid na sa pintuan at si Rosh na ngayon ay kumukuha pa ng mga halamang ugat sa ilalim ng lumang gusaling ito at ipinupulupot niya iyon sa kanyang mga binti.

"Move quickly! I can't hold this any longer! Liliparin na naman tayong lahat!" sigaw niya sa amin.

Nasa unahan na si Iris at pilit na siyang itinutulak ni Tavion. Kung kanina ay lubos na ang kaba at takot ko nang biglang tumilapon ang mga katawan namin at muntik nang sumama sa hangin, ngayon ay kakaibang kaba ang siyang nararamdaman ko.

Ito ang bagay na hindi ko nais maramdaman. Tila biglang natahimik ang paligid, nawala ang ingay ng mga papel na nagliliparan, ang mga parte ng kahoy, basag na salamin at maging ang patuloy na sigaw ni Howl.

Tila bumagal ang oras habang pinapanuod kong unti-unti nang nakakarating si Iris sa pintuan habang pilit na itinutulak ni Tavion, at si Caleb na halinhinan ang tingin sa akin at kay Rosh na mas binabalot pa ang sarili.

Bumalik lamang ang tamang bilis ng oras sa aking mga mata nang ilahad na ni Tavion ang isa niyang kamay sa akin, pansin kong nakatawid na rin si Iris sa pintuan at pinapanuod niya kaming lahat ng may pag-aalala.

Nang sandaling mapahakbang pauna si Howl ay pinili nang magpalit anyo ni Iris at tulungan itong hilahin ang gumagalaw na halamang ugat ni Rosh gamit ang kanyang mga ngipin.

"Anna!" mas inilapit sa akin ni Tavion ang isa niyang kamay para hilahin ako pauna.

"Go," bulong sa akin ni Caleb na itinutulak na ako sa aking likuran.

"B-But how about—"

Nang pilit kong silipin si Rosh ay matalim lang ang titig niya sa akin. "Come on! This is not going to be another Gazellian girl who gets attracted to me again? Climb the vines quickly, Callista."

Sa unang pagkakataon ay wala akong narinig na salita mula kay Caleb nang marinig niya ang sinabing iyon ni Rosh. Simula nang dumating ang prinsipeng iyon sa lugar na ito ay madalas na silang magkasalungat sa iba't ibang bagay.

"Listen to him, Anna. You should go," ani ni Caleb.

Hindi pa rin umaalis sa halamang ugat si Tavion nang hindi niya ako natutulungang makarating sa pintuan.

Nang iabot ko ang kamay ko, tipid siyang ngumiti sa akin, mas hinila nina Howl at Iris ang halamang lubid ni Rosh upang higit iyong tumuwid at hindi kami madala ng hangin na pabago-bago ng ihip ng direksyon.

When I crossed Tavion as Caleb watched us over to make sure that he could catch me if another blow of the strong wind might stop me, I could feel his eyes on my back.

Huling pagtulak ni Tavion sa likuran ko ang siyang nagpahinga sa akin ng maluwag, si Iris ay bumitaw sa halamang lubid at iniharang niya ang katawan niya sa akin para hindi ako masaktan sa puwersang ng pagtulak sa akin ni Tavion.

"Salamat. . ."

Hindi kami nag-aksaya ng oras ni Iris dahil tumakbo kami sa unahan ni Howl at tinulungan namin siyang panatilihing tuwid ang lubid na hahawakan nina Tavion at Caleb.

"Let's go, Rosh!" sigaw ni Caleb.

"Are you insane? Someone should hold the rope until the end. Go on. I have plans until you reach the end."

Pansin kong tumagal ang titig ni Caleb kay Rosh bago siya humarap sa aming lahat at hawakan nang mas mahigpit ang halamang lubid. Si Tavion ay napalingon din pabalik pero hindi na nagsalita.

Nang makatawid si Tavion ay napahanga pa siya dahil sa paanong paraan na may napakalakas na hangin sa lugar na isang hakbang lang ang pagitan sa lugar na kahit kaunting ihip ng hangin ay wala.

"It's the power of Fevia Attero," sabi ni Howl na hindi pa rin bumibitaw sa lubid na halaman.

Tavion positioned himself behind Howl and helped us support Caleb. Saglit lang ang pagtawid ni Caleb gamit ang halamang lubid dahil agad rin siyang nakalampas sa pintuan.

He didn't even look at me. Caleb quickly turned his back and grabbed the vines before him to pull it forward.

"Let go, Le'Vamuievos! We can pull you here."

"I know."

Kasabay nang sabay-sabay naming paghila kay Rosh ay unti-unting pagkawala ng mga halamang ugat na nakapulupot sa kanyang binti. We're all moving backward as we pulled Rosh's body.

But as we tried to save the prince who chose to be left behind, my head turned slowly at our back, realizing that we suddenly forgot the time. . .

"We're switching—"

Kasabay nang mas malakas na paghila namin sa katawan ni Rosh ay ang pagpatak ng oras ng pagpapalit ng likuran ng bawat pintuan.

The vines fell off the ground as Prince Rosh's body disappeared in front of our eyes. 

Continue Reading

You'll Also Like

379K 27.9K 44
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
7.6M 438K 63
In the fairy tale, only an act of true love's kiss can melt a frozen heart, a kiss from a prince with his everlasting love. But what happened to my p...
21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...